The Unforgiven
A/N:
We have a choice about how we take what happens to us in our life and whether or not we allow it to turn us. We can become consumed by hate and darkness, or we're able to regain our humanity somehow, or come to terms with things and learn something about ourselves.
Angelina Jolie
***
Fearful but determined.
That's what I felt as I made my way back to the mansion.
Before I decided to go home and face what was waiting for me, Althea and I thought of the worse case scenarios na pwedeng mangyari.
Mas upset pa ako over the fact na naunahan ako ng columnist to tell my family about me and Althea.
I felt like hindi ko man lang naenjoy ang discovery about myself and this newfound love kasi difficulty na agad ang sumalubong sa amin.
Kahit yung intimate moment namin was overshadowed by this incident.
Althea comforted me by saying na maigi na habang maaga pa lang eh i-confront na namin ito.
"Besides, if you agreed to my plan na i-deny ang sitwasyon nating dalawa, mas masasaktan sila if in the end they found out na nagsisinungaling tayo."
We were seated on her couch at yakap niya ako.
She stroked my hair habang nag-uusap kami at kahit natatakot ako, I've never felt so secure.
Being with her gave me the courage to face my fears.
Umupo ako ng diretso and saw na nakatitig sa akin si Althea.
There was a combination of pride and worry in her face as I took her hand in mine.
"Don't worry, love." I squeezed her gently.
"Sabi nga nila, it gets better di ba?" ngumiti ako.
Tumango si Althea.
"Loving someone is never easy," I said to myself more than to her.
"But loving someone you're not supposed to love makes it even harder," dagdag ko.
"But who's to say whom your supposed to love or not di ba?" Althea asked me.
"May sariling paraan ang puso,"
"At dahil sa puso na yan," I pointed towards her chest, "kaya nandito tayong dalawa having this discussion."
Huminga siya ng malalim.
"Do you ever wish na hindi ako?" parang alanganing tanong nito sa akin.
May lungkot sa mga mata niya.
I held her hand tighter then shook my head.
Ngumiti ito.
"Alam mo Jade, if it was up to me, hindi ganito ang gusto kong mangyari."
"Anong nai-imagine mo?" curious na tanong ko.
Tumingin siya sa malayo.
"Gusto ko ng happiness and equality in the real world," sagot nito.
"I would like us to have our happy ever after,"
"I would like us to be treated us equals not us deviants," randam ko ang angst sa sinabi niya.
I touched her shoulder at lumingon ito sa akin.
"In short, you want a perfect world."
"Is that too much to ask?" bumalik ang ngiti sa mukha nito.
I pulled her close at niyakap ko siya.
"If we can't have the perfect world," bulong ko sa kanya, "why don't we make one?"
Inangat ni Althea ang ulo niya and she looked me in the eye.
Did I say that I could get lost in those brown eyes and would willingly not go back where I'm from?
I kissed her on the lips and for a moment, we got lost in our own perfect world, away from the malice
and the harsh realities of life.
***
My phone rang and it was Gab on the other line.
His voice sounded concerned.
"Shobe, meron ba akong dapat malaman about you and Althea?" tanong niya.
Hindi ako agad sumagot.
I'm sure Paul won't tell him anything about the conversation we had on the beach pero Gab also deserves to know what's going on.
Besides, if I was going to tell them the truth, I might as well let him know ngayon pa lang.
Kaya kahit kinakabahan ako, sinabi ko sa kanya ang totoo.
There was silence on the other line.
"Gab?"
"Nandito ako Jade," sagot niya.
"Tell me something.....anything," I sounded like I was begging for a clue huwag lang siyang maging tahimik.
"I'm here for you shobe," lumuwag ang pakiramdam ko sa sinabing iyon ni Gab.
Pinigilan ko ang sarili ko na umiyak although yun ang gusto kong gawin.
"Basta ihanda mo ang sarili mo," paalala nito.
"If you don't mind, kakausapin ko na din si Mama para naman hindi ito ma-shock pag kinausap ka ni Dada mamaya."
