Kabanata VI

[Ikaanim na Kabanata]

"Naisip niyo na din ba na bakit tayo nanaginip?" tanong sa amin ni Sir Arcigal na siyang dahilan para mapatingin ako sa kanya at makinig. Siya ang teacher namin sa Spanish Subject.

"Iba-iba naman kasi ang sagot ng mga tao. Sa panaginip, may mga nakikilala tayong kakaiba o di kilalang mga tao, mga kakaiba o baka sobrang pamilyar na lugar at mga di maipagtugma-tugmang pagkakasunod-sunod ng pangyayari." sunod niya pang sabi sa amin.

"Naranasan niyo na din ba class na may makilala tayong hindi pa naman talaga natin nakikita sa personal sa isang panaginip?" sunod na tanong pa ni Sir sa amin na siyang ikina-ingay ng buong klase, pero laking gulat ko ng tumingin si sir sa akin ng sinabi niya ang mga 'yun

Sabi nila, misteryoso o mahiwaga daw ang panaginip. Hindi natin alam kung saan nagmumula ang mga scenes na nakikita natin kapag tayo'y natutulog. Hindi natin alam kung bakit tayo nakakakita ng tao na hindi pa naman talaga natin nakikilala sa totoong buhay.

Next teacher na namin si Sir Jacob kaya inihanda ko na ang notebook ko ng nilalaman ng alamat na gawa ko sa tulong ni Franco.

"Okay, Goodbye Class. Hintayin niyo ang next teacher niyo at manatiling tahimik ang klase hangga't hindi pa siya dumarating" paalam ni Sir Arcigal at kinuha na ang kaniyang mga gamit sa table na nasa harapan.

"Maganda Umaga" bati sa amin ni Sir Jacob na may mga ngiti sa labi na siyang nagpaingay sa klase dahil kilig na kilig nanaman ang mga kaklase kong babae.

Nabaling ang tingin sa akin ni si Sir Jacob. "May maipapasa ka ba ngayon Ms. Salvador?" tanong niya sa akin na siyang ikinaiinis ko sa lalaking 'to. Nakita ko namang nag-aalalang tumingin sa akin si Samantha ngayon dahil tingin niya ay wala akong gawa dahil alam niyang hindi ako mahilig gumawa ng mga ganito, pero thanks to Franco at may maipapasa ako.

"Meron sir." maikli at seryoso kong sagot sa kaniya. Lumapit na ako at ipinasa ang notebook ko sa kaniya. Kinuha niya iyon at binuklat. Nakita kong napangiti siya pagkatapos niyang basahin ang ginawa ko.

"Great job, Ms. Salvador. Maganda ang gawa mo, hindi mo ako binigo" pagpupuri niya sa akin habang nakangiti. Ngayon ko lang nakita si Sir ng malapitan, kitang kita ang makakapal niyang kilay, kulay brown na mga mata, maninipis na labi, matangos na ilong, makinis na mukha, at yung adams apple niya, ang sarap titigan!

"Ms. Salvador? Inaantok ka nanaman ba?" tanong sa akin ni Sir na siyang ikinagising ng diwa ko.

"Ahh sir? ako po inaantok? hindi po sir! Gising na gising po ako! Sa katunayan nga po sir ay nakalimang kape po ako kaninang umaga hehe" pagdadahilan ko habang napakamot pa ako sa aking ulo.

"Hahahaha, mukhang gising na gising ka nga, oh siya bumalik kana sa upuan mo at ng makapagumpisa na tayo ng pagtatalakay" natatawang sabi ni Sir Jacob sa akin.

Bumalik na ako sa upuan ko at nagsimula ng magtalakay si Sir Jacob ng panibagong aralin sa Filipino.

"Teh, hindi na ulit ako sasabay ha? magkikita kase kami ngayon ng boyfie ko eh" kinikilig na paalam sa akin ni Samantha. Nahiwalay na siya sa akin at talagang nakikipagchat pa talaga siya habang naglalakad. Kapag ito talaga nadisgrasiya! hys.

Hindi pa ako nakakalayo ay agad na bumalik si Samantha at mangiyak-ngiyak na ngayon ang itsura niya.

