Light 'Em Up (Part 1)
A/N: "The best thing to hold on to in life is each other."
Audrey Hepburn
***
The finale of this story is dedicated to my apprentice, love_p0psicles, and my friend, the "tattoo".
Your friendship, trust, confidence and belief in me are like oysters in my hand.
You have given me so much and though I don't deserve this treasure, I hold you close to my heart.
I hope that one day, we'll see each other and continue the journey to this wonderful friendship.
Namaste my friends!
XoXo
***
Sinabi ko sa sarili ko na after my break-up with Wila, magpapahinga muna ang puso ko.
Kaya lang, mukhang may ibang plano si Kupido para sa akin.
***
Nang makilala ko si Jade, hindi kasama sa vocabulary ang salitang pahinga.
The two of us have been through a lot together and when I say a lot, I mean.......a lot!
I've said that three times not just for emphasis or to make myself believe that those things happened to us because it did.
Thankfully, we survived the challenges brought on not only by circumstances but because of love.
Ah.....love.
A many splendored thing, the song said.
Love.....is all that matters.
The reason for being.
A reason to hold on to hope......to believe.
The soothing balm to a troubled soul.
The greatest!
***
I stood backstage, waiting for the concert to start.
Bago dumating ang araw na ito, all of us came to the arena to do sound checks and final preparations.
Walang elaborate set-up sa stage maliban sa arrangements ng instruments.
Our band was never into theatricals eversince we started pero this concert is different.
Mr. Jimenez insisted na we make a change, kahit ngayon lang.
Sino ba naman ako para tumanggi sa taong I considered my benefactor?
He was very happy when we agreed.
Sinabi pa niya na I don't have to worry kasi everything is insured.
Kaya naman bukod sa usual set-up, merong surprise na naghihintay sa mga manonood.
***
I looked around me and saw the expectant faces of my band mates, my friends, my second family.
Magkahalong excitement ang nararamdaman naming lahat habang hinihintay na magsimula ang show.
Sino ang makapagsasabi na dito din pala kami magkikita-kita?
Pwede din bang sabihin na sa hinaba-haba ng prusisyon, sa MOA Arena din ang tuloy?
This concert has been one hell of a ride pero it was worth it.
Lumapit ako sa curtain para sumilip sa front row seats and I smiled at what I saw.
Mr. Jimenez was seated beside his daughter, Karen, at napangiti ako.
Who knew that it was her who was responsible for making things happen?
No wonder hindi mapakali si Jade when she learned na she shared same last name as Mr. Jimenez.
When it finally dawned on her, nandito na siya sa venue.
Doon niya na lang narealized na ang taong kinukwento sa kanya ni Karen was the same man who offered me this chance to be on the stage again.
Jade, my beautiful fiancée, was sitting beside my father.
Mukhang may pinag-uusapan silang dalawa na hindi naman mukhang seryoso dahil tumatawa si Jade.
I hope it wasn't another embarrassing moment in my childhood dahil naging conversation piece na ako ng mamanhikan kami ni Papa.
***
Walang na yatang mas nakakakabang experience tulad ng pag-akyat sa mansion ng mga Tanchingco para hingin ang kamay ng kanilang unica hija.
Ilang litrong tubig ba ang nainom ko ng gabing yun?
Ilang beses din ba akong nagpabalik-balik sa banyo dahil sa sobrang kaba?
Ang pawis ko, kung isasalin sa balde, malamang mapupuno ito.
Nakailang palit din ako ng damit hanggang sa magalit na si Tita Ada at nagpasya na umalis na kami bago pa ako mahimatay sa nerbiyos.
"Naku, Althea!" nakukunsuming sabi sa akin ni Tita habang pinapaypayan ako.
"Hindi tayo matatapos kung hindi tayo aalis at tutungo kina Jade."
"Ang mabuti pa eh umalis na tayo ng matapos na itong kalbaryo mo."
Halos ay hilahin niya ako palabas ng bahay ni Papa.
Wala nang atrasan dahil mahigpit ang kapit ni tita sa kamay ko.
Daig pa nito ang pulis.
***
The day before the pamamanhikan, uuwi si Jade sa mansion at doon na kami magkikita.
Habang nagi-empake ng gamit, para akong batang nalulungkot.
Hindi pa kami nagkahiwalay nito mula ng nagdesisyon siya na sa akin muna tumuloy.
