Smells Like Teen Spirit




Bago kami maghiwalay ni Jade, I invited her to watch the final show that night.

"That is if you're not busy," sabi ko sabay tumayo na ako.

I helped her get up on her feet kasi namanhid ang left leg niya at hindi siya makagalaw sa kanyang kinauupuan.

Humawak ito ng mahigpit sa kamay ko at natawa lang ito sabay sabing she feels old.

"I feel that way most of the time," sabi ko sa kanya.

"Well, bata pa tayong dalawa so we shouldn't be this problematic." Nakangiti ito at parang gumaan ang pakiramdam ko after ko siya makausap.

Very easygoing at down-to-earth kasi si Jade.

Sino ang maga-akala na isa itong heredera ng mga Tanchingco?

Isa pa, she's funny and smart.

I had to stop myself from heaping praises on her kasi mahirap na.

Baka kung saan pa mauwi ang admiration ko.

Also, I don't want her to feel that I'm too eager.

Baka matakot sa akin at hindi na ako kausapin.

"Althea nakatulala ka," hindi ko napansin na tinatawag na pala ako ni Jade.

"Naku sorry," yun na lang ang nasabi ko.

"I was asking you the time of the concert just in case pupunta ako," sabi nito sabay hugot ng phone from her pocket.

"I also want to get your number para matawagan kita if hindi ako matutuloy," ready na si Jade to enter my information on her phone kaya binigay ko na.

"Text mo ako para I'll save your number as well," sabi ko sa kanya and then binigay ko ang contact information ko.

Totoo ba ito?

Kanina lang sa carenderia, gusto ko hingin ang number niya.

Pero naunahan ako.

Not that I'm complaining.

"I'd better go Althea at baka hinahanap ako ni Paul," sabi nito.

Napakunot ang noo ko.

"Sino si Paul?" hindi ko naiwasang magtanong.

Curious lang ang peg.

"Ah, kuya ko siya." Sagot ni Jade at napabuntong hininga ako.

"Ang lalim naman ng buntong-hininga mo," pansin nito sa reaction ko.

Di ko tuloy naiwasang magblush.

"May kasama pang blush ha?" ngumiti ito.

"Huwag ka ng ngang manukso diyan," saway ko kay Jade.

Hindi ko din mapaliwanag kung bakit ako nagbablush at uncomfortable ako sa panunukso niya.

"Bumalik ka na sa tindahan niyo bago malugi ang negosyo," paalala ko sa kanya.

Bago ito umalis, hinawakan ako sa braso.

"It was nice knowing you,Althea."

"I hope this won't be the last time na magkita tayo," nakangiti ito at naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Hindi ko maintindihan pero parang kinikilig ako.

"You have my number so you know how to reach me," yun lang ang nasabi ko.

Tuluyan na itong nagpaalam.

Naiwan akong nakatayo pa rin sa tabingdagat at tinitingnan si Jade habang naglalakad ito papalayo sa akin.

Suddenly, bigla itong lumingon and then she blew me a kiss.

Hindi pa nakuntento.

She winked at me.

That moment, para akong nanalo sa lotto.

The thing is, hindi pa ako tumataya.

***

Katatapos lang ni Batchi maligo ng dumating ako sa hotel.

Nagulat ito lalo na ng makita ang napakagandang ngiti sa mukha ko.

"Althea, nahipan ka ba hangin at para kang lokang nakangiti diyan?" pansin nito habang pinupunasan ang buhok niya.

Humiga ako sa kama at tinitigan ang kisame.

Mukha ni Jade ang nakikita ko at lalo akong napangiti.

Nagulat na lang ako ng hinagis ni Batchi ang basang tuwalya sa mukha ko.

"Hala! Eh nababaliw ka na yata," kinuha nito ang suklay sa dresser.

"Nagkabati na ba kayo ni Wila at ang saya-saya mo?" tanong nito.

Biglang nawala ang ngiti sa mukha ko.

"Pwede ba huwag mo muna siyang ipaalala sa akin," hinagis ko pabalik sa kanya ang tuwalya.

Dahil hindi niya nasalo, sa sahig ito bumagsak.

"Hmmm....bago yata yan sa pandinig ko."

"Dati kasi, kahit rinding-rindi na ako sa pangalan ni Wila eh hindi ka mapigil sa pagkikwento tungkol dito."

"Bakit biglang nagbago ang tono mo?"

