Green Eyes

                 

A/N: "You can be the moon and still be jealous of the stars."-Gary Allan

***

Jade!

Agad-agad akong tumayo from the isolation room nang makita ko siya.

Sa expression ng mukha niya, alam ko na there's trouble brewing.

Para kasi itong nakakita ng multo.

Then pagkatapos magulat, napalitan ang itsura nito ng galit......or is it selos?

Imbes na pumasok ito kung saan ako nakaupo, bigla itong lumabas.

Alam kung padabog niyang sinara ang pinto kahit pa hindi ko nadinig ang lakas ng tunog nito.

"Kathleen, teka lang ha?" yun na lang ang nasabi ko sa kanya na mukhang nagulat din sa nangyari.

"Sino yun?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"Girlfriend ko," sagot ko sa kanya at halos madapa ako sa paghabol dito.

Ewan ko ba pero something is telling me that things are not right.

I wonder if may kinalaman dito ang bihira naming pagkikita at pag-uusap since naging abala na ako ulit for the concert.

There was one time na napansin ko na parang iba ang tingin niya sa akin.

As if she was looking at me for the first time.

It was weird pero hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin.

Inisip ko, dala lang siguro ng pagod.

Nang makalabas ako ng sound room, hindi ko siya nakita .

Naisip kong sundan na lang siya sa parking lot dahil sigurado ako na doon ito tutuloy.

Hindi naman ako nagkamali sa naisip ko dahil nakita kong nakasakay na siya sa kotse at mukhang ready ng umarangkada papaalis.

Tumakbo ako sa direksiyon niya at ginawa ko ang alam kung hindi makapagpapaalis kay Jade--humarang ako sa dadaaanan niya.

***

Kinatok ko ang salamin ng driver's side pero hindi niya ako pinagbuksan.

"Please naman, Jade." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Mag-usap tayong dalawa."

Hindi ako nito pinapansin.

Ayaw din niya akong tingnan.

Nakita ko na tumutulo ang luha nito at kahit hindi ko alam kung ano ang nangyari, nakadama ako ng guilt.

Guilt dahil sa ako yata ang dahilan kung bakit siya umiiyak.

Pero wala naman akong ginagawang kasalanan sa kanya.

O baka meron pero hindi ko alam kung ano.

Kahit naguguluhan kung bakit ganito na lang ang reaksiyon niya, hindi pa din ako tumigil sa pagkatok at pagmamakaawa.

Medyo namumula na ang kamao ko pero nagmamatigas si Jade.

Napilitan lang itong ibaba ang salamin ng nakitang papalapit ang guwardiya.

Buti na lang at alerto si Manong kahit pa wala naman talagang dahilan para puntahan niya kami.

"Mam, may problema po ba?" tanong ng guwardiya ng makalapit na siya sa sasakyan.

Nahihiya akong ngumiti.

"Wala naman po," sagot ko sa kanya.

Gusto ko sanang sabihin na lover's quarrel pero pinigil ko ang bibig ko.

Baka imbes na matawa eh magalit ito sa akin.

Tiningnan nito si Jade at bumalik na din sa pwesto niya.

Nang nakaalis na ito, sumandal ako sa sasakyan at tinanong ko si Jade kung anong nangyari pero hindi pa din ito kumikibo.

"Love naman, musikero ako hindi manghuhula." Pabiro kung sinabi pero wala itong reaksiyon.

Dinedeadma pa din ako.

"Medyo malamok dito sa kinatatayuan ko," sinabi ko sa kanya.

"Sige ka, baka magkamalaria ako dahil sa ginagawa mo." Iniba ko ang tactic kahit pa totoong

kinakagat ako ng lamok.

Bumuntong hininga si Jade at narinig ko ang click ng lock.

Lumipat ako sa passenger side at dali-daling binuksan ang pinto.

Nang nasa loob na ako ng sasakyan, tinanong ko ulit siya kung bakit bigla na lang siyang tumakbo papalabas ng music room.

Nakatingin lang ito ng diretso at ayaw akong harapin.

"Masakit ba ang tiyan mo?" biro ko sa kanya pero hindi man lang ito natawa sa joke ko.

