Kabanata XXXVIII
[Ikatatlumpu't walong Kabanata]
Nagising ako sa isang madilim at malamig na selda. Hindi ako gaano makagalaw dahil sa bugbog na natamo ko.
Naalala ko pa rin hanggang ngayon ang nangyari sa aking panaginip. May kung anong bumulong sa akin na kakaunti na lamang ang oras ko, at nararapat ko nang gawin ang dapat kong gawin kung hindi mamamatay si Sophia, at hindi ko gusto mangyari iyon.
"A-anak? i-ikaw ba 'yan?" rinig kong tinig ng babae sa dulo ng selda. Pamilyar ang boses nun sa akin kaya agad akong lumapit roon.
Si Donya Victorina.
Sobrang payat na nito at nanghihina. Puro pasa at duguan ang mukha nito. Kinawawa nila ang ina ko!
"F-franco i-ikaw nga, anak ko" hagulgol nitong sabi. Nakakaawa ang kalagayan nito dahil panigurado ako sinaktan nila ito ng husto. Nakakandado ang mga kamay niya sa mga mahahabang kadena.
"Anong ginawa nila sa'yo ina?" nanghihina kong tanong sa kaniya. Aligaga ito at wala sa sarili. Para bang wala siya sa katinuan dahil patingin-tingin ito sa paligid.
"Tinuring nila akong hayop!" paninimula niya na ikinadurog ng puso ko. Patawarin mo ko ina at hindi ko kayo kaagad nailigtas sa tarantadong Miguel na iyon.
"B-binaboy nila ako. I-ibinabato lang nila sa akin ang mga pagkain ko at sa t-tuwing gabi matutulog ako doon nila ako p-pagsasamantalahan. A-at sa tuwing papalag ako, s-sinasaktan nila ako" patuloy na kuwento nito. Agad ko siyang niyakap hanggang sa patuloy na tumulo ang mga luha ko.
"A-ang dumi-dumi ko na a-anak" wika pa nito habang humahagulgol sa sakit. Hindi ko kinakaya ang kalagayan ng aking ina.
"P-patawarin niyo ako" mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko. "Ina, iaalis kita rito, pangako" sabi ko sa kaniya at hinalikan siya sa noo.
Nagulat ako nang biglang may gumalabog. Nilakasan ko ang loob ko at hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Donya Victorina.
"Lubayan mo kami!" sigaw ni Donya Victorina.
"Huminahon po kayo, ako po ito si Consolacion. Ililigtas po namin kayo" biglang gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko ang boses ni Consolacion. "Ako na ang bahala sa iyong ina, hanapin niyo na muna si Leonora, sasamahan ka ni Julio. Magkita na lamang tayo sa may harap ng ilog" dagdag nito.
"Maraming salamat" Ipinapangako ko matatapos na ang lahat sa araw na 'to.
Inalalayan ako ni Julio para isa-isahin ang mga selda rito at hindi kami nabigo agad naming natagpuan si Leonora sa sulok ng selda niya. Ngunit may nakabantay roon na mga guwardiya. Naroon din si Pabling.
"Kung dati pa lang eh sinagot mo na ako edi sana wala ka riyan" natatawang sabi pa ni Pabling kay Leonora.
"Umalis ka rito, sinasabi ko na nga ba at traydor ka! Tarantado ka talaga!" sigaw ni Leonora. Pero bakas sa boses nito ang panghihina.
"Kayo na ang bahala riyan, magpakasaya kayo" huling sabi ni Pabling at iniwan ang selda.
Nang makapasok ang mga guwardiya sa selda ni Leonora agad kaming sumugod ni Julio at binalian ng leeg ang mga iyon. Agad namin pinakawalan at inalalayan sa pagkakatayo si Leonora.
Walang ano-ano agad kaming lumabas sa madilim na lugar na iyon. Gabi na kaya hindi kami gaano mahahalata na tumatakas kami.
"Paano kayo nakapunta rito?" nagtatakang tanong ni Leonora.
"Hindi na mahalaga iyon, ang mahalaga na ligtas ka na ngayon" sagot ko sa kaniya at pinagpatuloy ang pagtakbo upang makarating kaagad sa ilog. Medyo nanghihina na ang mga tuhod ko kaya bigla akong natumba na siyang naging sanhi ng ingay sa paligid.
"Bumangon ka riyan" bulong ni Leonora at inalalayan ako tumayo.
"Anong ingay iyon?" rinig kong tanong ng isang guwardiya. Ngunit malayo na kami sa kanila kaya hindi nila kami makikita.
Malapit na kami sa ilog na pagkikitain namin nila Consolacion. Nagulat ako nang biglang may humatak kay Leonora.
"Akala niyo ba matatakasan niyo ako?" rinig kong tinig ng lalaki sa likod ko. Si Don Miguel. "Masiyado niyo akong pinapagod, ang dapat sa inyo ay patayin!" sigaw niya at inilabas ng rebolber niya at tinutok sa akin.
"Huwaaaaaaaaag!" sigaw ni Consolacion at ni Donya Victorina. Nagulat si Don Miguel kaya nadaplisan lamang ako sa pisngi. Napaupo ako dahil bigla akong nahilo at nanghina.
"Consolacion? Tinutulungan mo sila? Kumakampi ka sa kanila kaysa sa akin?!" sigaw ni Don Miguel.
"Ganoon na nga! Hindi mo ba napapansin ang kahibangan mo ama? Sumusobra ka na!" sagot ni Consolacion.
"Para sa atin iyon anak, hindi mo ba pinapahalagahan ang mga ginagawa ko?"
"Para sa iyo lamang ang iniisip mo ama, kahit kailan hindi ko hinangad ang maging mapagmataas at maging mapagsamantala sa kapangyarihan. Kahiya-hiya kayo ama, ni hindi niyo nga iniisip ang nararamdaman ko sa tuwing gagawa kayo ng masama"
"Patawarin mo ako anak, naging makasarili ako" tuluyan nang binitawan ni Don Miguel sa Leonora at napaluhod at humingi ng tawad sa amin.
Nagulantang kami ng may magpaputok ng baril sa hindi kalayuan. Si Pabling ang nagpaputok non habang nakasakay sa kabayo.
"Dito na lang ba ito matatapos?" tanong ni Pabling at itinutok sa amin isa-isa ang kaniyang baril.
Nakatingin ito sa akin ng masama. Muli niyang tinutok ang baril sa akin at pinaputok iyon. Laking gulat ko nang humarang si Don Miguel at siya ang natamaan. Naliligo na ito sa sarili niyang dugo habang ako ay nakatulala lamang sa nangyayari.
Nagulat si Pabling sa nangyari dahil napatay niya ang sarili niyang ama. Laking gulat namin nang paputukan niya rin ang sarili niya.
Nakapa ko ang dreamcatcher na suot suot ko ngayon. Ibinato ko iyon sa hindi kalayuan at dumiretso sa nag-aapoy na mga kalesa.
Tanging mga iyakan nila ang naririnig ko at hinayaan kong mahiga ang sarili ko sa lupa. At hinintay na pumikit ang mga mata ko. Masiyado na akong pagod. Hindi ko na kaya bumangon pa. Hirap na hirap na ako sa kalagayan ko.
***********************
A/N: Nalalapit na ang katapusan ng kuwento. Abangan!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top