Kabanata XL
[Ikaapatnapu na Kabanata]
June 23, 2026
Habang nasa sementeryo kami, binibisita ang puntod ni Franco. Bigla siyang tumingin sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Lolo, huwag po kayo mag-aalala inalagaan ko po ito ng mabuti, kaya huwag niyo po akong mumultuhin sa panaginip ko ha?" sabi ni Jacob habang hinahawakan ang puntod ng lolo niya.
"Bilib ako diyan kay Lolo, natupad niya ang paaralan na matagal na pinapangarap ni Don Gregorio na pinapasukan natin noon. Napalaki niya rin ng maayos ang batang dinadala ni Lola Consolacion na pinagbunga ng pagiibigan nila ni Lolo Julio. Kung hindi niya inalagaan ang batang iyon, panigurado wala kang gwapong asawa ngayon" natatawang kuwento sa akin ni Jacob at kinindatan ako.
"Alam mo ilang beses mo na iyan kinukuwento. Bantayan mo na nga si Francis doon at baka magkulit pa. Manang mana talaga sa ama" natatawa ko pang sabi sa kaniya.
"Baka sa nanay hahaha!" natatawa pang pahabol ni Jacob.
"Susunod ako" paalam ko pa kay Francis at Jacob na ngayon ay nakasakay sa kotse.
Nasasaktan ako isipin na kahit baguhin natin ang takbo at maging sa katapusan ng kuwento natin, kailanman hindi magiging tugma ang gusto nating katapusan para sa ating dalawa.
Sana sa susunod na magtapo ulit tayo sa mga panaginip natin, magpanggap na lang tayo na hindi magkakilala.
Sana, huwag mo na muli tatangkain na baguhin ang kuwento natin.
Siguro nga itinakda tayo maging masaya sa kanya-kanya nating kuwento.
Sana piliin mo na maging masaya Franco. Yung hindi na kakailanganin pang maghintay ng matagal, yung wala ng mapapahamak.
Tatanggapin ko na isang pagkakamali ang pagtatagpo sa atin pero hindi ako nagsisisi na nakilala kita. Mahal na mahal kita Franco.
Masiyado ka ng maraming nagawa para sa akin.
Magpahinga ka na.
Nararapat na mahanap mo na ang tunay na kasiyahan at alam naman natin na hindi mo sa akin mahahanap iyon.
Salamat sa buhay na ito at nakilala kita.
Hanggang sa muli...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top