When I Met You

"There I was, an empty piece of a shell,

Just minding my own world;

Without even knowin' what love and life were all about

Then you came, You brought me out of the shell;

You gave the world to me

And before I knew, there I was so in love with you "

Apo Hiking Society

***

Sinabi ko sa sarili ko na after my break-up with Wila, magpapahinga muna ang puso ko.

Kaya lang, mukhang may ibang plano si Kupido para sa akin.

***

There I was in Boracay for the summer event, running away from a girl whom I may or may not have hooked up with.

Dahil kasi sa bitterness ko, I told myself na why not have fun with people who are willing to have fun with me as well?

No commitments, fling lang.

So when I woke up beside a girl na hindi ko marecognize, nagpanic ako.

Para bang nagising sa bangungot.

I asked myself kung ano ba ang ginagawa ko sa buhanginan katabi ang isang babae na hindi ko matandaan ang pangalan?

What's worse, I have a hangover and I was topless.

I didn't think twice.

Hinanap ko agad ang shirt ko and then my bra.

I didn't bother to put on my shoes na for some reason eh hindi ko din suot.

Nakita kong nakakalat ang Doc Martens ko malapit sa tabingdagat at dali-dali kong kinuha bago pa maabot ng tubig.

After ko isuot ang damit ko, umalis na ako agad.

Yung ibang bandmates ko eh tulog na tulog katabi ang mga random guys and girls na nakilala nila sa show.

Umiling na lang ako.

I am living a hedonistic life and I will burn in hell.

I laughed at the thought.

Malamang dala ng hangover kaya kung anu-ano ang naiisip ko.

I'd better find a place where I can have coffee and hopefully may tinda ding Alka-Seltzer.

My head is starting to hurt and I don't act fast, malamang mauuwi ito sa full blown headache.

May rehearsals pa naman kami mamaya after lunch for the final concert.

Mahirap magperform kapag maysakit.

Kailangan 100 percent ang effort dahil nakakahiya naman sa mga fans.

***

Malayo na ang nalakad ko pero wala akong makitang resto na open.

Well, what did I expect?

It's only 5:15 in the morning.

Kailangan din magpahinga ng mga restaurant workers.

I could go to Shangri-La.

For sure, meron akong pagkain sa room dahil Batchi always made sure na hindi kami magugutom.

Besides, doon naman kami nagi-stay.

Ewan ko ba kung bakit sa buhanginan ako natulog.

Pero isa lang naman ang sagot sa tanong ko.

Malamang nalasing na naman kami after our performance.

Lagi naman kasing ganun ang nangyayari.

Meet-up with the fans after a show and then merong magyayaya to go somewhere and before we know it, inuman ang ending.

Hay.....this is getting old.

I am only 22 and yet I feel like I'm 45.

You're wrong Taylor Swift when you said that everything would be alright.

Nothing is going right for me.

Not my singing, my career and most especially my love life.

Mukhang mauuwi na naman sa emote and eventually, si Wila na naman ang sisihin ko for my misery.

Sabi niya mahal niya ako pero she cheated on me with a guy.

A guy?!

What the....fudge?!

Pero bisexual nga kasi si Wila.

Ano ba ang surprising doon?

From the beginning, inamin niya na sa akin na she swings both ways.

I agreed so heto ang ending.

But it had nothing to do with her bisexuality.

It had everything to do with her loyalty to me and our relationship.

Ang dami kasing reasons.

Kesyo I'm always busy, I don't have time for her, mas priority ko ang career ko etc...etc...

I was right to make my career my priority at the time.

Kasi now that we've broken up, I still have my career but no Wila.

Pero kahit yung career ko na lagi niyang sinisisi for our failed relationship eh naaapektuhan na din dahil hindi ako makapagconcentrate.

Kung hindi pa ako pipilitin ng manager ko to accept a project or kung wala si Batchi sa tabi ko para bigyan ako ng words of wisdom, I would rather stay in my condo and sleep.

Depressed kasi ako and I don't want to do anything lalo na if it had something to do with people.

Great opportunity nga sana ito to come up with a new material for an album pero I couldn't write anything down.

