Kabanata XXXV

[Ikatatlumpu't limang Kabanata]

Naaalala ko pa rin hanggang ngayon ang huli naming paguusap ni Sir Jacob. Dalawang araw na ang nakakalipas.

Nanatiling nakatayo ako habang nakatingin ng diretso sa kaniya.

"Hindi na magbabago ang isip ko" sabi niya sa akin. "Sa totoo lang wala akong karapatan na magkagusto sa'yo dahil sa kalagayan ko" nakangiti niyang sabi sa akin.

"May iba pa namang babae riyan, mas maganda, mas matalino, mas sexy, mas----"

"You are my heart's strength" pagpuputol niya sa sinabi ko.

Hindi ako sanay na sa tuwing dumadaan ako sa faculty ay wala ng Sir Jacob na tawagin ako para samahan siya kumain. Sir Jacob ma ngingitian ako palagi. Sir Jacob na lagi akong sinusuportahan sa mga ginagawa ko. Sir Jacob na lagi akong tinutulungan.

Gugustuhin ko na masungitan ulit ng isang Sir Jacob basta huwag lang siya lumipat ng school, pero wala na, buo na ang desisyon niya.

Nasa canteen kami ngayon ni Samantha habang kumakain ng paborito naming fruit cup.

"Teh, ang lalim ata ng iniisip mo riyan" sabi ni Samantha na siyang ikinabalik ko sa huwisyo.

"Naiisip ko lang, siguro kong hindi ako nakilala ni Sir Jacob, siguro hindi siya masasaktan ng ganon"

"Ano ka ba, hindi mo naman pwede sisihin ang sarili mo, desisyon iyon ni Sir Jacob" paliwanag nito habang sumusubo ng apple galing sa fruit cup nito. "At saka hindi siya matutuwa kapag nalaman niyang ganiyan ang iniisip mo. Panigurado hindi iyon nagsisisi na makilala ka."

"Sana nga"

"At saka di'ba ang kuwento mo sa akin nung nakaraan, may sakit ito sa puso?" tanong niya sa akin.

"Ano ka ba?! Hinaan mo nga iyang boses mo baka may makarinig sa iyo" banta ko sabay hampas ko sa bibig niya.

"Aray! Pero balik tayo sa tanong ko, totoo bang may sakit siya sa puso?" tumango ako bilang sagot.

"Kung ganoon mahirap naman pala ang kalagayan ni Sir Jacob, hindi sila pwedeng makaramdam ng mga extreme emotions" mahinang sabi ni Samantha.

"Sana ay nasa maayos siyang kalagayan ngayon" bulong ko sa sarili ko.

Pagkatapos ng klase ay agad akong dumiretso sa shop para magtrabaho. Muntik na akong malate pero nakaabot naman ako dahil walang gaanong traffic. Nasanay ako na inihahatid ako ni Sir Jacob dito sa shop.

Pagpasok ko ng shop ay agad akong nagpalit ng damit. Matumal ang pagbebenta ko ng mga cake. Kung nandito lang si Sir Jacob, baka pinakyaw niya na 'to lahat para lang makapagpahinga kaagad ako.

Bigla akong nahilo, umiikot ang paligid. Nanghihina ang mga tuhod ko.

"Ayos ka lang miss?" huli kong rinig na sabi ng matandang lalaki at bigla akong bumagsak sa sahig.

Nandito ako ngayon sa bahay at nagpapahinga. Kakauwi ko lang galing sa shop. Agad kong ibinagsak ang katawan ko sa higaan. Masiyado akong pagod para mag-isip pa ng kung ano-ano. Maya may unti-unti na ring pumikit ang mga mata ko.

Sobrang dilim ng paligid ngunit hindi iyon naging hadlang para makita si Franco. Laking gulat ko nang may makita akong lumulutang na tao sa likod niya. Halos itim na itim ang kulay ng katawan nito at pula ang mga mata niya. Pakiramdam ko na may masama siyang gagawin kay Franco.

Pinilit kong igalaw ang katawan ko pero hindi ko magawa. Tila nanigas ang katawan ko na para bang binuhusan ng malamig na tubig. Nahihirapan akong huminga at parang tinutusok ang puso ko.

Muli, ay pinilit kong igalaw ang katawan ko at sumigaw kaso walang nangyayari.

"Tama na! Layuan mo si Franco" sigaw ko sa isip ko. Pagmulat ko ng mata ko ay lumiwanag na ang paligid.

Biglang tumigil ang mundo ko nang makita ko si Franco na nakahandusay sa lupa habang naliligo sa sarili nitong dugo. Bugbog sarado ang mukha nito at puro pasa ang katawan. Hindi ko masikmura ang kalagayan ni Franco, panigurado ay hirap na hirap ito.

Hanggang ngayon ay hindi ko malapitan si Franco dahil hindi ko maigalaw ang katawan ko.

"Mahal, huwag kang magaaalala. Kung maaari pilitin mo ng magising" rinig kong sabi niya habang pilit na nakangiti ito. Nahihirapan ako makahinga at tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.

"Pia! gumising ka!" rinig kong sigaw ni Nanay Elsa habang inaalog ako ngayon ni Josh.

Sobrang kumakabog ang dibdib ko sa pagkadilat ng mga mata ko. Pakiramdam ko ay inaantok pa rin ako, pero hindi ko na gugustuhin pang matulog. Ang lamig ng mga pawis ko.

"Ayos ka lang ba? Binabangungot ka Sophia" tanong ni Josh na halata na mukha nito ang pagaalala.

"Kumuha ka roon ng bimpo at ng tubig, dalian mo ng mahimasmasan ang ate mo" utos ni Nanay Elsa. "Stress ka ba nitong mga araw nak? Huwag na huwag mong kakalimutan magpahinga" bilin niya.

"Ayos lang ako nay, huwag po kayo magalala. Malakas ata 'to" nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Kahit kailan ka talagang bata ka, oh siya ipagluluto kita ng lugaw para magkaroon ng laman 'yang tiyan mo"

Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko at bakit ganoon ang itsura ni Franco? Hindi kaya napahamak siya? Hindi ko kakayanin kung mangyari man iyon.

"Oh ipunas mo na sa sarili mo panget" sabi sa akin ni Josh sabay abot sa akin ng planggana na may tubig at bimpo. "Magpahinga ka na riyan."

Kinuha ko na ang bimpo at pinunasan ang sarili ko. Siguro nga ay tama si Nanay Elsa, masiyado akong nagpapakapagod. Pagkatapos ko mag-aral ay diretso agad ako sa shop para ibenta ang mga cake. Kakaunti na lamang ang oras ko para makapagpahinga.

Hindi kaya may kinalaman ang dream catcher sa nangyayari? Hindi ako sigurado. Pero kung meron man sana ay ayos lang ang kalagayan ni Franco.

*********************

A/N: May masamang mangyayari kaya kay Franco? Pahiwatig kaya iyon na malapit siya sa kapahamakan? Abangan natin sa susunod pang mga kabanata!

Maraming salamat at hanggang dito ay nandito pa din kayo at patuloy na binabasa ang "Till We Meet Again".

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top