Tahimik akong nakaupo sa kama habang tinutupi niya ang mga damit na dadalhin niya.
"Love, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin.
Tumango lang ako.
"Halika nga dito," tinawag niya ako at lumapit ako sa kinauupuan niya.
"Althea, wala pang isang araw tayong magkakahiwalay." Paalala nito.
"Para namang di na ako babalik kung makasimangot ka diyan." Niyakap niya ako.
Tumingin ako sa kanya at nakangiti ito.
"Kinakabahan ako, Jade." Pag-amin ko sa kanya.
"Isipin ko pa lang na tutungtong ako sa mansion, nanginginig na ang tuhod ko."
"Mahal mo ako di ba?" tanong niya sa akin.
Medyo di ko nagets kung bakit ganoon ang response niya.
"Love, mas matindi pa ang pinagdaanan natin maipaglaban lang ang relasyon nating dalawa."
"Sa lahat ng bagyong dumating, hindi tayo bumitaw."
Pinisil niya ang kamay ko sabay puno ng pagmamahal na tumitig sa mga mata ko.
"Eto na yung final destination, Althea." Dumila siya at sabay tumawa.
"Love naman eh," pagmamaktol ko.
"Okay na sana lahat tapos bigla mo namang hinaluan ng title ng horror movie," bumitaw ako sa pagkakahawak niya.
"Pinapatawa lang kita," katwiran ni Jade.
"Ngayon pa lang kasi eh namumutla ka na," lalo pa niya akong inasar.
"Besides, nameet mo na naman ang family ko so this will be a breeze," ngumiti siya ulit.
"But this is different." Sabi ko sa kanya.
Sumandal ako sa higaan at niyakap ang unan niya.
Nalanghap ko ang amoy ng perfume ni Jade at nalungkot na naman ako.
"Hoy!" tinawag niya ako at pinakita niya sa akin ang purple tank top na paborito kong suotin pag matutulog na kami.
"Anong gagawin mo diyan?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Tinupi niya ang damit at nilagay sa overnight bag niya sabay ngumiti sa akin.
"Para kung mamiss kita, meron akong baon." Sagot nito.
Ako naman ang natawa sa sinabi niya.
"Akala ko ba ako lang ang nagsesenti dito?" ako naman ang nanukso sa kanya.
Namula si Jade.
"Pwede ba namang hindi kita mamiss eh ilang buwan din tayong magkatabi matulog, magkasamang kumain, manood ng TV.........."
Tinakpan ko ang bibig niya.
"Tama na." saway ko sa kanya.
"Baka maiyak na ako niyan,"
Yumakap ulit si Jade at pagkatapos ay hinalikan ako sa labi.
Nang humiwalay siya, meron siyang paalala sa akin.
"Babala, lab....."
"Asawa ni?" singit ko.
"Babalu!" sambit ni Jade.
Natawa kaming dalawa sa kalokohan namin.
"Pero seryoso lablab."
"Kung hindi ka sisipot, lagot ka kay Dada!"
"Haha!"
Natawa ako ng banggitin niya ang kanyang ama.
"Oo na po."
"Sigurado ako na kung magdalawang-isip man ako dahil sa nerbiyos, darating at darating ako dahil sa tatay mo,"
Hinampas ako ni Jade ng unan.
Hinarang ko ang kamay ko para hindi niya ako mahagip pero di pa din ito tumigil.
Nang makuha ko ang unan, tinago ko ito sa gilid ng kama at hinawakan ko ang dalawang kamay niya.
"Wala ka ng kawala, Jade Tanchingco." Panunukso ko sa kanya.
Hiniga ko siya sa kama at hindi naman ito nagpumiglas.
Sa halip ay nagpaubaya pa nga sa akin.
"Anong ginagawa mo?" kunwari ay tanong niya habang hinahalikan ko siya sa pisngi pababa sa kanyang labi.
"Bibigyan kita ng baon," pagkasabi nito ay bigla ko siyang hinalikan sa leeg.
Hindi nito napigilan ang tumawa dahil sa nakiliti siya.
"Pilya ka talaga, Althea." Yun lang ang kanyang nasabi.
***
"Friend, hinga ng malalim." Sabi sa akin ni Batchi bago kami bumaba ng sasakyan ng marating namin ang mansion.