It's not for lack of trying.

Pero everytime may maiisip ako na kanta, hindi ko mai-translate on paper.

Nasa isip at puso ko lang.

Nauuwi lang sa basurahan ang mga sinusulat ko at ang magiging finale eh iiyak ako at matutulog na lang ulit.

How long has it been since Wila and I broke up?

More than a year na yata.

I lost track of the time.

Hindi ako makamove on from the break-up and honestly, I'm getting tired of crying and feeling sorry for myself.

Sabi ni Batchi sa akin, the best way is to find someone else pero natrauma yata ako.

Kasi nga, what if masaktan na naman ako?

"Di ba ganyan naman talaga ang risk when you love someone?" sagot ni Batchi.

Totoo nga naman yun.

Pero I don't want to risk anything right now.

Hindi ko pa nga nabubuo ang puso ko, babasagin ko na naman ulit by being with someone?

Right now, okay na ito na fling lang muna.

Kahit nga ba minsan eh parang waste of time, at least I'm not alone.

Lagi ko lang sinasabi sa sarili ko not to be attach to anyone.

Don't do things that would make them fall in love with me or me with them.

The moment na naramdaman ko na nai-inlove na ang babae sa akin or may namumuong feelings from me, it's bye-bye time.

I didn't want to be mean or anything to them pero mahirap na masaktan ulit.

I have to love myself first before anyone else.

Kasi the last time I put others before me, I got burned really bad.

Biglang natigilan ang pagi-emote ko when I saw an open eatery a close distance from where I was.

I smelled freshly-brewed coffee and biglang kumalam ang sikmura ko dahil nakaramdam ng gutom.

Dali-dali akong lumakad papunta sa carinderia.

Pagpasok ko, hindi ako agad napansin ng babae dahil nakatalikod ito.

"Miss, pwede umorder?" agad-agad na sabi ko.

Di na talaga makahintay ang gutom ko.

I didn't even say good morning.

Nang humarap si ate, para naman akong nahipan ng hangin.

Paano ba naman kasi, ang ganda-ganda kahit pa nakakunot ang noo nito.

"Excuse me?" sabi nito na parang naiimbiyerna.

"Sabi ko pa-order," dinedma ko na lang ang pagiging suplada ni ganda kasi wala akong energy.

Isa pa, ang aga-aga para makipagtarayan.

Kung hindi lang masungit si ate, hihingin ko sana ang number.

Kahit imbiyerna sa akin or sa kung anumang dahilan, kinuha pa din ang order ko at padabog na pumasok sa kusina.

Habang naghihintay, nagmasid-masid ako sa paligid.

Konti pa lang ang tao dahil sa sobrang aga.

Merong mga naglalakad sa tabing dagat or tumatakbo ng nakayapak sa buhangin.

Kahit medyo malamig ang tubig, meron na ding naliligo sa dagat.

"Heto na ang order mo," masungit na sabi ni ganda sabay lapag ng order ko na tapsilog at black coffee sa harap ko.

Tatalikod na sana si ganda at di ko na lang papansinin pero parang may sumapi sa akin kaya di ko mapigilang tanungin kung may problema ba siya.

"Ako wala," mataray na sagot.

"Baka ikaw meron," dagdag pa nito.

Wow! Ang taray talaga!

Ang haba pa naman ng hair niya, ang ganda ng kutis at bagay sa kanya ang suot niyang peach top tank at cut-off denim shorts.

"Bakit ba ang sungit mo?" tanong ko.

"It's none of your business," sagot nito sabay taas ng kilay sa akin.

"Well, you make it my business kasi I am your customer and ang pangit ng service mo." Asar na sagot ko.

Tinitigan ako ni ganda at mukhang may sasabihin ito ng biglang nilapitan ng isang binatilyo na may hawak na telepono.

"Mam Jade, si Mam Amanda po tumatawag," sabi nito sabay abot kay ganda ng phone.

Bago sinagot ang tawag, tinitigan ako nito and then sabay tumalikod.

Naiwan ang binatilyo at babalik na sana ito sa kusina ng pero tinawag ko.

