Silver Lining
A/N 1: The thing about chaos, is that while it disturbs us, it too, forces our hearts to roar in a way we secretly find magnificent."-Christopher Poindexter
A/N 2: Thank you to love_p0psicles for the idea :)
***
Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko habang naglalakad papunta sa main level ng hospital.
Matagal ko na ring hindi nakakausap si Roxy since we had the argument about my relationship with Jade.
Hindi ako gumawa ng effort para kausapin siya at wala din naman akong nareceive na tawag mula dito.
Inisip ko na lang na it was for the better na hindi muna kami mag-usap since medyo tense ang last conversation namin.
Sa totoo lang, sa bawat hakbang ay ninenerbiyos ako.
Dati, bago ako makipagmeeting sa mga prospective producers, nagreresearch muna ako about my future partners.
Siyempre, ready din si Roxy with a back up plan lalo na if mutual ang interest to work with the other party.
Pero iba ang meeting na ito.
Out of habit, I googled Mr. Jimenez dahil gusto kong magkaroon ng idea kung sino ba siya.
I have to say I was impressed with his accomplishments.
He collaborated with a lot of people.
His compositions were sang by artists from the 60's to the early 2000's before he was forced to retire.
Award-winning composer din ito not only in the Philippines but also internationally.
Katulad ni Papa, he was also diagnosed with lung cancer.
No wonder he heard us singing.
Nakaconfine din ito sa same unit where Papa goes for his treatment.
Mr. Jimenez never married despite his dalliances with countless women.
There were rumors that he fathered two daughters with two different women but they were estranged from him.
Habang pinagmamasdan ko ang photographs nito, he reminded me of Rogelio dela Rosa.
Mestizo din kasi ito and I have to say guwapo.
Sigurado ako na malaki na ang pinagbago nito lalo na kung maysakit siya.
"Althea," naputol ang pagmumuni-muni ko ng marinig ko ang familiar na paos ni boses ni Roxy.
Nakaupo ito malapit sa information section ng hospital at tumigil ako ng makita ko siya.
Para kasing may kakaiba sa kanya.
Napansin ko na nagpagupit ito, mullet style, at light brown ang kulay ng buhok niya.
Although suot nito ang trademark na red flipflops (Spartan ang favorite niya), denim-colored capri pants at plain pink short-sleeved shirts na RL, napansin ko na maaliwalas ang aura niya.
Nakasukbit sa kilikili nito ang vintage LV "Mezzo" purse na kanyang favorite accessory.
Pero ang pinakaoutstanding sa lahat ay ang napakaganda niyang ngiti habang papalapit sa akin.
Lumakad ako kung saan siya nakatayo at ng magpang-abot kami, nabigla ako ng bigla itong yumakap sa akin.
Sa higpit ng kapit ni Roxy, halos hindi ako makahinga.
Nang bumitaw siya, napansin ko na parang nangingilid ang luha nito.
"Naku Althea!" bungad nito at pinunasan ang mata niya ng pulang panyo.
"Talagang tiniis mo ako ha?" pangungunsensiya nito sa akin.
Umiling ako at sinabing busy ako kahit walang showbiz commitments.
Hinawakan ako ni Roxy sa braso.
"Alam ko naman yun,"
Kumunot ang noo ko at siya na ang nagpaliwanag sa akin.
"Updated din naman ako dahil kay Batchi," pag-amin nito.
Tinuro nito ang direction ng elevator at habang naglalakad kami ay tuloy-tuloy ito sa pagkikwento.
"Kahit medyo nagkasamaan tayo ng loob ng huli tayong mag-usap, hindi ako tumigil sa paghahanap ng project para sa'yo." Tumigil kami sa harap ng elevator at pinindot nito ang number open door sign sa control panel.
"Pero malakas talaga ang impluwensiya ni Mr. Tanchingco."
"Mukhang mas magiging successful pa na magbenta ako ng snow sa Eskimo dahil sa dami ng rejections na natanggap ko."