Sinama ko siya dahil sa bukod sa para ko na din siyang kapatid, kailangan ko ng moral support.
Nakakalula ang laki ng mansion nina Jade.
Sinalubong niya kami sa entrance ng bahay nila at pagkatapos niyang batiin sina Papa, lumapit ito sa akin at yumakap.
Napakaganda nito sa suot na red sleeveless satin dress.
Bukod sa lalong siyang pumuti sa suot na damit, radiant ang glow nito.
"Namiss kita, love." Bulong niya habang nakayakap sa akin.
"Ako din, Jade." Hinalikan ko siya sa tenga at natawa ito.
"Mamaya na yan, Althea." Saway sa akin ni Papa habang umiiling.
"Huwag na nating paghintayin ang mga magulang ni Jade."
Ang mga security ang nagtulak sa wheelchair ni Papa papasok sa sala ng mga Tanchingco.
Nakaabang na silang lahat sa pagdating namin.
Lumapit si Mr. Tanchingco kay Papa at kinamayan eto.
"Welcome sa bahay namin, balae."
Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya.
Pinisil ni Jade ang kamay ko.
"Pwede ka ng huminga ng maluwag, Althea." bulong niya sa akin.
***
Pagpasok sa sala, may mga upuan na nakahilera at magkakatapat sa isa't-isa.
Magkaharap si Papa at si Mr. Tanchingco, ganoon din si Tita Ada at ang mama ni Jade.
Siyempre, magkatapat kaming dalawa habang katabi niya si Gab na kaharap ni Batchi.
Si Paul ang nasa dulo at kitang-kita ko ang saya sa mukha nito.
Dahil kami ang namamanhikan, si Papa ang unang nagsalita.
Nagpasalamat siya kay Mr. Tanchingco at pinaunlakan kami.
Habang nakikinig sa usapan nila, kabadong-kabado pa rin ako.
Hindi ito nakaligtas sa tatay ni Jade.
"Althea, mukhang hindi ka mapakali." Pansin nito.
Tumingin silang lahat sa akin at hindi ako agad nakasagot.
Akala ko eh uusisain pa ako.
"Normal lang yan," nakangiting sabi niya sa akin.
"Mas lalo kang nerbiyosin kapag may asawa ka na," tumawa ito at pabiro siyang siniko siya ni Amanda.
"Anong ibig mong sabihin, Oscar?" kunwari ay galit na sabi nito sa asawa dahil nanlalaki ang mga mata nito.
"See?" hinawakan niya ang kamay ng kanyang asawa.
"Kung meron kang dapat katakutan, hindi ako kundi ang magiging asawa mo."
Nagtawanan silang lahat at nakisali din ako habang si Jade at ang mama niya ay nakataas ang kilay.
Bukod sa naninibago ako na makitang masaya si Mr. Tanchingco, parang hindi pa din nagsi-sink in sa akin na dumating na ang araw na magkakasama kaming lahat para sa mahalagang araw na ito.
Bumaling ang usapan sa ibang bagay pero ang topic ay mostly about personal stuff like anong trabaho ni Papa, anong nangyari sa mama ko, how I was as a kid.
Habang hinihintay na tawagin kami para sa hapunan, nagserve muna sila ng maiinom.
Scotch para kay Mr. Tanchingco at sa dalawa nitong anak na lalake, orange juice naman para kay Papa at sa mga babae.
Nagreminiscing ang mga tatay namin at yun ang naging dahilan kung bakit ako ang naging topic.
Interesado kasi si Mr. Tanchingco malaman kung paano ako nagsimula sa career ko kaya naman si Papa, nagshare ng mga karanasan namin mula sa pagsali sa mga amateur singing contests sa iba't-ibang barangay.
Nabanggit niya ang isang insidente na sa kalagitnaan ng pagkanta ko ay bumuhos ang malakas na ulan.
Dahil open ang venue, siyempre nagtakbuhan ang mga manonood para maghanap ng masisilungan.
Dahil hawak ko ang microphone, muntik na akong makuryente.
Buti at nabitawan ko ito agad.
"Medyo nagkaphobia yan si Althea."
"Pero after a few weeks, ready na siya ulit sumabak sa mga contest."
Natatawa na lang kami ngayon sa nangyari pero tanda ko ang nerbiyos sa mukha ni Papa ng araw na yun.
"Pagkatapos ng insidente na yun, nagchicheck muna kami ng weather at ng venue."
