I Knew You Were Trouble
A/N:
Oh, oh, trouble, trouble, trouble
Oh, oh, trouble, trouble, trouble
Taylor Swift
I met Wila during one of our live shows sa Manila.
Kilala na ang banda namin and after our performance, lumapit ito sa akin backstage at walang kiyemeng nagpapicture, autograph signing at di pa nakuntento, humalik ito sa pisngi ko sabay sabing "I really, really like you Althea."
Warning na dapat yun sa akin na this girl is trouble with a capital T.
At the time, ready naman ako to treat her as just one of the fans.
Ilang beses ko ng narinig ang mga salitang yun pero not with the same intensity na naramdaman ko when she said it.
At ang mga tingin niya sa akin and the way na dinidikit niya ang katawan niya while taking our picture, may ibig sabihin.
I told Batchi about that first encounter with Wila at natawa lang ito.
"Oh well. Sanay ka na naman sa ganyang klaseng fans at never ka pang nag-take advantage di ba?" We were having breakfast at my condo after the show when I told her about Wila.
Tumango ako kasi yun naman ang totoo.
Isa pa, I don't have time to be involve with someone dahil sa sobrang busy ko.
After ng Debutante Tour, nagri-ready na ako for my next album at ayoko ng distractions.
Siyempre kapag may lovelife, magdedemand ng time at wala akong extra time to spare.
Ang totoo nga, halos napapabayaan ko ng kumain and if it wasn't for my manager or Batchi, gutom ang aabutin ko dahil sa I want the album to be bigger and better than before.
Yun kasi ang aim ko lagi.
To surpass the last one para hindi mabored ang fans at di nila maramdaman na I'm getting complacent or overconfident.
Pero kung relentless ako sa ginagawa ko for the album, si Wila naman ferocious sa paghahabol sa akin.
Ever present ito sa mga shows till dumating sa point na hindi ko na talaga ma-ignore ang presence niya.
Very attractive din naman kasi siya , witty and intelligent.
Bukod sa natural charm, very generous sa lahat.
Hindi talaga pwedeng dedmahin ang presence.
Paano ba naman eh laging may regalo hindi lang sa akin kundi sa crew namin.
Hindi lang yun.
Laging may dalang food and for good measure, kinaibigan ang members ng banda namin.
Pati si Batchi at ang manager ko, hindi nakaligtas sa generosity ni Wila.
Kahit alam naming lahat na merong kapalit ang ginagawa niya, wala namang makapigil sa kanya.
Kinausap na ng manager ko ng ilang beses pero hindi pa din tumigil.
Katwiran niya, wala naman siyang ginagawang masama which is totoo naman.
Yung kasabihan na number one fan, si Wila ang personification nun.
***
"Aren't you going to ask me to sit down?"
Bigla akong natigilan sa pagmomoment ng marinig ko ang tanong ni Wila.
"No," matigas na sagot ko at bumagsak ang mukha nito.
"Wow!" gulat na nasabi nito.
"Grabe ha?"
"Siya ba ang dahilan at nakamove on ka na?" sabay turo kay Jade.
Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Pwede ba Wila?"
"Leave her out of this," sabi ko.
"Or better yet, leave me alone!" Ramdam ko ang init sa mukha ko.
Nakita kong papalapit si Batchi na may kasamang babae at nawala ang ngiti sa mukha nito ng makilala kung sino ang kausap ko.
Dali-dali itong lumapit sa amin.
"Oy Wila kumusta?" bati nito kay Wila at tumayo sa harapan ko.
"Batchi," malamig na sagot sa kanya.
"Heto imbiyerna ako," tumaas na naman ang kilay nito sabay umismid.
"Bakit di tayo pumunta sa bar?" yaya sa kanya ni Batchi.
"Tequila lang ang katapat niyan," hinawakan na nito si Wila sa balikat at kahit parang ayaw umalis eh napilitan itong sumama.
Alam na alam ko kung ano ang ginagawa ni Batchi kaya ng nakalayo na sila, niyaya ko bigla si Jade na umalis.
"Mamaya ka na magtanong," sabi ko sa kanya.
Binilisan namin ang paglakad at halos hilahin ko si Jade palabas.
"Sakay na," sabi ko kay Jade once na nasa parking lot na kami.
Alam kung nagtataka siya pero mamaya na ako magpapaliwanag.
Ang mahalaga eh makaalis kami sa club as fast as we can.
Tahimik lang ako sa pagmamaneho pero alam ko na maraming tanong si Jade sa isip niya.
Pinarada ko ang kotse sa gilid ng kalsada.
"Shit!" bulalas ko sabay hampas sa steering wheel.
"Althea, kalma lang."
Hinawakan niya ako sa balikat at tumingin ako sa kanya.
"Jade, I'm sorry." Hiyang-hiya kong nasabi sa kanya.
"This isn't how I expected our night to turn out,"
Bumuntong hininga ako.
"Sino ba yung babae na yun?" tanong nito.
"Bakit napakaantagonistic sa akin eh hindi ko naman siya kilala?"
