Kabanata XXXVI
[Ikatatlumpu't anim na Kabanata]
Hindi na sumama pabalik sa akin si Consolacion at piniling maiwan kasama si Julio at masaya naman ako para sa kanila.
Nang makarating ako ay sama-sama silang kumakain. "Oh nariyan ka na pala Franco, samahan mo kami rito" aniyaya ni Tatay Dominador.
Umupo ako sa tabi ni Poncio at kumuha na ng dahon ng saging. "Nasaan si Consolacion? Bakit hindi mo kasama pabalik?" tanong sa akin ni Poncio habang nilalatakan ang inihaw na isda.
"Kasama na niya si Julio, maayos naman na ang kalagayan niya roon kaya wala na tayong ipagalala" sabi ko pa sa kaniya para makampante siyan na ayos lang si Consolacion. Sa tinagal na naming magkakasama tatlo ay naging malapit na rin kami sa isa't isa na parang magkakapatid.
"Sige kain pa, kailangan niyong magpalakas" sabi ni Pabling habang nakatingin ng masama sa akin
Iniwas ko na lamang ang tingin ko upang maiwasan ang gulo.
Pagkatapos namin kumain ay nagsibalik kami sa mga trabaho namin. Habang nagsisibak ako ng mga kahoy ay napansin ko na lumapit si Tatay Dominador.
"Bakit po kayo naparito? May kailangan po ba kayo?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Wala naman, natutuwa lamang ako na panoorin ka" nakangiti nitong sabi. "Naging matalik ko ring kaibigan ang iyong ama. Hindi ko inakala na matatapos lang ang buhay niya dahil lang sa kahibangan niyan ni Miguel." paguumpisa nito.
"Magkakilala kayo?"
"Ganoon na nga" sagot nito at umupo sa malaking bato na malapit sa akin. "Bata pa lamang kami ay puro parangal na ang natatanggap ng iyong ama kaysa sa amin dalawa ni Miguel. Ngunit si Miguel ay pinairal ang kaniyang inggit kaysa suportahan si Gregorio kaya wala siyang ginawa kundi ay pabagsakin ito" kuwento niya. Kung ganoon ay naging magkaibigan ang tatlo ngunit magkakaiba ang naging kapalaran nila.
"Huwag na huwag mo gagayahin si Miguel ijo, hinihiling ko na lumaki ka katulad ng iyong ama" nakangiting sabi nito.
"Huwag po kayo mag-alala wala po akong balak na maging katulad ni Miguel" natatawa ko pang sabi.
"Tatay Dominador nilulusob tayo!!!" rinig kong sigaw ni Poncio. Sunod-sunod na rin ang narinig kong pagsabog na malapit sa amin.
Lahat sila ay nagsitakbuhan at nagkagulo. Kaya agad na kaming kumilos at inilayo ang mga bata, mga babae at mga matatanda. Sunod-sunod ang rinig namin ng tunog ng pagputok nga mga baril.
Nang masigurado namin na nasa maayos na silang kalagayan. Agad kaming kumuha ng mga armas at sunod-sunod naming pinaputukan ang mga tauhan ni Don Miguel.
Walang sumablay sa mga pinakawalan kong mga bala ngunit hindi iyon sapat para maubos namin sila. Doble ang dami nila kaysa sa amin maski ang mga armas namin.
Napansin ko na may nakatutok kay Pabling kaya agad ko siyang itinulak at pinatamaan ng bala sa ulo agad ang lalaking nagtangka na barilin si Pabling.
Marami na ang natumba sa amin na ngayon ay nakahandusay sa lupa na naliligo ng sarili nilang mga dugo. Iilan na lamang kaming mga natira na ngayon ay punong-puno ng pawis at dugo. Karamihan sa amin ay nanghihina na.
Nagtago kami sa mga malalaking puno para makaiwas sa mga pinapaputok nilang mga bala. Agad kong hinanap si Tatay Dominador na ngayon ay nakahandusay sa likod ng malaking bato. Dumapa ako at dahan-dahan gumapang para makarating sa kinaroroonan niya.
Nang makalapit ako sa kaniya agad kong hinubad ang pang-itaas kong damit at itinali sa kanang hita niya na ngayon ay nagdurugo sa natamong sugat dahil natamaan ito ng bala. Ayaw tumigil sa pagdurugo ang hita niya.
Sinenyasan ko ang mga kasamahan ko na tumakas na sapagkat wala na silang sapat na lakas para lumaban pa.
"Kailangan na natin umalis rito Tatay Dominador" sabi ko sa kaniya at inaalalayan siyang tumayo ngunit nagpapigil siya.
"Hindi Franco, hindi ako aalis rito. Magpapaiwan na ako rito. Kung tutulungan mo pa ako ay baka mapahamak ka pa" sabi nito. Bakas aa mukha nito ang iniindang sakit. "Hindi na ako makakatakbo para makatakas. Malabo na akong makalaligtas Franco"
"Hindi ako makakapayag Tatay Dominador, hindi kita kayang iwan mag-isa rito na ganiyan ang kalagayan mo" may malakas na bomba ang sumabog malapit sa amin kaya agad ko siyang inalalayan tumayo.
"Franco, nadakip nila si Leonora. Iligtas mo siya para sa akin, iwan mo na ako rito. Hindi na rin ako magtatagal ijo. Sige na umalis kana rito"
"Hindi ako makakapayag Tatay Dominador" huli kong sabi at sinenyasan na alalayan si Tatay Dominador at ilayo rito.
Lumabas ako at hinayaan ko na mapansin nila ako para hindi mahalata ang pagtakas nila. Nang makita nila ako ay inihinto nila ang pamamaril at pagbato ng mga granada.
Nagulat ako nang makita si Pabling na sa akin nakatutok ang baril niya. Hindi ko maintindihan bakit niya ako balak patayin kung nasa harap namin ang kalaban namin. Hindi kaya siya ang kalaban?
Lumabas si Don Miguel sa likod ng mga sundalo niya. "Huwag mo siyang papatayin anak" pagpipigil nito kay Pabling. Anak niya si Pabling?! Kung ganoon ay may kapatid si Consolacion?
"Masusunod ama" ibinaba na niya ang baril at umatras. Hinawakan naman ako agad ng mga sundalo niya para hindi ako makatakas. Ginawa ko ang lahat ng pagpipiglas nagbabakasakaling makatakas ako, ngunit hindi na ako ganoon kalakas at iniinda ko ang tama ko sa braso na hanggang ngayon hindi tumitigil sa pagdurugo.
"Mahusay! Nagpakita ka rin sa akin Franco ng walang kahirap-hirap" wika nito.
"Lahat ng ito ay pinlano mo Pabling? Trinaydor mo kami at ng kasamahan!" galit na galit kong sigaw sa kaniya.
"Wala kang karapatan sigawan ako!" sinuntok niya ako ng buong lakas sa tiyan ko. May lumabas na dugo sa bunganga ko. Nanghina bigla ang mga tuhod ko at hindi na kayang tumayo pa. Ibinagsak nila ako sa lupa at patuloy akong sinisipa ni Pabling. Unti-unti nang nandilim ang paningin ko.
***********************
A/N: Marami ang naging rebelasiyon ngayon.
Ngayong nahuli na si Franco ni Don Miguel, makakayanan niya pa kayang iligtas si Sophia sa kapahamakan at ang kaniyang ina at si Leonora? Abangan!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top