Nabanggit din niya ang duet ko with a lasing.
"Marami ng nainom ang lalake at paborito pala nito ang Scorpions."
Bumaling siya sa akin para tanungin kong ano ang kinanta ko.
"Winds of change, Pa." at tumango siya ng maalala niya.
"Oo nga pala,"
"Mula sa umpisa hanggang sa matapos, sinabayan niya si Althea."
"Nanalo ba si Althea sa contest na yun?" tanong ni Mr. Tanchingco.
Umiling si Papa.
"Walang kinalaman ang lasing sa pagkatalo niya."
"Hindi kasi pumipili ng mga contest piece si Althea," pag-amin ni Papa.
"Kung ano ang gusto niyang tugtugin, iyon ang entry namin."
Nakakunot ang noo ni Mr. Tanchingco.
"Pero paano kayo mananalo kung hindi contest piece ang kinakanta niya?"
Tumingin sa akin si Papa.
"Ang gusto niya lang ay kumanta," sagot niya.
"Kung mananalo, bonus na lang yun."
Hinawakan ako ni Papa at nakita ko ang pride niya para sa akin.
Nakita ko na naintindihan ni Mr. Tanchingco kung bakit kahit winning dapat ang goal kapag sumasali sa contest, iba naman ang gusto kong mangyari.
"Rebelde ka pala noon pa," pabirong sabi nito sa akin.
Hindi ko sinagot ang tanong niya.
Para kasing negative ang dating at ayokong magbago ang isip niya tungkol sa pagpayag na ikasal kami ni Jade.
"We have to take risks," sabi niya sa akin.
"It's a good thing," dugtong nito.
Tatango-tango ito na parang may pinaprocess sa isip niya.
Napatingin ako kay Jade.
Nakangiti ito sa akin.
Kahit hindi niya sabihin, ramdam ko na kahit papaano ay tumaas and approval rating ng kanyang ama.
Bago natapos ang gabi, bumalik kami sa sala.
May kinuha si Mr. Tanchingco sa bulsa nito at inabot sa akin.
Nagtataka kong tiningnan ang maliit na kahon kahit pa may idea ako kung ano ang laman noon.
"Eto ang regalo namin para sa'yo," nilapit lalo nito ang kahon at nang hindi ko inabot, siniko ako ni Papa.
Kahit alanganin, tinanggap ko ang regalo nila.
Dahan-dahan kong binuksan ang kahon.
Napalunok ako ng makita ko kung ano ang laman nito.
Isang princess cut solitaire diamond ring na may malaking bato.
The rock was stunning and the sparkles were like stars in the skies.
"Mr. Tanchingco.........." mahinang sabi ko sa kanya.
Tiningnan ko si Jade at ang mama nito.
"Nakita namin na wala kaming dapat ipag-alala kapag nasa piling mo si Jade," nakangiting sabi ng ina nito.
"Nagpapasalamat kami dahil hindi mo siya pinabayaan."
Parang gusto kong maluha hindi dahil sa nalulula ako sa regalo nito kundi sa validation na binigay nila sa akin.
Lumapit si Jade at inakbayan ako.
"Ma, Dada, huwag niyo ngang paiyakin ang fiancee ko." hinigpitan niya ang hawak sa balikat ko.
"Salamat po," yun na lang ang nasabi ko sa kanilang dalawa.
Nagsalita muli si Mr. Tanchingco.
"Mula ngayon, Mama at Dada na ang itawag mo sa amin."
"Hindi ka na iba sa amin."
Lalo ko tuloy gustong umiyak at hindi ko na napigil ang luha ko.
"Sinabi na ngang huwag paiyakin eh," saway ni Jade.
Nagtawanan silang lahat.
Parang sasabog ang puso ko dahil sa maraming tuwa na dala ng gabing iyon.
Bago kami tuluyang umalis, nagpaalam na si Jade sa magulang niya.
"Kelan kayo babalik?" tanong ni Dada ng sasakay na kami sa kotse.
"Dada, hindi pa nga po kami nakakaalis," katwiran nito at humalik na siya sa kanyang magulang at kapatid.
"Basta bumalik na kayo agad para maplano na ang kasal ha?" bilin ni Mama.
Parang panaginip ang lahat.
Dinaig pa ang happy ever after ng mga fairy tales.
