Kabanata I

[Unang Kabanata]

Sabi nila, maraming hindi maipaliwanag na mga bagay sa tuwing tayo ay nananaginip, may mga pangyayaring malayong mangyari sa totoong buhay, at may mga tao tayong nakikita, na hindi pa natin nakikilala.

***************************

                         July 28, 2006.

                    
"Ate kong panget, gising! 6:00 na!" sabay alog sa akin ni Josh. Agad ko namang idinilat mga mata ko at kinuha ang cellphone ko para tingnan ang oras.


4:30 am

"Nakakainis ka panget!" sigaw ko sa sobrang inis. May nakita akong unan sa may kanan ko at agad kong kinuha yon at ibinato kay Josh na siyang ikinalukot ng mukha niya HAHAHAHAHA! 1-0

Akala ko naman late na ako, bwisit! fourth year highschool student na siya ngayon. pero kung mag-isip ay parang Grade 1. Siya yung tipo ng lalaki na kababaliwan mo, nagmana kase siya kay papa na may makapal kilay, matangos ang ilong, manipis ang labi, at makinis ang mukha, kaso laging nakabusangot kaya karamihan sa mga babae natatakot siyang lapitan hys

Heto naman ako, isang patatas. Hindi ako mahilig mag-ayos na 'di tulad ng mga kaklase ko na segu-segundo nagpo-polbo at nagli-liptint. Ayos na ako sa sarili ko, kung hindi mo ako matanggap na ganito ako, mabuti ng lumayo layo kana sa akin.

Sinimulan ko ng gumalaw at bumaba sa kama ko. Maliit lang ang kwarto ko, pero para sa akin ay okay na yon, as long as malinis at maaliwalas ang paligid.

Nakasuot ako ngayon ng puting blouse at skyblue na palda. Sinuot ko na rin ang i.d. ko na madalas kong nakakalimutan. Nagpaalam na ako kay nanay Elsa na kasalukuyan ngayon ay naglalaba ng mga ga-bundok na labahin.

"Teka hindi mo ba isasabay si josh sa pagpasok nak?" tanong sa akin ni nanay elsa habang kinukusot niya ang mga damit na nilalabhan niya ngayon.

"Mauuna na muna po ako ngayon nay, may test po kase kami ngayon, baka po ma-late ako sa bagal kumilos ni josh" pagdadahilan ko kay nanay, pero sa totoo ayoko talaga kasabay si josh dahil panigurado iinisin lang ako nun hanggang sa makarating kami sa school.

"Mag-iingat ka ha, magdala ka ng payong, uulan daw sabi sa balita sa radio" pagpapaalala sa akin ni nanay elsa. Ayaw na ayaw niya talaga kaming nagpapaulan ni Josh dahil sobrang hina daw talaga ng resistensiya naming dalawa at madaling nagkakasakit.

Nandito ako ngayon sa waiting shed naghihintay ng masasakyan papuntang school. Nagulat ako ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Natatalsikan na ang palda ko ng mga putik na nadadaanan ng mga sasakyan.

5:45 am.

Mala-late na ako, kukuhanin ko na sana ang payong ko sa bag ko ng maalala ko ay hindi ko nga pala yon nakuha sa kakamadali kanina baka kase maabutan pa ako ni panget. Mukhang susulong ako nito sa ulan urgh. Ng bubuwelo na ako patakbo ay biglang may humatak sa akin pabalik sa waiting shed, dahilan para masubsob ako sa dibdib ng nanghatik sa akin.

"Ang tulad mong binibini, ay hindi dapat mabasa ng ulan" sabi sa akin ng matandang lalaki. matanda na ito kung titingnan base sa balat niya na sobrang kulubot, at sa sobrang puti na ng kanyang mga buhok. Tumayo na ako ng maayos at pinagpagan ang damit ko, na ngayon ay lukot na.

"Ano pong kailangan nila?" mahinahon kong tanong sa matandang lalaki, kahit sa loob ko ay naiinis talaga ako, dahil mukhang mala-late na talaga ako nito.

