Kabanata XXX
[Ikatatlumpung Kabanata]
Nasa shop ako ngayon at medyo matumal ang tinda ko ng cake. Kung sa bagay malamig ang panahon kaya panigurado karamihan sa mga tao ay nasa coffee shop. Habang inaayos ko ang mga puwesto ng cakes ay napansin ko na nasa labas si Sir Jacob kaya agad akong lumabas at pinuntahan siya habang wala pang customer.
"Napadaan ka po yata Sir Jacob?" tanong ko sa kaniya.
"Binibisita ka, bawal ba?" tanong niya habang nakangiti ito sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya.
Namayani ang saglit na katahimikan sa pagitan naming dalawa. Humugot ako ng malalim na hininga para ikondisyon ang sarili.
"Hindi ka pa ba nagugutom? May malapit na fast food chain rito ang pagkakaalam ko" pagbabasag ko sa katahimikan.
"Naku gutom ka nanaman eh hindi mo pa nga nauubos mga paninda mo" sabi niya pa habang ginugulo ang buhok ko.
"Ayos lang ako 'no, busog pa ako" pangungutwiran ko pa.
"Balikan mo na yung mga paninda mo may customer ka na" sabi niya pa at hinatak ako paloob sa shop.
"Ha? Teka anong sinasabi mo? eh wala ngang pumapasok na-------"
"Eh anong tawag mo sa akin? Bibilhin ko na lahat ng mga cakes" pagpuputol niya sa mga sinasabi niya. Umupo siya sa upuan at sinimulan ko na balutin ang mga cakes.
"Aanhin mo lahat ng ito Sir Jacob? Sobrang dami nito" nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Ipamimigay ko sa isang christian charity na tinutulungan ko. Balita ko kase birthday ng kaibigan ko roon" paliwanag niya. Sobrang bait talaga ni Sir at guwapo pa, panigurado masuwerte ang nobya nito.
Nakita ko namang pumasok ang may-ari ng shop at nagmamadali ito. "Mabuti naman at nakaubos ka ng paninda. Tamang tama nagmamadali ako maaga tayo magsasara" sabi niya pa.
"Tutal wala ka naman nang gagawin pagkatapos nito samahan mo na lang ako" nakangiting sabi ni Sir Jacob. Lumabas na kami ng shop at pinasok niya ang mga cake sa likod ng kotse. Sumakay na kami pareho at sinimulan niya na paandarin ang sasakyan.
Napansin ko na simple lang ang suot nito pareho hindi maipagkakaila na litaw na litaw pa rin ang pagiging magandang lalaki nito.
"Baka matunaw naman ako niyan" pagbibiro niya na siyang ikinabalik ko sa huwisyo.
"Heh, matunaw ka riyan, magfocus ka nga sa daan" Tumawa ito nang malakas na siyang ikinainit ng mukha ko.
Huminto kami sa isang charity center at punong puno iyon ng mga lobo. Maraming mga bata ang nagsigawan at nagtakbuhan papalapit sa amin at kitang kita sa mga mukha nila na tuwang tuwa na makita si Sir Jacob.
"Dumating ka, tinupad mo yung promise mo" sabi ng batang babae na lumapit sa kaniya.
"Oo naman, may mga dala pa nga akong cake eh, hindi lang isa, sobrang dami" sabi pa ni Sir Jacob na siyang ikinatuwa lalo ng batang babae. "Kukunin ko lang ha? Happy birthday Jessica" bati nito at ginulo pa ang buhok ng bata. Sa akin naman binaling ang tingin ng batang babae na ang pangalan ay Jessica.
"Ngayon ko lang nakita na may kasamang babae si Sir Jacob, girlfriend ka niya 'no?" sa tono nito magsalita ay halatang may crush ito kay Sir Jacob.
"Naku nagkakamali ka, hindi ako girlfriend ni Sir Jacob, student niya ako kaya close kami." paliwanag ko pa na siyang ikinasigla niya.
"Mabuti naman kung ganon"
"May gusto ka kay Sir Jacob 'no?" tanong ko sa kaniya na may halong pang-aasar.
"Shh! Huwag kang maingay baka marinig ka ni Sir Jacob" sabi niya pa at tinatakpan ang bibig ko.
"Huwag ka mag-alala hindi ko sasabihin, secret lang natin iyon" sabi ko at kinindatan pa siya.
"Thankyou ate?"
