Kabanata XIV
[Ikalabingapat na Kabanata]
Patuloy ang aking pagtataray kay Franco ngunit sa tingin ko ay kahit anong gawin ko ay rurupok at rurupok ako sa kaniya. Lalo ng isinayaw niya ako kagabi, urgh! Ibinuga ko na ang tubig na ipinangmumog ko sa lababo at nagsimula ng magbihis.
"Magiingat kayo sa pagpasok" paalam sa amin ni Nanay Elsa. Nagmano naman kami pareho ni Josh kay nanay bago kami umalis.
"Teka lang pala pia!" tawag sa akin ni nanay dahilan para mapatigil ako at mapatingin sa kaniya.
"Ibigay mo ito kay Sir Jacob, magpasalamat ka sa kaniya pagkatapos mo ibigay iyan ah" sabi niya sabay abot ng maja blanca na nakabalot ng maayos. Umalis na kami ni Josh at naghintay ng masasakyan sa waiting shed.
Naghiwalay na kami ng daan ni Josh, dahil magkaibang building ang pinapasukan namin. Nakasalubong ko naman si Samantha na may katawagan sa phone, at mukhang kinikilig ito na parang may bulate sa puwet.
"Hoy teh, sino nanaman yan?" tanong ko sa kaniya dahilan para magulat siya.
"Ayy! anak ng teteng, bakit ka naman nanggugulat diyan?!" gulat na tanong sa akin ni Samantha sabay patay sa kaniyang cellphone. Tinaasan ko naman siya ng kilay bilang sagot.
"Okay, okay. Nakipagbalikan ako sa kaniya, Pero! Nag-promise naman siya na babawi sa akin! Promise last na 'to" pagpapaliwanag niya sa akin habang hawak hawak pa ang kamay ko.
"Kapag ikaw nasaktan nanaman, kasalanan mo na yan ha. Kung sa bagay, wala eh natural na sa satin ang pagiging marupok. Tara na nga teh, pumasok na tayo" sabi ko sa kaniya at inakbayan ko siya habang papasok sa classroom. Nagsi-upo na kami sa aming mga upuan at tamang tama kakapasok lang ni Sir Arcigal.
"Buenos Dias" (Goodmorning) bati sa amin ni Sir Arcigal at lahat kami ay nagsitayo.
"Buenos Dias Señor Arcigal" (Goodmorning Sir Arcigal) bati namin sa kaniya at nagsiupo na sa aming mga upuan.
"Pakipasa sa harapan ang inyong mga assignment, ng maayos" sabi niya at ipinasa na namin ang aming mga assignment sa harapan. Nagsimula na siyang magturo muli at ganon ulit, hindi ako nakinig sa mga itinuro niya. Habang nakatulala ako sa kawalan, bigla kong nakita si Sir Jacob na dumaan sa pintuan namin. Nagbalik na siya!
Pagkatapos magturo ni Sir Arcigal ay agad akong dumiretso sa faculty ni Sir Jacob. Dahan dahan akong sumilip sa pinto at nakita ko siyang nakaupo at may inaayos na mga papel na sa tingin ko ay test paper namin.
"Huwag ka ng manilip diyan Sophia, pumasok ka na" gulat kong sabi ni Sir Jacob na siyang muntikan ko ng mabitawan ang dala kong maja blanca.
"Hehe, sinisilip ko lang po kung nandiyan kayo sir, heto naman" nakangiti kong sabi habang napakamot pa sa ulo ko.
"Kung ganoon, anong pakay mo rito?" tanong niya sa akin.
"Pinabibigay ni nanay Elsa, gusto niya pong magpasalamat sa mga ibinigay niyo po kay Josh" nakangiti kong sabi sabay abot ng maja blanca. Umupo naman ako sa isang upuan malapit kay Sir Jacob, wala pa akong balak na bumalik sa room.
"Hindi niyo pa po ba bubuksan iyan?" tanong ko sa kaniya. Natatakam na kase ako sa niluto ni nanay na maja blanca haha!
