Now That I Found You
"Hindi ka mapakali Althea," pansin ni Batchi sabay tingin sa mga damit na nakakalat sa kama.
"Maglalayas ka ba?" tanong nito sabay upo sa sahig.
Alas-sais na ng gabi, hindi ko pa din alam kung ano ang isusuot ko para sa "date" namin ni Jade mamaya.
Isa pa, late na akong nagising kaya heto at nagmamadali akong makahanap ng outfit.
I texted Jade pagkagising ko kanina and told her that I will pick her up at 8 pm.
She instantly replied "ok" and that was it.
***
Sinukat ko ang red satin dress na dala ko in case merong formal event pero it looked too.....formal.
Hinubad ko ito ulit at hinagis sa kama.
Umupo ako sa tabi ni Batchi na nakabra lang at panty.
"Grrrr!!!" frustrated na nasabi ko.
"Teka nga," tumayo si Batchi at kumuha ng damit mula sa mga nakatambak sa higaan.
Inabot nito sa akin ang isang blue tank top at denim shorts.
"Magdamit ka nga," sabi nito sa akin na parang asiwa ang hitsura.
"Baka mamaya may pumasok dito baka kung ano pa ang isipin," pinatong ni Batchi ang t-shirt sa ulo ko at dali-dali kong sinuot.
"Ano bang meron at parang may giyerang nangyari dito sa kuwarto?" nagtatakang tanong nito.
"Naghahanap ako ng damit," sagot ko habang sinusuot ang shorts ko.
"May date ako mamaya with Jade," dagdag ko pa.
Napangiti si Batchi sa sinabi ko.
"Sinasabi ko na nga ba eh," parang nagkaroon ito ng epiphany.
"Kaya naloloka ka na naman dahil meron kang bagong pinopormahan," comment nito.
Sumalampak ako sa tabi ni Batchi at humilig sa balikat niya.
"Bakit ganun Batchi?" tanong ko sa kanya.
"Sinabi ko na sa sarili ko na hindi muna ako magmamahal pero heto na naman ako." Huminga ako ng malalim.
"Hinayaan mo kasi eh," sagot nito.
"Anong ibig mong sabihin?" umupo ako ng diretso at tiningnan ko si Batchi.
"Ang ibig kong sabihin, bakit mo hinayaang ma-inlove ka kay Jade?" sagot nito.
"Paano mo naman nasabi na si Jade ang tinutukoy ko?"
"Malay mo naman kung iba?"
Tumaas ang kilay nito.
"Althea, matagal na tayong magkakilalang dalawa."
"Pati ba naman sa akin eh maglilihim ka pa?" katwiran nito then biglang sumeryoso ang hitsura.
Tinuro niya ang kama at ang mga nakakakalat na damit.
"Hindi pa ba ebidensiya itong kuwarto na parang binagyo makapaghanap ka lang ng damit na isusuot mo?" Nakataas ang kilay nito.
"I know sinabi ko sa'yo dati na you have to move on from Wila pero what I didn't expect was to see you this.......?" Hindi niya natapos ang sinasabi niya.
"This what?" tanong ko.
"This head over heels over someone," sagot ni Batchi.
"Hindi ka ganito kaloka kay Wila dati,"
"I mean, naloka ka nga sa kanya pero hindi tulad nito."
"Honestly, parang ako ang natatakot sa'yo."
"Bakit naman Batchi?" tanong ko.
"Pati tuloy ako eh nininerbiyos sa sinasabi mo,"
"Ang saya-saya mo kasi, Althea."
"When I saw you with Jade kagabi, iba ang glow ng mukha mo."
"Hindi naman yun dahil sa make-up mo or anything else."
"Para kang nasa langit habang hawak kamay kayo ni Jade na naglalakad."
Hindi ko maiwasang ngumiti sa sinabi niya.
Kasi yun naman ang totoo.
"Ang nakakatakot eh paano kung bigla kang bumagsak mula sa langit?"
"Paano mo masusurvive ulit ang heartache?"
"Kung halos ikamatay mo ang paghihiwalay ninyo ni Wila, baka kay Jade matuluyan ka na?"
Tumayo ako para ipagpatuloy ang paghahanap ng damit.
"Batchi, hindi pa nga nagsisimula ang love story naming eh ending na agad?" medyo na-upset ako sa sinabi niya.
Tumayo na din ito at nagsimulang magtupi ng mga damit.
"Isa pa, hindi naman siguro katulad si Jade ni Wila."
"Manloloko!" randam ang bitterness sa tono ng boses ko.
"Hindi na nga makuntento na ako ang kasama niya, aba eh meron pang on the side.....na lalake,"
Napailing si Batchi sa sinabi ko.
Alam niya kung ano ang nangyari sa amin ni Wila kaya naiintindihan niya kung bakit ganito na lang ako magsalita.