Inisip ko kung paano sasabihin sa kanya ang tungkol kay Wila at mukhang nasense niya ang apprehension ko.
"If you are really serious with me, you have to be honest Althea." Pinangunahan na ako ni Jade.
Para akong natigilan sa sinabi ni Jade kasi yun naman ang dapat.
"She's my ex-girlfriend," sagot ko.
"I see,"
"Kaya pala ganun na lang siya katerritorial sa'yo," sabi ni Jade.
Sumalampak ako sa upuan at minasahe ang sentido ko.
"Yun na nga eh,"
"Wala na siyang dahilan para maging territorial dahil we broke up a long time ago," paliwanag ko.
"Pero nakamove on ka na ba from her?"
Natigilan na naman ako ako sa sinabi ni Jade.
May pagkapsychic yata siya kasi galing magbasa ng laman ng isip ko.
Tiningnan ko siya at nakita ko ang confusion sa mukha niya.
"Look Althea, I get it."
"You broke up a long time ago pero there is a big difference between breaking up and moving on," seryoso ang expression sa mukha niya.
"From what I witness tonight, it's clear to me na you're not done with her."
"I don't want to be your rebound, Althea."
Nadurog ang puso ko sa sinabi ni Jade kasi tagos ang mga sinabi niya.
"Jade," inabot ko ang kamay niya pero umiwas siya at umiling sa akin.
"Althea, I'm not going to lie pero I like you too." Sabi nito.
"Pero ayokong maging rebound mo lang,"
"Hindi ka magkakaganyan about Wila kung alam mo sa sarili mo na you have fully healed from your breakup,"
"Sa nakita ko tonight, it's very clear na you still have feelings for her." Malungkot ang mga mata nito.
"It's not true,Jade." Depensa ko.
Umiling siya. Hindi kumbinsido sa sinabi ko.
"Ano bang nakita mo?" tanong ko.
Huminga muna ito ng malalim bago sumagot.
"Anticipation," simpleng sagot nito.
Hindi ako nakakibo.
"Okay lang sana if nashock ka lang pero there was something else in your eyes and that's what gave you away," paliwanag nito.
"Parang you've been waiting for her to come back and when she did, nagkaroon ka ulit ng pag-asa,"
"No, Jade." Pagtanggi ko.
"Hindi yan ang nararamdaman ko,"
"Nagulat lang talaga ako kasi I didn't expect to see her again." Paliwanag ko.
"Matagal na kaming walang communication and I thought that was it,"
Hindi siya kumibo at tahimik lang kami parehong nakaupo sa loob ng sasakyan.
I felt guilty kasi I knew she was upset about what happened.
"You need closure, Althea." Bigla niyang nasabi.
"I don't think having me in your life right now is going to help you,"
Napakunot noo ako sa sinabi niya.
"Are you already breaking up with me?" tanong ko. Hindi ko maitago ang pagkainis.
"We haven't even started Jade and yet, basted na ako agad?" mataas ang tono ng boses ko.
Siya naman ang humawak sa kamay ko pero unlike her, hindi ako umiwas.
"Althea, I want us to start on the right foot." She explained.
"Ayokong mag-umpisa tayo na meron kang baggage sa puso mo."
"Mahihirapan ka lang if there's someone or something that's always holding you back."
"What worse is, lagi kong mararamdaman yun and it will be unfair to you and me kung magiging cause ng conflict natin palagi si Wila."
Tinitigan ko si Jade and I saw na buo na ang isip niya.
I could insist what I want pero she's the only one making sense right now.
Kahit ayokong aminin sa sarili ko, I have to step back and listen sa sinasabi niya.
I realized that unlike the time I agree to a relationship with Wila when I said yes to her na maging kami na nung pareho kaming lasing, this time I am sober.
Maliwanag ang pagi-isip ko at narinig ko lahat ng sinasabi ni Jade sa akin.
Kahit alam ko sa sarili ko na I am taking a risk by agreeing with her, I will do it kasi gusto ko talaga siya and seryoso ako sa kanya.
"Are you going to wait for me?" yun na lang ang nasabi ko sa kanya.
Tumango si Jade.
"Don't take too long though," sabi nito at ako naman ang naconfused.
Napatango na lang ako sa steering wheel.
"Hay!"
"Ang mga babae talaga," nasabi ko sa sarili ko.
"Yan kasi," pang-aasar ni Jade sa akin.
"Babae ang gusto mo kaya heto, problemado ka tuloy."
Tumingin ako sa kanya at nakangiti na ito ulit.
Magkahalong lungkot at tuwa ang naramdaman ko.
"Paano kung mainip ka sa paghihintay?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
Nagkibit balikat lang ito.
"Huwag muna yan ang isipin mo , Althea."
"Ang mahalaga eh you deal with Wila and then we'll take it from there."
Hindi ko alam kung comfort or fear ang mararamdaman ko.
But if there's one thing I'm sure of, hindi ko siya paghihintayin ng matagal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top