Kabanata XX

[Ika-dalawampung Kabanata]

"Ang ganda ata ng mood mo ngayon teh" sabi sa akin ni Samantha ngayon habang inaayusan ako.

"Hindi ba pwedeng masaya lang hmm?"sabi ko pa.

"Aysus! Ano naman ang ikinasaya mo aber?" nagtataka niyang tanong at kinurot pa ang ilong ko.

"Heto naman ang panira. Narealize ko lang naman na ang sarap mabuhay" nakangiti ko pang sabi. Kanina pa hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ko.

"Kailan ka pa nagnilay-nilay teh?" napaka-nega talaga nito kahit kailan.

Ngayon ay nandito kami sa bahay nila Samantha para gumawa ng project namin sa science.

"Tawagin niyo lang ako kung may kailangan kayo ha? Sammy maghanda ka ng meryenda pagkatapos mo riyan" sabi ni Mama Irish. Dahil matagal na kaming magkaibigan ni Samantha, tinuring na rin akong anak ni Mama Irish. Sinabi niya rin na 'mama' na rin ang itawag ko sa kaniya.

"Yes mama, thankyou love yah mwaps" nag-flying kiss pa ito kay Mama Irish. Parang magkapatid lang ito magturingan.

Natapos na din namin ang kanina pa naming ginagawa na project para sa science. Kakailangain iyon para sa science exhibit na gaganapin para bukas.

"Maaga pa teh, gusto mo bang bumili tayo ng mp3 player sa mall? I-treat naman natin sarili natin" sabi niya pa at mukhang excited.

"Haynako, hindi na sapat yung pera ko para pambili niyan. Sasamahan na lang kita"

"Bahala ka diyan dadagdagan ko iyan sa ayaw at sa gusto mo. Halika na dali!" excited na excited siyang nagbihis at kinuha ang bag niya.

Nasa mall kami ngayon ni Samantha at naghahanap ng mp3 player na 32gb. Ayon daw ang bilhin namin para maraming ma-download na songs.

Habang namimili siya ay biglang nahilo ako. May kakaiba akong naramdaman.

"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Samantha. Nakita ko ang pag-aalala niya sa hitsura nito. Tumango ako.

Agad na bumili na si Samantha para raw makauwi na agad kami at makapagpahinga ako.

At dahil kailangan naming tumawid, hinintay namin mag-red ang stoplight. Laking gulat ko na hinawakan ako ni Samantha at agad na tumakbo kahit green ang nasa stoplight. At dahil kanina pa ako nahihilo hindi ko sinasadya na madapa.

Malapit na kaming abutan ng sasakyan na paparating at pareho na kaming natataranta. Hindi ako makagalaw at parang nanigas ang katawan ko. Napapikit na lang ako sa takot na baka ito na ang huling araw ko.

"Huwag nga kayong paharang harang riyan! Ang dami talagang pasaway na kabataan ngayon tapos ang ending kasalanan pa naming mga driver kapag nadisgrasiya kayo" sigaw ng driver ng truck na ngayon ay nakahinto sa harap ko.

"Tumayo ka na riyan" inalalayan ako ni Samantha at inalalayan maglakad.

"Ayos ka lang ba Sophia?" tanong sa akin ni Mama Irish. Sobrang nagaalala ito bakas sa mukha niya.

"Opo, nanghina lang po ang tuhod ko kanina" pagpapaliwanag ko.

"Hindi kasalanan ko teh, alam ko naman masama pakiramdam mo. Pinilit pa kitang tumakbo. Gusto ko lang naman makauwi kaagad tayo" sabi niya. "Sorry" niyakap niya ako ng mahigpit.

"Ipapaalam na lang kita kay Elsa na dito ka na muna magpahinga, para hindi rin siya mag-alala" sabi ni Mama Irish habang nakangiti. Lumabas na silang dalawa sa kwarto at naiwan akong mag-isa. Kung hindi huminto ang truck kanina ay wala na siguro ako dito. Masiyadong pagod ang isip at katawan ko kaya hinayaan ko na lang pumikit ang mga mata ko.

"Mahal ayos lang ba kung hanggang ganito lang tayo?" tanong sa akin ni Franco habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko.

"Paanong ganito lang tayo?" tanong ko sa kaniya.

"Na hanggang sa panaginip lamang tayo nakakapagkita" tumingin siya sa akin.

"Ano ka ba, kahit ganito lang tayo, masaya ako. Masaya ako sa piling mo" sabi ko sabay pindot sa ilong niya na ikinatawa ko.

Inihiga niya ako sa dibdib niya. Dinig ko ang bawat pintig ng puso nito. Tila inaawit non ang pangalan ko. Naaamoy ko rin ito, ang tamis non. Ang amoy na iyon ang hahanap-hanapin ko.

"Baka masinghot mo ako niyan binibini" sabi niya habang natatawa. Lakas naman nito mang-asar.

"Akala mo diyan, nahuli rin kaya kita inaamoy mo ang buhok ko kanina" ganti ko pa sa kaniya.

"Hindi ba pwedeng pinapahalagan ko ang akin?" sabi niya sabay kindat pa sa akin. Parang hinahabol ng isang daang kabayo ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Oo, pagmamay-ari mo na ako Franco.

"Iibigin kong mangyari na ganito na lamang tayo habang-buhay" bulong niya na siyang dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Nakapikit ito ngayon at dinadama ang simoy ng hangin.

Ang amo ng mukha nito. Napadako ang mata ko sa mga labi nito. Mapula iyon at manipis. Ano kaya pakiramdam mahalikan ng mga labing iyon?

"Huwag mo pagkatitigan, baka wala sa oras ikaw ay mahalikan niyan" sabi niya na ngayon ay nakatingin sa akin at kinindatan pa ako. Tinarayan ko siya at hinampas sa dibdib.

Laking gulat ko ng umapaibabaw siya sa akin at sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at naramdaman ko ang labi niya sa noo ko at sa ilong ko.

"Huwag kang mawawala sa akin ha?" tanong niya sa akin pagkadilat ng mata ko. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.

Game over. Hulog na hulog na ako sa lalaking ito.

*********************
A/NBakit kaya bigla na lang nakaramdam ng kakaiba si Binibining Sophia? Abangan! :)

MARAMING SALAMAT SA PATULOY NA PAGBABASA :D

Your votes and comments are highly appreciated!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top