"May kinalaman ba diyan ang chicks na kasama mo kagabi?" tukso nito sabay kiliti sa tagiliran ko.

"Sinong chicks?" tanong ko.

"Hindi ako nangchichicks ano?"sabay kindat kay Batchi.

"Naku Althea,"

"Tigilan mo nga yang kalokohan mo."

"Crush na crush ka nung girl na yun at magkaakbay pa kayong umalis sa bar kagabi." Paalala nito.

"Don't tell me nakalimutan mo na agad?"

Bumangon na ako at pinagpag ko ang buhangin na naglaglagan sa kama.

"Paano ko makakalimutan ang hindi ko naman maalala?" sagot ko.

Napailing na lang sa akin si Batchi.

"Maligo ka na nga lang," lumapit ito sa kama at kinuha ang kumot para tupiin.

"Baka sakaling bumalik ang alaala mo pagkatapos mong maligo,"

Pupunta na sana ako sa banyo ng i-remind ako ni Batchi about the rehearsal at one o' clock.

"At sana naman eh huwag kang ma-late kasi nakakahiya na sa mga kasama mo," paalala nito.

"Opo Tatay," sagot ko sa kanya.

Kumuha ito ng unan at bago pa ako batuhin ulit ay tumakbo na ako sa banyo.

***

Nagulat ang lahat ng dumating kami sa rehearsals half an hour early.

Ready na silang lahat at kahit mga lasing nung nakaraang gabi, eh handa ng sumabak sa rakrakan.

Pero mas fascinating sa kanila yung hindi ako nakasimangot.

"Maysakit ka ba Althea?" Tukso ni Manuel, lead guitarist ng banda.

Siya din ang pinakaeldest kaya parang kuya ang turing ko sa kanya.

"Malamang," sagot ko sa kanya ng nakangiti.

"Kasi hindi normal na on-time ako sa rehearsal bukod sa masaya."

"Baka meron kang gamot?" tanong ko.

Napakamot na lang ito at binalikan ang gitara na tinotono niya.

"Huwag niyo na asarin si Althea at baka magbago pa ng mood," saway ni Batchi.

"Ang mabuti pa eh simulan na natin ang practice para matapos tayo agad," Umupo na si Batchi sa isang tabi at sinuot na ang headphones para makinig sa session.

Bukod sa pagiging bestfriend ko, siya na din ang tumatayong assistant ng musical director namin.

Kinuha ko ang Fender G-5 stratocaster at tinipa ito.

Okay na ang tunog.

Since ito na ang final show for the summer fest na entitled Rocked Out in Bora, I chose to play a classic Nirvana song, ang Smells Like Teen Spirit.

Ni-rearrange namin para bumagay sa boses ko at mabigyan naman ng hustisya ang kanta ni Kurt Cobain.

Baka magalit si Kurt eh multuhin ako.

Sa unang banat pa lang ni Manuel, ramdam ko na magiging epic ang performance namin.

Lalo na at sa bawat tipa ng gitara ko eh halatang inspired ako.

Ayokong isipin pero habang kumakanta ako eh I imagine Jade standing in the middle of the room rocking out to the song.

The thing is, I have no idea if she even likes this kind of music.

But it doesn't matter.

Kung hindi niya gusto ang kanta, sana maappreciate niya ang aking paggigitara at pagkanta.

Kahit doon man lang eh makakuha ako ng ganda points.

After three tries, satisfied naman si Batchi sa outcome ng kanta.

"Take 10 muna guys," sabi nito sabay lapit sa akin.

Hindi maalis ang ngiti sa mukha nito pero may kahalong pagtataka.

"May sikreto ka," sabi nito at tumabi sa upuan ko.

"Wala," sagot ko sabay iwas ng tingin.

"Kilala kita Althea,"

"The last time na ganito ka kainspired eh nung......." Hindi nito tinapos ang sasabihin.

Naalala yata ang usapan naming kanina sa kuwarto.

"Pero kung sino man siya na nagbibigay ng inspirasyon sa'yo, salamat ng marami."

"Sana nga eh simula na ito ng pagmove on mo mula sa masaklap na chapter ng buhay mo," tinapik nito ang balikat ko at bumalik na sa upuan niya.

Bumalik na din ang members ng banda at pumuwesto na ulit.

"Last one guys and then we'll call it a day," sigaw ni Batchi.