Lumungkot ang expression ng mukha ni Roxy.
Sa part ko naman, may kumurot sa puso ko dahil narealize ko na mahalaga pa din ako sa kanya kahit pa matigas ang ulo ko.
"Kapag may projects ang mga bago kung alaga, lagi kitang sinisingit kahit pa maikling exposure lang."
"Ngunit sadyang mailap ang opportunity."
"Lagi kong sinasabi na hindi apektado ang talento mo dahil sa preference mo pero mukhang hindi iyon effective marketing strategy."
Natawa kami pareho sa sinabi niya.
Magsasalita pa sana si Roxy pero bumukas na ang elevator.
Hinintay naming makalabas ang limang taong laman nito bago kami pumasok.
Nang sumara ang elevator, pinindot niya ang number 20, ang floor level kung saan nakaconfine si Mr. Jimenez.
Sinabi ko sa kanya na hindi na sana siya nagpumilit pa na hanapan ako ng gig.
Tutal, abala ako kay Papa at kay.........
Tumigil ako sa pagsasalita dahil hindi ko alam kung galit si Roxy kay Jade.
"Jade?" nakangiti nitong tinapos ang sasabihin ko.
Ngiti lang ang sinagot ko sa kanya.
"Hot commodity nga siya ngayon," comment ni Roxy habang tinitingnan ang pagpalit ng numero sa elevator.
Bigla nitong inalis ang tingin sa display panel.
"Hanga ako sa kanya dahil mahal na mahal ka,"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at tinanong ko siya kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Hindi naman siguro lingid sa'yo na ang daming nagpapalipad hangin kay Jade lalo na yung si David Limjoco na ex niya,"
"Ah....si David," pagsang-ayon ko.
Sa totoo lang, alam ko naman na may mga nagkakagusto kay Jade pero kung noon eh hindi ko masyadong binibigyang pansin ito, medyo curious akong malaman ang mga kwento ni Roxy.
"Gustong gamiting publicity ng ibang tao sa Bench ang dating relasyon nila pero balita ko eh laging binabara ni Jade ang mga attempts nila."
"Katwiran nito, hindi naman siya movie star kundi isang model."
"Dapat daw eh magfocus sa campaign or theme na Super Sexy Rich at huwag haluan ng cheap tabloid news."
"Nagbigay pa ito ng ultimatum na kung hindi siya tatantanan tungkol sa mga gimmickry na pakulo nila, she's going to drop the project."
Hindi ko alam ang tungkol dito kaya nagulat ako sa tinuran ni Roxy.
Alam ko kung gaano kaexcited si Jade to be offered the project.
But I never thought that she'd quit doing it dahil she doesn't want to engage in cheap publicity.
May tiwala ako kay Jade kaya kahit minsan eh kinakapitan ako ng insecurity lalo na kung ako lang mag-isa sa condo, madali din namang nawawala ang agam-agam sa isip ko dahil hindi ako binibigyan ni Jade ng dahilan para magduda sa pagmamahal niya para sa akin.
To me, Jade is the perfect girlfriend.
Wala na talaga akong mahihiling pa.
Lalo ko itong napatunayan pagkatapos kung malaman ang mga kuwento na hindi naman nababanggit ni Jade sa akin.
Limang palapag na lang at marararating na din namin ang 20th floor.
Nagsalita ulit si Roxy.
"Aaminin ko na sa umpisa, duda ako sa relasyon ninyong dalawa."
"Lalong nabuo ang paniniwala ko na hindi magdadala si Jade ng swerte sa'yo ng makatanggap ako ng mga threats mula sa tatay nito."
"Akala ko, malabong magtagumpay ang relasyon ninyo lalo pa at umpisa pa lang eh ang dami ng balakid,"
Huminga siya ng malalim.
"Nagkamali ako, Althea." may halong surrender sa sinabi niya.
"Iba ang anak sa tatay," pag-amin nito.
