Pray to God
A/N: "Faith is an oasis in the heart which will never be reached by the caravan of thinking."-
Khalil Gibran
***
After breakfast, Althea drove me home.
We were like honeymooners who couldn't let go of each other.
It took us forever to get out of her place kasi lagi na lang may nagnanakaw ng yakap or halik.
Nauuwi sa lambingan kaya laging napuputol ang paghahanda namin na umalis.
What would have taken us half an hour to get ready was doubled.
"When will I see you again?" Althea asked when we reached my house at Forbes Park.
My mother has been calling since last night at dahil maaga akong nakatulog, hindi ko nasagot ang mga tawag niya.
For sure, grabe ang pag-aalala nito.
Before we left the condo, I called Mama at dinig ko ang relief sa boses nito when she answered the phone.
"Hindi ka daw umuwi sa bahay?" tanong ni Mama.
"Saan ka natulog?"
Sinabi ko sa kanya na I stayed with Althea.
I also told her the reason why and she sounded convinced.
"O sige, umuwi ka na sa bahay at darating na din kami mamaya." Mama informed me.
"Wala pa namang tawag from Bench so if you want, pwede tayong magkita later for a movie?" I suggested kay Althea.
She agreed and I unlocked the car door para bumaba na.
Pero hindi ako nito pinaalis hangga't walang kiss.
I gave her a peck on the lips kasi baka may makakita sa aming dalawa.
"Bawi na lang ako mamaya," sabi ko sabay kinindatan ko siya.
Napangiti si Althea at parang meron na kaming secret language dahil kahit di sabihin, alam na kung anong tinutukoy namin.
"I love you," I told her bago ako tuluyang bumaba ng sasakyan.
"I love you too," marahang sagot nito.
Bago ako pumasok, hinintay ko muna siyang makaalis.
I waved at her and she stopped the car to look back at me one more time.
Kahit wala pang isang minute kaming naghiwalay at corny mang pakinggan pero I miss her already.
***
Ready na si Papa when I reached the hospital.
Ako na lang ang hinihintay nila.
Dr. Martinez set me aside to give me instructions and the treatment schedule na magsisimula na din agad.
"Just make sure that he takes his medication, Althea." Nakangiti sa akin ang doctor.
I thanked her and then umalis na kami.
***
Nakapark na sa waiting area ang silver Nissan Escapade na maghahatid sa amin sa bahay.
After makapasok ni Papa, umupo ako sa tabi niya.
Si yaya at ang driver ang nasa unahan.
Nang settled na kami, umandar na ang van patungong Antipolo.
"Naghanda daw ang Tita Ada mo ng konting salu-salo." Sabi sa akin ni Papa.
"Hangga't maaari Althea, kung kaya mo din lang, sakyan mo na lang ang tita mo ha?" paalala niya.
Hindi ko pa man nakikita si tita, uncomfortable na ang pakiramdam ko.
Bago ako umalis ng condo, sinabi ko sa sarili ko na habaan ang pasensiya.
Kung anuman ang sasabihin ni Tita Ada, pasok sa isang tenga then labas sa kabila.
Pero based on experience, it is always easier said than done.
"Tandaan mo anak, pamilya pa din natin si Ada."
"Siya lang ang nag-iisa kong kapatid at concern lang yun sa'yo kaya ganun siya magsalita."
Tumingin ako sa labas habang iniisip kung ano ang sasabihin kay Papa.
Hindi ako madaling magalit pero kami ni tita eh parang tubig at langis.
Maliit pa lang ako, lagi niya akong napapagalitan dahil sutil daw ako.
Nang pumanaw si Nanay, siya ang mother figure at lagi kaming nagtatalo lalo na nung maghigh school ako at madiscover at an early age na I like girls.
Lagi niya akong tinatanong kung may nanliligaw na ba sa akin or kung may boyfriend na ako.
One time, kagagaling ko lang sa school at masayang-masaya ako dahil nakausap ko ang crush ko.
Mukha ni tita ang bumungad sa pinto at ng makita niya ang ngiti sa mukha ko, ang tanong agad eh kung dahil ba ito sa boyfriend ko.
Bigla akong naasar at sinabi ko sa kanya na wala akong boyfriend dahil hindi naman lalake ang gusto ko.