Pumayag ako and then Gab said goodbye.
I was in the living room and umupo muna ako saglit sa sofa.
Tahimik akong nagdasal at nagpasalamat dahil sa unexpected support ng mga kapatid ko.
Hindi ko alam kung bakit or ano ang dahilan at napakaunderstanding nila sa akin ngunit ganunpaman, natutuwa ako to learn na they support me.
Tumayo na ako at pumunta na sa kuwarto to change and to get ready.
I dialed Althea's number on my way upstairs.
Sumagot ito agad.
"Althea nasa house na ako," I told her.
From the sound of her voice, nasisense ko na bothered ito so I asked why.
Sinabi niya na Roxy called and asked to meet with her.
"Does it have something to do with the article?" tanong ko and she said yes.
"Are you okay?" I asked her when she grew quiet.
"I'm okay," sagot nito.
"Are you sure?" paninigurado ko at oo lang ang sinagot nito.
I let her go dahil she was getting ready to meet her manager.
"Lablab?" her voice came back on.
"Ano yun, Althea?" tanong ko, thinking na meron itong nakalimutang sabihin.
"Walang iwanan?" tanong niya sa akin.
I nodded and said the same thing then she hung up.
***
Waiting is torture.
May kasabihan na good things come to those who wait but in this situation, I believe it will take a long time for that good thing to happen.
Baka hindi na nga iyon dumating lalo na kung si Dada ang involved.
I dreaded every second.
I conjured images, unpleasant ones, of what my father would do or say to me.
Alam kung hindi ito magdadalawang isip na magbuhat ng kamay kapag galit.
I witnessed him hurt Paul once when he found a copy of a porn magazine under the bed.
Kasi, the mag featured naked men and not women.
Kumatok si yaya para i-invite akong kumain pero I refused.
Wala akong gana.
Nang nakababa na ito ulit, nagpalakad-lakad lang ako sa kuwarto and every so often, I would check my watch.
I did a countdown and if my calculation was right, my family would get here before six in the evening.
Kinuha ko ang phone ko and Althea messaged to tell me na she's on her way to Roxy's office.
"I worry about you and call me if you need me,"
I should feel comforted with her message pero lalo lang tumindi ang nerbiyos ko.
I asked myself why this is so hard kahit alam ko na naman ang obvious na sagot.
When David and I started dating, walang ganitong mga eksena kasi nga lalake siya.
Pero dahil si Althea ang involve this time, para akong haharap sa giyera.
***
May kausap si Roxy sa phone nang makarating ako sa office.
Pinapasok na ako ng secretary nito at sinabi na kanina pa ito naghihintay.
Nang makita niya na dumating na ako, nagpaalam na ito sa kausap niya.
"Sit down, Althea." commanding ang tono nito. Sa tagal naming magkasama, well, since I started in showbiz, alam ko na ang mga moods nito.
This time, walang duda na seryoso ang magiging usapan dahil ni hindi man lang ito ngumiti or nagtanong kung kumain na ba ako.
Umupo ako at hindi na ito nagpaligoy-ligoy pa.
Binanggit agad ang tungkol sa kumakalat na picture namin ni Jade sa newspapers at sa Internet.
"Sabihin mo sa akin ang totoo," tiningnan ako nito ng diretso.
"May relasyon ba kayo ni Jade Tanchingco?" matigas ang bawat salitang lumabas sa bibig nito.
Tumango ako.
"Shit!" naibulalas ni Roxy sabay hampas sa table niya.
Muntik na niyang matamaan ang kanyang white coffee mug na may smiley face.
Naalog ito pero hindi naman bumagsak.
Sinapo ni Roxy ang ulo niya sabay umiling ng paulit-ulit.
"Bakit ngayon pa?" tanong nito.
"Ano bang problema?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Hindi ka naman nagrereact ng ganito dati sa mga babaeng dinidate ko,"
Huminga ng malalim si Roxy.
