The Night Is Still Young

A/N: Just because...........

#TRMDBreakup nga kasi so here's a little something to chase the blues away.

Enjoy :)

***

Famous.

Yan ang hindi ko inakala when I met Althea.

Pero ngayong kasama ako ng entourage niya while she was being interviewed by the press, I can't believe na siya ang kausap ko that morning.

What's funny was nagkatarayan pa kami.

I've heard of their band pero hindi ko naman masyado pinapansin.

Not that wala akong hilig sa music.

It's just that lately, I'm preoccupied with a lot of things lalo na sa conflict namin ni Dada about my modeling career.

Ang dami kong offers na pinalampas dahil kailangan lagi siyang may say sa mga tatanggapin kong projects.

It's so frustrating dahil most of the time, rejected ang mga offers.

Walang pumapasa sa kanya except yung mga wholesome at family-oriented projects.

Kanina while I was watching Althea and her band onstage, I couldn't help but be jealous of her courage.

Bukod sa pinili niyang kanta na very iconic dahil originally sung by Nirvana and then followed by an OPM song na iconic din,napansin ko na nung umaga pa lang ang mga tattoo niya lalo na yung mga prominently displayed like yung sa wrist at sa batok.

Since hindi ko alam na certified rakista pala talaga siya, akala ko trip lang talaga niya ang magpatattoo.

Dada would go berserk if I even joked na gusto ko ng tattoo.

I am impressed with Althea kasi she is free.

Just like the name of her band, Malaya.

Pero gaano kaya siya kalaya?

Where does she set the boundaries for her to continue to be free?

Does it also apply in relationships?

Does it mean ayaw niya ng commitments dahil malaya nga siya?

Jade stop it! A voice in my head told me.

Bakit ba inaanalyze ko si Althea?

At bakit pati relationship aspects eh gusto kong i-process?

I cannot deny na when I saw her this morning looking ravenously hungry, ang lakas ng dating niya.

Grabe ang sex appeal! Through the roof.

Kahit halatang kagigising lang at may buhangin na nakadikit sa katawan, mabango pa din tingnan.

I've never looked at girls before pero hindi ko mapigilang titigan si Althea.

Yun nga lang.

Nang mapagkamalan akong serbedora, nabad-trip ako.

It wasn't because I felt bad for being mistaken as a server but the manner in which she talked to me.

Ang angas!

Hayun tuloy. Kahit hindi ako normally masungit sa mga customers ni Paul, isa siya sa mapalad na makatikim ng kasungitan ko.

"Jade?" I heard her call me.

Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala siya.

"Are you okay?" concern na tanong nito.

"Uh huh," sagot ko.

Althea checked her watch.

"Naku, it's almost one o'clock na pala," sabi nito.

"Baka hinahanap ka na sa inyo," halata sa mukha nito ang pag-aalala.

"Don't worry," I assured her.

"Nagsabi naman ako na baka late na ako makauwi." I lied.

Tumingin si Althea sa mga tao sa loob ng tent.

Since tapos na ang presscon at autograph signing, nagkukuwentuhan na lang ang mga guests, press at fans.

"Babalik ako ha?" sabi nito sabay talikod.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya at sinundan ko na lang siya ng tingin.

Nakita kong lumapit ito sa buffet table at kinausap ang lalakeng server.

Nagpabalot ito ng pagkain.

Nang tumalikod ang lalake, kumuha ito ng bottle ng white wine sabay tinago.

Tumingin ito kung saan ako naghihintay sabay kumindat.

Walang kamalay-malay ang server ng inabot niya ang plastic bag kay Althea na may bitbit itong free drink.

Napailing na lang ako sa ginawa niya.

"Tara na," yaya nito sa akin.

"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko.

"Huwag ka na magtanong," sagot nito. "Sumama ka na lang sa akin,"

Ganun na nga ang ginawa ko.

Sumama na lang ako sa kay Althea hanggang sa makarating kami sa medyo secluded part ng beach.

Medyo marami pa ring tao dahil sa last night na ng summer fest at most of them eh sinusulit ang oras bago bumalik sa Maynila or kung saang lugar man sila galing.

"Dito tayo umupo," may nakitang bangka si Althea.

Mabuti at hindi masyado madilim ang lugar na napili niya kasi at this hour, marami ng lasing.

Who knows kung ano ang gawin nila sa aming dalawa?

Better safe than sorry, ika nga.

"Gutom ka na siguro," sabi nito sa akin habang binubuksan ang pagkain na nakabalot sa aluminum foil.

Naamoy ko ang fried chicken at biglang kumalam ang sikmura ko.

Bukod sa manok, meron ding pancit bihon.

Umupo kami na magkaharap.

"Naku, hindi ako nakahingi ng kutsara at tinidor," alalang sabi nito.

"Okay lang yan," sabi ko sabay kuha ng foil na may lamang fried chicken.

Hinati ko ang foil at bago kumain, binigyan ko muna si Althea.

Nang iabot ko sa kanya ang share niya, nakatitig ito sa akin at nakangiti.