"Oh ano nangyari?" nagaalala kong tanong sa kaniya.

"Nakipagbreak na siya sa akin! Bumalik na daw kase yung first love niya na matagal niya ng hinihintay, hindi pa ba ako sapat?!" naiiyak na paliwanag sa akin ni Samantha.

"Alam mo kalimutan mo na yang lalaki na yan, hindi na maganda yung kutob ko sa lalaki na yan una pa lang ehh. Hayaan mo na hindi niya deserve ang isang katulad mo! Tara na nga diretso tayo sa may sinehan, libre ko" pag-aalo ko sa kaniya para kahit papaano ay mabawasan ang bigat ng nararamdaman niya.

Pumila na kami sa may bilihan ng ticket at napili naming panoorin ang pelikula nila Dingdong Dantes at Iza Calzado na pinamagatang "Moments of Love". Maraming nagsasabi na maganda at nakakadurog ang puso ang palabas na iyon kaya hindi na kami nagpagtumpik-tumpik pa.

"Manonood din pala kayong dalawa?" tanong sa akin ng may pamilyar na boses. Agad kong nilingon kung sino yung nasa likod ko.

"Manonood din po pala kayo Sir Jacob! sabay sabay na po tayong tatlo ni Pia" excited na sabi ni Samantha at mukhang kinikilig pa, parang hindi nanggaling sa matinding break-up.

"Pwede ba?" nakangiting tanong sa amin ni Sir Jacob. Pareho naman kaming tumango ni Samantha at sabay sabay kaming pumasok sa loob ng sinehan pagkatapos makuha ang ticket.

Pinagigitnaan ako ngayon ni Samantha at ni Sir Jacob. Sa kaliwa si Samantha samantalang si Sir Jacob naman ay nasa kanan ko. Seryoso silang nanonood sa pelikula, habang ako naman ay seryoso namang nilalantakan ang popcorn na binili ko kanina. Nagulat ako ng humagulgol si Samantha sa ending ng palabas. Hindi ko naman nasubaybayan dahil busy ako kakakain.

"Pia naman eh, kakagaling ko lang sa break-up tapos ito pa talaga pinanood mo sa akin! Nakakainis ka huhu" garalgal na sabi ni Samantha dahil halos hindi na siya makahinga sa kakaiyak. Nagulat ako ng suminghot si Sir Jacob, na siyang ikinapigil ko sa tawa ko.

"Iyakin ka pala Sir eh! HAHAHAHA" pang-aasar ko pa kay Sir Jacob.

"Nakakaiyak naman talaga kase yung ending, ang yabang yabang mo na, palibhasa kase hindi ka naman nanood at puro kain lang naman ang ginawa mo" sabi niya at kinurot pa ang pisngi ko. "Ayan ang taba taba mo na hahahaha" pangaasar niya pa na siyang ikinasimangot ko.

"Ikaw nga ang taray taray mo sir!" bawi ko naman sa kaniya. pagaalala ko sa ginawa niyang pagpapahiya sa akin sa klase niya.

"Gusto ko kase nasa akin lang ang attention mo. bakit ikaw? gugustuhin mo bang magsalita sa harap at may isang hindi nakikinig sayo?" biro niya sabay kindat pa. Hindi na ako nakasagot at umiwas ng tingin sa kaniya.

Papalabas na kami ng sinehan ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sunod-sunod na nagtakbuhan ang mga tao at sumugod sa ulan.

"Sumabay na lang kayong dalawa sa akin, ihahatid ko na lang kayong dalawa" sabi ni Sir Jacob dahilan para mapatingin kaming dalawa ni Samantha sa kaniya.

"Sige po, sir! Tamang tama po magkalapit bahay lang po kami nito ni Pia" ngiting ngiting sabi ni Samantha kay Sir Jacob.

Kinurot ko naman sa tagiliran si Samantha at ang lakas lakas ng loob niya pumayag. "Hindi kaba nahihiya, magpapahatid pa tayo kay Sir eh baka mamaya malayo pa bahay niyan" bulong ko kay Samantha.

