The Devil's Playground

                 

A/N: "If any person wish to be idle, let them fall in love"-Ovid

This chapter is for rastrodubsmash. Thanks for patiently waiting. Enjoy! :)


***

I wasn't wrong when I told Althea na once nagsimula na siyang magready for her concert,

mababawasan na ang oras namin sa isa't-isa.

Sa umaga, we try to get up early para may time pa na magbreakfast.

We usually have to be at work by nine.

Since kailangang makipagsabayan sa ibang commuters, given na kapag hindi kami maagang umalis, siguradong makikipaglaban kami sa traffic.

Minsan, hindi na niya magawang i-off ang alarm dahil sa sobrang pagod.

Kapag nangyayari yun, pinipilit kong bumangon para ako na ang maghahanda ng agahan naming dalawa.

One time, naunahan ko ang alarm clock na nakaset for five in the morning.

Naghihilik si Althea habang nakadapang nakahiga sa kama.

Tinawag ko siya at hinalikan sa noo pero hindi ito natinag.

Tuloy-tuloy pa din ang tulog niya.

Hindi ko na siya kinulit.

Bumaba na lang ako sa kusina tutal hindi na ako makakatulog panigurado.

Habang kinukuha ko ang egg tray sa ref, ewan ko ba kung bakit bigla kung naisip na para na talaga kaming married couple.

Dalawa kaming gumagawa ng desisyon sa mga malalaki at maliliit na bagay.

Lagi naming kinoconsider ang isa't-isa at wala naman kaming kasunduan na ganun ang gagawin namin.

Basta nangyari na lang.

Everything seemed natural between us.

Kaya naman wala akong duda sa sarili ko na we were meant to be.

***

Kapag nasa trabaho kami pareho, telepono ang kakampi namin.

Kung hindi kami nagtatawagan, sa text kami naguusap.

Siyempre pa, ubod ng kasweetan ito si Althea.

Minsan nga ay nahuhuli ako ng mga kasama ko na ngumingiti mag-isa.

Dahil hindi naman lingid sa kanila kung sino ang dahilan ng matamis kong ngiti, sinasakyan na lang nila ang trip ko.

Maliban kay David na hanggang ngayon ay hindi makapagmove on sa reality.

One time, nabadtrip ako sa kanya.

I said I love you to Althea before I ended the call.

Sakto namang dumaan siya at narinig ang sinabi ko.

Tumaas ang kilay nito at siyempre pa, hindi ko iyon pinalampas.

"Anong problema mo?" tanong ko dito.

Akala ko eh didedmahin ako pero tumigil ito sa paglakad at humarap sa akin.

"Pwede bang maging discreet ka naman kahit konti?" mataray na sagot nito sa akin.

Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung bakit napakaantagonistic niya sa akin ng time na yun.

Ang saya-saya ko pa naman, binasag niya.

"May nagawa ba ako sa'yo at ganyan ka magsalita sa akin?"

Tiim-bagang ito at nakita ko na nakakuyom ang kamay.

"Alam mo Jade, kung yan ang choice mo, go ahead."

"Pero sana, huwag ka namang maging insensitive sa mga tao sa paligid mo."

"Hindi lahat, pabor sa lifestyle mo." Medyo malakas ang boses nito kaya naman nakuha niya ang attention ng ibang crew na nagseset-up.

Masakit ang mga binitawan niyang salita at lalo akong naguluhan.

Matagal na kaming break at alam niya na I'm with Althea pero it's clear to me na may bitterness pa din ito.

Minsan nga eh downer ito sa rehearsals dahil may moment na uncooperative siya.

Pero sa akin lang naman.

Sa ibang chicks, todo-bigay.

Nahahalata na nga siya ng iba naming kasama.

Hindi ko na lang pinapansin.

Basta ginagawa ko ang trabaho ko dahil ayokong makaabala sa mga kasama namin sa show.

"Look around you, David." Galit na sabi ko sa kanya.

"Sa dami ng tao dito, mukhang ikaw lang ang affected ng pagkatao ko."

Huminga ako ng malalim.

Ramdam ko ang init ng mukha ko at kahit sinasabi ng isip ko na palampasin na lang ang PMS ni David, hindi ko na macontrol ang bibig ko.

"You know what's worse, David?"

Hindi ito kumibo pero alam ko na hinihintay niya ang sasabihin ko.

"We used to be friends,"

Pagkasabi ko nito ay namagitan sa aming dalawa ang nakabibinging katahimikan.

