Kabanata XXXIV
[Ikatatlumpu't apat na Kabanata]
Naghahanap kami ngayon ng mga kahoy para ipanggagatong mamayang gabi. Hindi ko alam bakit ang daming kinukuha na kahoy ni Pabling ngayon na para bang wala ng bukas, ang galaw nito ay para bang nakikipagkompitensiya sa hindi malamang dahilan.
Nadaanan namin ang mga babae na ngayon ay naglalaba ng mga damit ng pamilya nila. Nakita ko si Leonora at nagtama ang mga paningin namin. Napansin ko na ibinagsak ni Pabling ang mga dala niyang kahoy na siyang ikinatawa ko.
"Dalian niyo na riyan, wala na tayong oras" sigaw ni Pabling na ngayon ay magkasalubong ang mga kilay. "Dalhin mo iyang mga kahoy na iyan Franco, tutal hindi ka naman na dugong maharlika ngayon, hindi ka dapat kumilos na parang bang may utusan ka rito" wika pa nito at saka ipinagpatuloy ang paglalakad.
"Ikaw nga tong makakilos akala mo may utusan" bulong ko at kinuha ko naman ang mga ibinagsak niyang kahoy at sumunod sa kanila.
"Tulong!!! Nalulunod si Leonora" rinig kong sigaw ni Consolacion. Agad kong binitawan ang mga dala kong kahoy at tumakbo papunta roon. Hinubad ko ang pangitaas kong damit at agad na tumalon upang sagipin si Leonora na ngayon ay nagkakakawag sa tubig at unti-unti nang lumulubog.
Nang naiahon ko na si Leonora, inihiga ko siya sa pangpang. Tiningnan kong maigi kong humihinga pa siya. Lumuhod ako at ipinatong ang kamay ko sa kaniyang dibdib at inumpisahan na ang pagdidiin ng mabilis at malalim.
Ngunit laking gulat ko nang itulak ako ni Pabling at siya ang umasikaso kay Leonora. Lahat kami ay natuwa nang imulat na ni Leonora ang mga mata niya. Sobra sobra ang pasasalamat sa akin ng mga tao ngunit laking gulat ko nang suntukin ako ni Pabling.
"Anong problema mo?!" sigaw na Leonora.
"Napakayabang mo! Magmula nang dumating ka sa lugar namin ikaw na lang ang laging napapansin! Pati ba naman si Leonora aakitin mo pa?! Ang tagal tagal ko nang nanliligaw sa kaniya at ikaw 'tong bago sa amin ay agad ka ng napansin? Hindi ata tama 'yon!" sigaw niya pa at akmang susunggaban niya pa ako ngunit agad siyang hatakin ng mga kasamahan naming mga lalaki.
"Ano? ikaw ang nagsabi sa kanila?"
"Bakit? Lalaban ka?" tanong niya ngunit nanatili akong mahinahon.
"Hindi naman ako nagyayabang para sa kaalaman mo" paliwanag ko pa sa kaniya.
"Huwag ka nang magkaila pa. Kung alam ko lang na hindi pala uubra ang pagkakalat ko ng kuwento na ikaw nga si Franco, dapat binigyan na kita ng hindi mo makakalimutin eh. Urgh kahit kailan bwisit ka talaga sa buhay ko!" nagngangalit nitong sabi.
"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Leonora. Tumango naman ako sa kaniya at pinunasan ang dugo na nanggaling sa pumutok kong labi.
Pabalik na kami ngayon at heto ako habang dala-dala ko ang mga kahoy na kinuha namin kanina. Habang si Leonora nakapasan kay Pabling.
"Pakiramdam ko may pagtingin sa'yo si Leonora" bulong ni Consolacion sa akin habang dala ang mga labada niya.
"Ano ka ba, kapag narinig ka ni Pabling ay baka magkagulo pa" panunuway ko sa kaniya.
"Sus, hindi mapagkakaila ang pagiging lapitin mo sa mga babae Franco" pang-aasar niya pa sa akin.