"Sana eh mapatawad mo ako sa mga masasakit na salitang nasabi ko sa'yo dati."
"Masakit din sa akin ang nangyari lalo pa at lagi kong sinasabi na para na din kitang anak,"
"Tao lang din ako na nagkakamali," binaba nito ang tingin na parang hiyang-hiya sa akin.
Inakbayan ko ito tulad ng lagi kong ginagawa sa kanya dati kapag naglalambing ako.
"Mamang, nakaraan na yun," pang-aalo ko sa kanya.
"Ang mabuti pa eh magconcentrate tayo sa meeting natin with Mr. Jimenez para mapapayag siya na magproduce ng concert ko."
Iba ang ngiti ni Roxy sa akin.
Parang may alam ito na hindi sinasabi sa akin.
"Formality na lang ang meeting na ito, Althea." Pag-amin niya.
"Formality?" hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
Tumango si Roxy.
"Mula ng marinig ka ni Mr. Jimenez sa waiting room, kinontak na nito ang mga dati niyang connection sa music industry."
"Nang tawagan nila ako, nakahanda na ang lahat para sa concert mo."
Bumukas ang pinto ng elevator at nauna siyang lumabas.
"Ang singer na lang ang hinihintay,"
"The stage is set for your comeback."
***
The stage is set for my comeback.
Hindi ko alam kung nabingi ba ako sa sinabi ni Roxy dahil sa sudden change in elevation or totoo ang narinig ko.
Kinulit ko siya habang naglalakad kami papunta sa room 2020.
The indicator of perfect vision.
Coincidence ba ito?
"Gusto kang makausap ni Mr. Jimenez as part of his ritual," paliwanag niya sa akin.
"Eto ay tradition niya na nung umpisa pa lang,"
"Kapag hindi maganda ang vibes niya sa isang tao, hindi niya itutuloy ang plano na-irepresent ito."
"But he has the Midas touch," Roxy revealed.
"Binansagan itong "Mr. Minero" dahil sa ability niya to find gold among talents who are otherwise considered ordinary lalo na pagdating sa itsura,"
Tumigil kami sa tapat ng Room 2020.
"Pasok ka na," pag-anyaya sa akin ni Roxy.
Nang mapansin ko na hindi siya susunod, tinanong ko kung bakit ako lang ang makikipagkita kay Mr. Jimenez.
"This is how he wants it," paliwanag niya.
"Just like tradition," ngumiti ito.
Huminga ako ng malalim at umusal ng maikling dasal.
Tiwala lang sa sarili at sa Diyos ang dala ko sa meeting na ito.
Sana ay sapat na para makumbinsi si Mr. Jimenez na I'm so darn worth it.
***
Pagpasok ko sa kuwarto, maliwanag ang paligid dahil bukas ang kurtina ng malaking glass window.
Bukod sa hospital bed at mga equipment to monitor his condition, may maliit na kitchen sa room niya with a mini fridge at isang wooden table kung saan nakapatong ang mga prescriptions niya.
Nakaupo si Mr. Jimenez sa black leather couch ng suite niya habang nanonood ng tennis sa ESPN.
Nakatalikod ito at hindi man lang lumingon ng bumukas ang pintuan.
Marahan kong sinara ang pinto at tumingin lang ito ng tinawag ko ang pangalan niya.
Kahit hindi lalabas ng hospital, suot nito ang kanyang black suit over a white shirt with a dark blue silk tie.
Mukhang naghanda ito dahil very professional ang itsura.
Hindi nakawala sa tingin ko ang suot nitong gold Rolex watch.
I feel underdressed kahit pa I wore a pencil cut black skirt, a buttoned up paisley white shirt with tiny blue printed butterflies.
I decided against wearing my black Chucks and opted for black flats.
Aside from the ring that Jade gave me, suot ko ang classic Longines stainless steel watch na gift ni Papa sa akin for my 18th birthday.
Hindi ko nga lang naiwasang gumamit ng black nail polish.