"Alam mo concern lang ako sa'yo dahil para na tayong magkapatid." Sabi nito.
"Kapag nasasaktan ka, apektado din ako."
"Nung muntik na madisgrasya ang career mo dahil sa brokenhearted ka kay Wila, stress na stress din ako."
"Anong point mo?" tanong ko sa kanya.
"Ang ibig ko lang naman sabihin eh sana this time, mas handa ka sa pinapasok mo."
"Hindi dahil sa nakikita ko na mahirap mahalin si Jade kundi dahil sa ibang klase ang family niya."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Nagpaliwanag naman ito.
"Tanchingco si Jade, Althea."
"They are not an ordinary family."
"I did my research dahil sa may nagcomment kagabi kung bakit present ang unica hija ng sikat na businessman sa presscon."
"If you're just going to play with her, huwag mo ng ituloy."
Tumigil ito sa pagsasalita then humarap sa akin and looked me straight in the eye.
"Now if you're serious about having a relationship again, siguraduhin mo na kaya ng dibdib mo harapin ang mga challenges that comes with the territory."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Batchi.
Kahit noon, magkaiba talaga kaming dalawa.
Ako, sugod lang ng sugod while Batchi is the voice of reason.
Kapag sumusobra ang impulses ko, siya ang unang pipigil sa akin.
Hindi dahil sa she's a buzzkill kundi dahil pinoprotektahan niya lang ako.
"Althea, nakatulala ka na naman diyan?" tawag nito sa akin.
"May napili ka na bang isusuot?"
Hawak nito ang isang pair ng skinny jeans at black top na may design ng album cover ng Galantis for the song Runaway (U & I).
"Ang galing mo talaga Batchi!" niyakap ko ito sa tuwa then kinuha ko ang damit na napili niya.
"Tama na," saway nito sa akin then sumeryoso na naman.
"Mahal kita Althea at mas gusto kong nakikitang nakangiti ka kesa umiiyak."
"Basta tandaan mo lang ang sinabi ko sa'yo para naman handa ka sa kung anong mangyayari okay?"
Tumango ako.
"Opo Tatay," tukso ko dito.
***
Ten minutes before eight, nasa tapat na ng house ni Jade ang sasakyan na nirent ko para sunduin
siya.
I got out of the car and hinintay ko siya sa labas.
Tinext ko siya to let her know na dumating na ako.
While waiting, namangha ako sa laki ng bahay nila.
Four-storey house ito at moderno ang disenyo.
Concrete with tall glass windows at white with dark brown trim ang pintura.
Base sa kwento ni Batchi, mayaman nga sila.
What I didn't expect was how wealthy they are.
Pati location ng bahay indicates na this isn't really their residence.
Vacation house lang ito for the summer. Katulad ng mga bahay na nakalinya sa lugar na ito.
A few minutes later, lumabas na si Jade.
She looked stunning sa suot niya na tight white pants at button down blue and white cotton long sleeved shirt.
Thankfully, hindi ito nag high heels dahil she would tower over me.
Nakaflats lang na white din ang kulay.
"Althea," sabi nito sa akin nung lumapit at mukhang atubili.
"Is it okay if you come in to meet my parents?" tanong nito.
Napalunok ako.
I wasn't expecting to meet them and hindi ako handa.
Hinawakan ako ni Jade sa braso.
"I'm really sorry but Dada insisted na ipakilala kita sa kanila," hiyang-hiya na paliwanag nito.
"Sure," yun na lang ang naisagot ko.
I met the President of the Philippines before when we were invited for an event sa Malacanang.
So kayang-kaya kong harapin ang tatay ni Jade.
Kaso, yung meeting with the President, saglit lang.
Ang tatay ni Jade, mukhang matagal kong makakaencounter depende sa magiging takbo ng relationship ko with Jade.
Abot-abot ang kaba ko habang pumapasok kami sa bahay nila.
Biglang nanlamig ang kamay ko at pinagpawisan ang noo ko kahit di naman mainit ang gabi.
Nasa unahan ko si Jade at bigla itong tumigil sa paglalakad.
"Okay ka lang ba?" kitang-kita ko ang concern sa mukha nito.
Tumango ako pero hindi ko maitago ang anxiety na naramdaman ko bigla.
Lumapit si Jade at hinawakan ang kamay ko.
"Wow!" comment nito sa parang yelo sa lamig kong kamay.
"Hey," panga-alo nito sa akin.
"You're just here to meet my parents."
Inalis ko ang aking kamay sa pagkakahawak niya.
"Yun na nga Jade,"
"I am here to meet your parents," inemphasized ko sa kanya.
Pinunasan ko ang pawis sa noo ko.
Timing naman na lumabas ang parents niya kasunod ang dalawa niyang kapatid.
