Glimpses




A/N: "Appearances are a glimpse of the unseen."-Anaxagoras


***

Masarap talaga kasama si Batchi.

Kahit merong problema, nakakaalis ng stress kapag siya ang kasama ko dahil napakacool nito in the face of adversity.

Habang kumakain kami, masaya niyang kinukwento ang meeting niya with a girl nung nasa airport siya sa Caticlan.

"Ang ganda niya grabe!" kumikinang ang mga mata nito.

"Nakuha mo ba ang pangalan tsong?" tanong ko sa kanya.

Hindi ito agad sumagot sa halip ay nilabas ang telepono niya at maya-maya eh may pinakita sa amin.

"Hindi lang pangalan kundi pati number ni Abby," halata ang tuwa sa mukha nito.

"Wow!" hindi ko mapigilang sabihin.

"Ikaw na si Batchi Luna!" tukso ko sa kanya at medyo nagblush ito.

Napansin ko na nakikinig lang sa amin si Jade.

Para ngang naa-amaze siya sa pagiging chick magnet ni Batchi.

"How do you do it?" biglang tanong ni Jade habang nakatingin kay Batchi.

"Ang alin?" tanong ng kaibigan ko.

"Yan," sagot ni Jade sabay turo sa phone ni Batchi.

"I mean how do you approach a girl and tell them you like them?" curious na tanong nito.

Napatingin ako kay Jade wondering why she wanted to know all of a sudden.

Nahalata yata nito sa expression ng mukha ko at bigla nitong hinawakan ang braso ko.

"Selos ka naman agad?" kantiyaw nito sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanya.

"I'm new to this at curious lang ako," paliwanag ni Jade.

"Well," panimula ni Batchi.

"Para sa akin, malakas ang power ng ngiti."

"Hindi naman kailangang magcome up ng mga pick up line na overboard eh,"

"Minsan nga mas maganda pa yung simpleng hi or hello lalo na kapag sincere ka naman na gustong mong makilala ang isang tao."

Matamang nakikinig si Jade kay Batchi na parang ina-absorb ang mga salita nito.

Kinuha ko ang baso na may lamang tubig para uminom ng bumaling sa akin si Jade.

"Eh ikaw Althea? Ano naman ang style mo?" diretsahang tanong nito.

Muntik ko ng maibuga ang iniinom ko at dahil pinigil ko, bigla akong nabulunan.

Natawa silang dalawa sa nangyari.

Napailing na lang ako habang pinupunasan ang labi ko.

"Wrong timing ka magtanong, Jade." Yun lang ang nasabi ko at lalo itong natawa.

"So paano ka nga magapproach ng girls na gusto mo?" pamimilit nito.

Nang hindi ako sumagot, si Batchi na ang nagvolunteer ng information.

"Torpe yan," kumindat ito kay Jade.

Sinimangutan ko siya kasi parang bigla akong nahiya.

"Hindi nga?" gulat na tanong ni Jade habang nanlalaki ang mga mata.

Tumango si Batchi habang tahimik lang ako.

"Kapag may gusto sa babae si Althea, dinadaan sa kanta." Kumuha ito ng garlic bread at pinahiran ng butter sabay sinubo.

Hindi ko maiwasang magcringe kahit sanay na ako kay Batchi.

"Eh di ang dami mong naisulat na kanta for Wila?" Alam ko na ito ang susunod na tanong ni Jade.

Nakangiti ito sa akin at aliw na aliw sa panunukso kaya sinakyan ko na lang.

"Hindi naman," matipid na sagot ko.

Si Batchi naman ang nabulunan sa kinakain niya.

Tinuro nito ang baso kay Jade habang tinatapik ang dibdib niya.

Inabot naman ito ni Jade sa kanya na hindi mapigilang matawa sa eksena.

Pagkatapos uminom, nagpasalamat ito sabay nireveal na yung last album na nirelease ko eh puro about Wila.

Kumunot ang noo ni Jade at parang ito naman ang nagselos.

Hinawakan ko siya sa kamay at ako naman ang nagpaliwanag.

"That album was written during our tumultuous relationship," pinisil ko ang palad niya.

"This was before I found out na she cheated on me,"

May sumilay na naman na ngiti sa labi ni Jade.

"Eh bakit defensive ka?" tanong nito.

Natawa ako sa tanong niya kaya bumawi ako sa pagsasabing napansin ko na nagseselos siya.

Siya naman ang naging defensive.

"Hindi ano?" Lumayo ito ng konti sa akin at kunwari eh nagpahard-to-get.

Si Batchi eh silent witness sa aming dalawa at kain lang ng kain.