Akala ko hihimatayin si tita sa sagot ko dahil bigla itong namutla.
Nang makabawi, galit na galit sa akin at katakot-takot na sermon ang inabot ko.
Hindi pa nakuntento si tita.
Sinumbong ako kay Papa at dahil alam na naman nito ang sitwasyon, siya naman ang napagdiskitahan ni tita.
Kesyo bakit daw ito pumapayag na maging tomboy ako?
Hindi daw ba ito natatakot na baka sa impiyerno ako mapunta?
Na dapat daw eh pumunta kami sa simbahan para makapangumpisal ako at ng mawala ang masamang ispiritu na bumabalot sa akin?
Tandang-tanda ko na sa murang edad ko, naramdaman ko ang homophobia in its purest form.
Galing mismo sa pamilya ko ang aking firsthand experience at wala itong kasingsakit.
That night, hindi ako makatulog dahil sa balisa ako.
Umiyak ako dahil hindi ko inexpect ang mga masasakit na salita galing kay tita.
Dala ng sobrang pagkadismaya, dinaan ko na lang sa dasal ang nararamdaman ko.
Humingi ako ng tawad dahil sa pagkatao ko.
Alam kong conflicting ang desires ko versus sa mga tinuro sa amin sa Catholic school.
Lalo pa nga itong nagpagulo sa isip ko dahil ang nakasaksak sa isip ko eh mali ang homosexuality.
Isa itong malaking kasalanan.
Pero ano ang gagawin ko?
Ito ang sinisigaw ng puso at isip ko.
Akala ba ni Tita, hindi ko nilabanan ang mga thoughts ko lalo na pagdating sa babae?
I tried and I struggled.
I prayed to God every night to take away my sinful desires.
Hindi alam ni Papa pero lagi akong dumadaan sa simbahan bago umuwi at nagtitirik ng kandila.
Sinubukan ko ding magkakacrush sa lalake para naman hindi ako maleft-out sa mga conversations ng mga kaibigan ko when it comes to crushes.
Isa pa, ayaw ko din silang makahalata about my real preference kaya napilitan akong maghanap ng beard.
Wala din namang nangyari.
Iba talaga ang hatak sa akin ng babae.
Then, when Batchi transferred sa school namin, para akong nakakita ng kakampi.
Malakas ang gaydar ni Batchi at nahalata nito agad na lesbian ako kahit pa femme ang hitsura ko.
Hindi naman ito agad nagtanong pero nung naging close na kami, ako na mismo ang nagconfess sa kanya.
Dahil sa nangyari sa amin ni Tita, tinuruan niya akong maglihim sa kanya dahil alam ko na magagalit lang ito kung magsasabi ako ng totoo.
Pero pagdating kay Papa, open ako.
Yun nga lang, lagi ko siyang sinasabihan na huwag na magkwento kay tita kung ayaw niya na mag-away sila.
"Pa, ilang taon na ang lumipas hindi pa din naman nagbabago ang trato sa akin ni Tita Ada," nilingon ko si Papa.
Hindi ko maikubli ang sakit na hanggang ngayon eh bumabalik kapag nagpapakita sa amin si tita.
Ginagap ni Papa ang kamay ko at tiningnan ako nito na punong-puno ng pagmamahal.
"Alam ko anak." Sagot nito.
"Hindi din tayo sigurado kung magbabago pa ang paninindigan ni tita mo dahil mukhang dadalhin niya sa libingan ang paniniwala niya pagdating sa'yo at sa mga katulad mo," malungkot na sinabi ni Papa.
Ayokong maapektuhan pa si Papa lalo na at kagagaling lang nito sa ospital kaya sinabi ko sa kanya na gagawin ko ang makakaya ko para hindi kami mag-away na naman ni tita.
"Pero hindi ako magpapromise Pa,"
"Kasi alam mo naman na kapag napapag-usapan and tungkol sa pagiging lesbian ko, hindi ko mapigilang ipagtanggol ang sarili ko."
Bumuntong-hininga na lang ang aking ama.
***
After ko i-unpack ang mga damit na dala ko, humiga muna ako sa kama and checked my e-mails.
I was hoping na wala muna akong gagawin pero Karen sent the schedule for my photo shoot.
Kinabukasan na ito at 10 in the morning.