"Hoy, anong nangyayari sa'yo?" tanong ko.

"Nakakahiya naman," sagot nito.

"First date natin eh kakain tayo ng nakakamay,"

Hindi ko napigilang ngumiti sa sinabi nito.

"Date na pala ito?" sinakyan ko ang sinabi niya.

Natigilan naman ito ng marealize ang ginawa niya.

"Hindi bale Althea."

"May baon ka namang white wine," tinuro ko ang bote na nasa tabi niya.

Natawa ito sa sinabi ko.

"White wine nga pero tutunggain naman natin,"

Sinabayan ko siya ng tawa.

"Kumain na lang tayo," yaya ko sa kanya.

"Tomguts na ako eh," sabay kinamay ko na ang pancit.

"Tomguts talaga ha?" tukso nito.

"Kala ko konyo ka?" tanong nito sa akin sabay kagat sa manok.

"Sino naman ang maysabi na konyo ako?" tanong ko kay Althea.

Nagkibit balikat lang ito.

"Naisip ko lang," sagot sa akin.

***

Tinitigan ko si Jade habang kumakain kami

Naawa naman ako kasi mukhang gutom na gutom ito.

I am such a terrible host!

Paano ko siya mayayaya sa isang formal date kung ganitong ginugutom ko siya?
At bakit date ang laman ng isip ko?
Eh hindi ba't sinabi ko sa sarili ko na wala munang commitment?
Ano na ang nangyari sa mga pagi-emote ko?
Nakilala ko lang si Jade, ready na naman akong sumabak sa laban ng mga puso?

Hindi ko nga alam kung ako ang type niya.

Or kung ano ba ang type niya?

"Baka mabulunan ka sa ginagawa mo?" sabi ni Jade sa akin sabay tawa.

"Nakatulala ka na naman sa beauty ko," dagdag pa nito.

Ewan ko lang kung napansin niya na nagblush na naman ako.

Biglang tinaas ni Jade ang kaliwang kamay niya at pinunasan ang gilid ng labi ko.

"Tulo laway mo," tukso na naman nito.

"Ang lakas mo mang-asar!" sabi ko, kunwaring naiinis.

"Sus! Eto naman ang daling mapikon," binalot na nito ang buto ng manok.

"Nabusog ka ba?" tanong ko sa kanya at tumango ito.

"Pasensiya ka na talaga ha?"

"Naging busy kasi ako sa presscon hindi na tuloy kita napakain," hingi ko ng paumanhin.

"Okay lang yun, Althea." Tumayo na ito at bumaba sa bangka.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Maghuhugas lang ako ng kamay," sagot nito sabay lakad papunta sa tabingdagat.

Sinabayan ko ng tingin at mahirap na baka bigla na lang maglaho. 

Dahil mahaba ang suot na sundress, nabasa ng tubig ang dulo ng damit nito.

Mukhang hindi naman nito pansin.

Cowgirl talaga si Jade.

Kahit saan dalhin, game na game.

Pagbalik nito, pinakita pa na malinis na ang kamay niya.

Parang batang aliw na aliw.

Kinuha nito ang bote ng wine at binuksan.

Buti na lang at screw cap ito or else, uhaw ang bagsak naming dalawa dahil wala akong dalang pangbukas ng cork.

Tumayo na lang si Jade sa harap ko.

"Mauna ka na uminom," sabay abot sa akin ng bote.

"Hindi pa ako tapos kumain," sagot ko.

"Are you sure you are okay na iinom ka sa ininuman ko?" tanong ni Jade.

"Para na din tayong nagkiss niyan,"

Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya.

Napaubo ako.

Biglang itong lumapit at pinalo ang likod ko.

"Hala!" sabi nito.

"Inumin mo na ito at hindi ako marunong ng Heimlich maneuver.

Kinuha ko ang bote at tinungga ang wine.

Pagkatapos ko uminom, inabot ko ulit sa kanya ang bote sabay sabing huwag siya magbibiro sa taong gutom.

"Ang sabihin mo nashock ka sa comment about the kiss," tumungga ito pagkatapos eh sumimangot.

"Anong klaseng wine ito?" galit na nasabi.

"Ang panget ng lasa," binasa pa nito ang label.

"Sabi ko na nga ba at konyo ka eh," hindi ko naiwasang sabihin.

Nilapag ni Jade ang bote at bumuntong hininga.

"Well, I was expecting na since sikat yung mga performers sa show eh they would at least give you a decent drink," sabi nito.

"Sanay na kami sa ganyan, Jade." Medyo may halong lungkot na nasabi ko.

"It's my fault kasi hindi ko man lang nacheck kung ano ang dinudukot ko from the table."

Hindi mapigilan ni Jade ang ngumiti.

"Lesson learned Althea," sabi nito.

"Next time, check mo muna ang brand bago mo dukutin ha?" tumawa ito.

Tinapos ko na ang kinakain ko and then pumunta na ako sa dagat para maghugas ng kamay.

Tiningnan ko ang oras at lampas alas-dos na ng madaling araw.

Baka mapagalitan na itong si Jade.

