Kabanata XXVIII

[Ikadalawampu't walong Kabanata]

"Sophia nabalitaan ko ang sunod-sunod na nangyari sa inyo" sabi ng taong nasa likod ko. Lumingon ako at ang nagsalitang iyon ay si---- Sir Arcigal.

"Sumunod ka sa akin at marami ka pang kailangang malaman" sumunod ako sa kaniya at huminto kami sa isang lumang room dito sa school. Halata ang kalumaan nito dahil sa alikabok at may mga sapot ng gagamba sa kisame ng room.

"Maupo ka Sophia. Pasensiya na kung dito pa natin kailangan mag-usap dahil kakailanganing walang makakarinig sa atin na kahit na sino" saad niya. Naupo na ako at inayos ang palda ko.

"Ano po ang dapat kong malaman Sir Arcigal?" kinakabahan kong tanong sa kaniya.

"Alam ko ang lahat" sabi niya ng may seryosong tono.

"Simula ng mahuli kitang gumuguhit sa klase ko ay sigurado na akong gumana nga sa iyo ang sumpa" dagdag niya. "Iyong lalaki na iyon ang nakikita mo sa tuwing nananaginip ka, tama ba?" nanatili pa ding nakatikom ang mga bibig ko dahil tama ang sinabi niya.

"Alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari, hayaan mo gagawin kong malinaw ang lahat para sa iyo" may nilabas siyang litrato ng isang dream catcher. Katulad na katulad iyon ng dream catcher na ibinigay ng aking ama.

"Ako ang nagbigay ng dream catcher sa iyong ama, bilang isang kabayaran sa utang ko sa kaniya. Tinanggap niya iyon. Ganoon kabait ang iyong ama sa akin" dagdag niya pa. "Ako ang nagbayad sa hospital bilang tulong ko sa pamilya ng taong minsan tinulungan ako" kung ganon ay siya pala iyon. At ang puntod ng ama ang binisita niya ng makita ko siya.

"Ang dream catcher na ito ay may kakaibang kakayahan na magtagpo ang taong nabubuhay sa nakaraan at ang sa hinaharap" sabi niya. "Ang lalaking iyon at ikaw ay itinakda magkakilala" tumayo siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at yumuko.

"Ano pong meron Sir Arcigal?" nagtataka kong tanong.

"Pero huwag ito mamaliitin. May kakayahan rin itong sirain ang buhay mo. Papalalain nito ang buhay mo. Magiging lapitin ka sa problema, kapahamakan at sa kamatayan"

"Seryoso?"

Tumango siya. "Kung hindi pa din naititigil ang sumpa. Maaari kang patayin nito sa pamamagitan ng isang bangungot"

"May pwede po ba kaming gawin para maitigil ang sumpa?" tanong ko. Ayokong humantong sa punto na masira nang tuluyan ang buhay ko, lalo na ang buhay ni Franco.

"Wala akong ideya kung paano ititigil ang sumpa pero may alam akong pwede niyong gawin para ilayo kayo sa kapahamakan" tumayo siya at bumuntong hininga.

"Ang saktan niyo ang damdamin ng isa" sabi niya na siyang ikinasikip ng dibdib ko. Kaya ba sinabi sa akin iyon ni Franco dahil may alam rin siya tungkol dito?

Dahil wala na ako sa huwisyo para mag-isip isip pa ay agad na akong umuwi at hinanap ang dream catcher na ibinigay sa akin ng ama.

Nakatitig lamang ako roon maghapon at hindi lumabas ng kwarto. Parang dinudurog ang puso ko ng mahawakan iyon.

Dahil pagod na ako kakaisip ay humiga na ako para makapagpahinga at makausap si Franco.

"Huwag ka nang malungkot diyan" sabi ko sa kaniya. "Naiintindihan ko na ang lahat" dagdag ko pa na siyang ikinalingon niya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. "Mahal na mahal kita Binibining Sophia, hindi ko aakalain na mararamdaman ko ito sa babaeng nasisilayan ko lamang sa tuwing ako ay mananaginip" mas lalo niyang pang hinigpitan ang yakap sa akin. "Batid kong hanggang sa panaginip lang kita masisilayan, pero alam ko sa aking sarili na kahit sa aking paggising ikaw pa din ang hahanap-hanapin."