Bumukas ang bibig niya para magsalita pero hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon.

Tumalima na ako at iniwan ko siyang nakanganga.

***

Pagkatapos ng insidente na yun, deadmahan na lang kami.

Nabanggit ko kay Althea ang nangyari at hindi naman ito nagulat.

"Ex mo kasi siya, Jade."

"I won't be surprise kung umaasa pa din siya na maghihiwalay tayo at babalikan mo siya."

Napaisip ako sa sinabi niya pero hindi ko na sana pagtutuusan ng pansin ang bagay na yun.

Pero may sumagi sa isip ko at bumuwelta ako ng tanong.

"Ganun din ba si Wila sa'yo?"

Umiinom si Althea ng orange juice ng sinabi ko yun.

Ang reaction niya: priceless!

Naibuga niya ang juice at buti na lang hindi kami magkatapat sa upuan dahil kung hindi, siguradong naligo ako.

***

Since mas late natatapos si Althea sa rehearsals, pinaubaya niya sa akin ang paggamit ng kotse.

Nung una, ayokong pumayag dahil unfair na ako lang ang gagamit nito.

"May van naman na provided si Mr. Jimenez," katwiran ni Althea.

"Mas convenient dahil bukod sa may driver, pwede akong matulog habang nasa biyahe."

Pumayag na din ako sa gusto niya.

Kapag maaga napapack-up ang rehearsals, sinusundo ko siya if maaga din siya matatapos.

Pero lately, mag-isa akong palaging umuuwi dahil todo ang pageensayo ng banda nila para sa nalalapit na concert.

Beterano naman silang lahat sa ganitong shows pero dahil perfectionist si Althea, hindi ito pumapayag sa "pwede na" concept.

Kailangan walang missed notes o sablay na pagtugtog.

Dapat daw kasi 100 % ang makuha ng fans from the front row seats hanggang sa nosebleed section.

Nung una, nanibago ako kapag dumarating sa bahay na wala siya.

Bukod kasi sa nakahandang pagkain at nakangiting pigura ni Althea na sumasalubong sa akin pagdating ko, katahimikan at frozen leftovers ang naghihintay sa akin sa bahay.

Lagi ko siyang tinitext if nakauwi na ako.

Ang response niya would take minutes or hours dahil alam kong hindi naman nito agad nachecheck ang phone niya.

Sapat na sa akin na malaman niya na nakauwi ako ng maayos.

We should get a pet.

Naisip ko minsan.

Para meron kaming companion sa condo.

Kahit hindi kalakihan ang tirahan namin, nakakalungkot pa din kasi ang mag-isa.

Dinadaan ko na lang sa pagpapatugtog ng music para naman malibang ako.

Kaso, namimiss ko ang company ng lablab ko.

Alam ko naman na bago kami nagkakilala, ganito siya kabusy.

Sabi pa nga ni Althea, natigil lang siya sa condo during the fallout with the producers at mahinto saglit ang kanyang singing career.

Kuwento pa niya, there are months na hindi siya nakakauwi.

Kung wala siyang assistant na pumupunta sa condo para magcheck, malamang daw eh nabalot na sa alikabok ang unit niya.

"For sure may herd of dust bunnies na sa condo dahil walang maglilinis kung hindi dadaan ang assistant ko."

Hindi ko din mapigilan ang mag-isip ng kung anu-ano kapag mag-isa lang ako.

Iniiwasan ko i-entertain ang mga negative thoughts lalo na pagdating sa mga taong papasok sa buhay ni Althea pero an idle mind is the devil's playground.

Dahil sa walang makausap, minsan ay naisipang kong i-research sa Google si Althea.

Curious akong malaman ang mga bagay na nasulat tungkol sa kanya.

Sa tagal naming magkasama, ngayon ko lang naisip gawin ito at may halong guilt akong naramdaman habang binabasa ang mga articles tungkol sa kanya.

Siyempre, habang nagbabrowse, kung anu-anong links ang nakikita ko.

Dahil sa mga links na yun, nabasa ko ang history niya lalo na yung mga articles galing sa sari-saring entertainment magazines.

Bago kami nagkakilala, Althea was labeled as an enigmatic figure sa industriya.

Her being mysterious was attractive to a lot of people, especially women.

Although hindi naman proven kung sino nga talaga ang mga official na  nakarelasyon niya, meron isang tao who figured prominently sa mga articles at pictures na nakita ko.