Mr. Jimenez seemed satisfied with what he saw dahil nakangiti ito sa akin.
He struggled to get up from his chair pero tumayo pa rin ito para lumapit sa akin.
When he was close, he gave me a peck on both cheeks.
"Thank you for meeting with me, Althea." Sabi nito after akong i-beso.
Baritone ang boses niya, tipong pang radyo.
Nagpasalamat din ako sa kanya at pagkatapos ay dahan-dahan itong lumakad pabalik sa couch.
Nakasunod naman ako sa likod niya dahil napansin ko na medyo umiika ito sa paglakad at nanginginig ang mga kamay.
Halata pa din ang kaguwapuhan niya pero dala ng edad at sakit, payat ito at malalim na ang mga linya sa pisngi at noo.
Ang hindi nabawasan ay ang charisma na sa tingin ko ay nag-attract sa maraming babae ng kabataan nito.
Nang pareho na kaming nakaupo, tumingin ito ulit sa TV at tinanong ako kung sino ang paborito kong tennis player.
"Sharapova," diretso kung sagot.
Nilingon niya ako at may ngiti ito sa kanyang labi.
"Ah!" tugon ni Mr. Jimenez.
Hindi na ito nagsalita pa at binalik ang atensiyon sa pinapanood.
Tahimik lang din akong nakaupo at nakinood na din.
The match was between Federer and Nadal for the US Open.
"I like Federer since the beginning," biglang comment ni Mr. Jimenez.
"Mahilig ka din ba sa sports, Althea?" tanong niya sa akin.
Sinabi ko na I used to watch basketball with Papa.
I remembered he liked Ginebra dahil idol nito si Jaworski, the elder.
When I became busy with my career, nabawasan na ang panonood ko.
Tumango lang siya sa akin.
***
Before I came here, there's the desire to put my best foot forward and it stressed me out a bit.
Isang bagay na napansin sa akin ni Jade.
The night before the meeting, nagbrainstorming pa kaming dalawa bago matulog.
"Love, you've been doing this for years." Paliwanag ni Jade habang nakahilig ang ulo ko sa balikat niya.
Nakaakbay siya sa akin at hinihimas niya ang buhok ko habang nagsasalita.
"Pero sa maikling panahon na nawala ako sa eksena, pakiramdam ko eh nagsisimula na naman ako ulit," pag-amin ko.
Umupo ako ng diretso at hinarap ko siya.
"Althea, you'll be fine." Nakangiti siya sa akin.
Ginagap nito ang aking kamay at hinawakan ng mahigpit.
"Sigurado ako na this deal is in the bag,"
"Very talented yata ang lablab ko," pabiro niyang sinabi.
"I agree with the radio host when she said na it was a mistake na binitawan ka ng mga producers for your Lucky 7 concert,"
Pinisil ni Jade ang baba ko at kahit papaano ay lumakas ang kumpiyansa ko.
Ang tiwala niya sa akin ay sapat na para magtiwala din ako sa sarili ko.
***
Bago ko makaharap si Mr. Jimenez, I have all these notions na baka mahirap siya kausap o kaya ay masungit.
Pero ngayong nandito na siya, napagtanto ko na mali ang iniisip ko.
He's very friendly.
Unti-unti akong nagiging relax sa presence nito and I must say he's a natural in making people feel comfortable.
Ini-engage niya kasi ako sa mga hilig niya bukod sa pagtatanong tungkol sa mga bagay na gusto kong gawin.
"I noticed na bukod sa mga friends mo, kayo lang ni Papa mo ang laging magkasama during his chemo."
"Nasaan ang mama mo?"
Sinabi ko sa kanya na wala na si Mama and he apologized for being intrusive.
"It's a habit of mine," pag-amin niya.
"I like knowing the background of the people I'm going to trust,"
"There's always Google," bigla kong nasabi sa kanya at natawa ito.
Napansin ko ang dimples sa magkabilang pisngi at ang kinang ng mata niya dahil sa tuwa.