"Kilala mo naman siguro kung sino siya di ba?" pakiramdam ko, lalong lumalim ang mga linya sa noo ng manager ko.
Napansin ko din na nakalimutan nitong magpakulay ng buhok niya dahil visible na ang mga uban lalo na sa tuktok ng ulo nito.
Binuksan nito ang drawer niya at kinuha ang isang pakete ng Marlboro red.
Kumunot ang noo ko dahil alam kong she quit smoking a few years ago.
Tumaas ang kilay ni Roxy.
"Ganito ako nai-stress, Althea." Paliwanag nito at hinanap sa purse niya ang lighter.
Ni hindi na ito humingi ng permiso.
Sinindihan ang sigarilyo at humithit na parang uhaw na uhaw sa amoy nito.
Pinikit ni Roxy ang kanyang mga mata at nilasap ang usok habang nakatingin lang ako sa kanya.
"Kung dati wala akong pakialam sa mga chicks mo, ngayon hindi pwedeng hayaan ko na lang ito," sabi ni Roxy ng magsalita ulit.
"Alam ko kung gaano kaimpluwensiya ang pamilya niya Althea."
"Sigurado ako na maaapektuhan ang concert mo dahil karamihan sa sponsors eh may connection kay Oscar Tanchingco."
"Maswerte tayo kung hindi magpull-out ang mga 'yan."
Humithit ito ulit.
"Pero itaga mo sa bato, sigurado ako na gagawin niya ang lahat masira lang ang career mo," babala ni Roxy.
"Hindi yan papayag na ang unica hija niya eh may karelasyon na lesbiana,"
Base sa kuwento ni Jade, may idea na ako kung gaano kahigpit ang tatay niya.
Pero ngayon ko lang naramdaman ang power nito habang nakaupo at nakikinig kay Roxy.
Kinabahan ako hindi dahil sa pwede nitong gawin sa career ko kundi sa aming dalawa ni Jade.
"Anong plano mo ngayon?" tanong ko kay Roxy.
Nilagay nito ang sigarilyo sa silver ashtray bago sumagot.
"Marami akong natatanggap na tawag mula sa mga TV at radio stations,"
"Lahat sila eh naghihintay ng response mula sa atin."
"And?" naiinip na tanong ko sa kanya.
"Pwede akong magpatawag ng press conference para linawin ang issue,"
"Kailangang i-deny mo na may relasyon kayong dalawa ni Jade."
Tinitigan ko si Roxy at nakita ko na buo na ang isip nito.
"No," sagot ko sa kanya.
Nanliit ang mata nito at alam ko na nagulat siya.
Kung dati, deadma lang siya sa mga affairs ko,this time alam ko na nababahala siya sa involvement ko with Jade.
Ngayon ko din lang naranasan na diktahan niya ako kung ano ang dapat kung gawin.
"Hindi mo ba naiisip ang mangyayari if umamin ka?" galit ito pero hindi ko gagawin ang bagay na ako mismo ang nagsuggest kanina kay Jade ng nasa condo kami.
"Althea, for seven years, inestablish mo ang sarili mo bilang isang magaling na singer."
"Kahit alam ng marami na lesbian ka, hindi ibig sabihin nito ay tatanggapin ka nila ng buong puso kapag inamin mo mismo sa kanila ang totoo."
"Sigurado ako na yang ini-enjoy mo na kasikatan ngayon eh biglang maglalaho na parang bula dahil magi-iba ang tingin nila sa'yo."
"Hindi nila maiisip ang talent mo o ang mga magagandang bagay na ginawa mo."
"Ang titingnan lang nila ay ang pagiging lesbiana mo at kung gaano kamali o nakakadiri na ganyan ka."
"Nasa Pilipinas tayo, Althea."
"Alam mo naman kung gaano kahomophobic ang society natin di ba?"
Masakit man pakinggan ang mga salitang binitawan ni Roxy pero naiintindihan ko ang sinasabi niya.
