Rise & Fall




A/N: "Success is not final, failure is not fatal: it is the courage to continue that counts."-Winston Churchchill

***

Habang nagsisimulang umarangkada ang career ni Jade, mine was the opposite.

When Roxy confirmed the cancellation of my tour, we met with the crew who were supposed to perform with me.

The meeting was like a funeral.

Malungkot at nanghihinayang ang lahat dahil sa nangyari.

Since para na kaming pamilya, natouch ako sa mga suporta nila para sa akin.

Alam naman nila ang dahilan kung bakit magkakasama kaming lahat sa oras na yun.

Alam din nila ang tunay na dahilan kung bakit bumitaw ang mga sponsor.

"Talent is talent," galit na sabi ni Manuel.

"Hindi naman sexual orientation ni Althea ang binebenta namin kundi musika at entertainment."

Pinaliwanag ni Roxy na ginawa niya ang kanyang makakaya pero ayaw nilang sumugal.

"Kalokohan!" katwiran ni Manuel.

"Noon pa man, ganito na si Althea."

"Bakit ngayon eh big deal ito sa kanila?"

Nakaupo ako at tahimik na nakikinig sa diskusyon.

Magkahalong guilt at panghihinayang ang naramdaman ko.

Kahit ano pang pangangatwiran ang gawin ni Manuel, wala na rin naman kaming magagawa dahil wala ng sponsors at cancelled na ang tour.

Nang matapos ang meeting, isa-isang nagpaalam ang mga bandmates ko.

Niyakap nila ako at pinabaunan ng mga salita ng puno ng tiwala at pagmamahal.

"Hindi pa tapos ang laban kapatid," sambit ni Manuel bago ito umalis.

"Alam mo kung saan ako hahanapin kung kailangan mo ng kausap."

Si Roxy at Batchi ang naiwan ng nakaalis na lahat.

Nilapitan ako ni Roxy at sinabi nito kay Batchi na kakausapin niya ako sandali.

Bago lumabas si Batchi, sinabi nito na hihintayin niya ako sa parking lot.

Nang makaalis na siya, medyo awkward ang atmosphere.

Hindi pa kami nagkakausap ni Roxy after ng confrontation namin the last time.

Pinaupo ako nito.

Napansin ko na malalim ang mga linya sa kanyang noo bukod sa dark circles sa ilalim ng mata nito.

"I'm sorry sa nangyari the last time na nagkausap tayo," panimula nito.

Hindi ako nagsalita.

"Kahit sinabi mo na you want to part ways with me, hindi ko yun gagawin Althea."

Medyo nagulat ako sa sinabi niya.

Umiling ako.

"Hindi ka na kikita sa akin Roxy."

"Sabi mo nga, wala nang kukuha sa akin dahil sa isa akong lesbian."

"Di ba nga?"

"Walang gustong maging identified with a homosexual?" masakit ang mga salitang lumabas sa bibig ko and I realized na may bitterness sa damdamin ko.

Marahil it was because I expected Roxy to stand up for me.

Pero the last time, hindi yun ang naramdaman ko sa kanya.
Sa halip, she was after the business.

"Mali ang mga nasabi ko sa'yo, Althea."

"Pero try to understand that I was only trying to protect you."

"Para na kitang anak at masakit din sa akin ang nangyayari."

"You've work so hard to get to where you are today."

"Ayokong itapon mo ang pinaghirapan mo ng ganun na lang."

Huminga ako ng malalim at tinitigan ang manager ko na parang tumanda ng extra ten years.

"If you really care for me, you shouldn't ask me to deny myself." Katwiran ko.

"Don't you realize na kaya ko nagagawa ang mga bagay na ito dahil sa kalayaan kong i-express ang aking sarili ko?"

"Ang tagal na nating magkasama and yet hanggang ngayon, contentious pa din ang topic na ito between us."

"Kung may anak ka, ganito din ba ang gagawin mo sa kanya?"
"Pipilitin mo siyang magbago kahit labag sa loob niya?"

Hindi nakakibo si Roxy.

Tumayo na ako at lumakad na papunta sa pinto.