"Kuya," humarap sa akin ang lalaki.

"Sino yun?" tanong ko.

Ngumiti ang lalaki bago sumagot.

"Siya po si Mam Jade Tanchingco," sabi nito.

"Bakit po?" tanong nito.

"Wala naman," sabay iling ko.

Kaya naman pala galit si ganda.

Napagkamalan ko ba naming serbedora.

Natawa na lang ako.

Kinain ko na lang ang tapsilog na inorder ko.

Kahit pangit ang service ni Jade, masarap naman ang pagkain at marami ang serving.

Nang maubos ko ang kape, para akong Energizer bunny sa sigla.

Kapeng barako ba naman ang binigay sa akin, sino ba naman ang hindi magigising?

Pagkatapos ko mag-almusal, nag-iwan na lang ako ng pera.

Lumabas na ako ng carenderia at sinalubong ang umaga ng may ngiti.

Sumisikat na ang araw at unti-unti ng lumiliwanag.

Naisipan kong maglakad sa tabing-dagat.

Tinanggal ko ang boots ko para mafeel ko ang buhangin.

Feeling ko magiging maganda ang araw ko kahit pa nakatarayan ko si Jade.

Gusto ko sanang magsorry sa kanya pero di na siya bumalik.

Hindi bale.

Meron pa naman ibang pagkakataon.

Maliit lang naman ang Boracay.

At alam ko naman kung nasaan ang carenderia nila.

Pwede akong bumalik para makausap siya.

Lately, marami akong nakakasagutan.

Sabi nga ni Batchi, parang lagi akong may PMS.

Kahit alam niya ang reason kung bakit lagi akong nagmamaasim, lagi din niya akong pinapaalalahan na hindi makabubuti sa akin ang pagiging masungit.

"Papangit ka niyan at madali kang tatanda," sabi nito.

Hinawakan ko ang pisngi ko.

"Ayokong tumanda agad," sabi ko sa sarili ko.

Nginitian ko na lang si haring araw.

Pampagood vibes.

Nakangiti pa din ako ng sa di kalayuan eh may nakita akong tumatakbong babae.

Nakasuot ito ng peach tank top pero nagpalit ng white running shorts.

Nakahead phones ito habang tumatakbo.

"Pag siniswerte ka nga naman," sabi ko sa sarili ko habang papalapit si Jade.

Nang makita niya ako, iiwas sana para hindi kami magkasalubong.

"Wait," sigaw ko sa kanya pero hindi ako pinansin.

Lumiko ito at isa lang ang naisip kong gawin.

Hinabol ko siya.

"Are you stalking me?" sabi nito ng maabutan ko.

"No," sagot ko habang hinihingal.

Tuloy pa din ito sa pagtakbo pero tumigil na ako dahil di na kaya ng powers ko.

"Pwede bang tumigil ka muna?" Habol hininga pa din ako.

Nakinig naman ito pero hindi ako nilapitan.

Ako na lang ang pumunta sa kanya.

"Gusto ko lang mag-sorry," sabi ko sabay ngiti pero hindi ito na-impressed.

On the contrary, parang lalong nainis.

"Oh well, I tried." Sabi ko na lang sabay pormang aalis na.

Kahit pa very attractive si Jade, I will not spend my time running after her.

Aside from I'm out of shape, I don't have a reason.

"Teka lang," narinig kong sabi nito nung nagsimula na akong lumakad palayo sa kanya.

"I'm sorry too if nasungitan kita," sabi nito.

I turned around to see her smiling at me.

Lalo tuloy gumanda nung nakangiti na.

"So quits na tayo?" sabi ko kay Jade.

"Yup," sagot nito sabay tungo.

"Gusto mo akong sabayan sa pagtakbo?" alok nito pero umiling ako.

"Sorry pero matagal na akong walang exercise,"

"Eh di lumakad na lang tayo," offer ni Jade.

I agreed kaya naglakad na lang kami sa tabing dagat.

"Ako nga pala si Jade," sabi nito sabay abot ng kamay niya.

"Althea," sagot ko and then I shook her hand.

Ang lambot ng palad, halatang walang ginagawa.