"Akala ko nageensayo kayo?" bigla itong nagsalita at tumingin sa akin.

Mataas ang tono ng boses at halatang galit.

"Nageensayo nga," sagot ko.

"Eh bakit kayong dalawa lang nung babae sa music room?" Nanlilisik ang mga

mata nito na parang bampira na anytime eh kakagatin ako.

"At ang posisyon ninyong dalawa ay kaduda-duda." Dire-diretso ang pagsasalita

niya.

"Dikit na dikit siya sa'yo na tipong inaakit ka!"

Kahit hindi ako dapat matawa sa sinasabi ni Jade, hindi ko napigilan ang sarili ko.

Bumunghalit ako ng tawa at lalo naman itong nainis sa akin.

"Nagseselos ka ba Jade?" sabi ko sa kanya habang pinipilit ang sarili ko na magseryoso.

Pero useless ang effort ko dahil sa hindi ko na makontrol ang nararamdaman ko.

Lalo tuloy itong nagalit.

"Kaya ka siguro natatawa dahil totoo ang sinasabi ko ano?" pagpupumilit nito at akmang kukurutin ako sa tagiliran pero hinarang ko ang kamay ko.

"Bakit hindi ka makasagot, Althea?"

"Siguro may relasyon kayong dalawa kaya ganun na lang siya makadikit sa'yo!"

Walang preno ito sa pagsasalita.

"At mukhang enjoy ka naman na ini-invade niya ang personal space mo."

"Aba eh kung makahawak sa'yo, masyado siyang comfortable!"

Nakakunot ang noo nito sa galit.

Akala ko tapos na ang litanya nito pero may karugtong pa pala.

"At ni hindi ka man lang dumistansiya!" Nanlalaki ang mata nito habang nagsasalita.

Napailing na lang ako sa sinabi niya.

Sa totoo lang, ngayon ko lang nakitang ganito si Jade.

Kaya naman ako natatawa kasi naaamuse ako sa behavior niya.

Hindi ko alam kung saan ito humuhugot ng emosyon dahil all these time na magkasama kami, I have shown her my love and faithfulness.

Sa ganda at bait niya, magagawa ko pa bang tumingin sa iba?

Lumapit ako sa kanya at yayakapin ko sana pero pinalis niya ang kamay ko.

Since the only way to avoid me was to get out of the car, nakorner ko pa din siya.

"Love naman, ano bang nakain mo at nagkakaganyan ka?"

Magkalapit ang mukha namin at iritado talaga si Jade.

Iniiwas ang mata niya sa tingin ko.

"Tanungin mo ang sarili mo, Althea." Pilosopong sagot nito.

Lalo akong lumapit hanggang sa nakasiksik na siya sa pinto.

"Jade, wala kaming ginagawa ni Kathleen." Sagot ko sa kanya.

"Kathleen?!" bigla itong napatingin sa akin, nanlalaki ang mga mata niya, tipong luluwa sa galit.

"At first name basis na kayo?" nakataas hanggang tenth floor ang perfectly arched eyebrows nito.

Doon ko nakunpirma na nagseselos nga siya.

Inismiran ako at parang allergic sa akin dahil ayaw magpahawak.

"Kaya naman kaming dalawa lang dahil iniwan kaming dalawa saglit ni Batchi." Paliwanag ko.

"Lumabas ito saglit para tawagan si Abby."

"At kaya  wala na ang mga kabanda ko dahil umuwi na sila."

"Kung nagcheck ka ng phone mo, you will see na ang dami kong message sa'yo na nagsasabing sunduin mo ako if ever maaga kang matatapos dahil balak ko sanang lumabas tayo for dinner."

Medyo lumambot na ang expression ng mukha nito.

"Since hindi ka naman sumagot, nagstay na lang kami para i-check ang arrangements ng mga kanta namin."

Nakita ko na unti-unti siyang nakukumbinsi sa sinabi ko.

Medyo nag-ease up ang shoulders nito at huminga siya ng malalim.

"Totoo ba yang sinasabi mo?" dudang tanong nito.

Ginagap ko ang kamay niya at hinalikan ko.

"May dahilan ba ako para lokohin ka?" sagot ko sa kanya.

