Kabanata XLI

[Ikaapatnapu't isang Kabanata]

Ipinaganak muli ako sa henerasyong ito. At ang tanging kahilingan ko ay makita muli si Franco. Sa buhay na ito ay punong puno ng pagmamahal at kaginhawaan. Walang sakit at paghihinagpis. Siguro regalo na sa akin ito ng Diyos sa dinaranas ko sa huli kong buhay.

Ngayon isa na akong ganap na guro sa eskuwelahan na pinag-aralan ko noon. Sa buhay na ito may asawa na si Jacob na isang modelo na ngayon ay namumuhay na sa U.S. Si Samantha naman ngayon ay isang successful nurse ngayon at nananatiling bestfriend ko. Hindi ko pa gaano nakakausap si Nicole pero balita ko ay nakapangasawa ito ng kano at ngayon ay isang ganap na stewardess.

Ngayon ay linggo at kakatapos ko lang check-an ang mga test papers ng mga students ko. At dahil wala rin naman na akong gagawin napagpasiyahan naming dalawa ni Samantha para pumunta ngayon sa mall para mag-sine.

Bumibili ngayon si Samantha ng ticket habang ako naman ay bumibili ng popcorn. Magsisimula ang sine ng 3:00 at ngayon nandito ako nakapila sa 2nd floor ng mall habang ang sinehan ay nasa 4th floor.

Ngayon ay 2:55 at ako na ang next sa pila. Kaya pagkatapos ko bumili ay agad na akong tumakbo papunta roon. Nagkataong sira pa ang mga elevator kaya gumamit na ako ng hagdan. Madaling madali akong umakyat roon. Pagkarating ko sa 4th floor ay agad akong dumiretso pero may nakabangga akong lalaki. At nalaglag lahat ng dala kong popcorn.

"Ayos ka la----?" tanong ng lalaki pero agad ko ng dinampot ang mga popcorn at dumiretso sa sinehan ng hindi man lang siya tinitingnan.

Tama lang ang dating ko at nakita ko si Samantha na naghihintay sa akin. Binigay na namin ang mga ticket namin at pumasok sa loob.

"Bakit ang tagal mo yata, may nakita kong fafa sa bilihan 'no?" kinikilig na tanong nito.

"Ano ka ba, hindi ka pa rin talaga nagbabago. Mahaba lang talaga ang pila sa bilihan ng popcorn" sabi ko sabay kurot ko sa kaniya.

"Aysus palusot ka pa" natatawa niya pang sabi.

Nang matapos na kami sa panonood ng pelikula ay lumabas na kami, pero laking gulat ko ng biglang harangin kami ng lalaki dito sa labas.

Napakunot ang noo ko ng simulan ng bastusin ng lalaki ang isang babae na katabi namin. Hindi na ako nakapag-pigil, kaya bigla kong hinawakan ang kamay ng lalaki at pina-ikot iyon, dahilan para mapa-aray siya.

"Naku Sophia, mag-iingat ka" rinig kong sigaw ni Samantha.

Narinig ko namang papalapit na ang mga guwardiya sa amin ng tawagin ito ni Samantha, kaya itinigil ko na ang pangbubugbog sa lalaki na namamalipit na ngayon sa sakit. In-escourt-an na ng mga guwardiya ang mga lalaki palabas ng mall.

Panay ang pasasalamat sa akin ng babae ng matingnan ko ito ay laking gulat ko na iyon ay si----

Nicole.

"Sa susunod wag ka ng magsusuot ng maiikling damit, okay?" paalala ko sa kaniya.

"Opo, masusunod po nanay haha" natatawang sabi nito.

"Laki nang pinagbago ng itsura mo Nicole, hindi kita agad nakilala" singit ni Samantha.

"Nag-aayos na ako magmula ng mapangasawa ko si James, alam mo naman kano, panigurado gwapo. Kaya kailangan ko pantayan ang itsura non para goals hahaha" natatawa pa nitong paliwanag.