Sa tingin ko, hindi ito ang right time para mag-usap kami tungkol sa bagay na ito.

"I'm sorry Roxy pero mas mabuti siguro kung pabayaan mo muna ako." Pakiusap ko sa kanya.

Kahit galit ako at nasasaktan, gusto ko pa ding i-reserve ang natitira kong respeto para sa kanya.

Hindi naman biro ang pinagsamahan naming dalawa.

Bago nangyari ang scandal na ito, si Roxy ay walang sawang tumutulong sa akin.

Case in point, yung break-up namin ni Wila.

Although hindi umabot sa ganitong consequence, hindi ito nagpabaya.

Kahit pa ang daming intriga about my being unprofessional dahil lagi akong late sa mga appointments, si Roxy ang humaharap sa mga detractors ko.

"Bukas ang pinto para sa'yo Althea," ito na lang ang nasabi ni Roxy.

***

"Anong gusto mong gawin tsong?" tanong ni Batchi nang dumating ako sa parking lot.

"Sa condo tayo," yun lang ang nasabi ko sa kanya.

Siya na ang nagvolunteer na magmaneho at hindi na ako nakipagtalo  pa.

On the way, tinawagan ko si Ryan.

Sinagot nito agad ang tawag ko at hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

Sinabi ko ang nangyari at diretsahang sinabi na kung gusto niya, pwede ko siyang i-refer sa ibang artista kung saan pwede siyang maging PA.

"Huwag na po Miss Althea," nahihiyang sagot nito.

"Meron naman po akong naipon at siguro po eh magpapahinga muna ako."

Nagpaalam na ako kay Ryan pero sinabi ko sa kanya na kung gusto niya na ulit magtrabaho, tumawag lang siya sa akin.

Nagpasalamat ito ulit at tuluyan ng nagpaalam.

***

Nang makarating kami sa condo, binuksan ni Batchi ang TV.

Umupo ako sa sofa habang naghahanda siya ng makakain namin ng biglang ipakita ang next segment which is entertainment.

Ako ang topic ng balita.

Kumalat na ang cancellation ng tour and of course, ang headline ay kung may kinalaman ba dito ang article kung saan nafeature kami ni Jade.

Nakatulala ako sa TV habang nagsasalita si Iya Villania.

Base sa report, ang dahilan kung bakit naback-out ang mga sponsors ay dahil sa balita na isa akong lesbiana.

"Matagal nang may haka-haka tungkol sa sexual orientation ni Althea Guevarra ngunit dahil wala namang nagpapatotoo nito, at hangga't walang malinaw na clarification sa issue, ay minabuti ng GMA News na hintayin ang kaniyang kampo na magstep forward at linawin ang bagay na ito."

Sinabi din nito na wala ni isa sa kampo ng manager ko ang makontak para i-confirm kung yun nga ba ang dahilan ng biglaang cancellation ng tour.

After ng balita sa akin, si Jade naman ang pumalit.

Unlike sa bad news sa akin, ang sa kanya naman ay tungkol sa pagsali niya sa long list of models ng Bench.

Proud ako sa girlfriend ko habang nanonood ng mga clips sa photo shoot niya.

Kahit a few seconds ago eh parang uminit ang ulo ko, bigla itong napalitan ng pride ng makita ko na masaya siya sa ginagawa niya for Bench.

Pero dahil nakakabit ang pangalan ni Jade sa issue na may kinalaman sa akin, sinabi ni Iya na naghihintay din sila ng pahayag mula kay Jade kung totoo nga na meron kaming relasyon at kung may kinalaman ito sa nakancel na tour.

Pagkatapos ng news segment ay nagcommercial break.

Lumapit si Batchi na may dalang orange juice at inabot ito sa akin.

"Ang ganda ng register ni Jade sa screen ano?" puna nito.

Umupo kami pareho sa sofa at in-off ko na ang TV.

"Anong plano mong gawin Althea?" seryosong tanong ni Batchi.

"Hindi ko pa alam," pag-amin ko.

"Magiging okay ka lang ba?" puno ng pag-aalala ang hitsura nito.