"Hahahaha sige na bubuksan ko na, sa tingin ko ay mukhang nagugutom ka na" natatawang sabi ni Sir Jacob, nakakahawa ang mga ngiti niya tulad ni Franco.
Pinagsaluhan namin pareho ang maja blanca na kanina ko pa pinagkakainteresan. Nakita kong takam na takam si Sir, iba talaga magluto si nanay.
"Dito din po ba si Sir Arcigal naka-room?" tanong ko kay Sir Jacob. Balak ko kaseng hanapin yung notebook na kinuha niya sa akin na may sketch ng mukha ni Franco. Tumango naman si Sir Jacob at itinuro ang table ni Sir Arcigal. Agad ko namang nakita ang notebook ko at agad na niyakap yon. Ang tagal ding nawalay ang notebook ko na iyon hahaha!
"Ano ang notebook na iyan at parang sobrang halaga sayo?" nagtatakang tanong sa akin ni Sir Jacob at mukhang natatawa pa ito sa ginagawa kong pagyakap at pahalik-halik pa sa notebook ko.
"Nandito po kase lahat ng mga drawing ko hahahaha, tingnan niyo sir at mamamangha po kayo sa mga gawa ko" pagmamayabang ko pa sa kaniya na siyang ikinatawa niya.
"Let me see" sabay kuha niya sa notebook ko. Nakikita kong manghang mangha siya sa mga gawa ko base sa reaksiyon niya.
"Sabi sayo sir eh, galing ko diba?" natatawa kong tanong sa kaniya. Pero bigla akong napatigil sa pagtawa ng biglang sumeryoso ang itsura niya. Nakita ko naman ang sketch ko sa mukha ni Franco na ngayon ay tinitingnan niya ngayon.
"May problema po ba?" tanong ko kay Sir Jacob na siyang ikinalingon niya sa akin.
"Wala wala, masiyado lang akong namangha sa mga gawa mo, lalo na dito sa huling huli, mukhang tao talaga" pagpapaliwanag niya habang nakangiti.
"Sabi sayo sir eh, nakakabilib ba? teka nasaan ba ballpen ko, halika dito bibigyan kita ng fansign" sabi ko pa at naghanap ng malinis na papel, at agad kong inilagay ang pirma ko doon. Nakita ko naman siyang natawa sa ginawa kong kalokohan.
"Puro ka kalokohan hahahaha, oh siya bumalik kana sa room niyo, huwag kang magalala hindi kita isusumbong na kinuha mo dito yang notebook na iyan ng walang paalam" sabi niya pa sabay kindat sa akin.
"Thankyou sir!" sabi ko at nakasaludo pa sa kaniya, na pareho naming ikinatawa. Lumabas na ako ng faculty at diretso ng pumunta sa room.
"Hoy teh, nakita kitang lumabas sa faculty ni Sir Jacob ahh, may tinatago kayong relasyon 'no? umamin ka!" sigaw niya pa dahilan para mapatingin ang mga kaklase namin.
"Shh! hinaan mo nga yang boses mo. Wala kaming relasyon ni Sir Jacob, nahihibang ka na ba? Ibinigay ko lang yung maja blanca na ipinabibigay ni Nanay Elsa. yun lang yun wala ng iba" pagpapaliwanag ko pa pero hindi mukhang kumbinsido si Samantha.
Mabait si Sir Jacob, gwapo, mayaman, matangkad, matalino. Pero kase may iba ng tinitibok 'tong puso ko, at wala dapat makaalam na kahit sino dahil ang taong nagpapatibok ng puso ko ay isang taong nakikita ko lamang sa panaginip ko...
***********************
A/N: Ayon naman pala eh! Umiibig na nga si Sophia kay Franco, wala ng makakapigil pa sa nararamdaman ni Sophia, pero papaano kung may mangyari na siyang ikagugunaw ng mundo ni Sophia? Abangan!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top