Kabanata XXVII
[Ikadalawampu't pitong Kabanata]
Naalala ko muli ang pag-uusap namin ng matandang babae na kumukupkop kay Julio ngayon.
Kanina pa nakatingin sa akin ang matandang babae na umuukit ng kahoy.
"Sa wakas ay sinundan mo ang tinig ko" wika niya.
"Anong kailangan mo sa akin?" tanong ko sa kaniya.
"Ako ang kailangan mo binata" natatawa niyang sabi. Bigla akong kinabahan.
"Paano mo naman nasabing kailangan kita?" tanong ko sa kaniya.
"Alam kong nalilito ka na at napapagod sa mga nangyayari sa pamilya mo" wika pa nito at pinakita ang inukit niya sa kahoy. Isang dream catcher. Katulad iyon ng sa akin.
"Paano mo nalaman ang mga nangyayari sa akin?" tanong ko at hinawakan niya ang mga kamay ko at nilagay ang dream catcher na inukit niya.
"Hayaan mong ipaliwanag ko ang lahat" wika niya at pinaupo ako.
"Magsimula tayo sa alamat nito" sabi niya sabay turo sa inukit niya na nasa kamay ko.
"Naalala mo pa ba ang mga tauhan sa alamat na iyon?" tanong niya sa akin at biglang ngumiti.
"Ang ama mo ang bida sa kuwentong iyon" nabigla ako sa sinabi niya.
"Namatay ang iyong ina dahil sa bangungot hindi ba?" bumibilis na ang tibok ng puso ko dahil tama siya.
"Ngunit hindi iyon alam ng iyong ama sapagkat magmula ng pumatak ang luha na iyon ay kasabay ng pag-alis ng alaala ng mga tao sa nangyari at nagsilbing alamat ang kuwento ng iyong ama" pagpapatuloy niya.
"At dahil nasa iyo ang dream catcher, magpapatuloy ang sumpa. May isang aklat ang naglalaman ng alamat na iyon."
"Alam niyo ba kung nasaan ang aklat na iyon?" tanong ko.
Umiling ito.
"Makinig ka ng mabuti sa akin. Dahil nagsisimula ang kuwento ninyo ng isang dalaga na nabubuhay sa hinaharap ay napapalitan ng laman ng aklat. Napapalitan ito ng kuwento niyo." hinawakan niya ang mga kamay ko. "Maaaring maulit ang kuwento at baka ikamatay ito ng dalaga tulad ng pagkamatay ng iyong ina"
Napalunok ito. "Mas dadalas pa at lalala ang pwedeng mangyari binata. Alam mo naman ang kahihinatnan niyo di'ba?"
Tumango ako.
"Pareho kayo mahihirapan dahil sa sumpa. Sunod-sunod na kamalasan" dagdag niya.
"Maaari ko bang malaman kung may pwede akong gawin para malayo siya sa kapahamakan?"
"Baguhin mo ang kuwento. Saktan mo ang damdamin niya." sagot nito.
"Habang nabubuhay ang dalaga maraming buhay din ang kapalit" dagdag niya pa.
Hanggang ngayon hindi ako mapakali sa huli naming paguusap ni Sophia. Ayos lamang kaya ang kalagayan niya ngayon? Magagawa niya pa rin kayang pansinin ako sa kabila ng ginawa ko?
"Ginoong Franco!!" sigaw ni Poncio.
"Anong nangyari?" tanong ko sa kaniya.
"Ang iyong ama ay sumugod ngayon sa pamamahay ni Don Miguel.. ng mag-isa" paliwanag niya pa.
Kaya agad akong pumunta roon. Naabutan ko si Don Gregorio sumisigaw sa harap ng Hacienda Lopez.
"Ilabas niyo ang asawa ko! Ilabas niyo mga hangal kayo! Pagkatapos ko kayo pagtakpan ito igaganti niyo mga hayop kayo!" sigaw niya habang hawak ang malaking baril.
