Kabanata XV
[Ikalabinglimang Kabanata]
Nakaupo ako ngayon sa sanga ng puno ng mangga. Mag-isa ako ngayon sapagkat hindi ko alam sa kung anong dahilan bakit ilang araw ng hindi na nagpapakita si Julio. Ang huli naming pagkikita ay ang pagdiriwang pa namin ng fiesta sa aming lugar.
Habang dinadama ko ang simoy ng hangin, ay biglang may tumama na mangga sa aking ulo.
"Aray!" sigaw ko. Hinawak-hawakan ko pa ang aking ulo at may naramdaman akong bukol. May narinig naman akong tumatawa sa ilalim ng puno na siyang ikinagulat ko.
"Binibining Sophia?" tanong ko sa babaeng nasa ibaba.
"Sino naman iyon, Ginoong Franco? Ako ito si Binibining Consolacion" wika niya. Umasa ako na si Binibining Sophia, ngunit hindi. Nakaramdam ako bigla ng lungkot. Naalala ko na sa panaginip lamang kami nagkikita.
"Wala iyon Binibining Consolacion, teka at ako'y bababa riyan" wika ko sa kaniya at dahan dahang bumaba sa puno.
Nakasandal kami pareho ngayon sa puno at parehong dinadama ang simoy ng hangin. Napatingin naman ako sa kaniya at nakangiti ito habang nakatanaw sa kapiligiran.
"Ang saya mo ngayon Binibining Consolacion, sa tingin ko ay umiibig ka na" pangaasar ko sa kaniya na siyang ikinalingon niya sa akin.
"Tama ka roon Ginoong Franco, ako ay umiibig na" nakangiti niyang wika habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata na siyang nagbigay ng ilang sa akin.
"Kung gayon, sino ang masuwerteng binata na ito?" tanong ko sa kaniya.
"Sa iyo Ginoong Franco" nakangiti niyang wika na siyang ikinagulat ko.
"Kukuha lamang ako ng mangga, hayaan mong pitasan kita" pagiiba ko ng usapan. Agad naman akong umakyat at walang hirap na nakapitas ako ng mga mangga. Pagkababa ko sa puno ay laking gulat ko ng kainin iyon lahat ni Binibining Consolacion. Naalala ko bigla si Binibining Sophia, na para bang halimaw kung kumain ng mangga.
"Hindi mo ba ako sasamahan, kumain ng mangga?" tanong sa akin ni Binibining Consolacion.
"Ayos lamang ako, ipinitas ko talaga iyan para sa iyo" pagdadahilan ko sa kaniya. Talagang matinding ilang ang aking nararamdaman sa tuwing kami ay nagtatabi kaya agad akong umiiwas sa kaniya.
Laking gulat ko ng unti-unti siyang lumalapit sa akin, ang kaniyang mukha ay hindi na nalalayo sa mukha ko. Mariin niyang nilapat ang kaniyang labi sa aking mga labi na siyang ikinahina ng buong katawan ko. Pero mas inisip ko kung paano ako makakatakas sa karahasan na ginagawa ngayon ni Binibining Consolacion.
Agad ko siyang itinulak papalayo sa akin, at kumaripas na ako ng takbo papalayo sa lugar na iyon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba. Kung narito lamang si Julio ay mayroong magpapagaan sa nararamdaman ko ngayon.
"Anong nangyari sa iyo Franco at para kang nakakita ng multo?" tanong sa akin ni Donya Victorina na mukhang naga-alala na sa itsura ko ngayon na mukhang takot na takot.
"Wala po, ina. Magpapahinga lamang po ako sa aking kwarto" dahilan ko kay Donya Victorina.
Hindi ako mapakali sa nangyari kanina, hindi ko aakalain na magagawa niya iyon. Nararapat na malaman iyon ni ama ngunit masisira ang relasyon niya kay Don Miguel na siyang ikasisira ng plano ng pagpapatayo ng paaralan.
Dapat ko na lamang ito itago at umiwas kay Binibining Consolacion.
Humiga na ako sa aking higaan at pinilit na matulog upang makalimutan kahit papaano ang nangyari kanina.
Tahimik akong nakatitig sa sapa ngayon at tinatanaw ang paglubog ng araw.
"Hoy! Bakit ang tahimik ngayon ni Ginoong Franco" masayang bati sa akin ni Binibining Sophia. Ngunit hindi ko siya sinagot dahil wala akong oras para makipagbiruan. Gusto ko muna ngayon maging payapa ang aking isipan.
"Ang tahimik naman nito, nawalan ka ba ng dila? Ahh! mahina na nga pala pandinig ng mga matatanda, pasensiya na lolo HAHAHAHAHAHA!" pangaasar niya sa akin na medyo ikinangiti ko ng bahagya.
"Hindi mo ba talaga ako papansinin diyan? Pasensiya na kung naging masungit ako nitong mga nakaraan, hindi na talaga mauulit basta pansinin mo lang ako" pagpupumilit niya sa akin.
"Sige, isang mangga kapalit ng ngiti mo" sabi niya pa sa akin habang nakangiti sa akin, pero ang ngiti na iyon ay ramdam kong wala ng halong biro.
"Pumapayag na ako" walang emosiyon kong sagot. Malapit na ako matawa pero pinipigilan ko iyon para sa isang mangga na galing sa kaniya.
Nakita ko siyang sinimulan na umakyat ng puno at kumuha ng mangga. Binalatan niya iyon at inilagay sa bato.
"Isang mangga para sa isang ngiti" magiliw niyang wika habang inaabot ang mangga na kinuha niya. Ng kukunin ko na iyon ay bigla niyang pinalo ang kamay ko na ikinagulat ko.
"Hep! Hep! Hep! Nasaan na yung ngiti na hinihingi ko?" tanong niya habang nakapamewang pa ito.
"Paano ako ngingiti kung hindi ko pa nakakain ang mangga na handog mo para sa akin?" wika ko na siyang ikinasalubong ng mga kilay niya.
"Oh ayan na" masungit niyang sabi na ikinangiti ko. Nakakagaan talaga sa pakiramdam sa tuwing nakikita at nakakasama ko siya kahit madalas ang sungit nito sa akin.
"Oh? bakit mo nanaman ba ako sinusungitan?" natatawa kong wika.
"Wala!" sagot niya sabay talikod sakin.
"Halika, samahan mo ako at sabayan sa pagkain ng handog mo." wika ko habang hinatak siya paupo sa tabi ko. Magkasama rin kaming pinanood ang paglubog ng araw.
"Salamat at nandito ka sa tabi ko" wika ko na siyang ikinangiti niya. Magaan ang pakiramdam ko sa tuwing kasama ko siya. Salamat at nakita kita Binibining Sophia. Salamat at pinagtagpo tayo.
*******************
A/N: Pasensiya na at ngayon na lang nakapag-update ng story, medyo busy kase sa school. Pero thankyou at patuloy pa din kayong nagbabasa, ily all!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top