Hindi ko din inakala na makakaramdam ako ng ganoong pag-ibig kay Franco. Alam kong imposible ang pag-iibigan namin ni Franco. Ni-hindi ko nga alam kung paano ko siya ipapakilala kay Nanay. Baka pagtawanan lang nila ako kapag nagkataon.

"Mahal na mahal din kita Franco. Higit pa sa iniisip mo." I don't want want to wake up since you've been dreaming of this dream. Niyakap ko rin siya ng mahigpit pero laking gulat ko ng basa ang balikat ko. Parang nabasa iyon ng mga luha. Umiiyak ba si Franco?

"Patawarin mo sana ako sa ginawa ko mahal" bulong niya sa akin. Tuluyan siyang napaluhod sa harapan ko habang hawak ang mga kamay ko. Ngayon ko lang nakita si Franco na ganoon kamiserable at hindi ko kinakayang makita siya nang ganon. Tumulo na din ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Naiintindihan ko naman na ang lahat. Magkaiba ang buhay natin sa realidad at dapat kong tanggapin iyon. Siguro nga pinagtagpo tayo para magkakilala ang isa't isa pero hindi ang ibigin ang isa't isa" tuluyan na ding bumagsak ang katawan ko at napaluhod at hinayaan ang luha ko na tumulo.

Naramdaman ko ang mga yakap niya. Iyon ang mga yakap na gugustuhin ko matanggap sa tuwing gigising ako sa umaga, ngunit alam kong malabong mangyari iyon.

Iniangat niya ang mukha niya at tumitig sa mga mata ko. Ilang pulgada na lang ang layo ng mukha ko sa mukha niya. Nang mga sandaling ito, kahit siguro hagisan kami ng bomba ay hindi ko magagawang lumayo sa kaniya. Kung ano-anong emosiyon ang tumatakbo.

Bumalik ako sa huwisyo pero huli na ang lahat. Bumaba na ang mga labi ni Franco sa mga labi ko. Pero hindi ako nakadama ng kahit na anong pagproprotesta. Mainit na halik ang iginawad niya sa akin ng mga oras na iyon.

Pero nararamdaman ko pa rin ang pagiingat niya sa akin. Nagkatugma ang pangangailangan na bigyan ng sagot ang nararamdaman namin. Habang tumatagal ay nagiging mapusok ang mga labi nito pero hindi ako natakot o nailang.

Hindi na ako nag-atubili ay agad akong tumugon sa halik na iyon. Tuluyan na akong nayakap ng mga bisig nito. Parang naparalisa ang utak ko at ang tanging nasa isip ko lang ang tugunan ang matagal na hinahanap ng labi ko na si Franco lang ang makakapagpuna.

Unang beses lang ako halikan ng isang lalaki------lalo na kung si Franco ang lalaking iyon------ wala na akong hihilingin pa.

Hindi ko maiwasan namnamin ang sarap na dala ng labi ni Franco.

Para bang walang kapahamakan ang dadanasin ko sa tabi niya dahil alam ko hindi niya ako papabayaan. Protektadong protektado ako sa mga bisig niya.

Dahan-dahan humiwalay ako sa kaniya at minulat ang mga mata ko.

"Franco, mahal mo ba ako?" tanong niya sa akin.

"Mas gugustuhin kong mahirapan ng isang daang beses kaysa mahirapan ka ng isang beses" sagot niya.

"Kung ganon, huwag mo na uli hihilingin sa akin na kalimutan ka. Kase baka sa susunod ay hindi ko na kayanin pa" sabi ko at hinampas ang dibdib niya na ikinangiti niya. " Simula nang nauna kitang makita ay naguguluhan pa ako bakit ganito ang nararamdaman ko. Pero ngayon ay sigurado na ako. Lagi kang tumatakbo sa isipan ko simula ng magtapat ka ng nararamdaman mo para sa akin" hinawakan niya ang mga mukha ko. Parang nakuryente ako sa mga kamay niya.

"Handa akong pumatay ng libo-libong tao para sa isang buhay. At wala akong pagsisisihan dahil mahal kita binibini" hinalikan niya ang noo ko at wala na akong nagawa kundi magtiwala sa kaniya.

*******************

A/N: Nalalapit na ang pagtatapos, sana ay patuloy pa rin kayong magbasa! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top