Kahit apektado din siya sa nangyari dahil nawalan din siya ng project, nakita ko na mas nangingibabaw ang concern niya para sa akin.

"Gusto mo yung totoo o yung pang-showbiz na sagot?" ako naman ang nagtanong at bigla itong tumawa.

"Kelan pa tayo naging showbiz ha?"

Tumawa din ako.

Sa tagal ng pagkakaibigan namin, ang isang bagay na di namin ginawa ay ang magplastikan.

Si Batchi ang inaasahan kong magsasabi sa akin ng totoo kung hindi kayang gawin ng iba.

So far, hindi pa naman niya ako binibigo.

"Sa totoo lang, sa dami ng iniisip ko, parang hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin." Pag-amin ko sa kanya.

"Siguro dapat magrelax ka muna," sangguni niya.

"Alam ko kasi na overwhelmed ka sa mga nangyari lalo na at fresh pa ang sitwasyon,"

Bumuntong hininga ako.

Totoo naman ang sinabi niya.

Pwede na akong magpahinga dahil sa maluwag na maluwag ang schedule ko.

Kung merong mga bagay na hindi ko magawa dati dahil wala akong oras, kabaliktaran na ngayon.

Ang dami kong oras.

Kung paano ko gagawing kapakipakinabang ang mga oras na yun ang kailangan kong alamin.

"Pero sa totoo lang tsong, ano ang tunay na saloobin mo sa nangyari sa'yo?"

Napaisip ako sa tanong niya.

"Malungkot ako... galit.... guilty?"

"Para akong nakasakay sa rollercoaster of emotions and I don't know how to get out," pag-amin ko sa kanya.

Inakbayan ako ni Batchi.

"Hindi naman sa devil's advocate ako pero anong plano niyo ni Jade?"

"Hanggang kelan siya tutuloy dito?"

Tinitigan ko siya at parang nainis ako bigla sa tanong niya.

"Althea, teka lang ha?" biglang sambit nito.

"Alam ko na emotionally exhausted ka pero hindi mo pwedeng isantabi ang isang issue na nasa harapan mo at katabi mong matulog,"

"Sooner or later, kailangan niyong harapin ang katotohanan na may pamilya siyang naghihintay na bumalik siya sa kanila,"

Gusto kong sabihin kay Batchi na huwag idamay si Jade sa problema dahil I don't see her as the problem.

Pero may katwiran naman siya.

Kahit pa araw-araw na tumatawag si Jade sa Mama niya, lagi itong may bahid ng lungkot after matapos ang usapan nila.

Alam ko naman na tinatago niya ito sa akin pero halata ko naman na bothered siya.

Huminga ako ng malalim.

Nakita ko ang sarili ko na nakatayo sa isang madilim na lugar.

Ako lang mag-isa at hindi ko alam kung nasaan ako.

Tumingin ako sa madilim na ulap at nakita ko ang sari-saring problema na nakalutang.

Kumikislap ang mga ito at habang binabasa ko isa-isa ang mga problema at pangalan ng mga taong involve katulad ni Roxy at ng tatay ni Jade, pakiramdam ko ay lumiliit ako at lumalaki sila hanggang sa parang na-overpower na nila ako.

Biglang sumikip ang dibdib ko at narinig ko na tinatawag ako ni Batchi.

"Althea, okay ka lang ba?" nanlalaki ang mga mata nito at parang nagulat sa nangyari.

"O....oo," nauutal na sagot ko.

"Okay lang ako,"

Napailing si Batchi.

"Mabuti pa siguro eh umalis na ako para makapagpahinga ka na," inubos nito ang orange juice at pagkatapos ay tumayo na.

"Kung kailangan mo ako, tawag ka lang."

Tumayo na rin ako para ihatid siya sa pinto.

Nagpasalamat ako sa kanya at sinara na ang pinto ng makaalis na si Batchi.

Aakyat na sana ako sa kuwarto para magbihis ng biglang tumunog ang doorbell.

Akala ko, may nakalimutan si Batchi kaya hindi ako nag-atubili na buksan ang pinto.

Nagulat na lang ako ng tumambad sa harapan ko ang isang tao hindi ko inaasahang makita.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top