"Mahal na mahal kita, Jade." Dugtong ko.

Hinawakan ko siya ng mahigpit at pinisil niya ang kamay ko.

"I wanted to take you out to dinner kasi alam ko na I've been busy and....... I missed you."

"I was happy when I saw you kanina pero nang bigla kang naglaho, alam ko na something was wrong."

Bumalik ako sa passenger side at umupo ng maayos si Jade.

Bumuntong hininga siya bago nagsalita.

"I'm sorry, Althea." Hindi ito makatingin ng diretso sa akin.

Halatang nahihiya sa ginawa niya.

"Nagulat kasi ako when I saw you with that very......attractive woman." Walang bahid ng admiration ng sinabi niya yun.

Sa totoo lang, parang naaasar ang tono nito.

It took a lot from me not to react to what she said.

Kahit pa nga totoo na maganda si Kathleen, mahirap na at baka magalit ulit, ipagtulakan akong lumabas sa sasakyan at ipakagat sa mga lamok.

Nagtanong na naman si Jade.

"Ano nga pala ang ginagawa niya doon?"

"Part ba siya ng banda niyo?"

Tumango ako.

"Well, hindi siya part ng band namin kundi part ng team nina Mr. Jimenez." Paliwanag ko.

Sinabi ko din na sinundo nito si Batchi dahil meron silang party na pupuntahan.

Tahimik na nakikinig si Jade sa sinabi ko.

"So ibig sabihin, kapag may rehearsals, kasama mo siya palagi?" usisa na naman niya.

Nakikita ko na unti-unting sumasara ang opportunity para malusutan ko ang interrogation na ito.

"Eh bakit ganun na lang siya makahawak sa'yo?" bumalik na naman ang selos mode nito.

Siyempre pa, hindi pwedeng patulan lalo pa at easily irritated si siya.

I answered her question as truthfully as I can.

Wala din naman kasing dahilan for her to suspect na something's going on between me and Kathleen.

"Love, ugali na niya yata talaga yun."

"Kahit anong saway namin eh...... handsy talaga siya eh."

Gusto ko nang tapusin ang usapan namin at alam ko na kailangan ni Jade ng assurance.

Nagseselos siya, obvious yun.

Ang selos, walang logic.

Emotional ang dahilan nito at ang kailangan ng girlfriend ko ay maramdaman na secure siya sa akin.

Kinabig ko siya papalapit at niyakap.

Hinalikan ko siya sa noo at sinabing sa kanya ako ng buong-buo.

"Hindi mo ako ipagpapalit?" malambing na salita nito habang nakahilig sa dibdib ko.

"Hindi no?" mabilis na sagot ko.

"Naririnig mo ba ang tibok ng puso ko?" tanong ko sa kanya.

"Oo," sagot niya.

"Pangalan mo lang ang tinitibok niyan,"

Bumitaw ito sa pagkakayakap ko at tinitigan ako ng buong pagmamahal.

"Hindi ka galit sa akin?"

Umiling ako.

Ngumiti na si Jade at bigla na lang akong hinalikan sa labi.

Pagkatapos ay nagtanong kung gusto ko pa ding magdinner.

"Oo naman," mabilis na sagot ko.

"May malapit na lugawan dito." Nakangiting sabi ko sa kanya.

Napakunot ang noo niya at parang nagtatanong kung seryoso ako sa sinabi ko.

"Malinis naman eh,"

"Kumakain kami diyan kaya proven safe," nakatawang sabi ko sa kanya.

Nang pumayag ito, bumaba na ulit kami sa sasakyan.

Habang naglalakad pabalik sa studio, hindi ko mapigilang tuksuhin siya.

"Cute ka palang magselos?" Pinisil ko siya sa ilong.

Napangiti ito sa ginawa ko.

"Crazy in love na talaga ako sa'yo, Althea."

Ako naman ang natigilan sa sinabi nito.

Hindi ko na siya kailangang tanungin kung bakit dahil nagpaliwanag siya kung ano ang ibig niyang sabihin.

"I never realized I could love someone as much as I love you,"

Ang ngiti ko sa sinabi niya: priceless!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top