***

The night of the concert, hindi mahulugang karayom ang venue.

Sa dami ba naman ng mga big name artists na magpeperform, hindi na surprising na ganun kadami ang turnout.

Buong maghapon akong nagaabang sa text ni Jade at gumabi na, wala pa din akong narereceive na message sa kanya.

Bigla akong nalungkot.

Bakit naman kasi hindi ko hiningi ang number niya to make sure na I know how to reach her?

Feeling ko, nabawi ang napanalunan ko sa lotto.

"Are you ready, Althea?" Tanong ni Batchi.

Paalis pa lang kami ng hotel at kanina pa ako handa.

Siya na lang ang hinihintay ko.

Tumango ako.

Lumapit sa akin si Batchi para ayusin ang suot kong black leather studded biker jacket over a white shirt with the peace symbol in black.

Black din ang pants ko na tattered ang style and siyempre, suot ko ang aking ever favorite na DM's.

Tinitigan ni Batchi ang aking boots at napakunot noo ito.

"May problema ba?"

"Di ba mas bagay kong nakablack hi-top Converse ka?" suggest nito pero umiling ako.

"Batchi, kelan ka pa naging stylist?" sabi ko sa kanya sabay bitbit ng gitara ko.

"Ibalato mo na ang DM's ko,"

"Babawi naman ako sa performance mamaya eh,"binuksan ko na ang pinto bago ba humaba ang discussion naming dalawa.

Isa pa, ayokong mabadtrip or i-project ang frustration ko kay Batchi.

Hindi ko maamin sa kanya na naiinis ako dahil I haven't receive a single text from Jade kasi hindi pa ako ready.

Besides, kakikilala lang namin.

Unpredictable pa ang mga bagay-bagay.

When we reached the venue, hindi ko pa din mapigilang ma-overwhelm sa dami ng tao.

I still get nervous kahit madaming beses na akong kumanta sa iba't-ibang lugar at audience.

Pero kapag nasa stage na, I leave my fears at the door or wherever I'm suppose to.

Isa lang ang lagi kong iniisip--ang mapaligaya ang mga fans na pumunta from near and far to see us perform.

We were led inside a tent sa backstage for touch-up.

From outside, narinig ko ang malakas na sigaw ng mga tao when Bamboo was called to perform the opening number.

I saw him in a concert before and I was starstruck dahil ang lakas ng presence on and off stage.

Saglit lang ang paga-ayos sa akin at katatapos lang ng make-up artist ng pumasok and isang PA para sabihing may naghahanap sa akin.

Bigla akong kinabahan.

"Papasukin mo na lang,"sabi ko sa PA.

"Okay po," sagot nito and then lumabas na ulit.

Inayos ko ang damit ko at tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin to make sure I looked okay.

"Althea," 

Sa tono ng boses, alam ko na hindi ito si Jade.

Bigo na naman ako.

Lumapit si random girl sa buhanginan at hahalikan sana ako sa pisngi pero umiwas ako.

Halata sa mukha nito na nahurt siya sa pag-iwas ko.

"Wow!" sabi nito sa akin.

"Kagabi lang eh, inseparable tayo."paalala nito.

"Ngayon para akong maysakit na iniiwasan mo?"

"Sorry pero....." sagot ko.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

Bumuntong hininga na lang ito.

"Never mind," tumalikod ito.

Hinayaan ko na lang siya umalis.

Bumalik ako sa upuan ko to check my phone.

Wala pa ding text si Jade.

Pero ang sabi niya, she will call me if hindi siya makakarating.

Does it mean pupunta siya dito to watch the concert?

"Huwag ka umasa, Althea.

Baka mabigo ka lang," sabi ng aking konsensiya.

Tama nga naman.

Bakit nga ba ako umaasa eh wala naming dahilan para pumunta dito si Jade?

Hindi ko nga alam if type niya ang mga ganitong eksena.

Mukhang classy at iba ang taste niya.

But it's not fair to put her in a box.

Hindi porke't mayaman sila eh snobby na.

Nakita ko yun kanina kay Jade nung kausap ko siya.

Walang kiyemeng umupo sa buhanginan at nakikipagsabayan sa mga jokes ko.

She's not the stereotypical rich girl na nai-imagine ko.

Walang arte sa katawan.

Now if only she would be here bago matapos ang show, that would really make me happy.

"Althea," si Batchi.