Nang makasakay kami sa kotse, magkatabi kami ni Jade sa passenger seat.
Hawak niya ang kamay ko at humilig siya sa balikat ko.
"Parang hindi totoo," bigla kong nasabi at lumingon sa akin si Batchi mula sa driver's seat.
"Tsong, kung gusto mong maniwala, tingnan mo lang ang napalaking bato sa daliri mo." biro nito.
Nagtawanan kaming lahat at masayang tinungo ang daan pabalik sa Antipolo.
***
Hindi ako makapaniwala na lahat ng taong mahalaga sa akin ay kasama ko sa gabing ito.
"Althea, ready ka na?" tinawag ako ni Roxy.
Isa-isang lumapit ang mga kabanda ko at nagform kami ng circle para magdasal.
Pagkatapos, sabay-sabay naming nilahad ang kamay namin sa gitna at sumigaw ako ng rakrakan na!
Kinuha ko ang aking gitara at sinuot sa aking balikat.
Pumikit ako at umusal ulit ng dasal ng pasasalamat.
Pagkatapos i-announce ng host ang simula ng concert, tinipa ni Manuel ang intro ng unang kanta sa setlist.
***
Dreams-The Cranberries
The first song I learned in my guitar.
Eto din ang unang tinugtog ko sa amateur singing contest sa barangay namin.
I won first prize.
Oh, my life is changing everyday,
In every possible way.
And oh, my dreams, it's never quite as it seems,
Never quite as it seems.
Walang kasinglakas ang hiyaw ng mga tao ng bumukas ang ilaw at lumabas ako mula sa backstage
Nakakalunod ang palakpakan at dagundong ng kanilang sigaw.
Kahit emosyonal ako, pinigil ko ang aking sarili.
This is the moment.
I am going to take it.
Mula sa front row, hinanap ng tingin ko si Jade.
Kumaway ito sa akin at katulad ng ginawa niya during the fashion show, I blew her a kiss.
She caught it, just like I did.
***
How You Remind Me-Nickelback
It's not like you to say sorry
I was waiting on a different story
This time I'm mistaken
For handing you a heart worth breaking
And I've been wrong, I've been down,
Been to the bottom of every bottle
These five words in my head
Scream "are we having fun yet?"
Pagkatapos ng unang kanta, hindi magkamayaw ang mga tao.
Sa tantiya ko, it took a full minute bago ko sila mabati ng magandang gabi.
Winagayway nila ang dala nilang mga banner.
May mga sumisigaw ng "I love you, Althea" at siyempre pa, sinagot ko sila ng I love you din.
"Kaso may magagalit......" pagkasabi nito, tumingin ako sa direksiyon ni Jade.
Tumutok ang camera sa kanya at sumigaw siya ng okay lang.....ngayong gabi.
Tumawa ang crowd at hindi ko na sila pinaghintay.
Tinugtog na ni Manuel ang intro ng song choice ni Batchi.
***
Paborito namin itong kantahin kapag nasa karaoke kami.
Pero ito ang naging soundtrack niya kapag brokenhearted siya.
Ilang case ba ng San Miguel at ilang pack ng Happy Peanuts ang nakain namin sa kantang ito?
Tumingin ako sa gilid ng stage kung saan nakatayo si Batchi.
She gave me the thumbs up sign at tumango ako sa kanya.
No words were needed.
Alam niya kung ano ang halaga ng kantang ito sa aming dalawa.
Standing ovation ang natanggap ko mula sa audience.
Nagbibuild up na ang energy ng crowd so tuloy-tuloy lang kami.
***
Enter Sandman-Metallica
exit light, enter night, take my hand, we're off to never never land
***
First time kong makasama si Manuel at ito ang ginamit naming warm-up.
Nagbond kami over this song and we have been friends ever since.
Lagi niyang sinasabi na kung ikakasal siya, ito ang kanyang gagamiting kanta sa first dance nila ng magiging asawa niya.
A few months later, we were rocking to this song sa ballroom ng Manila Hotel.
Ako ang kumakanta habang masayang-masaya siyang sumasayaw sa dance floor.
Lalong nagwala ang crowd.
They chanted "more.....more.....more......" at handa naman kami.
***
Pearl Jam-Daughter
don't call me daughter, not fit to
the picture kept will remind me
don't call me daughter, not fit to
the picture kept will remind me
don't call me...