Nakaindicate sa e-mail ang itinerary and contact persons.
Wala na talagang atrasan ito.
Go na go na kahit wala pa akong pinipirmahan.
Pero wala sa photo shoot ang isip ko kundi na kay Althea.
Last night was quite the experience.
Nagbablush ako kapag naaalala ko ang nangyari kasi she was good.
No.
Good was not the right word.
Althea was awesome.
Expert yata.
Marami na kaya siyang pinagpraktisan?
Imbes na magselos ako natawa ako sa mga naiisip ko.
Natigil ako sa mga carnal thoughts ko kasi biglang nag-ring ang phone.
Si Papa ang tumatawag.
Sinagot ko ito at sa tono pa lang ng boses, alam kung galit siya.
He was upset dahil meron siyang nakitang picture of me and Althea sa entertainment column ng isang tabloid.
"Lesbiyana pala yang Althea na yan Jade?" Galit na galit ito.
Kahit sa telepono, nai-imagine ko na nanlalaki ang butas ng ilong nito.
"Dada, hindi ba natin pwedeng pag-usapan ito kapag nandito na kayo?" sagot ko sa kanya.
Mataas din ang boses ko dahil I was caught off guard at hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya.
"Naku Jade, kung nandito ka lang sa Boracay, nakatikim ka na sa akin!" banta ni Dada.
Gusto ko sanang i-hang ang phone pero alam ko na lalo lang ito magagalit kaya ako na ang nagbaba ng boses ko.
"Dada please?"
"Let's talk about this later," mahinahon ang tono ko.
I was waiting for him to respond pero si Mama na ang nasa kabilang linya.
Nag-aalala ito at kinuwento sa akin ang article sa magazine.
Sa pagkakadescribe niya, ito yung time na we had dinner sa Shangri-la after we escaped Wila.
I remember na hinawakan ako ni Althea sa kamay at ito ang ginamit na picture sa article with the caption " Is Jade Tanchingco gay for Althea Guevarra?"
I felt like my world came tumbling down.
No wonder galit na galit si Papa.
My god! Napaupo ako sa gilid ng kama.
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa phone and I realized na nakakuyom ang kamay
ko.
Pakiramdam ko, naglaho ang kaligayan na kanina lang eh ninanamnam ko.
***
Sinalubong kami ng mga kasambahay at siyempre, nangunguna si Tita Ada.
Niyakap nito ang papa ko at kinumusta.
Nagulat ako ng ganun din ang ginawa nito sa akin.
"Kumusta ka na Althea?" tanong ni tita.
"Lalo kang gumaganda," dagdag pa nito sabay sinipat ang mukha ko at suot na damit.
Nagmano ako sa kanya at kinumusta ko din siya.
Matandang dalaga si tita at sa Batangas ito nakatira.
Bago naospital si Papa, lumuluwas ito ng Maynila dalawang beses sa isang buwan para bumili ng mga paninda niya sa Divisoria at dumadalaw ito sa Antipolo bago umuwi.
Nang magsimulang mamayagpag ang aking singing career, bihira kong makita si tita lalo na nung magdesisyon ako na bumukod na.
Limang taon ang tanda niya kay Papa pero kahit may edad na, maganda pa din ang mukha nito at naalagaan niya ang kanyang katawan.
Balingkinitan ito at banat ang kutis dahil mula ng dalaga eh inalagaan na sa moisturizer bukod sa healthy living ito.
Walang bisyo hindi katulad ni Papa.
Halos magkasingtaas kami ni tita at medyo hawig din.
"Mabuti naman po ako tita," sagot ko sa kanya.
"Talagang rakistang-rakista na ang porma mo," tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa.
Ordinaryong blue jeans at red shirt na may symbol ng the eye lang naman ang suot ko pero nakita ko sa mata ni tita na hindi niya ito gusto.
Sinabi ko sa sarili ko na huwag pumatol.
Napansin ni Papa ang reaksiyon ko kaya nagyaya na ito na pumasok na sa bahay.
"Ang mabuti pa eh kumain na tayo dahil nagugutom na ako at alam kung ganun din si Althea," sinabi niya kay Tita Ada.
Pumasok na kami sa bahay at nauna si tita.
Si Papa eh naupo sa kanyang recliner at pumunta ako sa kusina para maghugas ng kamay.
