Unexpected
Ilang araw narin mula ng nangyari ang mga bagay na 'di kapani-paniwala. Mga bagay na mas nakapagpagulo ng magulo kong isip.
Ang babaeng si Blaire? Ewan, di ko na nakita at wala rin akong balak na tawagin siya. Mas lalo lang akong mahihiwagaan sa sarili kong pagkatao.
Rest day ko ngayong araw kaya 'dito lang ako sa bahay, susulitin ko ang araw na ito kasi pag tapos nito ay ilang araw na bakbakan na naman sa palengke.
Natulog lang ako buong maghapon, wala kasing ibang magawa. Hapon na pala at 'di ko man lang namalayan, kumakalam na ang sikmura ko dahil 'di pa pala ako nakapagtanghalian.
"Oh Leon, punta ka muna sa kanto bili ka ng bigas. Bilisan mo't magsasaing na ako."
"Opo nay." Nagmamadali akong pumunta sa tindahan upang bumili ng bigas nang bigla akong harangan ng mga tambay.
"Pre, nagmamadali ako." plain kong pagkakasabi, walang bahid na galit.
"Tagay na muna tayo pre, sige na isang shot lang naman." pag-aalok niya ng isang basong may lamang alak.
"Di talaga pwede e, may pinaguutos pa ang nanay ko at isa pa 'di ako umiinom." sabi kong iniiwasan ang idinudutdot niyang baso sa pagmumukha ko.
"Bakla pala 'to e! Mga pare, 'di umiinom haha uso pa ba yan ngayon? Drama mo!" Sabi nung may hawak ng baso.
"Inumin mo kung ayaw mong mabugbog!" Sabi nung isa habang tawa ng tawa silang tatlo.
Wala akong ibang iniisip ngayon kundi ang makawala sa mahigpit na hawak nung lalakeng may hawak ng baso sa damit ko. Bigla kong naihiling sa isip ko na sana ay tumigil ang oras para matakasan ko sila.
Wala pang isang minuto ng bigla silang 'di nagalaw, pinisil ko pa ang braso nung may hawak ng baso.
Wahaha ngiting-ngiti akong pinalo at pinagsasampal ang tatlo.
"Wengya kayo! Haha oh may nagawa kayo? Nanliliit kasi kayo eh! Kita niyo Haha."
Dali-dali na akong umalis sa harapan nila at nagtago sa isang sulok para maibalik ang paggana ng oras.
Inisip ko lang at voila! Di ko magawa, naku!
Napatampal nalang ako sa'keng noo nang di ko nagawa ang gusto kong mangyari.
Bahala na nga, mamaya ko na lang poproblemahin yan! Bili muna akong bigas.
Pagdating ko sa tindahan ay laking gulat ko nang di rin nagalaw ang tindera. Paktay, pati rin sila? Pano na 'to. Isip Leon bilis!
Paulit-ulit kong hiniling sa isip ko na pabalikin ang paggana ng oras pero wala pa rin. Naku! Ano ba 'tong kagaguhang nagawa ko? Palakad lakad akong nag-iisip sa labas ng tindahan.
Ahh! Biglang nagliwanag ang mundo ko nang maalala ko ang isang babae.
"Just say Blaire and I'll be there."
Napangiti akong bigla at pumikit habang tinatawag ang babaeng manderekwat.
"Blaire!"
Naka-crossed finger at nakapikit parin ako. Bigla akong napahawak sa noo ko nang pitikan ito ng sinuman. Pagdilat ko ay ngiti ang sumalubong sa'ken.
"Ba't mo ko pinitik babae!"
"E sa gusto ko, may magagawa ka?"
"Sa susunod na gawin mo yun---
"Ano?! Papatayin mo ko? Bakit kaya mo?" Sabi niya ng may paghahamon ang boses.
"Sa susunod na gawin mo yun--
"Ano nga?!"
"Pano mo malalaman kung sa bawat intro ko ay pinuputol mo?! Oh ha?!"
"Hmm, go ahead. Spit it out."
"Sa susunod na gagawin mo yun ililibre kita ng kwek-kwek at fishball sa kanto!"
Napakunot siya ng noo. What the!? Pinag-isipan ko pa naman ng mabuti yun! Sa gwapo kong ito? Yun lang magiging reaksyon niya?!