***
Memorable song for Roxy.
Sabi niya, during her younger years, she was verbally abused by her father.
Wala daw siyang mararating sa buhay dahil bukod sa mahirap lang sila, hindi daw siya maganda.
Years later, narinig niya ang kantang ito while on her way home.
Bigla niyang naalala ang tatay niya na matagal ng yumao.
Naiyak siya hindi dahil sa wala na ang kanyang ama kundi dahil sa parang ito ang kuwento ng buhay niya.
Nilingon ko ang manager ko na katabi ni Batchi.
Pinunasan niya ang gilid ng kanyang mata gamit ang pulang panyo.
Ngumiti ako sa kanya at ganun din siya sa akin.
Sa harap ko, nakikita kong merong mga sumasabay sa pagkanta, merong sumasayaw, tumatalon, tumitili.
Iba talaga ang musika.
Bumubuhay ng damdamin at alaala.
Habang nagpi-fade ang last notes ng kanta, nag-adlib ako.
"Kaya niyo pa ba?" tanong ko sa kanila at isang napakalakas na sigaw ang sagot nila sa akin.
"Sige.....etong para sa inyong lahat."
***
All The Small Things-Blink 182
All the small things
True care, truth brings
I'll take one lift
Your ride best trip
Always I know
You'll be at my show
Watching, waiting, commiserating
***
Paboritong tugtugin ng bahista namin na si Mark.
Incidentally, this was the same song Jade was dancing to when she thought I wasn't home yet.
Nasa sala siya noon and the stereo blasted to this song.
She had her eyes closed as she danced to the frenetic beat.
I stood there watching as she lost herself.
I looked at the crowd and there she was, dancing like no one was watching.
Pagkatapos kumanta, I paused bago ko i-introduce ang next song.
Binati ko ang Altheans at siyempre pa, ang lakas ng sigaw nila.
Pinasalamatan ko sila sa lahat ng suporta throughout the years.
Tinugtog ni Marvin ang notes sa sytheziser as a sneak peek sa susunod na kanta.
Nang marecognize nila ang tono, hiyawan na naman sila.
***
Thank U-Alanis Morissette
The moment I let go of it
Was the moment I got more than I could handle
The moment I jumped off of it
Was the moment I touched down
***
A fitting tribute to everything that happened during the past months.
Akala ko, hindi ko kakayanin ang mga pangyayari.
Pero ang dichotomy ng circumstances made me stronger.
Ang pagkawala ko sa limelight opened my eyes to the blessings na ini-enjoy ko like the time spent with my father, life, mortality, how conflicts build character, friendship, Jade.
Hindi ko mapigilang mapaluha while singing.
Sinalo ng banda at ng back-up singers ko ang saglit pagiging emotional ko till it was my turn to sing the last chords.
My family and Jade gave me a standing ovation after the rendition, minus my father who obviously had to remain in his wheelchair.
Tumayo din si Karen at nakita ko sa mukha ni Mr. Jimenez ang tuwa.
Nakafocus ang camera sa kanila and I bowed to them in return.
Sila ang dahilan kung bakit ako nakatayo sa stage at kumakanta ulit.
When the applause died down, I asked the crowd if they would like to hear something homegrown.
Matunog na oo ang sagot nila sa akin.
"Dahil gusto niyo.......ibibigay ko," masaya kong sinabi sa kanila.
***
Torpe-Barbie Almalbis
Namamatay na ang mga rosas sa tabi
Di ka pa rin bumibili
Nauubos na ang oras sa kahihintay
Pero ni sulat, ni tawag.....wala
***
Pinili ito ng drummer naming na si Karlo na may crush kay Kathleen.
Alam namin na patay na patay ito sa kanya pero hindi makapagsalita kapag magkasama sila sa rehearsal.
Ang dating makulit ay biglang tumitiklop at hindi makakibo.
Alam ni Kathleen na may gusto ito sa kanya pero mukhang walang pag-asa.
Iba daw kasi ang tinitingnan ni Kath.
Kung sino yun, ayaw nilang sabihin sa akin.
Tiningnan ko ang drummer namin at seryoso ito sa pagdadrums.
Nakatayo malapit sa kanya si Kathleen at nakatitig ito sa akin.
Ngumiti siya sa akin na parang may tinatagong sikreto.
Nginitian ko din siya at bigla akong may narealize.
