If The Price Is Right
Likas na negosyante si Sophia “Pia” Beltran. Para sa kanya, lahat ng bagay ay pwedeng lagyan ng presyo. Lahat ng bagay ay kayang mabili sa tamang usapan at tamang tawaran. Hindi man siya pinanganak na inchik pero nasa dugo pa rin niya ang pagiging negosyante.May paniniwala si Pia na ang lahat ng bagay sa mundo ay may katapat na presyo. At lahat ng bagay sa mundo ay kaya niyang ibenta kahit na hangin pa ito. Ika nga, if you want it, you can have it if the price is right! Pero pati ba ang usapang pag-ibig ay kaya din niyang presyohan? Paano kung isang araw ay tatanungin siya ni Nathan kung magkano ang presyo pag magpapangap siyang girlfriend nito ng isang buwan? Pati ba iyon ay kayang niyang presyuhan? At paano ang mga yakap at halik ni Nathan, doble o triple ba ang sisingilin niya? Pero bakit parang hindi na niya iniisip na business transaction lang ang lahat? Bakit parang gusto niyang iextend ang kontrata? Magkano kaya ang sisingilin ni Nathan sa kanya kung sakaling siya naman ang aarkila dito na magpanggap na kasintahan niya ng isa pang buwan?…