"Nandito lang pala kayo," sabi ng tatay niya.
Lumingon si Jade sa nakangiti niyang ama.
Nanunuyo ang lalamunan ko sa kaba pero wala ng atrasan ito.
Nandito na ang buong pamilya niya at just like what I do sa showbiz kapag intimidated or kabado ako,
I put on a smile and fake it till I make it.
"Hello Dada," magiliw na bati nito sa ama sabay lumapit para humalik sa pisngi nito.
"I would like you to meet Althea," Tumingin sila lahat sa akin at todo ngiti naman ako para itago ang
kaba na nagbabadyang sumira ng confidence ko.
"Kumusta po?" Inabot ko ang kamay ko sa Tatay niya at inabot naman nito.
Firm and strong ang handshake ni Mr. Tanchingco and mine was the same.
Yung tingin nito, parang sinusukat ang pagkatao ko.
Since sanay naman ako makisalamuha sa iba't-ibang klaseng tao, I pretended not to be intimidated.
Kahit ang totoo eh gusto kong maglaho sa kinatatayuan ko.
"Ikaw pala ang sinasabing kaibigan ni Jade," bumitaw na ito sa kamay ko.
"San kayo pupunta ngayong gabi?" diretsong tanong nito at sinuway siya ni Jade.
Humingi naman ng paumanhin ang mama niya.
"Althea, pasensiya ka na sa daddy ni Jade ha?" nakangiting sabi nito sa akin.
"Wala pong problema," sagot ko.
Pinakilala din ni Jade ang dalawa niyang kapatid.
Nagkatinginan kami ni Paul na parang may secret understanding.
Naactivate ang gaydar ko and I'm sure ganun din siya.
"We'd better go, Dada...Mama" humalik na si Jade sa parents niya.
"Hindi mo ba man lang paiinumin si Althea?" tanong ng mama niya.
"I'm okay po, Mrs. Tanchingco." Sinabi ko na lang para makaalis na kami.
Kahit medyo nababawasan na ang kaba ko, ninenerbiyos pa din ako lalo na sa tatay niya na parang pinag-aaralan ako.
"Aalis na po kami," paalam ko sa kanila.
"Nice to meet you po," nginitian ko silang lahat.
Bago kami makaalis, nagpahabol pa si Mr. Tanchingco to bring Jade home at 11.
Siyempre, hindi pumayag si Jade at nagbargain pa ang dalawa.
"3 am?" sagot nito.
"1 am?" sagot naman ng tatay niya.
Sinaway na naman ng mama ni Jade ang tatay niya pero ayaw magpaawat.
" Alas dos?" sigaw nito.
"Dada, 2:30. Final offer?" tanong ni Jade na may halong lambing.
Ang mama niya na ang nagbigay ng approval.
Kahit tutol si Mr. Tanchingco, wala naman itong nagawa dahil nakalabas na kami.
Once na sinara na yung gate, umupo ako sa hood ng kotse at huminga ng malalim.
"Whew!" yun lang ang aking nasabi sabay punas na sa pawis sa noo ko.
Hinawakan ni Jade ang balikat ko sabay sabing "good job".
Umiling ako.
"Naku Jade,"
"Hindi mo lang alam pero sobra ang kaba ko." Kinuha ko ang kamay niya at tinapat sa puso ko.
"Parang ilang libong drums ang nagtatambol sa dibdib mo," sabi nito sabay ngiti sa akin.
"Isama mo na ang buong orchestra," tugon ko.
"Mabuti pa umalis na tayo para maalis ang nerbiyos mo," yaya nito.
Sumang-ayon naman ako at lumapit na sa passenger door.
Pinagbuksan ko siya ng pinto at natawa ito sa ginawa ko.
"100 ganda points for being a gentlewoman," comment nito.
Sinara ko na ang pinto at pumunta na sa driver's side.
Pagpasok ko, meron akong inabot sa backseat.
"Wow!" excited na sabi ni Jade ng iabot ko ang isang maliit na brown teddy bear na may red bow tie.
"Ang cute-cute naman nito," sabi niya sabay halik sa pisngi ko.
"Nakakaraming kiss ka na ha?" tinukso ko siya sabay tawa.
"Bakit?"
"Ayaw mo ba na kinikiss kita?" pilyang tanong nito.
Nagniningning ang mata sa tuwa.
"Hindi naman sa ganun," sagot ko.
Pinaandar ko na ang Toyota rental car para makaalis na kami.
"Kaso.....?" pangungulit ni Jade.
Tiningnan ko siya bago ako sumagot.
"Kaso, hinihintay ko yung real kiss mo."
"Hahaha!" tumawa ito at napansin ko na pinatong niya ang bear sa lap niya.
"Huwag ka masyado mainip, Althea."