I didn't believe her when she said na pinayagan siya to stay out late.

Konserbatibo nga kasi ang family di ba?
Lalo na ang Dada niya.

"Mabuti pa siguro ihatid na kita pauwi." Sabi ko kay Jade na nakaupo sa bangka at parang may sinusulat sa buhangin gamit ang paa niya.

Tumingin ito sa akin.

"Bakit hindi tayo maglakad-lakad muna?" sagot nito.

"Katatapos lang natin kumain eh,"

"Sigurado kang hindi ka hahanapin sa inyo?" naga-alala na talaga ako.

Baka hindi ko pa nga namimeet ang parents niya eh bad shot na ako agad.

"I'm sure, Althea." Confident na sagot nito.

"Will you just relax and walk with me?" inabot nito ang kamay niya at pumayag naman ako.

Pero bago kami umalis, nilinis muna namin ang pinagkainan namin.

Trespassing na nga sa bangka, nagkalat pa.

Nakakahiya naman.

Maliwanag ang buwan at puno ng bituin ang kalangitan.

Habang naglalakad, tinuro ni Jade ang mga constellations na alam niya habang ako eh nagi-imbento lang ng mga pangalan.

"Tingnan mo yun,"tumigil ito sa paglalakad at tinuro ang kaisa-isang constellation na kilala ko, ang shape ng Aquarius.

"Kaya kong hulaan yan," pagmamalaki ko.

"Sige nga," hamon ni Jade.

"Anong name niyan?"

"Althea," sagot ko sabay tawa ng malakas.

Pinalo ako ni Jade sa braso.

"Aray naman!" daing ko sabay himas sa brasong hinataw niya.

"Naku sorry naman po," humingi ito ng paumanhin sabay hinimas din ang braso ko.

Natawa tuloy ako sa ginawa niya.

"Tama na yan at baka kung saan pa ito mauwi," tukso ko at hinataw na naman ako ni Jade.

"Puro ka kalokohan eh," pacute na pagtutol nito.  Lumakad na ito ulit.

"Alam mo, puro na lang tayo flirting." Naibulalas ko.

Tumigil si Jade sa paglalakad.

Hindi ko masyado maaninag ang pisngi nito dahil liwanag lang ng buwan ang gabay namin so hindi ko alam kung galit ba or gulat ito.

"Althea, we just met this morning." Paalala nito.

"Don't tell me this early eh gusto mo na agad i-declare na may gusto ka sa akin?"
"Kaninang umaga lang eh tinatarayan mo ako," napatawa ito so alam ko na hindi galit.

Ako naman ang nagulat dahil parang walang objection sa sinabi ko.

I'm not sure kung sinasakyan lang ni Jade ang sinasabi ko or seryoso talaga.

"What if ligawan kita?" tanong ko dito.

"Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?" walang kagatol-gatol na sabi nito.

Ako naman ang nashock sa mga responses niya.

"Baka naman nalasing ka lang sa cheap wine,"

"Jade, I am not drunk."

"Matino ako," sabay nagkunwaring lasing at natawa sa ginawa ko.

Jade didn't see the humor in what I did.

"Hay naku, Althea."

"Paano kita seseryosohin niyan kung nagagawa mong magbiro sa mga ganitong pagkakataon?"

"Isa pa, hindi pa kita masyadong kilala."

"Although for some reason eh parang nagmeet na tayo noon dahil kapag kasama kita, I'm very comfortable."

"Like, I can be me when I'm with you."
"Walang fear na you will judge me or I have to be careful around you."

"Baka nga kasi stalker ka," tumawa ito.

"Ayos na sana Jade eh," natawa din ako.

"Okay na yung moment kaso bigla kang bumanat ng stalker ako,"

Napakamot ako sa ulo ko.

"Pero seryoso ka ba talaga sa sinasabi mo?" balik-tanong nito.

"Saan?" hindi ko na matandaan ang usapan namin.

"Na gusto mo akong ligawan?" sagot ni Jade.

Hindi ako nakakibo agad.

Kasi ako ang nakoconfuse kung bakit okay siya na ganito.

Walang questions or objections man lang.

"See?" sabi ni Jade nang hindi pa din ako nagrerespond.

"Ang tagal mong sumagot so ibig sabihin you are just messing with me," parang disappointed ito.

"I'm serious, Jade."

"Kung totoo ang sinasabi mo, magpinky swear ka?" tinaas nito ang daliri niya.

Sumunod naman ako.

Afterwards, hinigpitan nito ang kapit sa daliri ko.

"Hayan, Althea."
"Wala ka ng kawala," tumawa na naman ito ng malakas.

At that moment, naghalo ang kaba at tuwa sa dibdib ko.

Kaba dahil hindi ako marunong manligaw, tuwa dahil pumayag si Jade.

Kaba dahil baka mabasted ako, tuwa dahil biglang nagkaroon ulit ng purpose ang buhay ko.

Kaba dahil hindi ako sigurado sa gagawin ko.

Tuwa..... dahil sigurado akong si Jade ang gusto ko.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top