Nagngangalit ito. Para itong halimaw na handa ng patayin ang kaniyang pagkain. Ngayon ko lamang nakita si Don Gregorio na ganoon magalit.
"Umalis ka na, binibigyan pa kita ng pagkakataon para pagisipan iyang binaba---" hindi na niya natuloy dahil biglang pinaputukan ng bala ni Don Gregorio si Don Miguel. Ngunit daplis lang ang inabot nito dahil hanggang ngayon ay nanghihina pa din si Don Gregorio.
Hinawakan ng mga sundalo si Don Gregorio sa parehong kamay at sinuntok sa tiyan ng napakalakas. Pinagtulungan siya. Kitang-kita ko ang luha sa mata ni Don Gregorio.
"Ilabas niyo ang asawa ko.." hinawakan ni Don Gregorio ang paa ni Don Miguel ngunit inapakan lamang ito kaya napasigaw siya sa sakit. Pati ang sigarilyo nito ay dinikit sa balat niya.
"Itigil ni---" hindi ko na naituloy ang pagpipigil sa kanila dahil may nagtakip ng bibig ko.
"Hindi magandang plano ang sumigaw" bulong niya sa akin. "Ako ito si Consolacion" pagpapakilala niya.
Wala na akong nagawa kung hindi panoorin ang pagpapahirap sa ama ko. Pinagsisipa siya at inapak-apakan. Nakahiga na ito sa lupa at duguan.
Isang malakas na baril ang umalingawngaw dahil binaril niya sa ulo si Don Gregorio. Hindi ko na napigilan humagulgol dahil ang ama ko ngayon ay wala na.
Hinatak na ako ni Consolacion papalayo sa lugar kung saan naiwan si Don Gregorio na duguan. Hindi na namin alam kung saan kami papunta basta takbo lang kami nang takbo para makalayo roon.
Huminto na muna kami dahil hindi na raw kaya tumakbo ni Consolacion at malayo naman na kami sa Hacienda Lopez.
"Makinig ka, hindi na tayo maaari bumalik sa inyo, dahil pinatatapon na ang mga ari-arian niyo at binabalak pa itong sunugin, palalabasin nilang namatay na kayong lahat para makuha ni ama ang iyong posisyon" pagpapaliwanag niya sa akin. Pinagpapawisan ito.
"Ang mga katulong? Si Poncio? Ayos lamang ba ang kalagayan nila?" nag-aalala kong tanong. Tumango ito at hinawakan ang balikat ko.
"Kailangan natin mailigtas ang iyong ina, patawarin mo ako kung wala man lang ako magawa para iligtas ang iyong ama" wika pa niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Naabutan ko siyang paalis, sinubukan ko siyang pigilan ngunit desidido talaga ito na iligtas ang iyong ina" tumulo ang mga luha nito dahil napalapit na rin ito kay Don Gregorio. "Hindi niya na daw makakayang mawalan pa muli ng asawa, kaya wala na akong nagawa para pigilan pa siya"
"Naiintindihan ko, huwag ka mag-alala magiging maayos ang lahat, maghihiganti ako" mariin ko pang sabi.
"Narito lamang ako sa likod mo para tulungan ka" wika pa niya.
May narinig kaming mga yabag ng mga kabayo na papalapit sa amin. Kaya agad ko siyang hinatak at tumakbo.
Bigla akong bumagsak dahil nadaplisan ako ng pana sa paa at nahihirapan na tumayo.
"Tumayo ka riyan!" sigaw sa akin ni Consolacion at natataranta na ito. "Dalian mo at tumayo ka na riyan Franco maabutan na nila tayo!" Bigla na lamang lumabo ang lahat at huli ko lamang na naalala ay ang hatakin si Consolacion at sinakay sa kabayo. Hindi na naging malinaw ang itsura ng kumuha kay Consolacion dahil unti-unti ng pumikit ang mga mata ko.
*********************
A/N: Abangan sa susunod na kabanata ang mga kaabang-abang pang mga pangyayari! Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta sa story!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top