The Road Trip
A/N: "Wherever you go, go with all your heart."-Confucius
***
When you're in a relationship, the happiness of the other person counts as much as your own.
This will be proven after Althea revealed what happened during her meeting with Roxy.
Nung umpisa, ayaw pa niyang sabihin sa akin ang totoo.
This was after niya akong sunduin sa office ng Bench.
Pagpasok ko ng kotse, nakangiti ito at believable naman ang appearance of a cool rock chick.
Suot nito ang kanyang dark Ray Bans' sunglasses, plain white wifebeater, blue jeans at worn out black Chucks.
Ang ganda din ng ngiti niya sa akin.
Mukhang naligo na din ito kasi ang bango niya.
Amoy vanilla.
She even kissed me on the lips nang nakaupo na ako but she didn't fool me one bit.
Giveaway kasi ang sunglasses na ayaw niyang alisin.
Hindi ako pumayag na mag-drive siya with those glasses on and I offered na ako na ang magmaneho kesa maaksidente kaming dalawa.
Reluctant man siya, tinanggal nito ang salamin at nakita ko na namumugto ang kanyang mga mata.
I asked her kung anong nangyari pero ang sagot sa akin eh simpleng "wala".
"Wala?" inulit ko ang sagot niya.
"Ang pula ng mata mo at mukhang umiyak ka Althea tapos wala?" pamimilit ko pero ayaw talagang magsalita.
Tumahimik ako saglit at sumandal sa upuan.
Before siya dumating, excited akong i-share ang nangyari sa meeting ko with Karen.
Ang totoo nga, gustong-gusto ko siyang makita dahil naguumapaw ang tuwa sa dibdib ko.
Pero ngayong nandito na siya, kailangan kong isantabi ang sarili kong kaligayahan.
May dinadala si Althea at hindi naman ako insensitive para ipangalandakan sa kanya ang good news ko.
Bumuntong-hininga ako at nilingon ko siya.
Hindi ito nakatingin sa akin.
Mukhang malalim ang iniisip nito habang nakatitig sa kawalan.
"Althea, if we want our relationship to work, we have to be honest with each other." Panimula ko.
Para naman itong nagising bigla dahil tumingin sa akin.
Nakita ko na parang nangingilid ang luha nito.
Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa steering wheel at hindi na ito nakapagpigil.
Kinuwento niya lahat ng nangyari.
Mula sa conversation nila ni Roxy, ang pamimilit nito na i-deny ni Althea ang relationship namin hanggang sa threat na macancel ang tour niya dahil sa pagbitaw ng mga producers at sponsors.
Habang nagsasalita siya, tahimik lang ako na nakikinig.
Hindi ako makapaniwala na ang nangyayari sa kanya eh kabaliktaran ng sitwasyon ko.
Nang matapos siya magkwento, sumandal ito sa steering wheel.
Natakpan ng buhok niya ang kanyang mukha pero alam ko na umiiyak na ito dahil sa galaw ng kanyang balikat.
Lumapit ako sa upuan niya at niyakap ko siya.
Isa lang ang nasabi ko sa kanya—hindi ko siya iiwananan.
Humikbi si Althea pero wala itong sinabi.
Hindi awa ang naramdaman ko kundi pagkadismaya.
Ano ba ang nangyari at bigla na lang ganito ang naging circumstances niya?
Meron ba akong kinalaman sa sitwasyon na ito?
All because of a picture in a cheap tabloid magazine?
Suminghot ito at bumitaw sa pagkakayakap sa akin.
Inabot nito ang Kleenex na nakapatong sa dashboard at pinunasan ang ilong niya.
"Kaya ko 'to," sinabi niya at ngumiti.
Umiling ako sa kanya.
"Kanya natin ito, Althea." Tinama ko ang sinabi niya.
"Hindi ka na nagi-isa ngayon."
"Nandito na ako."
Bumuntong-hininga siya na para bang nabawasan ang kanyang pasanin.
"Tama na nga itong drama," inabot ni Althea ang purse niya sa passenger seat at hinanap ang kanyang make-up kit.
Nakatingin lang ako sa kanya habang nagreretouch at hindi ko mapigilan ang tumawa.
"Talagang poise ka pa rin ha?" kantiyaw ko sa kanya.
Sinara nito ang Nars face powder at tumingin sa akin.
"Okay na ba?" tanong nito habang pinapahid ng kamay niya ang kanyang pisngi.
Tumango ako at pinantay lang ng konti ang powder malapit sa tenga niya.
Ini-start na nito ang kotse.
"Ang mabuti pa eh kumain tayo to celebrate your news,"
"Paano mo naman nasabi na we have something to celebrate?" tinungo na ni Althea ang exit ng parking lot.