Hindi kaya...........ako?
Pero sorry Kathleen.
Kumikinang ang singsing sa aking ring finger.
Natapos ang kanta in a good note.
Literal yun kasi biglang nag-iba ang atmosphere nang kantahin ko ang piece ng isa sa paborito kong artist.
Tumigil kami saglit at uminom ako ng tubig.
"Bago po tayo magintermission, pwede po kayong magbigay ng isang request." Sinabi ko sa audience.
Malakas ang sigaw at sipol ng mga tao.
Tumingin ako mula sa taas ng arena, sa gitna hanggang sa baba.
Kung anu-anong kanta ang sinisigaw nila pero nakuha ang atensiyon ko ng isang grupo ng kalalakihan na mukhang lasing na.
At dahil request.....kailangang pagbigyan.
Beer-Itchyworms
Ano ba talagang mas gusto mo?
Ang beer na 'to...o ang pag-ibig ko?
***
Natawa ang karamihan sa manonood pero inamin ko na ito ang paborito kong part ng mga shows namin.
"Challenge kasi ito eh," sabi ko sa kanila habang hinahanda ang sarili ko at ang banda.
"Dito namin nasusukat kung dapat na ba kaming magretire bilang mga musikero." Humalakhak ulit ang mga tao.
Tinugtog na namin ang request at masaya namin ang mga binatilyo dahil sinabayan ako sa pagkanta.
Ang isa sa kanila, gumigiling pa.
Natawa ako sa ginagawa niya pero I must say, bigay na bigay si kuya.
Kahit nung tumapat ang camera sa kanya, wala itong pakialam.
Tuloy-tuloy lang siya sa pagsayaw at pagkanta.
Nang matapos na, bigla silang sumigaw ng cheers.
The lights went off signaling a ten minute break for all of us.
I rushed to go backstage para pumunta sa bathroom and on my way, nakita ko si Jade.
"Great show, love." Nakangiting bati niya sa akin.
Humalik ito sa labi ko at hinila ko siya papunta sa direction ng bathroom.
"Nagi-enjoy ba kayo?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.
"Yeah," sagot niya.
"Even Dada seemed to be enjoying himself,"
The bathroom was locked so we waited.
Nakatalikod kami sa pinto at habang naghihintay, Jade and I couldn't keep our hands off each other.
"Dude, get a room." Sigaw ni Batchi ng makita niya kami.
Tumawa lang kami sa sinabi niya.
Nang marinig ko na bumukas ang pintuan, we both turned around and saw that it was Kathleen.
She smiled at me and I saw Jade's expression.
Kahit pa suot ko na ang singsing at namanhikan na kami, she was still wary when Kathleen was around.
Paano ba naman kasi?
Kathleen was wearing a gray tank top, tight black leggings and knee-high black leather boots.
She also wore her hair loose at ng dumaan sa likuran ko para bumalik ng stage, pareho naming naamoy ang sweet caramel scent ng perfume nito.
Sinundan pa ito ni Jade ng tingin habang papalayo.
"Love?"
Tumingin siya sa akin.
I pointed towards the bathroom and reminded her na I have to go.
Tumango siya but before I went in, I kissed her on the lips.
***
Pagbalik namin sa intermission, unti-unting tumahimik ang crowd.
I could taste the anticipation in the air kaya tinugtog namin ang second set.
Just A Girl-No Doubt
The moment that I step outside
So many reasons for me to run and hide
I can't do the little things I hold so dear
'Cause it's all those little things that I fear
***
Pinapili namin si Kathleen ng kanta at ito daw ang soundtrack ng buhay niya.
Sheltered life daw kasi siya and when she stumbled upon the album Tragic Kingdom, kahit pa di niya naman type ang ganoong sound (Ska) dahil she's into pop, she fell in love not just with the album but with Gwen Stefani as well.
At bukod sa karamihan ng fans namin ay girls, alam ko na maraming nakakaidentify sa kanta na ito.
While playing the refrain, I turned towards the side of the stage to look at Kathleen.
With eyes closed, she was head banging to the song, clearly lost in the music and the memories it evoked.
The arena vibrated not just to the sound but also to the stomping of the crowd.
We took advantage of the momentum and played the next song.
Bring Me To Life-Evanescence
How can you see into my eyes like open doors?