Pagkatapos nun ay umalis kami at pumasyal, nagkasundo naman kami agad. Ng matapos ang araw ay nagsimula ang magandang pagkakaibigan naming tatlo.

Kinabukasan ay alas-kuwarto ng umaga akong nagising dahil kailangan kong pumasok ng maaga dahil schedule ko sa first class ko ay 6am. Pagkatapos ko mag-ayos at mag-almusal ay agad akong dumiretso sa waiting shed para maghintay ng masasakyan.

At dahil sa kakamadali ko hindi ako nakapagdala ng payong. Sabi pa naman sa balita ay uulan ngayong araw. Habang naghihintay ako ay may lalaking nagmamadaling tumakbo papunta sa waiting shed.

Pabalik-balik ang tingin ko sa relo ko para siguraduhing hindi pa ako late. At dahil bumuhos na ang malakas na ulan panigurado ay malalate ako nito. Napansin ko ang lalaking katabi ko ay may dala dalang payong pero hindi niya man lang ginamit kanina.

Pero mas may kailangan pa akong problemahin at hindi ang paggamit niya sa payong niya.

"Finalmente le encontré" ("I finally found you") bulong nito.

"Ha? Ano iyon kuya?" tanong ko sa kaniya dahil hindi ko gaano naintindihan ang sinabi niya.

Nang tingnan niya ako ay biglang huminto ang paligid ko at siya lang ang tanging nakikita ko. Hindi ako pwedeng magkamali ang lalaking iyon ay si Franco.

Inabot niya sa akin ang payong na hawak nito at hinawakan ang mga kamay ko. Buong pagmamahal ko tinitigan si Franco. Sinampal ko pa ang sarili ko para siguraduhing hindi ako nanaginip.

"Hindi ka nananaginip Sophia" sabi niya habang nakangiti. Kay tagal ko ring hindi nasilayan ang ngiting iyon. Hinawakan ko ang mukha niya, hindi ako makapaniwalang nagagawa ko na itong mahawakan at kausapin nang imulat ang mga mata ko.

"F-franco.."

"Mahal huwag ka nang umiyak riyan" sabi niya at pinunasan ang mga luha ko. "Hindi ko gugustuhin na makita kang lumuluha, sige ka magagalit si Lolo Franco" pagbibiro niya pa.

Napansin ko ang kamay niya na may singsing ito. Kinasal na kaya ito sa iba? Hindi pa rin ba kami ang magiging bida ng kuwento namin?

"M-may asawa ka na pala?" kabado kong tanong sa kaniya na siyang ikinatingin niya sa singsing niya.

"Meron ak---"

Hindi niya itinuloy ang sinabi niya at hinawakan ang beywang ko at hinatak ako papalapit sa kaniya. Nilapit niya ang mukha niya at idinikit niya ang labi niya sa labi ko. Itinulak ko siya pagkatapos niya akong halikan.

"Meron ka nang asawa tapos hahalikan mo ako? Ayoko maging kabit 'no!" sigaw ko pa sa kaniya na ikinangiti niya ng nakakaloko.

"Meron akong hinihintay na pinangakuan ko ng panghabangbuhay na pag-ibig" sabi niya at hinalikan akong muli.

"Hindi na ba mauulit ang dati?"

"Hindi na Sophia. Ipinapangako ko na magiging masaya lang tayo sa buhay na ito, at ang singsing na ito? niregalo ito sa akin ni ina kaya huwag ka na magisip ng kung ano ano riyan"

Ang araw na iyon ang pinakamagandang araw sa lahat. Ito na ang araw na walang hahadlang sa pagmamahalan naming dalawa at ipagpapatuloy ang sinimulan namin sa nakaraang mga buhay namin. Ipapangako ko sa sarili ko na magiging masaya na ako----- masaya sa piling ni Franco.

And he still makes me fall in love with him all over again for the second time...

And again...

And again.

*** WAKAS ***

A/N: Thankyou so much for reading this. I know it is kinda short, pero ipinapangako ko na I really worked hard on it.

Thankyou once again, i love you all!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top