Kabanata XXV

[Ikadalawampu't limang Kabanata]

"Ayos ka lang po ba?" tanong sa akin ni Poncio. Agad akong bumangon at napansin kong pinagpapawisan ako.

"Nasaan si Don Gregorio at si Donya Victorina?" aligaga kong tanong.

"Nasa kwarto ngayon si Don Gregorio nagpapahinga dahil sa natamo niyang sugat kagabi" paliwanag ni Pancio. "Maiwan ko na po kayo. Ubusin niyo po iyang pagkain" sabi niya pa at lumabas na ng silid ko.

Sinilip ko si Don Gregorio sa silid niya at nakita ko itong nahihirapan dahil nadaplisan siya ng bala kagabi.

"Patawarin niyo ako ama kung naging isang mangmang ako. Dahil sa akin kaya nangyayari ito" panimula ko.

"Nangyari na ang nangyari. Naiintindihan naman kita, pero iniisip ko lang ang kalagayan niyong mag-ina ko. Nawala na. Nagsisimula na siya"

"Patawarin niyo ako ama, binigo ko kayo"

"Wala na tayong magagawa anak. ang magagawa na lang natin ay ang magtulungan" wika niya at niyakap ako. "Kahit hindi na magawa ang paaralan basta maging ligtas lang ang iyong ina"

"Gagawa po ako ng paraan para maiayos ang lahat, pangako" sabi ko pa at niyakap siya nang mahigpit.

"Aray nak hinay lang hahaha" At pareho kaming nagtawanan. Ngunit natigilan din kami dahil biglang may kumatok.

"Nandiyan ka pala ija, kanina ka pa ba?" tanong ni ama kay Binibining Consolacion na ngayon ay hawak hawak ang tiyan niya. Umiiyak siya at may dugo sa mga binti nito.

"Wala na ang bata" tuluyan na siyang humagulgol at napaupo sa pintuan. Agad akong lumapit papunta roon at niyakap siya.

"Ano ang nangyari?" nag-aalala kong tanong.

"S-sinaktan ako ni ama nang malaman niya na binibigyan ko nang palihim si Donya Victorina ng pagkain" paliwanag niya. "Hindi ko aakalain na magagawa iyon ni ama"

"Ija, hindi mo pa nakikilala ang iyong ama. Hayaan mo magiging maayos din ang lahat" wika pa ni Don Gregorio.

Hinatak ko si Consolacion palabas. "Maiwan ko na muna namin kayo ama, magpahinga na po kayo riyan" Tumango naman ito.

"Poncio, kayo na muna ang bahala kay Binibining Consolacion, ingatan niyo siya kung maaari" wika ko kay Poncio na ngayon ay inaalalayan si Consolacion.

"Masusunod po" sagot niya.

Hinalikan ko sa noo si Binibining Consolacion bilang pahiwatig na magiging maayos din ang lahat. "Babalik ako, hintayin mo ako dito, magpagaling ka"

Bumalik ako sa kabilang parte ng ilog at nadatnan si Julio nagsisibak ng kahoy.

"Nariyan ka pala Franco, anong kailangan mo?" tanong niya sa akin.

"Ang dinadalang bata ni Binibining Consolacion ay---- wala na Julio" balita ko sa kaniya.

"Ang a-anak namin?" tanong niya sa akin. Nakita kong nakakuyom ang kamay nito. Tumango ako.

"Kagagawan ba nito ng ama niya?" tanong niya sa akin.

"Paano mo nalaman?"

"Kilala ko iyang hayop na 'yan, kapag binibisita ko si Consolacion, lagi kong naabutan na sinasaktan niya si Consolacion at laging pinapagalitan" paliwanag niya. Ganoon pala kalupit si Don Miguel kahit mismong anak niya ay sinasaktan niya.

"Dinakip nila si Donya Victorina at hindi ko alam kung anong klaseng pagpapahirap ang ginagawa nila sa ina ko. Kahit na gusto kong iligtas si ina ay mahirap dahil isang maling galaw ko lamang ay isang kapamahakan sa lahat"

"Hayaan mo, handa akong tumulong Franco. Nandito lamang ako lagi sa likod mo.

Pagkatapos namin mag-usap ay binalikan ko na si Consolacion para tingnan ang kalagayan niya. Nasa higaan siya nakahiga at nagpapahinga ngayon.

"Nariyan ka pala Franco" wika niya nang mapansin ako.

"Maayos na ba ang iyong pakiramdam?" tanong ko sa kaniya at agad naman siyang tumango.