Leading you down into my core where I've become so numb
Without a soul my spirit's sleeping somewhere cold
Until you find it there and lead it back home
(Wake me up)
Wake me up inside
(I can't wake up)
Wake me up inside
(Save me)
Call my name and save me from the dark
(Wake me up)
Bid my blood to run
(I can't wake up)
Before I come undone
(Save me)
Save me from the nothing I've become
***
Abby's song.
Kanta niya for Batchi.
Simple lang ang explanation niya.
She was brought to life when she met Batchi.
Corny man daw pakinggan pero ito ang naramdaman niya that day they met at the airport back to Manila.
Also, this was playing on her iPod ng maramdaman niya na nagpapacute si Batchi sa kanya.
Kumaway si Abby and then tiningnan ang girlfriend niya who was looking at her too.
Masaya akong makita na the two of them are going strong.
***
Masigabo ang palakpakan ng mga manonood ng matapos ang kanta.
Tulad ng lagi naming ginagawa sa bawat concert, kailangang balansehin ang high energy with something mellow.
Stolen-Dashboard Confessional
I watch you spin around in your highest heels
You are the best one, of the best ones
We all look like we feel
You have stolen my
You have stolen my
You have stolen my
You have stolen my heart........
***
Kanta ni Jade para sa akin.
Sabi niya, this song summarizes what she feels when we met.
I remember playing this song for her while we were in the music room.
Dayoff niya noon and I was practicing tulad ng lagi kong ginagawa.
Nirequest niya ito and since naging paborito ko din ang kantang ito, tinugtog ko for her.
The whole time I was playing, she didn't take her eyes off of me.
I felt conscious kasi parang starry-eyed siya habang pinanonood ako sa pagtugtog.
Then of course, after the song, she gave me a reward.......there in the music room ;)
***
Since U Been Gone-Kelly Clarkson
And all you'd ever hear me say
Is how I pictured me with you
That's all you'd ever hear me say
But Since U Been Gone
I can breathe for the first time
I'm so moving on
Yeah, yeah
Thanks to you
Now I get
What I want
Since U Been Gone
***
Wila's choice.
Well actually, we made her choose.
She remained a good friend to us lalo na kay Batchi.
When we asked her kung ano ang gusto niyang isama namin sa setlist, ito ang pinili niya.
Ang nakakatawa pa, she looked at me walang kagatol-gatol niyang sinabi na ito ang gusto niyang maisama sa mga kakantahin namin.
Hindi lang daw niya ako pinatatamaan kundi sinasapol niya talaga ako.
Nagtawanan ang mga kabanda ko at nakisali na din ako.
Kahit medyo may sundot ng katotohanan ang sinabi niya, sinakyan ko na lang.
Masaya ako with Jade at mukhang happy din naman si Wila being single.
***
Magkatabi si Wila at Batchi sa stage.
Nilingon ko silang dalawa at Wila gave me a salute.
Clearly, the past is behind us.
Kahit pa ang song choice niya ay patama sa akin.
***
The Scientist-Coldplay
I was just guessing
At numbers and figures
Pulling the puzzles apart
Questions of science
Science and progress
Do not speak as loud as my heart
Tell me you love me
Come back and haunt me
Oh, and I rush to the start
Ginigitara ito ni Papa one time na dinalaw ko siya sa Antipolo.
This was before I went to Bora for the summer festival.
Sa kanya ko yata namana ang galing sa pagkanta at paggigitara.
Nakaupo lang ako at tahimik na nakikinig sa kanya.
I have the memory of this song before I left for Bora.
A few months later, isinugod na siya sa hospital.
I turned to my father and he had a smile on his face.
Tinaas niya ang kamay niya at pinahid ang pumatak na luha.
My father has been my number one fan from the beginning.
Siya ang scientist ng buhay ko.
He taught me so much at kahit pareho naming alam ang possibility sa situation niya, lagi niya akong pinapaalalahan.
"Umasa ka lang, Althea."
Kahit minsan, mahirap paniwalaan lalo na kapag nakikita ko siyang naghihirap, bilang mabuting anak, sinusunod ko ang bilin niya.
"I love you, Pa!" sinabi ko sa microphone habang nagpi-fade ang last note.
Pumalakpak ang crowd as the camera zoomed in on my father.
Napaluha din ako at habang wala sa akin ang spotlight, mabilis ko itong pinunasan.
To be continued..............
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top