Kabanata XVII

[Ikalabing-pitong Kabanata]

"May bisita po kayo Ginoong Franco" sabi ng isa sa mga katulong ni Donya Victorina.

"Magandang umaga sa iyo Ginoong Franco" bati sa akin ni Binibining Consolacion at mukhang namumutla ito.

"Maayos ba ang iyong pakiramdam?" nag-aalala kong tanong sa kaniya at pinaupo.

"Nagdadalang tao ako Franco" sabay himas sa kaniyang tiyan. "At ikaw ang ama Franco"

"Magkakaroon na ako ng apo? Tama ba ang pagkakarinig ko?" sigaw ni Donya Victorina at nagmamadaling bumaba.

"Opo Donya Victorina" sagot ni Consolacion na siyang ikinabaling ng tingin ko sa kaniya. Hindi maaaring ako ang maging ama ng batang dinadala niya dahil wala namang nangyari sa amin!

"Kung ganon pala ay dapat na maikasal kayo bago lumabas ang bata. Hindi ba't magandang ideya iyon?" wika ni Donya Victorina na lalong ikinagugulo ng isip ko.

Paanong nagkaroon kami ng supling, hindi kaya palabas niya lang 'to?

"Oh siya maiwan ko na muna kayo at ibabalita ko ito sa iba, lalo na sa iyong ama anak" tuwang tuwa na paalam ni Donya Victorina sa amin. Kaming dalawa na lamang kami ang natira at namayani ang katihimikan sa pagitan naming dalawa.

"Alam kong nagtataka ka ngunit siguro ako na ikaw ang ama ng dinadala ko sapagkat may nangyari sa atin ng kumuha tayo ng gamot para sa iyong ina" panimula niya. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.

"Huwag ka mag-alala Binibining Consolacion, hindi ko hahayaan na lumaki ang bata ng walang ama" niyakap ko siya ng mahigpit at pinaramdam na magiging maayos din ang lahat.

Binisita ko na muna si Julio sa bahay nila kung nakabalik na ba siya. Ngunit nabigo ako sapagkat wala pa rin siya doon. Nasaan na kaya ang pilyong iyon?

Nagpunta ako sa mga pinuntahan namin ay wala rin siya doon. Napadaan ako sa ilog at may kung anong kakaibang tinig ang naririnig ko pero isinawalang bahala ko na lamang.

Bumalik ako ng mansiyon ng  salabungin ako nila Don Miguel at Don Gregorio.

"Dapat ay hindi mo iniiwan ang mag-ina mo, ngayong magiging ama ka na ay dapat lagi mong kasama si Consolacion" salubong sa akin ni ama sabay akbay sa akin. 

"Halika at ipapakita namin sa iyo ang bago niyong tirahan Franco" sabi pa sa akin ni Don Miguel na tuwang-tuwa.

Nakarating kami sa napakalaki at magarbong bahay na hindi nalalayo sa mansyon ni Don Tiburcio. Dito na ba kami titira pareho ni Binibining Consolacion? Nabibigla ako masiyado sa mga nangyayari.

"Dito na kayo titira magmula ngayon at babantayan ang mag-ina mo anak, dapat ay hindi mo siya hinahayaan na mag-isa lang" nakita ko naman si Binibining Consolacion na nakangiti habang  naghahanda ng inumin sa sala.

"Oh siya maiwan na muna namin kayo" masayang paalam naman ng dalawa sa aming dalawa.

"Uminom ka na muna at magpahinga Ginoong Franco" wika sa akin ni Binibining Consolacion at umupo sa tabi ko.

"Ayos lamang ako Binibining Consolacion, siguro ay magpapahinga na lamang ako sa kwarto ko" paalam ko sa kaniya at hinanap ang kwarto ko.

Humiga na ako at nagpahinga sapagkat pakiramdam ko ay sasabog ang utak ko sa kakaisip sa nangyari sa araw na ito. Hindi ako mapakali dahil nagkaroon ako ng anak sa taong hindi ko naman talaga mahal.

"Franco ayos ka lang ba? Kanina ka pa nakatulala diyan ah. Matatanda nga naman ang daming iniisip" asar sa akin ni Sophia at tumawa. Magaan talaga ang pakiramdam ko sa babaeng ito.

"Aba't?! Wala kang respeto sa mga matatanda!" patol ko sa pang-aasar niya. Pareho kaming natawa sa mga kalokohan namin.

"Mano po" sabi niya sa akin pagkatapos inabot ang kamay ko at nagmano. "Hahaha! ayan na po lolo, may respeto na ako" tawa niya sabay takbo papalayo sa akin.

Agad ko naman siyang hinabol.

"Bilisan mo naman lolo, mahina na ba ang mga tuhod mo? HAHAHA" pang-aasar niya pa kaya binilisan ko lalo ang takbo. Nang maabutan ko siya ay hindi ko sinasadyang madapa sa kaniya.

Sobrang lapit na ng mga mukha namin sa isa't isa. Hindi ko maipaliwanag ngunit bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko.

Bumalik ang huwisyo ko nang itulak niya ako. "Ang lampa mo naman lolo"

"Isa pang lolo mo riyan ay hahalikan kita" hindi ko sinasadyang pagbabanta sa kaniya na siyang ikinamula ng mukha niya.

"Biro lamang" bawi ko pa. Humiga ako ngayon sa damo at kitang kita ang mga bituin. Napakalamig ng simoy ng hangin ngayon. Sobrang nakakagaan sa pakiramdam dahil nawawala ang problema ko sa tuwing ako ay natutulog. Pinikit ko ang mga mata ko para damhin ang hangin.

Laking gulat ko nang imulat ko ang mga mata ko ay nakahiga si Binibining Sophia sa tabi ko.

"Tingnan mo iyon oh" turo niya sa bituin. Ang bituin na iyon ang pinakamakinang sa lahat ng mga bituin. "Kapag may problema ka ay titingin ko lamang sa bituin na iyan" dagdag niya.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Kase titingin rin ako sa bituin na iyan para naman maramdaman mo na nandito ako palagi sa tabi mo sa tuwing may problema ka" nakangiti niyang sabi sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. Binalik niya ang tingin niya sa bituin na iyon.

"Tatandaan ko ang sinabi mong iyan" nakangiti kong sabi at ibinalik ang tingin ko sa bituing iyon.

"Gusto mo bigyan natin ng pangalan?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya.

"Ang gusto kong ipangalan sa kaniya ay Sophia" sabi ko na ikinalingon niya sa akin.

"Bakit naman kapangalan ko?" nagtataka niyang tanong at magkasalubong nanaman ang kilay nito.

"Para lagi kitang naaalala" nakita ko siyang napaiwas ng tingin. "Hindi mo ba nagustuhan ang pangalan?" tanong ko pa.

"Nagustuhan, pero mas gusto kita" sabi niya. Pero hindi ko narinig ang huli niyang sinabi dahil hininaan niya ang kaniyang boses.

"Ha? Anong sinabi mo?" tanong ko sa kaniya. Umupo ako at tiningnan siya ng seryoso.

"Haynako mga matatanda talaga mahihina ang pandinig" wika niya habang tumatawa.

Kung ano man ang sinabi niya ay hindi na mahalaga. Basta naging masaya ang gabi ko ng dahil sa kaniya.

***********************

A/N: Ang pagaasaran kaya nila ay mauuwi sa pagkakamabutihan? Abangan sa mga susunod na kabanata.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top