Hindi ko napansin na nasa likod ko na pala si tita.
"Ako na ang maghahanda ng pagkain ninyo," alok nito.
Pumayag ako at tatalikod na sana ng biglang nagtanong si tita kung may boyfriend na ba ako.
Nilingon ko siya at bakas sa mukha nito ang anticipation.
"Seriously Tita?" hindi ko maitago ang inis ko.
"Hanggang ngayon eh yan pa din ang tinatanong niyo sa akin?"
Binaba nito ang hawak na sandok.
"Bakit? Masama bang umasa na magbabago ka?" mataray na tugon nito.
Umakyat ang dugo sa ulo ko hindi lang dahil sa lagi na lang ganito ang tanong niya kundi dahil din sa tono nito na laging naghahamon.
"Eh kung tinatanggap niyo sa sarili ninyo na lesbiyana ang pamangkin ninyo, eh di matagal nang tapos ang usapang ito!" pasigaw na sagot ko.
Naramdaman ko ang init sa batok ko na unti-unting umaakyat sa aking pisngi.
Lalabas na sana ako ng kusina ng magsalita na naman si tita.
"Hindi mo pa lang nararanasan na mahalin ka ng lalake, Althea."
"Pero kapag natikman mo na ang halik ng lalake, sigurado akong mag-iiba ka ng tono," mapangutyang sabi nito.
Hindi ko yata nabanggit na kahit madasalin si tita, kapag nagagalit eh walang kasing bastos ang bibig.
Parang may biglang sumabog sa ulo ko.
Nagdilim ang aking paningin at kung hindi dahil sa paglapit ni yaya, baka may nagawa ako na sisira sa pagiging magkadugo naming dalawa.
"Bakit kaya hindi kayo ang maghanap ng lalake para hindi ako ang pinagdidiskitahan ninyo?" galit na sinabi ko sa kanya.
Sinaway ako ni yaya at sinabing hinahanap ako ni Papa.
Halos ipagtulakan ako nito sa labas ng kusina.
Pilit akong bumitaw sa pagkakahawak sa akin ni yaya at nakita ko sa mata nito na
naaawa siya sa akin.
Tinuro nito si Papa na tahimik na nakaupo at minamasahe ang sentido niya.
Lumapit ako sa kanya at humingi ng pasensiya.
"Alam mo anak, hindi lung cancer ang papatay sa akin kundi ang walang tigil na alitan ninyo ni Ada," tahimik na sabi nito.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Nakatalikod si tita habang nagsasandok ng pagkain pero alam ko na nakikinig ito sa usapan namin.
"Pa, aalis na lang po ako." Iyon na lang ang naisip kong sabihin dahil nawalan na ako ng gana kahit kanina eh nagugutom ako sa biyahe.
Hinawakan niya ako sa kamay at tiningnan ako.
Malungkot ang mga mata nito at parang nakikiusap na huwag akong umalis.
"Pa, huwag niyo namang gawin ito sa akin," pakiusap ko sa kanya.
"Anak, kahit ngayon lang." mahinahon ang boses nito.
Lumabas na si tita sa kusina bitbit ang mangkok na may mainit na pagkain.
Sinulyapan ako nito at nakataas ang kilay.
"Kung ayaw niya kumain dito, hayaan mo siyang umalis." Sabi nito kay Papa.
"Ada pwede ba?"
"Nandito ang anak ko at nasa bahay ka namin."
"Kung pwede lang sana eh isantabi mo muna ang galit mo dahil gusto kong makasama ang anak ko,"
Hindi nakakibo si tita sa sinabi ng kapatid niya.
Pumasok na ulit ito sa kusina.
Parang may kumurot sa puso ko sa sinabi ni Papa.
Kahit desidido ako na umalis, ipagpapaliban ko ang plano ko para magkasalo kami.
Tinulungan ko siyang tumayo mula sa upuan niya at inalalayan ito sa hapag kainan.
Nang nakaupo na si Papa, pupuwesto na sana ako ng biglang nagring ang telepono ko.
Si Jade ang tumatawag.
Nag-excuse ako saglit kay Papa at lumabas ako ng bahay.
"Lablab, pasensiya ka na ha?" yun agad ang bungad nito.
"I know you're with your family right now pero we have a problem,"
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top