"Salamat Franco, kahit na naging mali ako sa ginawa ko ay nariyan ka pa rin at tinutulungan ako"

"Bakit mo ba nagawa ang lahat ng iyon? Una pa lamang tayo magkita ay hindi ko aakalain na magagawa mo ang mga iyon"

"Patawarin mo ako Franco, hindi ko ginusto mangyari ang lahat ng nga iyon" paliwanag niya at tuluyan ng tumulo ang nga luha galing sa mata niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Lahat ng iyon ay inutos sa akin ni ama, dahil gusto niyang mapalapit at makuha ang tiwala niyo. At kapag nangyari iyon ay pababagsakin niya kayo" napayuko ito habang nagkukuwento. "Kaso bigla mo siyang nabisto sa mga ginagawa niya, lalo na nung nagsalita ka sa harap noong kaarawan mo, alam niya na siya ang pinaparinggan mo, kaya sumabog na siya sa galit" dagdag niya pa.

"Anong problema niya sa amin?"

"Gusto niya makuha ang posisyon mo, kapag naubos na kayong Segovia, ay siya na ang papalit bilang pinuno"

"Ngayon ay naiintindihan ko na ang lahat"

"Patawarin mo ako Franco, totoong minahal kita una pa lang. Sinunod ko lang ang mga pinaguutos niya dahil ipinangako niya sa akin na hindi niya kayo sasaktan kapag ginawa ko ang lahat ng pinagagawa niya. Pero mali ako, maling mali. Sarili kong ama ay niloko ako. Hindi ko aakalain na hindi siya susunod sa usapan namin"

"Naiintindihan ko na Consolacion, pinapatawad na kita. Huwag mo na alalahanin ang mga iyon" paliwanag ko pa at tinabihan sa higaan niya.

"Siguro nga ay hindi mo talaga kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay ko sa'yo. Ngunit huwag ka mag-alala, tinanggap ko na Franco. Tanggap ko na." paliwanag niya pa.

"Hindi ka naman mahirap mahalin Consolacion, isipin mo na lamang na may tao pa rin na handa kang mahalin tulad ng pagmamahal na binibigay mo sa akin" hinawakan ko ang kamay niya at pinunasan ang mga luha niya. "Magpahinga ka na" sabi ko pa at iniwan siya sa kwarto niya.

Nagpahinga na muli ako sa higaan ko at ipinikit ang mga mata ko.

Nakita ko si Sophia na kumakain ng mga mangga. Masaya na ako na makita siya ng walang problema o nalalapit sa kapahamakan.

Abot langit ang tuwa ko na nasisilayan ko siya sa tuwing ako ay nananaginip pero kailan naman yung makakasama ko siya sa tuwing ididilat ko naman ang mga mata ko.

"Samahan mo ako rito mahal" nakangiti niyang sabi sa akin. Nasilayan ko muli ang mga ngiti sa labi niya na siyang hindi ko pagsasawaang tingnan at ang nagpapalambot ng puso ko at iibigin na makita sa araw-araw.

"Sophia"

"Bakit mahal, may nangya---"

"Kalimutan mo na ako" tumulo ang mga luha ko nang sabihin ko iyon. Kita naman sa mukha niya ang pagkagulat.

"Nagbibiro ka di'ba?" Sabihin mo sa akin na nagbibiro ka. Biro lang 'to di'ba Fran----" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil tuluyan na siyang napaupo at tumulo ang luha niya. Gusto ko punasan iyon pero hindi ko magawa.

"Hindi ako nagbibiro. Kalimutan mo na ako. Kalimutan mo na minahal kita"

"Franco minahal mo ba talaga ako?" tanong niya sa akin habang hawak ang mga kamay ko. Ang sakit na makita siyang ganoon ang kalagayan.

"N-nasasaktan ako. Ang sakit sakit. S-sabihin mo na nagbibiro ka at ayaw mong kalimutan kita. Gusto kong marinig Franco" mas lalo niyang hinigpitan ang mga hawak sa kamay ko.

"Pasensiya na hindi ko sasabihin ang gusto mong marinig" sinabi ko nang diretso sa kaniya habang nakatingin sa mga mata niya na basang basa ng mga luha.

"Bigyan mo ako ng dahilan para gustuhin kong kalimutan ka Franco"

"May iba na akong iniibig. Siya ang gusto kong makasama, maging ina ng magiging supling ko, maging asawa ko Sophia." pinunasan ko ang mga luha niya. "Sapat na dahilan na siguro iyon" tinanggal ko ang mga kamay niya sa mga kamay ko at tuluyan nang lumayo sa kaniya.

***********************
A/N: Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa. Abangan ang mga susunod pang mangyayari sa mga sumusunod pang kabanata! : )

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top