"I did that too," sinabi ni Mr. Jimenez.
"Pero iba pa rin ang face-to-face encounter," pagaanalisa nito.
"I doubt kung mapapatawa ako ng Google kung babasahin ko lang ang mga information tungkol sa'yo," paliwanag pa niya.
Merong isang bagay na palaisipan sa akin at hindi ko na pinigil ang sarili ko para tanungin siya.
"Mr. Jimenez, bakit ako?" ninenerbiyos na tanong ko sa kanya.
Kumunot ang noo nito.
"Anong ibig mong sabihin, Althea?"
Sinabi ko sa kanya na marami namang talents na pwede niyang tulungan.
"Bakit ako ang pinili niyong sugalan?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Lalo pa at alam ko na hindi naman lingid sa inyo kung ano ang nangyari sa akin," dagdag ko pa.
Sumeryoso ang hitsura niya.
Hindi ito agad sumagot at inabot ang remote control para i-off ang TV.
"Gusto ko ang pagiging prangka mo," tumango ito para i-emphasize ang punto niya.
"Mabuti at ngayon pa lang ay alam ko na hindi lang mahalaga sa'yo ang oras mo kundi pinahahalagahan mo din ang oras at resources ng ibang tao,"
Hindi ko masundan ang sinasabi niya pero ganunpaman ay minabuti kong makinig na lang.
"Nang una kong marinig ang pagkanta mo, naramdaman ko agad na you are a natural performer."
"I remember, nasa doctor's office ako noon for my consultation and I wasn't in my happiest mood,"
"I had been battling pneumonia for days and I was irritable,"
"Pero nang marinig kitang kumanta, and it was a Beatles song nonetheless, hindi ko mapigilang mapangiti."
"Hindi lang dahil sa paborito ko din sila kundi dahil sa narinig ko ang emotions mo habang kumakanta ka."
"I asked myself if kasama mo ang taong mahal mo habang inaawit mo ang kantang yun kasi I could feel the love for that person."
"You sounded so inspired and the energy I felt while listening to you sing, improved my mood."
"Pati yung doctor ko eh napatigil sa ginagawa niya and we both paused to listen."
Ngumiti si Mr. Jimenez at naramdaman ko ang init sa mukha ko.
I blushed when he showered me with compliments.
Nagpatuloy ito sa pagkikwento.
"After my consultation, the first thing I did was to go on the Internet to check you out,"
"Katulad nga ng sinabi mo, I learned not only about your humble beginnings as an artist but also about the scandal that cause the cancellation of your tour,"
Tumingin si Mr. Jimenez sa malayo.
"I'm not bothered by it," pagtatapat niya.
"I knew when I heard you sing that your talent should not go to waste,"
"Also, love is an enduring theme."
"Your relationship with Oscar Tanchingco's daughter was the reason why your career fell apart,"
"It had nothing to do with you being an extraordinary artist."
Sumeryoso ang mukha ni Mr. Jimenez.
"I am at the end of my life, Althea." May bahid ng lungkot ang salita niya.
Hindi ko mapigilang makadama ng awa sa kanya lalo na at naisip ko ang sarili kong ama.
"Wala na akong kinakatakot,"
"Kung langawin man ang comeback concert mo, I don't care!" nakangiti siya sa akin habang nagsasalita.
"Ang mahalaga para sa akin ay magawa ang gusto ko."
Nginitian ko siya.
Naiintindihan ko kung ano ang sinasabi niya.
"Kasama po ba ito sa bucket list ninyo?"
Natawa siya sa sinabi ko.
"I guess you could say that," sagot niya.
"Ibig bang sabihin nito eh tinatanggap mo ang offer ko?" diretsang tanong niya sa akin.
"Kahit walang bayad Mr. Jimenez, gagawin ko po mapaligaya lang kayo."
Walang kagatol-gatol na sagot ko.
Tumango-tango siya at alam ko na we have reached an agreement.
