Kabanata XXXIX
[Ikatatlumpu't siyam na Kabanata]
May nakita akong text galing sa cellphone ko.
From: Sir Jacob
Kitain mo ko dito sa mall. Kailangan ko ng makakausap.
Pagkabasa ko ng message ay agad akong nagpalit ng damit at dumiretso doon.
Napansin kong malungkot si Sir Jacob ngayon. Ang tamlay niyang kumilos at hindi niya na nagagawang magbiro tulad ng dati. May mabigat na problema siguro itong dinadala. Hindi na ako nakatiis at tinabihan ko siya sa kinauupuan niya ngayon.
"Ayos ka lang ba Sir Jacob? Mukhang malalim ang iniisip mo riyan ah?" sabi ko sabay akbay sa kaniya. Mukhang hindi nito nagustuhan ang ginawa kong pag-akbay kaya agad kong binawi at tumahimik na lang.
"Malapit na magpaalam si Lolo sa amin" panimula niya.
"Hala sorry Sir Jacob, hindi ko po kase al----"
"Okay lang 'no, ano ka ba" pagpuputol niya sa sinabi ko. "Tagal niya na ring nabubuhay, siguro kailangan niya na rin magpahinga"
Parang iba ang kirot ng puso ko na naramdaman ko ng marinig ko iyon. Siguro kung ako nasa kalagayan niya ay labis din akong malulungkot kaya naiintindihan ko ito.
"Pasensiya na Sophia, dapat ay nakauwi ka na ng mga oras na 'to" sabay tingin sa cellphone niya para tingnan ang oras. "6pm na, ihahatid na kita sa inyo."
"Sir huwag po kayo mag-alala nasa probinsiya sila Nanay Elsa at Josh, kaya mag-isa lang po ako sa bahay" pagpapaliwanag ko para hindi na siya mag-alala pa
"Kung ganoon pala edi sa amin ka na muna tumuloy, kung ayos lang naman sa iyo?" agad naman akong tumango bilang tugon sa kaniya.
Nasa loob na ako ng bahay nila at biglang bumigat ang pakiramdam ko. Kakaibang bigat iyon at hindi ko pa iyon nararamdaman noon pa man.
"Maupo ka na muna sa sala at ihahanda ko lang ang maisusuot mong pangtulog. Feel at home" sabi niya sabay ngiti sa akin at umalis na. Dahil kanina pa ako hindi mapakali ay naglibot-libot na muna ako.
Agad akong napatigil sa isang litrato na nakasabit sa dingding. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko at ang kanina ko pa iniindang mabigat na pakiramdam ay mas lalo pang bumigat.
Hindi ako magkakamali, dahil ang litrato na iyon-------
ay si Franco.
"Jacob? Ikaw ba 'yan?" tinig ng isang matandang lalaki na nanggagaling sa kwarto na nasa tabi litrato ni Franco. Agad kong pinunasan ang mga luha ko at pumasok ako sa kwarto ng pinagmulan ng boses na iyon.
Tumambad sa akin ang isang matandang lalaki. Nanghihina na ito at nahihirapan huminga dahil sa kakaubo. Labis na itong nahihirapan pero sa tingin ko ay lumalaban pa din ito sa kabila ng nararamdaman. Nang maaninag ko ang mukha nito---- ito yung matandang lalaki na binigyan ako ng payong noon sa waiting shed.
"Je suis reconnaissant qu'avant de mourir, je t'ai enfin trouvé mon amour" (I'm grateful that before I died, I finally found you my love.) muling nanumbalik ang sinabi niya sa akin noon.
"Kayo po pala ang lolo ni Sir Jacob" nakangiti kong sabi sa kaniya. Nakapagtataka nang titigan niya lang ako. "At kayo rin ang nagpahiram sa akin ng payong, napakaliit nga naman ng mundo"
"Pasensiya na kung hindi na ako nakabalik sa waiting shed, naging tuloy tuloy kase ang pagiging mahina ng katawan ko" sabi nito.
"Wala po iyon, saka itinuring ko na rin pong pagmamay-ari ko na yung payong" biro ko pa dahilan para mapangiti ako. Sobrang gaan agad ng pakiramdam ko sa kaniya tulad ng una naming pagkikita.
"Ang ganda pa rin ng ngiti mo hanggang ngayon mahal" hinawakan niya ang mga kamay ko at hinalikan iyon.
"F-franco.." nauutal kong sabi.
"Kay tagal ko ring hinintay na pagtagpuin muli tayo" hindi ko napansin na may tumutulong luha sa mga mata ko.
"I-ito na talaga siguro ang k-kapalaran nating dalawa" nauutal kong sabi. Nahihirapan akong huminga ng mga sandaling ito. Sobrang bigat sa dibdib.
"Tanggap ko. Natanggap ko na aking mahal" hindi ko na kinakaya ang sakit na nararamdaman ko.
"Tahan na"
"Paano kung hindi mo ako matagpuan ulit?"
"Sayo at sayo pa rin ako babalik at ikaw lang ang hahanap-hanapin ko, kaya imposible iyang sinasabi mo" ramdam ko pa rin ang sakit pero alam kong mas doble ang sakit ang nararamdaman nito.
"Sinabi ko naman sa'yo hihintayin kita, at nagawa ko iyon" nakangiti niyang sabi sa akin. Iyon ang mga ngiti ni Franco na hahanap-hanapin ko.
"S-salamat.. Salamat at hinayaan mong maging malakas ang katawan mo, salamat at inalagaan mo ang sarili mo. Mahal salamat hinintay mo ako."
"Mas nanaisin ko pang mamatay at masaktan ng isang daang beses basta't marating ko ang buhay na ikaw ang kapiling binibini, kaya hihilingin ko sa langit na magkita muli tayo sa tamang panahon"
"Alam mong imposible iy---"
"Alam ko, pero maniniwala ako" naniniwala ako. maniniwala tayo franco. magtitiwala ako. "Itatanim ko ang mga alaala sa puso't isipan ko ng sa ganoon ay kahit nasa kabilang buhay na ako ay nakatatak sa akin na ikaw ang una't huling babaeng minahal ko sa buong buhay ko" hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko na walang tigil sa pagpatak.
"Matagal mo na akong hinintay, magpahinga ka na mahal" sobrang sakit ng sabihin ang salita ko ang mga iyon. Parang may tinik na nakatusok sa lalamunan ko.
"Sa buhay na ito, ipapaubaya muna kita sa kanya. Alam kong mahal ka niya, sino ba naman ang hindi mahuhulog sa isang tulad mo mahal. Ngunit alalahanin mo ito, sa susunod na pagtagpuin muli tayo, titiyakin ko na magiging akin ka."
"Mahal na mahal kita Franco"
"hasta que nos volvamos a ver" (till we meet again) huli niyang sinabi at bigla na lamang bumagsak ang mga mata niya. At nanatiling magkahawak ang mga kamay namin. Till we meet again Franco..
******************
A/N: Nalalapit na matapos ang story. Magkakaroon kaya ng happy ending ang kuwento ni Sophia? Mababago kaya ang katapusan ng kuwento? Abangan!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top