"Alam mo Jade, kahit nakasunglasses ako kanina, hindi maitago ang excitement mo."
"You look radiant and beautiful as usual."
Nilingon niya ako at ang ganda ng ngiti.
I thanked her for the compliment at tinanong ko siya kung saan kami pupunta.
"Saan mo gusto?" balik tanong nito.
"Gusto mo kumain sa restaurant or mag-bar tayo?"suggest ni Althea.
Since medyo napagod ako sa meeting, parang gusto ko ng peace and quiet.
"Why don't we go outside of the city?" I suggested.
"Yung lugar na siguradong magpapakalma or makapagpapaalis ng stress natin."
"Ah...ok," lumiwanag ang mukha niya.
"Alam ko na kung saan kita dadalhin," excited na sinabi nito.
***
An hour later, hindi na ako familiar sa daan na tinatahak namin.
"Saan tayo pupunta, Althea?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Nakatutok ito sa daan pero lumingon para sagutin ang tanong ko.
"Sa San Pablo," direktang sagot niya.
"Laguna?" hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
"Anong gagawin natin doon?" dugtong ko.
"Dadalawin natin si Mount Banahaw," sagot niya.
Napatingin ako sa suot kong sapatos.
"Althea, nakahigh heels ako at mukhang hindi ka din ready to go mountain climbing sa suot mo," paalala ko sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip nito pero hinayaan ko na lang.
Baka kailangan niyang magde-stress dahil sa mga nangyayari sa kanya kaya sasakyan ko na lang ang trip nito.
"Huwag kang mag-alala Jade."
"Maraming malls along the way."
"Bili na lang tayo ng bagong damit at sapatos."
Hindi na ako nagsalita.
Tumahimik ako sa upuan ko at in-enjoy ko na lang ang scenery dahil puro puno ang nakikita ko along the highway.
Iba rin ang simoy ng hangin dahil mas mabango hindi katulad ng sa Maynila na amoy usok at polusyon.
Kahit medyo skeptical ako sa plano ni Althea, I just hope na this will be worth the trip.
***
What was supposed to be an easy shopping trip proved challenging dahil nakilala si Althea at pinagkaguluhan sa mall when we stopped by at Robinsons' to look for clothes and shoes.
"Oh no!" bulong nito nang makita ang isang group of teenagers who were starstruck to see her.
Hawak ni Althea ang isang pair ng trail shoes at isusukat sana ito ng lapitan ng isang teenage girl who asked for her autograph.
Ang mga kasama nito eh nakapwesto na ang mga phones as they took pictures and videos of us.
Tiningnan ako ni Althea na parang humihingi ng rescue.
After niya magpapicture at mag-autograph, nagpaalam ito sa mga teenagers.
By now, meron nang small crowd who gathered around us.
They were all eager to have pictures with her too pero I saw how ready she was to escape.
Hinila ko ito sa kamay at sinimulan naming tumakbo away from the people.
Nabitawan nito ang hawak na sapatos at akmang pupulutin pa sana pero sinabi ko sa kanya na pabayaan na lang.
At that moment, mas importante na makalayo kami.
Hindi na mahalaga kung wala kaming nabiling damit o sapatos.
Pwede naman naming baguhin ang plano at umuwi na lang ulit sa condo at doon na magpahinga.
Obviously, sinundan kami ng mga fans.
It was crazy how they pursued us from the third floor hanggang sa ground floor ng mall.
Naramdaman ko na wala akong fighting chance lalo pa at mataas ang takong ng sapatos ko.
Nagsimula ng sumakit ang paa ko and if I don't think fast, for sure we will be cornered.
Habang tumatakbo at naghahanap ng exit, napansin ko na bukod sa mga humahabol sa amin, meron na ding mga nakikiusyoso.
Samahan pa ng security who were trying to control the crowd but failing miserably.
Without anyone to protect us, hindi ko alam kung saan kami pupunta to get away.
Kahit masakit ang paa ko, mabilis ang takbo namin and when I saw a door na for staff only, hinila ko si Althea at doon kami pumasok.
Wala na akong pakialam kung trespassing kami kasi desperado na ako.
Nang makapasok kami, the first thing I did was to remove my shoes.
I saw na may paltos na ang small toes ko at nakita din ito ni Althea.
She kneeled beside me at hinawakan ang kanang paa ko.
"Naku Jade, dumudugo ang paa mo." Worried itong nakatingin sa akin pero sinabi ko sa kanya na huwag na lang niya pansinin.
From inside, I saw na hinahanap pa din kami ng mga fans niya.
Mukhang matatagal kami bago makalabas kaya umupo ako sa sahig para din makapagpahinga.
I prayed na wala sanang pumasok na staff habang nasa loob kami dahil siguradong dadalhin kami sa security office.
