Kabanata XXXII

[Ikatatlumpu't dalawang Kabanata]

Pagpasok ko sa room ay pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko at ang iba naman ay nagbubulungan. Dahil sa ilang agad ako na umupo sa puwesto ko.

"Teh, ako ba ang pinaparinggan nila?" tanong ko kay Samantha.

"Hindi mo pa ba alam teh? K-kalat na sa buong campus na may relasyon kayo ni Sir Jacob dahil ginayuma mo siya" natatawa pa nitong kuwento.

"Sinong bruha naman ang magkakalat ng ganong kuwento?" naiinis ko pang sambit.

"Sino pa ba?" sabi niya sabay tingin kay Nicole na ngayon ay nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya. Matagal na siyang may gusto kay Sir Jacob. Napapansin ko na lagi siyang bumibisita sa faculty ni Sir Jacob pero lagi siyang pinapalabas ni Sir Arcigal.

"Wala na talagang magawang matino 'yan si Nicole ang laki laki ng inggit sa akin eh mas maganda naman ang buhay niya kesa sakin"

"Eh kaso mas maganda ka" sabi pa ni Samantha na siyang ikinatawa naming dalawa.

Lahat kami ay nagsitahimik dahil pumasok na si Sir Arcigal para maglecture. Pero hindi ako masiyadong makapag-focus sa itinuturo niya dahil hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung sinabi sa akin ni Sir Jacob nung nakaraan. May alam kaya siya tungkol kay Franco?

Bumalik ako sa huwisyo nang marinig ko ang boses ni Samantha. "Nakatulala ka nanaman magsulat ka na ng lecture" sabi niya. Sinimulan ko na ang pagsusulat ng lecture na nakapaskil sa blackboard.

"Okay class, you may now take your recess, and class dismissed" sabi ni Sir Arcigal at lumabas na ng classroom.

"Magrecess na tayo teh" sabi ni Samantha at hinatak na ako palabas ng room nang bigla kaming hinarang ng grupo nila Nicole.

"Ano bang problema niyo kay Sophia?!" sigaw ni Samantha habang hinatak niya ako para magtago sa likod niya.

"Siya ang problema rito kaya pwede ba umalis ka sa harapan ko" sabi ni Nicole sabay tulak kay Samantha na ngayon ay nakaupo sa sahig. "Kung nilubayan mo na kase si Sir Jacob edi walang nangyayari na ganito" sabi niya pa at may idinikit na papel sa likod ko.

Ginayuma ko si Sir Jacob.
Huwag akong tularan.

Napaupo na lang rin ako sa kahihiyan kasama ni Samantha. Habang sila Nicole naman ay pinagtatawanan kami at kinukuhanan ng litrato.

Naramdaman ko na may nagtanggal ng papel sa likod ko kaya agad kong iniangat ang tingin ko. Si------ Sir Jacob.

Ilang segundo rin kaming nagkatitigan at nagpatuloy na siyang maglakad na hindi man lang ako binabati. Umiiwas ba siya sa akin?

"Ano kayo ngayon girls?" pang-aasar ni Samantha habang inaalalayan ako tumayo.

"Argh, nakakainis!" inis na sambit ni Nicole at hinatak na ang mga kaibigan niya pabalik sa room.

"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Samantha na ngayon ay pinapagpagan namin pareho ang narumihan naming mga uniporme.

Pumasok na kami pareho sa room at inayos ang mga sarili namin. Nagulat kaming lahat na makita namin na bagong teacher ang pumasok at hindi si Sir Jacob.

"Good morning class. I will be your new teacher from now on. Let me introduce myself. I'm Ms. Bea Diaz" pakilala ng teacher na nasa harapan habang sinusulat ang pangalan niya sa blackboard.

Biglang nagtaas ng kamay si Nicole. "Ma'am Diaz?" tawag niya.

"Yes?"

"Nasaan po si Sir Jacob?" tanong nito.

"Hindi niya pa pala nasasabi sa inyo? Ang balita ko ililipat na raw siya ng school." sagot naman ni Ma'am Diaz.

Lahat kami ay biglang nag-ingay dahil sa narinig namin. Ano naman ang magiging dahilan?

"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Samantha.

"Oo naman" maikling sagot ko.

"Alam kong nag-aalala ka Sophia, kung gusto mo hintayin mo siya sa faculty niya para itanong kung ano ang tunay na rason bakit siya ililipat ng school"

"Sana ganoon kadali"

"Anong ibig mong sabihin? Close naman kayo hindi ba?"

"Pansin ko kase na iniiwasan niya ako"

"Kung ganoon, edi alamin mo. Pagkatapos ng klase, ikaw na bahala na alamin kung ano ba talaga ang nangyari bakit ka niya iniiwasan" sabi ni Samantha at pareho na naming ibinalik ang atensiyon namin sa klase.

Pagkatapos ng klase agad akong nagpaalam kay Samantha at dumiretso papunta sa faculty ni Sir Jacob. Sumilip ako sa bintana para hindi niya mahalata na nandito ako. Naabutan ko siya na kinukuha niya ang mga personal niyang gamit.

At dahil lalabas na siya ng faculty. Agad akong naghanap ng pagtataguan ko. Akmang tatakbo na sana ako nang naramdaman ko na nasa likod ko si Sir Jacob kaya dahan-dahan akong humarap sa kaniya. Namayani ang katahimikan ng magtagpo ang paningin namin.

"Anong ginagawa mo rito Ms. Salvador? Hindi ba dapat ay nakauwi ka na?" walang emosyon na tanong ni Sir Jacob. Hindi ako sanay dahil likas na sa kaniya ang pagiging palabiro pero tila biglang naglaho iyon ng araw na ito.

"B-bakit ka aalis?" nauutal kong tanong.

"Dahil gusto ko, sapat na sigurong rason iyon"

"H-hindi pwedeng gusto mo lang Sir, kailan pa naging rason 'yon?"

"Ano bang gusto mong marinig sa akin Sophia ng matahimik ka na?"

"Yung totoo, yung totoo Sir."

"Y-ung totoo Sophia?" naluluha nitong sabi. "I-ikamamatay ko Sophia.. Ikamamatay ko na makita ka pa."

"S-sir.."

"Hindi na kakayanin ng puso ko Sophia, nahihirapan akong huminga sa tuwing papasok sa isip ko na wala akong puwesto riyan sa puso mo" tuluyan nang tumulo ang mga luha nito kasabay ng sa akin. Gusto kong punasan ang mga iyon pero hindi ko magawa. Hindi naman iyon mababawasan ang sakit.

Hanggang ngayon nakatikom ang bibig ko habang ramdam na ramdam ko ang sakit.

"Ayoko maging hadlang sa kuwento niyo Sophia, tanggap ko na. Kung ipagpapatuloy ko pa itong nararamdaman ko, kahit anong gawin ko sa huli ako pa rin ang magmumukhang kontrabida" sabi niya at tuluyan na akong iniwan mag-isa.

Nanghihina ang mga tuhod ko, napahawak ako sa dibdib ko na ngayon ay parang pinipiga sa sakit. Napahawak ako sa kwintas na iniregalo niya sa akin nung kaarawan ko.

Kahit na ganoon magtatapos ang huli naming pagkikita, ay naging malaking parte na sa akin si Sir Jacob. Sobrang sakit na hindi ko na siya makikita pa dahil panigurado ay iiwasan niya na ako magmula ngayon.

******************
A/N: Ito na kaya ang huling pagkikita ni Sir Jacob at ni Sophia? Abangan!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top