Napangiti ako at hindi naman ito napalampas ni Jade.

"Bakit ka nakangiti?" tanong nito.

"Wala naman," sagot ko.

"Masaya lang ako."

Kumunot ang noo nito, halatang hindi convince sa sagot ko.

"Masaya ako dahil nakilala kita," yun agad and naisagot ko kay Jade na hindi naiwasang ngumiti.

"Ikaw Althea ha?"

"Bolera ka," hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi nito.

"Hay naku Jade,"

"I'm just telling you the truth." Tugon ko.

"It's not everyday na nasusungitan ako ng isang magandang katulad mo.

Nagblush si Jade sa sinabi ko.

"Tigilan mo na nga yan," saway nito.

"Nagbablush tuloy ako sa'yo eh," nahihiyang pag-amin nito.

"Hindi kita binobola, Jade"

"Totoo ang sinasabi ko,"

"Na masungit ako?"

Ako naman ang natawa sa sinabi niya.

"Na maganda ka," mabilis na sagot ko.

"Alam mo Althea, ang mabuti pa maglakad na tayo para makapagworkout ka."
"Hindi yung binobola mo ako,"

"Ikaw ang bahala," sabay lumakad na kami.

Unti-unti ng dumadami ang tao sa beach at sa paglalakad namin, nalaman ko na kaya pala mainit ang ulo ni Jade kanina dahil ayaw pumayag ng Dada niya na tanggapin niya ang isang modeling offer.

"Line of sexy underwear kasi yung imomodel at very conservative ang family ko," pag-amin nito.

"Isa pa, accepting the project would mean I have to stay in Hongkong for a month and yun ang ayaw niya,"

Tumigil si Jade sa paglalakad at umupo sa tabingdagat.

Tumabi ako sa kanya.

"Yun lang ba talaga ang reasons why ayaw ng father mo na tanggapin mo ang project na 'to?"

Nakatingin siya sa malayo at nakita ko ang apprehension sa mukha niya na parang atubiling i-share kung anuman ang dahilan ng problema niya.

"You don't have to answer the question if you don't want to," sabay bawi ko.

Umiling si Jade.

"It's not that Althea," tumingin sa akin si Jade.

"I just find it weird na I'm sharing with you my life eh kakikilala lang natin," katwiran nito.

I shrugged my shoulders.

"Good point," sabi ko sa kanya.

"Malay mo nga naman kung  stalker talaga ako or serial killer di ba?"

"You'll never know," sabay ngiti ko.

Pinalo ako ni Jade sa braso.

"Huwag ka nga mag-joke ng ganyan,"

"Tinatakot mo ako eh," nakasimangot ito.

"Oy Jade huwag ka masyadong sisimangot," warning ko sa kanya.

"Tatanda ka niyan agad," naalala ko ang sabi sa akin ni Batchi.

Tumahimik na naman ito,malalim ang iniisip.

"Ang reason kasi ni Dada, I don't have to look somewhere else to work."

"Na instead of pursuing my modeling career, pwede naman akong magtrabaho sa companies namin and use my business degree," explain nito.

"Pero Althea I don't want to do that," bumalik na naman ang lungkot sa mukha nito.

"I've always love modeling since I was five,"

"Ang business din naman namin ang reason why I got into it dahil baby pa lang kami ng mga kapatid ko, they would use our pictures for advertising."

"Kaya hayan tuloy, parang may halong guilt si Dada dahil our business was partly to blame for my passion sa modeling,"

"Lagi niyang sinasabi na it's a very volatile market,"

"One second you're popular and then before you know it, has-been ka na dahil sa people are always looking for someone younger, prettier, skinnier and bolder."

"That's why I am pursuing what I want before my time is up,"

"I'm 20 and in less than a few months or years, I could be a has-been and I haven't even started becoming popular," himutok nito.

"But you do realize that you are already famous kahit di mo gawin ang modeling?" paalala ko sa kanya.

"What do you mean?" confused na tanong nito.

"You are a Tanchingco," I reminded her. "May iba pa bang sagot?"

Hindi nakakibo si Jade sa sinabi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top