Right now, hindi pwedeng dagdagan ang aming misdemeanors.
Hindi pa nga totally humuhupa ang issue about the newspaper article, madadagdagan na naman ng isa pang ikagagalit ni Dada at Roxy.
Magkadikit ang balikat namin ni Althea at humilig ito sa akin.
Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil.
"Mamimiss ko 'to," banggit nito.
"Ang mga taong humahabol sa'yo?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
Natawa ito.
"Tayong dalawa," sagot niya.
Kumunot ang noo ko dahil magkasama naman kami lalo pa ngayon na sa kanya ako pansamantalang umuuwi.
Pero sa tono ng pananalita niya, I sensed na she's wistful and probably extra emotional dahil sa mga pinagdaraanan niya.
Binitawan niya ang kamay ko.
"You know what I mean," may lungkot sa mata nito.
Inakbayan ko siya at hinalikan ko sa noo.
"Lablab, why don't we cherish the moments we have together?" sabi ko sa kanya.
"Moments na tulad nito na nakaupo tayo sa cold, hard and possibly infected floor habang nagtatago sa mga fans mo," tumawa ako.
Althea joined in and when our laughter died down, she apologized for making me run in high heels.
"It's okay," I told her.
"Kung hindi ako tatakbo with those shoes on, the other option is to run barefoot."
"I don't think that's convenient either."
Tumingin ako sa pinto at tumayo na.
Sumilip ako sa labas at nakita ko na umalis na ang mga fans.
"Wala na sila, Althea."
Tumayo na din ito at lumabas na kaming dalawa.
"I think hindi na tayo makakapaghiking," sinabi sa akin ni Althea as we walked towards the exit.
Nilingon niya ang paligid to make sure na safe na kaming dalawa.
Once we were at the parking lot, nagmamadali kaming sumakay sa kotse.
I turned on the airconditioning kasi pinawisan ako sa pagtakbo namin.
"Alam mo Jade, aaminin ko na mamimiss ko din ang mga fans," sabi nito.
Hindi ito nakatingin sa akin kundi sa dinadaanan namin.
"What part are you going to miss the most?" tanong ko sa kanya.
"Yung thought na what I'm doing affects their lives,"
I faced her at hinawakan ko siya sa balikat.
"Look,"
"Hindi ka pa naman sure kung makacancel nga ang tour mo," paalala ko sa kanya.
"Habang wala pa namang confirmation, ipanatag mo muna ang isipan mo."
Hindi ito kumibo.
***
Ang hiking trip na plano sana ni Althea eh nauwi na lang sa sightseeing.
On the way to our destination, I kept the atmosphere light by lipsyncing to the songs on the radio.
Nang magsawa sa pagkanta, hinalungkat ko ang glove compartment at meron akong nakitang CD.
Kinuha ko ito and it was Althea's own album entitled Into My Sadness.
Ang cover was of her sitting on a stool yakap ang kanyang gitara.
Nakaskinny black pants ito with thigh-high boots at fedora.
Black ang white ang picture niya at very somber ang mood na nacapture naman ng photographer.
"Do you mind if I play this?" tinanong ko muna siya at para itong natigilan.
She bit her lip at atubili kung papayag or hindi.
Ibabalik ko sana sa lalagyan pero she said yes.
When the first song started, I quickly realized that this was the album that Batchi was talking about nung nasa condo kami.
The one about Wila.
I checked the back and the title of the first song was Lost.
Malungkot ang intro dahil violins ang accompaniment.
Then nung pumasok na ang vocals ni Althea, the song was haunting kasi sinabayan ng lyrics na:
"I couldn't find myself in the darkness I was thrown in,
I see the light but it was far and out of reach
You took away the life and the air that I breathe
I do not want to live
If you are not in it,"
The days passed by, the minutes fly
I am oblivious to the joy around me
I open my eyes but I do not see
My heart beats slowly as I struggle to feel
I missed your love
And the taste of your lips
The feel of your skin against mine
was a distant memory
I am lost without you
How could this be?
I am all messed up
Incomplete and broken......
Tahimik kong pinakinggan ang kanta at kahit lipas na ang mga nangyari sa kanila ni Wila, para akong napunta sa memory lane dahil very raw ang emotions niya while she was singing the song.
This was my first time to hear her own song and kahit ako eh humanga sa soulful quality ng boses niya.
Sa tingin ko, kahit pakantahin si Althea ng jingle for a toilet paper eh magiging classy ang dating lalo pa at medyo husky ang quality ng boses niya.
"Hello Jade?" tinawag niya ako at natigilan ako sa paga-analyze ng kanta niya.
"Yes?" gulat na sagot ko sa kanya.
"Bakit nakatulala ka?" tanong nito.
"Wala lang,"
"Nagulat lang ako," hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko.