Matagal na din naman siya sa showbiz.
Almost twenty years na siyang handler at marami ng naranasan sa piling ng mga alaga niya.
Hindi ako ang kauna-unahang talent niya na lesbian.
Meron ng nauna pa sa akin.
Kaya ganito ang payo niya dahil biglang naglaho ang artistang hawak niya dati.
Kung hindi nalulong sa droga, nawalan ng offers hanggang sa nalaos na.
"Hindi ka ba nanghihinayang sa ipinundar mo, Althea?" mahinahon na ang tono ni Roxy.
"May magagawa ba ako kung ayaw nila akong tanggapin?" balik tanong ko sa kanya.
Hindi ito nakakibo.
"Ano bang pinakain ni Jade sa'yo at nagkakaganyan ka?"
Tinitigan ako nito at bigla itong napangiti.
"Ang pag-ibig nga naman," yun na lang ang nasabi ni Roxy.
***
Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako.
Nagulat ako ng may kumatok sa pinto.
Biglang pumasok si yaya para sabihin na dumating na sina Dada.
Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
"Mukhang galit na galit ang dada mo, Jade." Sabi nito sa akin habang papasok ako sa banyo para maghilamos.
"Sabihin niyo po na bababa na ako," pakiusap ko kay yaya.
Pagkaalis nito, sinara ko ang pinto ng banyo at tiningnan ang sarili ko sa salamin.
"This is it," sabi ko sa sarili ko.
Kahit matindi ang takot na nararamdaman ko , alam ko na wala nang
atrasan.
Ipaglaban na ang dapat na ipaglaban.
***
Nang humarap ako sa pamilya ko, nakaupo silang lahat sa sala.
Magkatabi si Dada at Mama sa sofa samantalang magkatapat naman ni
Paul at Gab.
Nilingon ako ni Dada habang bumababa ng hagdan.
Bakas sa mukha nito ang disappointment at pagkababa ko, tumayo ito at tinanong ako agad tungkol sa article.
"Umamin ka sa akin, Jade."
"Meron ba kayong relasyon ng Althea na 'yan?"
"Oscar," hawak ni Mama ang isang braso nito.
"Paupuin mo muna ang anak mo," pakiusap nito.
Kumawala si Dada sa pagkakahawak niya at binalewala nito si Mama.
"Isa lang ang gusto kong marinig mula sa'yo Jade at yun ay ang totoo," malakas ang boses ni Dada.
Parang nanuyo ang lalamunan ko.
Halos hindi ko din magawang lumapit sa kanila kaya tumayo ako sa gilid ng hagdanan.
Tiningnan ko si mama at nakita ko ang takot sa mata niya.
Si Gab, patagong tumango sa akin na parang sinasabi na sagot niya ako.
Ganun din ang nakita ko sa expression ni Paul.
"Ano Jade?" sumigaw si Dada.
"Tinatanong kita,"
"May relasyon ba kayo ni Althea o wala?"
Nanikip ang dibdib ko.
Bago sila dumating, nagpractice na ako ng sasabihin sa kanila.
Sinulat ko pa para siguradong wala akong makakalimutan.
Pero ngayon, wala akong maalala ni isang salita.
"Jade!" tanong ulit ni Dada.
"Me....meron po," utal na nasabi ko.
Dinig na dinig ko ang malakas na buntong-hininga ng aking ama.
Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo habang nakatayo lang si Dada sa puwesto niya.
Maya-maya bigla itong lumakad papalapit sa akin at mahigpit akong hinawakan sa balikat.
"Naloloka ka na bang bata ka?" inalog ako nito.
Dahil sa lapit ng mukha niya, kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya at natakot ako.
Parang hindi siya ang ama na nakilala ko.
"Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo Jade?" sumisigaw pa din si Dada.
Hindi ako sumagot.
"Nilalagay mo sa kahihiyan hindi lang ang sarili mo kundi pati ang pamilya natin!"
Tumayo si mama para awatin si Papa pero hinawi siya nito.