"Magtigil ka, hindi ako interesado" sabi ko pa.
Nang makabalik na kami, nagkaniya-kaniya na kaming trabaho. Ibinaba ko na ang mga kahoy at hinatak si Consolacion.
"Sumama ka sa akin at may pupuntahan tayo" nakangiti kong sabi sa kaniya sabay hatak sa kaniya.
"Teka hindi ako kasama?" tanong ni Poncio pero hindi na namin siya pinansin at nagpatuloy sa pagtakbo.
Pupunta kami ngayon sa tinutuluyan ngayon ni Julio. Gusto ko makapagusap sila at nang sa ganoon ay magkaayos sila pareho at tuluyan na silang magkaliwanagan.
Nang makarating kami ay naabutan namin si Julio na naliligo ngayon sa ilog. Kita sa mukha nito ang pagkagulat ng makita kami ni Consolacion. Napansin ko naman ang pagkamula ng mukha ni Consolacion na siyang ikinatawa ko.
Agad na umahon si Julio at hindi na nagpaligoy-ligoy at agad na niyakap si Consolacion. Hinihiling ko na magkaayos sila.
"Maiwan ko na muna kayo riyan" paalam ko sa kanila.
"Salamat Franco, mabuting kaibigan ka talaga" nakangiting sabi ni Julio na siyang nagpagaan sa pakiramdam ko.
Dumiretso na ako sa kubo at pumasok. Naabutan ko si Lola Sinta na nakaupo at mukhang nanghihina.
"Pinipilit mong baguhin ang katapusan ng kuwento niyo ngunit alam mo naman ang kahihinatnan niyo pareho, hindi ba?" tanong nito na bigla kong ikinalingon sa kaniya. Tumango naman ako.
Kung ipagpapatuloy pa namin ang ugnayan namin pareho, mas malaki ang posibilidad na may mangyari pang masama. Hindi ako makakapayag na maulit muli ang mga nangyari noon. Hindi ako makakapayag na masaktan si Sophia.
Pinilit kong mangyari ang hindi dapat. Akala ko kapag binago ko ang itinadhana ay magagawa kong mabuhay kasama siya, ngunit mali ako. Mas lalo ko lang pinakukumplikado ang naming pareho.
"Mayroong ka na lamang tatlong araw ijo para ayusin ang mga ginulo mo, kundi ay mamamatay ang babae sa bangungot" banta nito. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.
"Paano mo nalalaman ang mga ito?"
"Sa kadahilanang diwata rin ako ijo, kaisa-isa kong kapatid ang sinaktan ng ama mo. Hindi naman mangyayari ito kung hindi niya lamang sinaktan ang damdamin ni Resolita. Ngayon ikaw ang nagbabayad sa sakit na dinanas ng kapatid ko" paliwanag niya sa akin. "Lumapit ka ijo" tawag niya sa akin kaya agad akong lumapit sa kaniya.
"Hindi mo kasalanan ang lahat, malalagpasan mo rin ito" mahinang sabi niya. "Hindi na rin ako magtatagal ijo"
"Naiintindihan ko po Lola Senita"
"Pagkatapos mo mapalambot ang minsa'y matigas, sunugin mo ang siya nitong pinagmulan" huling sabi nito at tuluyan nang ipinikit ang mga mata niya at unti-unting naging makinang na abo. Sa palagay ko ang itinutukoy nito ang damdamin ni Don Miguel na walang kasing tigas.
Nadatnan ko naman si Julio at Consolacion na ngayon ay nagtatawanan habang nagtatampisaw sa ilog. Hindi ko maipaliwanag ang saya nang makita ko silang magkaayos na. Sana ay maranasan din namin maging masaya ni Sophia nang walang inaalala at hindi na kailangan pang managinip. Kailan ko kaya mararamdaman ang kaniyang mga yakap at halik ng hindi sa panaginip. Darating pa kaya ang araw na iyon?
*******************
A/N: Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa : ))
Maaayos kaya ni Franco ang lahat? Abangan!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top