"Ipagpaumanhin mo ako binibini, ayaw ko lamang nakakakita ng babaeng katulad mo na nababasa sa ulan" aniya. Halata naman sa itsura niya na talagang nagaalala siya dahil sa tono ng boses niya.

"Ayos lang po ako, malakas naman po ako at hindi kinakapitan ng sakit" tugon ko sabay angat ng braso ko at animong ipinapakita pa ang muscles ko sa kaniya. Nakita ko namang bahagya siyang napatawa sa sinabi ko na may bahid ng kalokohan.

"Mapagbiro ka talaga, hayaan mong ibigay ko sayo itong payong na ito at pansin ko ang pagmamadali mo kanina" saad niya sabay abot ng payong na kulay pula. Napangiti naman ako sa kabutihang pinapakita ng matandang lalaki sa akin, kaya nawala ang inis ko sa ginawang paghatak niya.

"Paano po kayo? Isa lang po 'tong payong na hawak niyo" nag-aalalang tanong ko. Kung mahina ang resistensiya ko sa ganitong edad, paano na lang siya na matanda na at marami ng sakit.

"Ayos lamang ako, sige na baka mahuli ka pa sa iyong pupuntahan" tugon naman niya habang nakangiti.

"Pupunta po ba kayo ulit dito? ibabalik ko na lang po ito sa inyo bukas" saad ko.

"Kahit huwag na, sa iyo na iyan, kahit diyan man lang ay maalala mo ako." aniya habang nakangiti sa akin, na siyang ikinangiti ko na din.

"Sige po mauuna na po ako" paalam ko sa matandang lalaki at agad ng binuksan ang payong na ibinigay niya sa akin. Nagsimula na akong maglakad, at sinalubong ang malakas na ulan. Sa huling pagkakataon, ay lumingon ako at tiningnan si lolo, natanaw ko siyang nakangiti sa akin.

Nakarating na din ako sa wakas sa room, nakita kong kakasimula pa lang nila magtest. Inilagay ko muna sa likod ang payong para matuyo at dumiretso na sa upuan ko. May test paper na nakalagay sa desk ko at agad ng sinimulan ng sagutan iyon, hindi naman ako ganon nahirapan dahil nag-aral ako ng mabuti kagabi.

Ng matapos ko iyon, sumagi sa isip ko ang matandang lalaki na nakasama ko sa waiting shed kanina, pansin ko ang talas niya magsalita ng wikang Filipino. Kung iisipin, kung ang lahat ng lalaki ay matalas sa pagsasalita ng wikang Filipino ehh jusko lakas maka-pogi points.

Ng sa ganoon maalala mo ako..

Bakit? Parang may ibang ibig sabihin sa akin ng sinabi niya? Hay naku, nababaliw na ata ako.

"Pass your paper forward, finish or not finish" rinig kong sabi ng professor namin. Ipinasa ko na ang testpaper ko sa kaklase ko na nasa harapan ko.

"Ang bilis mong natapos yung test ahh, bilib na talaga ako sayo teh" rinig kong sabi ni Samantha. Siya na ang naging bestfriend ko simula ng lumipat sila malapit sa bahay namin. Sobrang dami na rin naming pinagsamahan, kaya para kaming magnet na 'di mo mapaghihiwalay. Magandang babae si Samantha,  kaya hindi na ako nagtataka bakit marami siyang manliligaw.

"Nag-aral kase ako kagabi, ehh ikaw mukhang maghapon mong kinausap ang jowa mo kagabi na mukha namang koreanong hilaw" pang-aasar ko sa kaniya. Agad ko namang nakita ang pagsalubong ng mga kilay niya na siyang ikinatawa ko.

"Naku wala ka lang jowa, kung makapagsalita ka ng ganyan. 'Pag ikaw nagka-boyfriend, mararanasan mo din 'to" aniya sabay tawa pa na para bang nagbabanta na mababaliw ako kapag pumasok ako sa isang seryosong relasyon. Hindi ko na lamang siya pinansin at sinimulan ko ng kainin ang baon ko na niluto ni mama.