Si Wila.

Alam ko na hindi mahilig si Althea sa publicity pero during the time na sila ni Wila, naging laman ito mga balita dahil sa naging visible sila hindi lang sa concert scene kundi pati sa mga social events.

In a way, Wila brought Althea out of her shell.

Pero hindi lahat ay positive.

I could say na 70/30 ang ratio ng negative over the positive news.

Guerera kasi itong si Wila.

Kapag may balita na naglilink kay Althea with other women, inaaway nito.

Marami din akong nakitang pictures nilang dalawa na talaga namang nakakakilig.....kung hindi ikaw ako.

In most of the photographs, si Wila ang malimit na nakayakap kay Althea.

May pictures din silang dalawa sa beach kung saan nakatwo-piece bikini si Wila at nakacut-off denim shorts si Althea.

Kitang-kita ang kaseksihan ni Wila at very confident ito na ipakita ang katawan niya.

Halata namang conservative si Althea dahil bukod sa hindi nagbathing suit eh nakasuot ito ng white tank top.

They were both wearing sunglasses at todo ang ngiti sa harap ng camera.

Parang they were in paradise lalo na at bukod sa beach na background eh nakatayo sila sa ilalim ng palm tree.

Hindi ko maintindihan pero bigla akong kinapitan ng selos sa picture na yun.

Is it because magkahawak kamay silang dalawa at mukhang masayang-masaya ng araw na yun?

Or is it because sobrang miss ko si lablab habang tinitingnan ang pictures nila at lalong nanaig ang longing ko for my girlfriend?

Kahit pa alam ko ang naging ending ng relationship niya with Wila, long after I turned off the laptop to go to bed, nasa isip ko pa rin ang photograph nilang dalawa.

Habang nakahiga ako sa kama at naghihintay dalawin ng antok, naisip ko na sana noon pa kami nagkakilala ni Althea.

Sana ako ang lagi niyang kasama sa mga gigs niya at outing sa beach.

Sana ako ang nauna.

Puro sana ang laman ng isip ko at lalo lang naa-aggravate kapag sumasagi sa isip ko ang picture na yun.

Kahit past at ex na si Wila, kitang-kita ko ang saya sa mukha niya habang nakahawak sa kamay ni Althea.

Nakatulugan ko na lang ang mga what-if's ko.

Lumipas ang araw na pati ang picture na yun eh unti-unti ko na ding nakalimutan.

***

Our arrangement seemed to work fine for both of us kahit pa ang mga sumunod na araw were really busy.

Mas stressful na ang rehearsal kasi lahat kami ninenerbiyos for the fashion show.

Kahit pa kasama din namin ang beteranong roster ng Bench, kami ang highlight ng show.

Natuwa kami ng malaman na sold out na ang tickets sa MOA arena pero kakambal din noon ang nerbiyos to deliver an outstanding performance para hindi mabigo ang mga fans at patrons ng Bench.

I found the chance to surprise Althea after our final dress rehearsal or according to the other models, undress rehearsal.

May point nga naman since underwear ang majority ng susuotin namin.

Wala din naman kasing itulak-kabigin sa Victoria Secret's fashion show dahil sa throughout the years, mas naging daring at flamboyant ang mga costumes.

Talagang ginastusan ang production and this year won't be different dahil sa they stuck to the concept of Super Sexy Rich.

There will be a lot of gold, silk and velvet.

Excited akong umalis sa studio dahil hindi ko sinabi kay Althea na pupuntahan ko siya sa QC kung saan sila nagpapractice.

Kahit pa sobrang traffic, hindi ko alintana.

Mas nangingibabaw ang kagustuhan kong makita siya.

Gusto ko siyang sorpresahin bukod sa ngayon lang ako magkakaroon ng chance na

marinig ang banda niya during rehearsals.

Two hours later, I was at the parking lot of the music studio.

I checked my phone at habang naglalakad papasok sa entrance ng building, I saw na may missed calls at messages ako from Althea.

Hindi na ako nagreply.

Nagmamadali kong tinungo ang lugar at pagkatapos magsign-in sa visitor sheet, pinapasok na ako ng guard.

Wala akong nakasalubong on the way sa room kung saan sila nagpapractice.

Todo ang ngiti ko ng marating ang lugar kung saan ko makikita sina Althea.

Dahan-dahan kung binuksan ang pinto.

Nang makapasok sa kuwarto, ako ang nasorpresa sa nakita ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top