"Darating din tayo diyan,"
Ngumiti na lang ako at nagconcentrate na sa pagmamaneho.
Medyo nawawala na ang kaba ko from meeting her family at kahit papaano, bumalik ang excitement ko for our date.
***
Sa Club Paraw kami pumunta.
Isa itong sikat na venue sa Boracay at favorite hangout namin nina Batchi kapag nandito kami.
Kahit hindi alam ni Batchi kung saan kami pupunta ni Jade, hindi ako nagulat ng makita ko siya sa club kasama ang ilang band members namin.
Medyo marami ng tao at ang iba ay nagsasayaw sa kanta ni Calvin Harris na Summer.
Niyaya nila kaming umupo sa table nila at pinakilala ko si Jade sa kanila ng pormal.
The other night kasi, hindi ako nagkaroon ng chance to introduce Jade kasi busy kami.
"Tsong, anong gusto niyong drinks?" tanong ni Batchi sa aming dalawa.
Tiningnan ko si Jade.
"Orange juice lang muna," sagot nito sabay ngiti.
"Dalawang OJ tsong," natawa lang si Batchi sa sagot ko.
"Mamaya na kami iinom ng totoo," pahabol ko.
Umalis na si Batchi to order the drinks at naiwan kami ni Jade kasama ang banda na busy din sa pagkukuwentuhan.
Tahimik itong nakatingin sa dance floor at niyaya kong magsayaw.
"Di ba sabi mo dance-off tayo?" paalala ko sa kanya at napangiti ito.
Tumango ito at tumayo kaming dalawa to go to the dance floor.
The DJ was playing electronic music which I recognized as Surrender by Cash Cash at nakakaindak
ang beat.
Medyo discreet ang moves ni Jade at sinasabayan ko lang din.
All around us, deadma lang ang mga nagsasayaw kasi yung iba eh nakainom na.
"Wait lang ha?" bumulong sa akin si Jade and them pumunta sa DJ booth.
Meron itong binulong sa DJ and then ngumiti naman ang lalake sa kanya.
"Ano yun?" tanong ko sa kanya nung bumalik na siya.
Sasagot sana siya ng biglang nagpalit ng kanta ang DJ.
Nang marinig ko ang first note, hindi ko napigilang ngumiti.
Tiningnan ko si Jade at nakangiti din ito sa akin.
"Alam mo din pala ang kanta ng Galantis?" tanong ko.
"Oo naman," sagot nito habang patuloy sa pagsayaw.
"At mukhang favorite mo dahil sa t-shirt na suot mo," sabay turo sa damit ko.
Natawa na lang ako.
Mukhang ganado na magsayaw si Jade dahil nagiging sexy na ang mga moves niya.
Lalo niyang nilapit ang katawan niya sa akin at tinitigan ako ng malagkit.
Kagat labi pa ito at parang nanunukso.
Hahawakan ko sana sa bewang pero unti-unti itong lumayo na parang nagpapakipot.
Para akong mababaliw habang pinapanood ko siya sa sa pagsayaw.
Ang bawat kembot eh nakakagising ng kamalayan at bago pa namin marealize ang nangyayari, meron ng malaking space sa gitna ng dance floor na para sa amin lang dalawa.
Nanonood ang iba na kanina eh nagsasayaw at parang sobrang entertained sa nakikita nila.
Bigla akong naconscious sa nangyayari at napatigil sa pagsasayaw.
Tiningnan ko si Jade pero deadma lang ito at tuloy-tuloy pa din sa pagsasayaw.
Tinaasan ako ng kilay na parang naghahamon.
"Whatever!" nasabi ko sa sarili ko at sinabayan ko siya.
Pero kahit gusto ko i-enjoy ang moment sa dance floor with Jade, hindi ko totally magawa.
Lalo na ng makita ko ang mga camera phones na kumukuha ng videos at pictures naming dalawa.
Sa di kalayuan, meron akong nakita na biglang nagpabago ng mood ko.
Hinawakan ko si Jade sa kamay.
"Tara na," bulong ko kay Jade na kinagulat naman nito.
"Bakit?" nagtatakang tanong nito.
"Basta, halika na." yun lang ang nasabi ko at bumalik na kami sa table.
***
Wala si Batchi at ang mga kasama namin.
"Althea, anong nangyari?" tanong ni Jade sa akin.
"Bakit parang namumutla ka?"
"Maysakit ka ba?" concern na concern si Jade.
"Wala," sabay umiling ako at pilit na ngumiti.
"Eh bakit ganyan ang hitsura mo?"
Sasagot sana ako pero nasa table na namin si Wila.
"Hello Althea," sabi nito sa akin sabay taas ng kilay kay Jade.
Kumunot ang noo ni Jade sa ginawa ni Wila at tinaas din nito ang kilay niya.
"Wila," yun na lang ang nasabi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top