Parang naaamused sa conversation na siya ang nagsimula.

Nilapitan ko si Jade para lambingan ito pero feel magpakipot.

"Guys," tinawag kami ni Batchi.

"Mabuti pa siguro eh umuwi na ako dahil it's getting late."pinunasan nito ang labi niya ng tissue at tumayo na sa kanyang kinauupuan.

I checked the time on my phone and nakita na it's almost eleven o'clock na pala.

Hinatid  namin siya sa front door and Jade offered to lend her the BMW pero magtataxi na lang daw siya.

"Magpakabait kayong dalawa ha?" nakangiting sabi nito at natawa ako sa sinabi niya.

"Mabait naman kami," sagot ni Jade.

I sensed na sinasakyan nito ang sinabi ni Batchi.

"If you need anything, alam niyo kung saan ako hahanapin." Lumabas na ito and with a salute, said goodbye to both of us.

We watched as she went to the elevator.

Nung tuluyan na itong nakaalis, Jade and I went back to the kitchen para linisan ang mga pinagkainan.

Tinuloy namin ang conversation about her being jealous of Wila.

Actually, I was the one who asked kung talaga bang nagseselos siya.

Pinagpatong nito ang mga plato at dinala sa lababo bago sumagot.

"Hmmm....I don't know what I feel,"

Tinapon ko ang mga basura and then tiningnan ko siya.

"Akala ko nagselos ka talaga," sabi ko sa kanya.

"Kikiligin na sana ako eh." Nakangiting sabi ko sa kanya.

Jade frowned at me.

"Anong nakakakilig kung nagseselos ako?" tanong nito habang binubuksan ang gripo at sinimulan ng maghugas ng plato.

I leaned on the kitchen counter at pinagmasdan ko ang ginagawa niya.

"Well, di ba sabi nila selos is equivalent to love?" paliwanag ko sa kanya.

Kumunot ang noo nito na parang hindi kumbinsido sa logic ko.

Kinuskos na nito ang plato at napakadelicate ng pagkakahawak dahil ingat na ingat.

Parang takot na takot na mabitawan dahil ang higpit ng kapit.

"Siguro in small doses, okay ang pagseselos." Sabi nito.

"Pero kung irrational na at tipong paranoid na yung partner mo, I don't think pwede mo bang i-equate yun as love,"

Tumango ako at pinag-isipan ang sinabi niya."

Binitawan nito saglit ang yellow sponge at tiningnan ako.

"Wila is a part of your past, Althea." Panimulang sabi nito.

"Meron kayong mga memories together na alam kong mahalaga din sa'yo."

"Pero that's what it is di ba?"

"The past na?"

Tumigil ito saglit sa pagsasalita.

"I am your present in the same manner that you are mine."

"I want to make memories with you as much as I can."

Napangiti ako dahil nakita ko sa mata niya that she's sincere.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa noo.

"Mabuti pa siguro, tapusin ko na itong dishes para makapagpahinga na tayo."

"Marami tayong haharapin bukas at kailangan eh meron tayong lakas."

Binalikan na nito ang mga hugasan.

Bumalik ako sa lamesa para tapusin ang paglilinis.

***

Dahil hindi sanay sa gawaing bahay, it took more than half an hour bago natapos ni Jade ang hugasan.

She apologized ng matapos na siya and I told her it was okay.

"I  never expected you to do that pero thank you," I smiled at her and then umakyat na kami sa kuwarto.

It felt strange having someone else with me in the house.

Kaya ayokong bumili ng sariling bahay kasi most of the time, I am away.

Aside from that, I would feel the loneliness kapag malaki ang bahay at ako lang mag-isa.

Ayokong lalong maramdaman ang lungkot.

Hinawakan ako ni Jade sa kamay as we went to the room.

"Are you sure you're okay with me staying with you Althea?" bakas ang worry sa mukha niya.

"Oo naman," sagot ko as I opened the bedroom.

Lumapit ako sa closet kung saan nakatago ang mga beddings.

"Palitan muna natin ang bed cover at pillowcases," sabi ko sa kanya as I took new blankets and linens.

"Okay," kinuha niya ang apat na unan sa ibabaw ng queen size bed at isa-isang tinanggalan ng punda.

Habang tinutulungan niya ako, tinitigan ko siya.

This is one thing na alam niyang gawin.

Nahalata yata nito na nakatingin ako.

"Hindi ako senorita ano?" nakangiti ito sa akin habang pinapalitan ng red and white checkered pillowcase ang dating brown na ginagamit ko.

"Wala naman akong sinabi ah," katwiran ko .

"Hay naku Althea."