"Sophia, pwede mo rin akong tawaging Ate Pia kung gusto mo"
"Sige po Ate Pia, simula ngayon bestfriends na tayo" tuwang tuwa niya pang sabi. Magaan ang pakiramdam ko sa bata na ito kaya hindi ako nagtataka bakit naging magkaibigan sila ni Sir Jacob.
"Kapag magkasama kayo, huwag mo hahayaan na mapagod iyon ha?" bulong niya sa akin.
"Bakit naman?" tanong niya sa akin.
"Mahina raw ang puso niya kaya hindi pa siya nagkakanobya kase panigurado kapag nasaktan siya baka hindi kayanin ng puso niya" paliwanag pa ng batang babae. "Oh siya maiwan na kita riyan hinahanap na ako ni Sister Maria. Yung secrets natin atin lang iyon ah? Bye!" paalam niya sa akin. Kung ganon may sakit pala ito sa puso. Bakit hindi niya man lang sinabi sa akin?
"Oh bakit ka nakatulala riyan? Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Sir Jacob. Napatingin ako sa kaniya at masiglang masigla itong tingnan, hindi mo mahahalata na may iniinda pala itong sakit.
"Wala 'no, hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan?"
"Bakit ako? Ayos lang naman ako" wala siyang balak na sabihin sa akin. Kung sa bagay kahit na sabihin pa niya wala rin naman akong magagawa, hamak na student niya lang naman ako.
"Tara may pupuntahan tayo" aniyaya niya sa akin at hinatak na ako papunta sa kotse.
"Teka saan ba tayo pupunta?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Basta" maikli niyang sabi pero halata sa tono nito na excited siya.
Mga ilang oras na rin kami bumabiyahe kaya medyo inaantok na rin ako. Pero pinipigilan ko makatulog dahil panigurado tuloy tuloy na ang tulog ko nito.
"Nandito na tayo" sabi niya at bumaba ng sasakyan at ganon din ako.
"Nasaan tayo?" tanong ko sa kaniya.
"Nandito tayo sa isa kong rest house, malamig rito dahil malapit ito sa dagat" paliwanag niya pa.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak. Tumakbo kami at inaakyat ang isang burol.
"Teka lang masakit na ang paa ko Sir Jacob hinay hinay lang po sa pagtakbo" pagrereklamo ko. Pero bigla akong napahinto na makita ang isang rest house dito sa burol. Totoo nga ang sinasabi niya.
Umupo siya at dinadama ang simoy ng hangin. Hinihingal ito at halata rito na nahihirapan siyang huminga.
"Sabi ko naman sa'yo hinay lang sa pagtakbo eh" pangangaral ko pa sa kaniya. Laking gulat ko na hatakin niya ako sa tabi niya.
"Sinabi sa iyo ni Jessica 'no? Mga bata talaga" natatawa pa nitong sabi. Hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko. Nakatingin lang ako sa kaniya at dinadama ang simoy ng hangin. Totoo ngang malamig rito dahil malapit ito sa dagat.
Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay sa dibdib niya. Laking gulat ko na tumingin siya sa akin.
"Ganito kabilis ang tibok ng puso ko kapag ikaw nakikita ko" sabi niya. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya.
"Hindi ko nga alam kung paano ko nakakaya na mahalin ka kahit alam kong may iba ka nang mahal" dagdag pa niya. "Ang sakit mong mahalin Sophia"
"Hindi kita maintindihan"
"Simula pa lang na magtama ang mga mata natin nung araw na una tayong magkita, may naramdaman ako kaagad na hindi ko maintindihan. Pero simula nung malasing ka ng araw na iyon, alam ko na may ibang tinitibok ang puso mo" ang miserable ng itsura nito. "Gusto kita Sophia, pero alam kong mas gusto mo siya at alam kung gusto ka rin niya. Alam na alam ko Sophia"
Tumulo na ang luha nito kasabay ng pagbuhos ng ulan. Wala akong magawa kundi yakapin siya.
"Huwag kang aalis, samahan mo muna ako rito" mahinang sabi niya. "Kahit sandali lang"
"Huwag ka magalala hindi kita iiwan rito" paninigurado ko sa kaniya.
Hindi ko man masuklian ang pagmamahal na kayang ibigay niya naniniwala naman ako na darating yung araw na mahahanap niya ang babaeng kaya siyang mahalin. Hindi naman siya mahirap mahalin pero mas mahal ko si Franco.
*******************
A/N: May alam kaya siya tungkol kay Franco? Abangan sa mga sumusunod na kabanata!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top