Dahil sa lakas ng pwersa ni Dada, muntik na itong matumba.
Buti na lang at alerto si Paul na tumayo na nasalo niya ang aming ina bago ito madisgrasya.
"Hindi ka tomboy Jade!"
"Nasa isip mo lang yan."
Binitawan ako nito at dahil nanginginig ang tuhod ko, napakapit ako sa hagdan.
"Habang hindi pa lumalala ang sitwasyon, tigilan mo ang pakikipagkita mo kay Althea."
"Mula sa araw na ito, hindi ka lalabas ng bahay na walang bantay."
"Pero Dada...." mangangatwiran pa sana ako pero tinaas nito ang kamay
niya na nagsasabing tapos na ang usapan namin.
Tatalikod na sana ito ng magsalita ako.
"Mahal ko si Althea,Dada."
"Kung hindi niyo matatanggap yun, wala akong magagawa."
Kahit todo ang kaba ko, sinabi ko sa sarili ko na kailangan niyang malaman ang nararamdaman ko.
Alam kung nilalagay ko sa kapahamakan ang sarili ko sa pagsuway sa aking ama pero merong nagtutulak sa akin na magpakatatag.
Kung hindi man para sa relasyon namin ni Althea, para sa sarili ko.
I grew up with everything handed to me in a silver platter.
Hindi ko kailangang paghirapan ang mga bagay na gusto ko.
Sasabihin ko lang at buong pusong ibibigay sa akin.
Pero si Althea ay hindi mapapasaakin kung hindi ko ipaglalaban.
Kita ko sa mukha ni Dada ang magkahalong galit at pagkadismaya.
Biglang umangat ang kamay nito para sampalin ako pero pinigilan siya ni Paul.
"Bitiwan mo ako!" sigaw ni Dada pero biglang tumingin sa akin si Paul sabay sabing umalis na ako.
Patakbo akong pumunta sa labas at hindi namalayan na nakasunod si Gab.
Nang malapit na ako sa gate, saka ko naisip na wala naman akong susi ng sasakyan.
Nagulat na lang ako ng may tumawag sa akin.
Papalapit si Gab at biglang inabot ang susi.
"Sige na," tumango ito at nagmamadali kong tinungo ang BMW niya.
Ito pa mismo ang nagbukas ng gate at walang nagawa ang mga guwardiya namin kundi tumingin lang sa nangyayari.
Halos hindi ko maipasok ang susi sa ignition dahil sa nanginginig ang kamay ko.
Pero ng makita ko na papalapit na si Dada, bigla kong pinaarangkada ang sasakyan.
This was one time where I was thankful for all the racing classes I took.
Automatic ang galaw ko at pinaharurot ang kotse.
Dinig na dinig ko ang kabog sa aking dibdib habang lumalabas sa kalsada.
I checked the side mirror at nakita na sumusunod na ang mga bodyguards ni Dada.
Kabisado ko ang lugar namin at alam ko kung paano sila iligaw.
Kahit illegal ang drifting sa main highways, wala akong choice kundi ipagsiksikan ang bimmer huwag lang maabutan.
Siyempre pa, despite my confidence sa driving ko, kailangan kong mag-ingat.
I am better alive than dead and I need to get to Althea.
"Please Lord. I need steady hands," sambit ko.
Mabuti na lang at tuloy-tuloy ang traffic.
I'm sure na kung makakita ng opportunity ang mga bodyguards ni Dada, bababa sila ng sasakyan at pilit akong palalabasin sa kotse.
Three cars away lang ang sasakyan nila from me.
Nasa red light kami and I was starting to feel restless.
Once nag-green ang ilaw, I saw na maluwag ang left side ng lane kaya lumabas ako from where I was at biglang umarangkada.
Katakot-takot na busina ang naencounter ko from the other motorist dahil nagulat sila sa ginagawa ko pero wala na akong pakialam.
I only have one thought--I have to get away from the hounds of hell.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top