"Blaire? Ahh, sa nakikita mo ay di sila nagalaw kasi ahh, *kamot ulo* kanina kasi inisip ko na tumigil ang oras dahil may iniiwasan ako at nangyari pero nung inisip kong patakbuhin ulit ang oras ay 'di ko na nagawa."
Sabi kong may paghihinayang.
"Ah ganito kasi yan e. Sa ngayon ay lumalabas lang ang pagiging Clockerion mo tuwing kinakailangan mo kasi nga 'di mo pa lubusang tinatanggap ang iyong katauhan at naguguluhan ka pa kung bakit ka naging kaisa namin."
Paliwanag niya saken. Ganon pala yun? So totoong isa akong Clockerion dahil nagawa kong patigilin ang oras? Ahh bahala nga!
"So Blaire, pwede bang pabalikan mo na ang oras sa dati para gumalaw na sila at nang makabili na ako ng bigas?"
Nakangiti kong saad para naman mabilis siyang um-oo.
"Since ikaw ang may gawa ng kaganapang ito ay ikaw lang din ang makakapagpabalik nito sa dati. Ang sinumang Clockerion ay walang kakayahang baguhin ang nagawa ng kapwa niyang time handler."
"So you mean, hanggat di ko tinatanggap ang pagiging isa sa inyo ay 'di ko magagawang ibalik ang natigil na oras dito sa mundo ng mga tao?" Nakakunot-noo kong tanong kay Blaire.
"Oo naman kaya't tanggapin mo na ng buo." nakangisi niyang sagot.
Tumayo ako ng maayos, itinaas ang kanang kamay at huming ng malalim.
"Ako si Leon Hollingworth, nanunumpang tatanggapin ng buong-buo ang pagiging Clockerion ko at ba't ka tumatawa babae!?"
Pikon kong tanong sa kanya dahil seryoso ako tapos tinatawanan niya lang?
"Hahaha para kang baliw! Di ganyan ang pagtanggap at panunumpa! Pfft!"
"Huh? Pano ba ang panunumpa sa Clockiefield?"
"Tatayo ng maayos at ilabas ang dila habang sinasabi ang panunumpa pagkatapos ay hinga ng tatlong beses at ibalik ang dila sa loob ng bibig."
"Huh?" gulat kong tanong. Kaw ba naman, aning kalokohan yan!
"Ayaw mo ata? Di di na babalik tong kinalakhan mong mundo sa dati! Ikaw lang naman ang makakagawa nun pero mukhang di na mangyayari yun."
"Sinong may sabing di ko gagawin?" Wala na akong ibang nagawa kundi sangayonan na lang siya.
Tumindig ako ng maayos at nilabas ang dila.
"Hako hi Leyhon Hollingwhoh,nanunumfahng hahanggafihn nang buh-ohng fuhso ahng pagihgihng Thimeh Handlehr koh." Huminga akong ng tatlong beses at umayos na.
"Pfft! Para kang aso Hahaha"
"Anong tinatawa tawa mo jan babae?!" I glared to her in disbelief. Ginawa ko lang naman ang sinabi niya tapos tatawanan niya lang ako?!
"Hahaha pfft! Naniwala ka naman? Hahahaha" Tawa lang siya ng tawa habang hinihimas ang tiyan.
"Ano?! Niloloko mo lang ako?! P*tangina! Ginawa mo akong tanga!"
Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa galit, di ako makapaniwalang ginawa akong tanga ng isang babae! Ang malala para akong asong hingal na hingal! Bullsh*t.
"Hahaha!"
"Pag di ka tumigil jan sa kakatawa mo na yan, hintayin mo ang ganti ko!"
Pinapakalma ko ang sarili ko dahil 'di pa ako nakakalimot na kahit paano ay babae din itong kaharap ko.
Umayos siya ng tayo at pilit sineryoso ang mukha para harapin ako dahil bakas na bakas sa mukha ko ang galit na tinitimpi lang.
"So Leon Hahaha kasi pahahaha sensya ka na--
Dahil sa galit ko ay sinipa ko ang upuan na dahilan para mapadaing ako sa sakit, napalakas kasi ang sipa ko sa upuan na kahoy at nasira pa ito.
Sumeryoso naman siya at umayos na.
"Sige itawa mo na lahat ngayon." I said in a monotonous tone.
"Ah hindi kasi dapat ganyan Leon ang pagtanggap, hindi yan nag-o-oath taking. You must take it wholeheartedly.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top