"Kahit hindi ka magsalita, nababasa ko sa mata mo ang mga gusto mong sabihin."

Binitawan nito ang unan at then kinwento na kahit lumaki sila with their yaya, ang kuwarto nila ay responsibility nilang magkakapatid.

"Mama insisted kasi nga naman, private space namin yun di ba?"

Tumalikod ito ulit para tapusin ang ginagawa niya.

Lumapit ako sa kanya at bigla ko siyang niyakap.

Nagulat ito pero yumakap din sa akin.

Nang bumitaw ako, tinanong ako ni Jade if there's something wrong.

Huminga ako ng malalim.

"Hindi lang ako makapaniwala na kasama kita ngayon," sagot ko sa kanya.

Hinawakan ako ni Jade sa kamay sabay bigla akong hinalikan sa labi.

I pulled her closer and we kissed some more.

For a while, nakalimutan namin ang bed cover na naghihintay palitan.

Parang isang panaginip na nandito kaming dalawa sa condo ko at magkasama.

Kahit hingi favourable ang situation na nagdala sa kanya dito, masaya pa din ako dahil nandito siya sa piling ko.

May ngiti ito sa labi ng bumitaw sa akin.

"Nakakaloka ka Althea," pabirong sabi nito.

"What do you mean?" tanong ko sa kanya sabay hinugot ang bed sheet para palitan ng bago.

"Well, hindi ko akalain na one chance meeting can turn into this,"tinuro niya kaming dalawa.

"Are you having regrets?" medyo alangang tanong ko.

Jade shook her head.

"Althea, it may sound crazy pero I will never regret the day I met you,"

Lumukso ang puso ko sa sinabi niya dahil sa sobrang tuwa.

Kahit meron nakaabang na problema sa aming dalawa,alam ko na kaya namin itong harapin.

Nang matapos kami sa aming ginagawa, bumaba kami ulit sa laundry room para ilagay ang mga used beddings.

"Saka ko na lalabhan yan," sabi ko kay Jade habang pinapatong ang mga labada sa ibabaw ng washer.

Nagpaalam siya saglit at sinabing tatawagan niya lang ang mama niya.

Pumunta ito sa kusina para tumawag.

Hindi ko masyado marinig ang usapan nila dahil medyo nakasara ang laundry room

Ayoko din namang makinig dahil alam ko na personal ang pag-uusapan nilang dalawa.

Pero ng lumabas ako ng laundry room, nakita ko na pinunasan nito ang gilid ng mata niya.

Kahit pa nakatalikod ito, alam ko na umiiyak si Jade.

"Basta Ma, huwag kayong mag-alala dahil I'm safe." Paniniguro nito sa nanay niya.

"Mahal ko kayo Ma and I'm really sorry I had to leave."

"Sana po maintindihan ninyo ang desisyon ko."

May naramdaman akong kurot sa puso ko dahil alam kung nasasaktan si Jade na wala siya sa sarili niyang tahanan.

Kahit alam kung masaya siya sa piling ko, alam ko din na hindi nito naranasan ang ganitong problema.

Ang guilt na naramdaman niya ng bigla na lang siyang umalis ng walang paalam kahit pa ang dahilan nito eh protektahan ang sarili niya mula sa galit ng tatay niya.

Ang mga dinadanas niya ngayon ay hindi nangyari kung hindi kami nagkakilala.

Tama nga siya.

Nakakaloka akong mahalin.

Hindi siya ang unang nagsabi nito kundi si Wila.

Nabanggit niya ito nung hindi na kami masyado nagkikita dahil lagi akong busy.

Sinabi din nito na kung hindi siya ang gagawa ng paraan eh tuluyan ng mamamatay ang relasyon naming.

Binalewala ko lang ang mga salita niya dati.

Ngayon, narealize ko dahil sa pinagdadaanan ni Jade.

Nakatayo pa din ako sa pwesto ko ng magpaalam na si Jade sa Mama niya.

Nang humarap nito, medyo namumula ang ilong.

Nakangiti man ito, dama ko ang lungkot.

Inabot ko ang kamay ko sa kanya at lumapit siya sa akin.

Imbes na abutin ang kamay ko, yumakap ito at tahimik na umiyak.

Hinagod ko ang likod niya at hindi ako nagsalita dahil ito ang isa sa mga pagkakataon na I'm at a loss for words.

Mahal ko si Jade.

Habang yakap ko siya at patuloy ito sa paghikbi, I realized na kaya kong isakripisyo ang sarili kong kaligayahan makita lang siyang masaya.

Kung kailangan kong gumawa ng paraan para bumalik siya sa mansion, gagawin ko.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top