"Gusto mong lumabas para manood?" yaya nito.

I checked my phone one more time pero wala talagang text.

"Sunod na lang ako," sagot ko.

Lumapit ito sa akin at mukhang alalang-alala.

"Dude, ayos ka lang ba?" sabay check sa noo ko.

"Bakit biglang nag-iba na naman ang timpla mo?"

Inalis ko ang kamay niya sa noo ko.

"I'm okay Batchi," sagot ko."Meron lang akong iniisip."

Naghihintay si Batchi na mag-explain ako pero hindi na ako nagsalita.

"Sige na nga."

"Iwan na lang muna kita dito."

"Sure ka na okay ka lang talaga?" tanong ulit nito.

Tumango ako.

Lumabas na si Batchi para manood ng concert.

Ilang minuto pa lang itong nakakaalis ng bumalik na naman ang PA para sabihing may naghahanap sa akin.

Hindi ko na naitago ang pagkainis.

"Sino na naman yan?" asar na tanong ko.

Hindi pa nakakasagot ang PA ng pumasok si Jade.

May dala itong bouquet of pink chrysanthemums at nakangiti sa akin.

Nakasuot ito ng yellow sundress with open-toed silver sandals.

Napalunok ako sa gulat.

"Siya po," sagot ng PA.

Nagsorry ako sa kanya at lumabas na ito ng tent.

"Dumating ka," sabi ko kay Jade ng iabot niya sa akin ang bouquet.

Tumayo ako from the make-up chair and I offered it to her pero tumanggi siya.

Nilapag ko muna ang flowers sa makeshift table.

"Nagaalala ka ba na hindi ako darating?" tanong nito.

"Well, hindi ka naman nagcommit so hindi ako nag-expect." I lied.

"Naku, pakipot ka pa Althea." Sabi nito.

"Eh halatang-halata sa mata mo na you're very happy I'm here," tukso nito sabay tawa.

Nagblush na naman ako.

Hindi kinaya ng concealer ang crimson color ng cheeks ko.

"I am happy, Jade."

"Akala ko kasi busy ka."

"I was." Sagot nito.

"But what I'm doing can wait,"

"For now, I want to see you perform."

Parang bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

"Huwag ka masyado mag-expect kasi ayaw kitang mabigo," katwiran ko.

"Kung mabigo man ako with my expectations, it's not important."

"I'm here to have fun with you,"

"I don't think you'll fail in doing that." Nginitian na naman ako ni Jade at parang gustong kumawala ng puso ko.

"Gusto mong manood muna bago kami isalang sa stage?" tanong ko sa kanya.

"Sure," sagot nito.

Sabay kaming lumabas ng tent.

Hinanap ko si Batchi among the crowd at nakita ko ito sa gilid ng stage.

"Tara doon tayo," yaya ko kay Jade sabay hawak sa kamay nito.

Hindi naman ito nagresist, hinawakan din ang kamay ko.

Nang lumapit ako kay Batchi, kinalabit ko siya.

Tinitigan nito si Jade and then gave me a knowing look.

"Batchi, si Jade." Pakilala ko.

"Hello," bati ni Jade kay Batchi.

Nagkamayan silang dalawa.

Patapos na ang set ng Calla Lily at isang performance na lang at kami na.

"Paano Jade, malapit na kaming isalang." Sabi ko sa kanya.

"Okay ka lang ba dito sa pwesto mo?" alalang tanong ko.

I checked kung okay ang view niya from this part of the stage and mukhang maganda naman and posisyon niya.

Bumaba na si Batchi to call the rest of my band mates.

"Break a leg, Althea." Sabi sa akin ni Jade.

"Thank you,"sagot ko.

Bababa na sana ako sa kinatatayuan namin ng hawakan ni Jade ang kamay ko sabay halik sa pisngi ko.

"For good luck," sabi nito sa akin sabay ngiti.

Hindi ako nakapagsalita.

Hindi ko din naramdaman na nakaapak ako sa lupa.

Feeling ko, nasa ulap ako, lumilipad.

***

Kumakabog ang dibdib ko ng pinakilala na kami ng host.

Naghiyawan ang mga tao once banggitin ang name ng banda namin.

They started chanting "Malaya" and isa-isa na kaming umakyat sa stage.

The lights were dim kaya dahan-dahan lang kami sa pag-akyat.