'Suspended daw?'

'Bakit ngayon lang ina-announced ngayong nakapasok na tayo, kainis naman!'

'Uwian na'

'Hindi ko na ibabalik 'tong baon kong pera hahahahaha!'

'Tara inom mga bro, kaninong bahay naman tayo?'

'Gala muna tayo girls, saang mall naman tayo lilibot ha?'

Rinig kong sigaw ng mga kaklase ko, sobrang lakas nga ng ulan sa labas. Inumpisahan ko ng iligpit mga gamit ko at ibinalik na ang baunan ko sa bag.

"Teh, 'di muna ako sasabay umuwi ha? may date kase kami ngayon ehh" sabi sa akin ni Samantha sabay beso sa akin.

"Bye teh, ingat ha, baka matangay ka" sabi ko na siyang ikinasimangot nanaman niya.

Isinuot ko na ang bag ko at kinuha na ang payong na nasa likod ng room. Lumabas na ako, at dumiretso sa waiting shed. Ng may nakita akong dumaan na jeep ay agad na akong sumakay.

Pagkababa ko sa jeep, ay agad kong sinilip ang waiting shed kung saan nakita ko si lolo. Wala siya roon. Hindi ko man lang naitanong kung anong pangalan niya.

"Nandiyan ka na pala nak, maligo kana muna doon at mukhang basang basa ka ng ulan" salubong sa akin ni nanay sabay abot ng tuwalya. At pinaulanan ako ng mga halik sa magkabila kong pisngi. "Oh siya, lutuan ko na muna kayo ng mainit na lugaw" sabi ni nanay elsa at dumiretso na sa kusina.

"Panget, salo!" sigaw ni Josh sabay bato sa akin ng lumang libro at tumama yon sa maganda kong mukha! Ang alikabok pa man din ng librong iyon kaya sunod sunod na ang pagbahing ko ngayon.

"Sasaluhin na lang kase hindi pa masalo-salo" pangaasar niya pa sa akin. Aba't ikaw na 'tong nakasakit, ikaw pa 'tong mang-aasar kainis!

"Saan galing 'to?" tanong ko naman sa kaniya habang pinapagpagan ang mukha ko na puro alikabok.

"May nakasalubong daw si nanay na matandang lalaki kanina, ehh hindi naman daw siya mahilig sa mga ganyang libro, kaya sa iyo ko daw ibigay" saad niya. Hindi sa mahilig sa libro si nanay, ang totoo ay hindi talaga marunong magbasa si nanay elsa dahil hanngang grade 2 lang ang natapos niya dahil sa kahirapan.

"Kilala ba ni mama yung matandang----" hindi ko na naituloy ang itatanong ko dahil bumalik na siya ng kwarto niya. Susundan ko pa sana siya, ngunit parang may pumigil sa akin at parang may nagudyok sa akin na titigan yung libro. Walang nakalagay sa cover ng libro kaya hindi ko mawari kung anong nilalaman non.

Gusto kong buksan yung libro kaso natatakot ako na baka may lumabas na multo don tapos sasaniban niya ako tapos manghihina ako tapos mamamatay ako! waaaaaaa! ayoko pang mamatay!

Teka, paano kung may ipis sa loob nun?! tapos lumipad pagbukas ko nung libro?! yak!

Kalma sophia, kalma.

Ito na talaga.

Pagbilang ko ng----

Isa..

Dalawa..

Tatlo!

Dahan-dahan kong binuklat ang unang pahina.

Walang laman iyon. Bakit walang nakasulat dito? Biglang nagtaasan mga balahibo ko na naging resulta ng pagbagsak ng libro sa sahig. Biglang nanlamig buong katawan ko, naguumpisa na ding manginig mga tuhod ko. Parang tinutusok ang puso ko ng paulit-ulit hanggang sa tuluyan na akong bumagsak sa sahig.

*******************

A/N: Ipagpatawad niyo ang hindi kaaya-ayang kabanata na ito, hayaan niyo babawi ako. Sana suportahan niyo po ang story ko, mwa!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top