"I'm happy to hear that pero I am a man of my word,"
Dumukot siya sa coat pocket niya at nilabas ang kanyang cellphone.
Nakatingin lang ako habang dina-dial niya ang phone number.
Maya-maya ay kausap niya na ang kanyang personal assistant.
Sinabi niya dito na the deal is sealed.
"I will tell Althea the details for the next meeting."
"Just make sure that she is taken cared of," habilin nito sa kausap.
Pagkatapos nitong magpaalam sa kausap, tinago ulit ang phone sa bulsa niya.
Masaya itong humarap sa akin at binigay ang pangalan ng assistant niya at ang contact number.
Pagkatapos kong i-encode ang information sa iPhone ko, dahan-dahan ng tumayo si Mr. Jimenez at ganun din ang ginawa ko.
"It was a pleasure meeting you, Althea." Inabot nito ang kanyang kamay.
Kinamayan ko siya at pinasalamatan sa pagkakataong binigay niya sa akin.
"Sa araw ng concert mo, I promise na manonood ako." Masaya niyang sinabi sa akin.
"Front row seats po para sa inyo, Mr. Jimenez." Sagot ko sa kanya.
Nagpaalam na ako at hinatid niya ako sa pintuan.
Bago ako lumabas, meron siyang sinabi na hinding-hindi ko makakalimutan.
"You are doing me a favor, Althea."
Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin at hinintay ko na magpaliwanag siya.
Nang hindi na siya nagsalita, tuluyan na akong umalis.
***
Hinintay kong tuluyang makalabas ng kuwarto si Althea bago ko kinuha ang telepono sa aking bulsa.
Nanginginig na pinindot ko ang numero ng taong alam kong magiging masaya sa balita.
Sa pangalawang ring siya sumagot.
"Dad?"
Tuwing naririnig ko ang katagang ito, gustong matunaw ng puso ko.
Maraming taon ding hindi kami nagkausap ng aking anak.
Nang malaman ko na meron akong cancer, sinikap kong hanapin sila.
Wala akong swerte sa panganay ko dahil kahit ang ina nito, ayaw makipag-usap sa akin kahit pa binigay ko lahat ng demands niya for child support.
Nahirapan mang akong suyuin ang ina at ang aking bunso, eventually ay ang anak ko na mismo ang pumunta sa hospital para makipagreconcile sa akin.
Katwiran niya, she's at the right age to make her own decisions.
"Karen?" Natutuwang kinuwento ko sa kanya ang resulta ng meeting.
"Tama ka sa sinabi mo na bukod sa very talented si Althea ay napakahumble pa."
"I told you dad," pagsangayon niya.
"I met her once and initially, I knew why Jade fell head over heels in love with her," paliwanag nito.
Napangiti ako sa sinabi niya.
"Manang-mana ka sa akin when it comes to finding talents in people,"
"I know," natutuwang sagot nito.
"Dad?"
"Ano yun, anak?"
"Thank you,"
Humigpit ang hawak ko sa telepono.
I was never an emotional man pero age and sickness changed a lot in me.
"I should be the one to thank you, Karen."
"I'll drop by later to say good night," paalala niya.
"Sure," sagot ko.
Pinindot ko ang end button at imbes na buksan ang TV para ituloy ang panonood ng tennis match, tahimik lang akong umupo sa harap ng bintana.
Pinagmasdan ko ang asul na kalangitan.
Walang ulap na humaharang sa kagandahan at pangakong dala ng magandang panahon.
Mataas na ang araw at ang liwanag nito ay nagpapaningning ng aking pag-asa.
Pag-asa....... na masaya akong lilisan sa mundong ito hindi dahil sa marami akong natulungan nung ako ay bata pa kundi dahil sa nagawa akong patawarin ng isa sa dalawang taong mahalaga sa akin.
Sa ganitong paraan ko nararamdaman na wala akong dapat ikatakot kung sakaling dalawin na ako ni kamatayan.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top