"Anong nakakagulat?"
"Yung kanta or yung pagkanta ko?"
I felt unsettled at hindi ako agad nakasagot.
"Ang mabuti pa eh palitan na lang natin ang CD dahil majority ng kanta dito eh depressing," pinindot nito ang eject button at bumalik sa radio station ang player.
Taylor Swift's Blank Space came on at hininaan ko ang volume.
"Yun ba talaga ang naramdaman mo ng magbreak kayo ni Wila?" hindi ko napigilang itanong sa kanya.
"You mean the lyrics?"
Tumango ako.
Parang she was caught off-guard at kahit di ko intention to put her on to the spot, a part of me felt a little.....jealous.
Isang song lang ang narinig ko pero she bared her heart and soul in it.
Lalo na siguro kung napakinggan ko ang buong album.
"Well, it was a different time Jade." Iwas na sagot nito.
"It was a difficult time for me and the only way I was able to express myself was to write songs about what I'm going through,"
"Why?"
"Are you bothered about it?" she stepped on the brake as the light turned red.
"A little bit," nahihiyang sagot ko.
Althea took my hand and kissed it.
"Love, past na nga di ba?"
"Do you remember what you said before about exes?"
Nakangiti ito habang inaamo ako.
I do remember.
Pero kung noon, hindi pa ako masyadong invested sa kanya, ngayon,habang nararamdaman ko na lalong lumalalim ang feelings ko for Althea, nakaramdam ako ng takot.
Maganda si Wila at mukhang fighter.
The first time I saw her, I felt na hindi pa din ito nakakamove on from Althea.
Babae din ako and I trust my instincts.
"Jade, mahal na mahal kita."
"It may sound cheesy pero yan ang totoo."
"Ako naman ang magsasabi sa'yo na huwag kang mag-alala dahil sa'yo ang puso ko ng buong-buo."
"Ikaw lang ang gusto kong humawak nito,"
Go na ang signal kaya pinandar na ni Althea ang sasakyan.
Flattered ako sa sinabi niya at para akong nasa langit.
Kahit nakakatakot umibig, dama ko na kaya kong magmahal dahil si Althea ang gusto ng puso ko.
***
Since first time kong makita ang Mt. Banahaw, hindi ko mapigilan ang awe na naramdaman ko.
Aside from being considered a sacred place, memorable din ito kay Althea dahil she went on a pilgrimage here when she was seventeen.
"Spiritual journey yun," she explained as we sat on the hood of her SUV.
Nang makalabas kami sa mall, we abandoned the plan to go hiking at nagdrive-thru na lang sa McDonalds.
Habang nakatingin sa majestic mountain, ininom ko ang vanilla milkshake na inorder ko while Althea ate the chicken burger she ordered.
"Hindi mo pa sinasabi ang result ng meeting mo with Karen," paalala niya sa akin.
I told her about the unexpected outcome at nakita ko naman ang genuine happiness sa kanya.
"Isn't it amazing?" tanong niya sa akin pagkatapos kong magkwento.
"Worrying is useless talaga ano?" nakangiti ito.
Tumango ako.
"The same thing applies to you too," sabi ko sa kanya.
Seryoso itong tumingin sa akin.
"I know it's hard not to think of what's going to happen pero there are moments when you just have to leave it all to a higher power," I explained.
Mukhang agree naman ito.
Tinapos na namin ang pagkain.
Pagkatapos, tumabi sa akin si Althea at hinintay namin na dumilim.
Nakahiga lang kami sa hood at naka-on ang headlights dahil medyo secluded ang lugar kung saan kami nagstay.
Nang lumabas ang mga bituin sa langit, nangako kami sa isa't-isa ng forever.
I pointed towards a constellation, ang Orion.
"We should make our promise sa kanya," sinabi ko kay Althea.
Nagniningning ang mata ko as I pointed towards the sky.
"Light of heaven yan and we should offer our love to him para we will always find each other kahit anong mangyari." Nilingon ko siya at nakatitig ito sa akin.
"Romantic ka pala?" tukso nito sa akin.
"Baliw lang sa'yo," tugon ko.
Althea sat up straight and leaned closer to me.
Then, hinawakan niya ako sa baba and I readied myself for her kiss.
Pero hindi ito humalik.
She was only a few inches away from my lips at kinagat niya ang kanyang lower lip.
Althea looked very attractive and the suspense with which she was taking her time was killing me.
I waited for her and when she finally kissed me, ayaw kong bumitaw.
Her taste was dizzying and every new kiss we shared was more intense than the last.
There are no words to say how much my heart overflows with joy when we kissed.
When we let go, I held her tight.
We embraced each other in silence.
I listened to the steady beating of her heart.
The heart she promised me to hold forever.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top