I was the last one to go up and I glanced at Jade before I took my spot sa gitna ng stage.

She waved at me and smiled.

Ngumiti din ako sa kanya.

Nakabibingi ang reaction ng mga tao.

There was an adrenaline rush kasi ramdam ko ang enthusiasm nila.

Since para akong nagising sa matagal na pagkakahimbing mula ng makilala ko si Jade, I feel so invigorated.

Before I met her, routine na lang sa akin ang magperform.

Kahit miserable ako on the inside, pinipilit kong ngumiti sa mga tao dahil I owe it to them why I've been successful since I was fifteen.

Ang mga fans ang dahilan kung bakit kahit ang daming intriga at missteps sa career ko, nandito pa din sila.

They kept buying our albums.

They heard the rumors about my being a lesbian and yet, yung mga diehards, kasama pa din namin sa bawat show.

My sexuality was never an issue to them except for the press who are still waiting for a confirmation kahit ang dami na nilang photos and videos na nirelease kasama ang mga exes at flings ko.

Twenty million plus albums sold and countless sold out concerts later, heto pa din kami.

So hindi pwedeng umarte at hayaang i-dominate ng drama ang buhay ko.

When the lights came back on, lalong lumakas ang sigawan ng mga tao.

May mga sumisipol at may sumigaw pa ng I love you Althea.

Ngumiti ako and then returned the response by saying I love you too.

The crowd went crazier.

I took the microphone like I always did before kami kumanta.

"Mamaya na po natin ipagpatuloy ang mga love love na iyan," sabi ko sa audience and I heard them laughed.

"Marami pong salamat sa pagdating ninyo,"

"Hindi ko na po ito patatagalin,"

"Rakrakan na!!!"

That was my band's cue.

Pagbagsak pa lang ng first note, nagtalunan na ang mga tao.

I could feel the vibrations on stage and it was exhilarating.

***

That night, in front of a thousand people, isa lang ang nakikita ko-- si Jade.

She was smiling at me the whole time I was singing the song.

Para sa akin, yun ang pinaka-epic performance na ginawa ko with a song na hindi naman about love kundi about an apathetic generation or according to Google, the title was inspired by a deodorant.

Pero kahit ano pa ang meaning ng kanta sa mga taong energetically jumping and head banging to the song, what's important to me was the look of admiration in Jade's eyes.

Everyone else faded in the background as I met her stare.

Hindi ako makapaniwala na she was there.

Pagkatapos ng kanta, grabe ang palakpakan ng mga tao.

A few seconds later, they asked for an encore.

We always prepare additional songs in case it happens.

Kaya naman we gladly gave them their request as we played "Salamat" by The Dawn.

The song was a fitting finale to the concert.

It was an ode to the countless fans who put us where we are.

After the performance, mas malakas ang hiyawan ng mga tao.

I thanked all of them and then we waved goodbye as the host came back to close the show.

Once we were backstage, I searched for Jade.

Nakatayo pa din siya sa pwesto niya and she was looking at me as the fans  came up to congratulate us on the performance or to take pictures and ask for autographs.

I became aware na hindi namin napag-usapan ang bagay na ito kanina while we were on the beach.

Hindi naman kasi natouch ang subject kasi we talked about other things, mostly about her.

Now that's she's with me, silently watching as the fans kissed and hugged me, naconscious ako.

"Guys," tinawag kami ni Batchi.

That was also the cue for the fans na to be continued ang autograph signing.

"Punta muna tayo sa presscon and then itutuloy natin ito ha?" nakangiting sabi nito.

There were those who groaned in disappointment.

"Don't worry,"

"Hindi naman kami aalis," Batchi assured them.

We were being led to the tent kung saan gagawin ang presscon but I excused myself first to go to Jade.

"Sikat ka pala," she told me as I helped her get down from the stairs.

Ngumiti lang ako.

"Gusto mo sumama sa presscon or......?" tanong ko, unsure whether gusto niya na umuwi.

Nagaalisan na ang mga tao and Jade looked at the crowd na halos di pa din nababawasan.

"I'll go with you," sagot nito.

"Are you sure?" paninigurado ko.

"Baka kasi magtagal ito at mainip ka," alala ko.

"I'll wait for you, Althea." Sabi nito na nakangiti.

"Althea, Jade, let's go na." tawag sa amin ni Batchi.

Lumapit kami sa kanya and then we all went to the press conference.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top