The Encounter
"Teka lang Blaire, maghahanda muna ako ng pagkain para kay nanay. Incase magawa ko na ang misyon ko ay may pagkain nang nakahanda sa kanya diba."
Seryoso kong saad sa kanya dahil baka magutom si nanay. Nakakatamad pa namang tumayo lang buong maghapon at pano kung ilang buwan ko pa bago magawa? Minsan kaya nag-iisip din ako no! Kala niyo.
"Kahit minsan ba Leon ay nag-iisip ka din? Pano magugutom yan kung ang oras ay natigil? Syempre kung magawa mo na ang misyon mo ay parang wala lang dahil itutuloy lang oras na natigil."
Sabi niya sa aking may halong pang-iinsulto. Napakakontrabida talaga ng babaeng to sa buhay ko! Pag yan di ko matantsa, itatapon ko ito sa imburnal!
"Ikaw ba ay nagpapaliwanag o nang-iinsulto babae?!" asik ko sa kanya.
She raised her hands as if she was surrendering while her lips forming a smirk on it. Di talaga ako makapaniwala sa babaeng to! Palagi akong iniinis at iniinsulto. Kulang nalang ay iisipin kong may gusto to sa'ken.
"I'm just saying. So tara na? Para naman makakita ka ng totoong paraiso. Di yung puro putikan na eskinita yang naaakit ng mata mo."
At talaga namang nanghahamon ang babaeng to! Dahil babae siya ay hahayaan ko na lang. Para sa dangal at respeto, hihinahon ako.
Di na ako umimik dahil wala rin namang magandang maisasagot ang babaeng to! As if she is created to be my pain in the ass. Ano pa bang iba kong pwedeng iisipin tungkol sa kanya? Hmmp!
Isa siyang babaeng biniyayaan ng magandang mukha, matangos na ilong, mahahabang pilikmata na may chinitang mata, balingkinitan yung katawan at matangkad. Yung tipong pag nakita mo siya ay lalaglag ang panga mo sa tinding agos ng laway mo! Oh yun yun! Pero kung ano naman ang ikinaperpekto ng pisikal na anyo nito ay siyang ikinapangit ng ugali. Ang brutal kung umasta!
Dahil ayaw ko na nang convo lalong lalo na kung siya ang kausap ay sumunod nalang ako sa kanya. Lumabas kami ng bahay at tinahak ang maputik na eskinita patungong walang hanggan ay wala palang konek! Ito seryoso na, tungo sa kung saan niya man gustong pumunta. Nalampasan na namin ang iilang mga bahay at hindi ko alam talaga kung ano ang trip ng babaeng 'to. Dahil ngayon ay nasisigurado kong ang direksyong tinatahak namin ay papunta sa isang mall. Ano naman kayang gagawin namin sa mall? Puno man ng pagtataka ay sumunod parin ako, malay ko bang may vortex dun sa CR ng mall papunta sa ibang dimensyon- Clockiefield. Di ko maipaliwang ang kabang nararamdaman ko; marahil sanhi ito ng excitement sa katawan ko o may masamang mangyayari lang talaga sa aming pagpunta sa mall.
Nakarating din kami sa wakas, andito kami sa may pintuan ng mall. Pagtataka ang bumalot sa 'kin pero di ko siya kailanman pangungunahan dahil iba kung umasta ang babaeng ito. She faced me with a smirk and then the thought hit me. Magnanakaw na naman ba? Wala talagang nagawang mabuti tong babaeng to oo! Tss.
We disappeared to inside, as if there's something we're looking for. The lady whom I followed was far, so I run to her. Inirapan niya lang ako, napapaligiran kami ng mga taong parang mannequin dahil hindi man lang sila gumagalaw. Sinundan ko siya at pumunta siya sa isang jewelry shop, manghang mangha niyang kinuha ang isang 24 carat gold na kwintas. Isinukbit niya pa ito sa kanyang leeg habang tinitingnan ang sariling repleksyon sa salamin. Tiningnan ko lang siya dahil iba siya madistorbo. Pero akala ko talaga ay ibabalik niya sa kinalalagyan pero pusang gala! Hinigit niya ako para umalis, hindi ako nagpatinag sa kanya.
"Leon pupunta ka sa kabilang mundo o tutunganga ka nalang jan? Bilis na may dadaanan pa tayo." Inis niyang saad. Eh kasi naman gusto kong isauli niya pa ang kinuha niya. Kahit naman di kami makikita ay di dapat na pagsamantalahan na lang ang hanapbuhay ng mga tao. Mahirap kaya humanap ng pera nuh!
"Isauli mo yang kinuha mo." I said in a monotonous tone though I want to rip her head off for doing so. Inis na inis na talaga ako sa babae!
"Sayo ba'to? Wag ka ngang OA! Matagal ko na itong ginagawa at di naman nila mapapansin e, intindi mo? You're so affected!" Piling ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at gusto na itong sumabog. Di ako makapaniwala. Ang hirap talagang basahin ng babaeng 'to. But as far as I want her to embrace death, I want to appear in Clockiefield to find my story and it would not happen without her. So I just clenched my fist and tried to calm myself.
Magsasalita pa sana ako nang biglang may mga anino akong nakikita. Nagpalinga-linga ako at sigurado akong di lang ito basta anino lang. Ang bilis ng kilos nila, para lang silang hangin. Tinatangay nila ang ibang tao sa kung saan man kaya bigla akong kinabahan. Ano ang mga nilalang na 'yon? Saan nila dadalhin ang mga tao? At anong gagawin nila sa mga ito? Tiningnan ko si Blaire at nagkibit-balikat lang siya. Parang wala lang sa kanya ang mga nangyayari. May nangyayari palang ganito habang kanilang pinipigilan ang paggalaw ng oras? Ang daming tanong pero niisa ay walang sagot.
"Let's go Leon, ayaw nilang inaabala sila. Sila yung mga sinabi ko sayong mga bampirang time handler. Kailangan ay maglakad ka lang na parang wala lang." Sabi na Blaire na nagsimula ng maglakad, ako naman ay bagama't takhang takha ay sumunod na rin.
May isang bampira ang nakakuha ng atensyon samin, agad agad siyang pumunta sa 'min ni Blaire. Pero parang wala naman siyang masamang gagawin siguro? Nginitian niya si Blaire at gumanti naman ang huli, nang makatapat na ito sa amin ay bigla silang nagyakapan na parang magsyota. Ano 'to, witness ako sa kanilang sweetness moment ganun? Di lang pala ang mundo ng mga tao ang puno ng malalandi? Naiinis ako sa inasta ng bampirang lalake! Ano ba kasing relasyon nila?! Ano ba 'yan, kailangan ko ng lumayo dahil baka gusto nila ng space!
Naglakad ako papunta sa isang bench, nakikita ko pa rin sila. Kahit naman gusto ko nang imalis dahil sa inis ay hindi pwede dahil kailangan ko si Blaire. Ano ba 'yan! Yuck, nagtatawanan pa sila habang magkaakbay! Hindi 'to selos at lalong lalong hindi ko gusto ang babaeng 'yun. Naiinis lang ako dahil sa harap ko ba naman maglalandian? Badtrip diba?
Kung hindi pa naman may lahing manderekwat 'tong babaeng to ay siguro, siguro lang ay kanina pa kami nakapunta ng kabilang mundo. Kaya naman pala ay kumpyansang kumpyansa lang babaeng 'to ay may nobyo palang bampira! Nice! Eh di sila na! Perfect couple diba? Manderekwat at bampira, oh!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top