"Ano ka ba minsan lang naman eh" bulong niya sabay siko pa sa akin.

"Ano? Tara?" pagaaya ni Sir Jacob. Wala na akong nagawa at sumunod na sa kanilang dalawa. Pinagbuksan ako ni Sir Jacob sa may front seat. Habang si Samantha naman ay pinagbuksan niya sa likod.

Binuksan ni Sir Jacob ang aircon at nagpatugtog ng music na siyang nagpapaantok sa akin kaya wala pang isang kurap nakaiglip na ako.

Nakasandal kami pareho ni Franco sa ilalim ng puno ng mangga. Umuulan ngayon at sobrang lamig.

"Salamat nga pala sa pagkukuwento mo ng paborito mong alamat, malaking tulong yon sa paggawa ko ng takdang aralin ko" nakangiti kong sabi sa kaniya.

Nakita kong napangiti din siya, at nasilayan ko nanaman ang mga ngiting iyon na makalaglag puso. "Wala iyon, Binibining Sophia." sabi niya pa. Hindi ko alam pero kinikilig ako sa tuwing tinatawag akong 'Binibini', sino bang hindi?

"Anong pakiramdam magkaroon ng isang ina, Binibining Sophia?" seryosong tanong ni Franco sa akin.

Sa tingin ko ay iniwan siya ito ng kaniyang ina. "Anong nangyari sa iyong ina? maaari ko bang malaman?" tanong ko habang hinawakan ang likod niya at hinimas-himas.

"B-binawi ang buhay niya dahil sa isang bangungot. B-bigla na lang siyang hindi nagising. S-siguro kung hindi siya binangungot nasa tabi ko pa din siya hanggang ngayon at hindi si Donya Victorina" garalgal niyang sabi, alam kong pinipigilan niyang umiyak.

"Sino si Donya Victorina? Siya ba ang kinakasama ngayon ng iyong ama?" tanong ko. Ramdam na ramdam ko ang lungkot niya ngayon, at maski ako ay nasasaktan dahil bigla kong naalala ang aking tatay. Nakita ko naman siyang tumango.

"Alam mo, ang swerte mo kase kahit nawalan ka man ng ina, mayroon namang pumupuno non. Hindi ka man galing sa kaniya, dapat mo siyang mahalin at tanggapin. Huwag natin ikulong ang sarili natin sa sakit ng nakaraan, dapat nating palayain yon" sabi ko pa at patuloy ng tumulo ang mga luha ko. "Wala na akong tatay, namatay din siya dahil sa bangungot. Hanggang ngayon, hindi ko pa din nararamdaman ang magkaroon ng isang tatay, dahil hindi na muling umibig si nanay. Kaya ikaw, mahalin mo sila hangga't nandiyan pa sila sa tabi mo" at napahagulgol na ako, pumatak na nang pumatak ang mga luha ko kasabay ng pagpatak ng ulan.

"Susubukan ko" matipid niyang sabi.

"Hindi pa naman huli ang lahat, may oras ka pa namang bumawi, huwag mong subukan, gawin mo." nakangiti kong sabi sa kaniya kahit pa na may mga luha pa ding umaagos sa mukha ko.

"Huwag ka na ngang umiyak riyan, bahala ka maaga kang tatanda niyan" pangaasar niya pa. Nagulat ako ng punasan niya ang mga luha ko gamit ang kaniyang kamay. Hindi ko maintindihan pero bumibilis ang tibok ng puso ko kapag kasama ko siya.

**********************
A/N: Hangga't nandiyan pa ang ating mga magulang, ipakita natin at iparamdam ang ating pagmamahal habang may oras pa. Thankyou ulit guys at hanggang dito ay patuloy niyo pa ding binabasa. Have a nice day! mwa ^-^

By the way kung curious kayo sa movie na pinanood ni Sophia, Samantha at ni Sir Jacob, ayan po siya pinalabas po yan ng taong 2006. Sobrang ganda niya kaya hindi kayo magsisisi kapag pinanood niyo.

Damay damay na 'to haha! Hindi pwedeng ako lang maiiyak sa pelikulang 'to haha.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top