For The First Time




A/N: "Kiss me and you will see how important I am."-Sylvia Plath

***

I was lost in the song.

Late ko na napansin na someone else was in the room with me.

I thought it was Batchi kasi most of the time, siya lang naman ang kasama ko sa bahay.

Not unless nasa condo din si Ryan pero he rarely bothers me.

So imagine my surprise nang pagharap ko eh si Jade ang nakita ko.

She was holding on to her headphones so alam ko na Batchi told her where to find me.

Parang atubili itong ngumiti sa akin.

I removed my own headphones at binalik ang gitara sa lalagyan nito.

Hindi umalis si Jade sa kanyang kinatatayuan .

"Althea I'm so sorry," sabi nito.

Bakas sa mukha niya ang worry and kahit gusto kong magalit sa , naibuhos ko na ang frustrations ko sa mga kanta.

Puro ba naman rock music ang napili kong kantahin mula sa dekada '70 hanggang 2000's.

I recorded it all for posterity.

May title na nga akong naisip eh—The Ruined Surprise Playlist.

Hindi ko maiwasang ngumiti at parang naconfused si Jade sa reaksiyon ko.

"I'm trying to apologize here, Althea." Parang naiinis na sabi nito.

"Hey," lumapit ako sa kanya at hinawakan ko siya sa braso.

"I know and I accept it," sabi ko sabay ngiti.

"Ganun lang?" nakakunot-noong tanong nito.

"Hindi ka man lang magagalit kung bakit hindi ako sumipot on time lalo na at naghanda ka ng surprise sa akin?" Nilapag nito ang headphones sa desk.

"I don't think it's worth it na magalit pa ako," sagot ko sa kanya.

"Bakit di ka muna umupo so we can talk?" I offered the chair to and I sat on the desk.

Medyo ngalay na ang kamay ko sa kakagitara so minasahe ko ito habang kausap si Jade.

"I feel so guilty," paliwanag nito at halata ko naman ang remorse sa mukha niya.

"Don't worry about it," mahinahong sabi ko.

"Now tell me the good news," nakangiti kong tanong sa kanya.

Sinabi niya sa akin ang offer ng Bench to do the show.

Masaya ito habang kinukwento ang meeting at ang pagpayag ng Dada niya pero parang nasisense ko na meron pa itong gustong sabihin.

Nang matapos siyang magkuwento, I asked kung meron pa siyang idadagdag sa sinabi niya.

"Hmmm....wala naman." Sagot nito.

Tumaas ang isang kilay ko and I was ready to drop the subject when Jade spoke.

"Well, there is one more thing." Medyo atubiling pahabol niya.

She was tapping her fingers on the desk and it made me wonder how important this detail was.

"My ex-boyfriend will be part of the show too," she revealed.

Kahit I wasn't expecting na she never had a boyfriend, I was still surprise to hear it.

Parang nanlumo ako at lalong naramdaman ang sakit ng braso ko.

"Althea," lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa kamay.

"Ex na nga so you don't have to worry,"

Hindi ko mapigilang tumawa  sa sinabi niya.

"Bakit naman ako magwo-worry eh hindi pa naman tayo?" sagot ko.

Umiling si Jade sabay ngumiti.

"Ako ba ang nililigawan or ako ang nanliligaw?" tanong nito.

"Bakit mo naman nasabi yan?"

"Kasi ikaw ang nagpapakipot!" walang kagatol-gatol na sagot ni Jade.

Tumayo ito sa kinauupuan niya at pinatong ang kamay niya sa balikat ko.

Ngayon ko lang napansin ang suot nitong peach colored ruffled sleeveless dress at beige high heels that highlighted her long legs.

My hands reached up to pull her close and hindi naman nagresist when I hugged her.

Since nakatayo siya, my head was on her chest.

I could hear the beating of her heart.

Jade kissed the top of my head.

"I know you have a surprise for me downstairs so bakit di tayo bumaba para makabawi naman ako sa'yo?" tanong nito.

Jade pulled away and looked me in the eye.

Without saying anything, she moved her head closer and kissed me on the lips.

Para akong nahibang and I couldn't resist.

The kiss was soft at first and then the more I respond, Jade grew more aggressive.

Her lips were soft and as I closed my eyes, I saw fireworks in my mind.

My heart felt like it was going to explode from happiness.

By the time she pulled away, we were both out of breath.

I couldn't help but smile kasi what she did was totally unexpected.

"Ako nga yata ang nililigawan mo," tukso ko sa kanya at tumawa lang ito.

"In fairness parang di mo naman ako pahihirapan sa panliligaw sa'yo," pinisil niya ang baba ko.

"Hmmm.....depende," sagot ko sa kanya at kinurot niya ako sa tagiliran.

"Ganito ba kahirap suyuin ang mga....." di tinapos ni Jade ang sasabihin niya.

Parang may pumigil.

"Ang alin Jade? " tanong ko.

Umiling siya sabay sabing wala.

"Lesbian?" ako na ang tumapos.

"Sorry," yun lang ang nasabi nito.

"Jade, hindi naman kailangang lagyan ng label lalo na kung humihingi ng apology di ba?" marahang tanong ko.

Tumango ito.

"I didn't mean it to come out that way," very apologetic na naman ito at ready naman akong palampasin ang nasabi niya.

Niyakap ko siya ulit para medyo mabawasan ang tensiyon na naramdaman nito.

"Ang mabuti pa, bumaba na lang tayo kasi gutom na ako." Niyaya ko siya.

***

Parang psychic lang si Batchi dahil pagbaba namin ni Jade, nakahanda na ang pagkain.

Lighted na din ang candles at there was soft romantic music playing in the background.

To the max ang ngiti nito ng makita kaming dalawa.

"Ready na po ang inyong pagkain," sabi nito at nagbow pa.

Hindi ko napigilang tumawa at ganun din si Jade.

"Ako eh magpapaalam na para makapagpahinga na din," kinuha na nito ang white and red jersey jacket niya na nakapatong sa upuan.

"Kaya niyo na ito di ba?" kumindat si Batchi.

I excused myself from Jade para ihatid si Batchi sa may pinto.

"Salamat Batchi ha?" niyakap ko siya.

"Sure," sagot nito then nagpaalam na din siya kay Jade.

***

Bihira lang ako magluto.

I guess you could say on special occasions.

This night was one of them.

Although muntik ng maunsiyami ang surprise dahil akala ko hindi darating si Jade, masaya pa din ako kasi dumating siya and she enjoyed the meal I made for her.

She was very generous with her compliments sa recipe ko.

More than that, it was her admiration na marunong akong magluto which made me proud.

"Survival skill daw kasi sabi ni Papa," I told her while we were doing the dishes.

Ayoko sanang patulungin si Jade dahil may pamahiin ang matatanda na hindi pwedeng maghugas ng plato kapag hindi pa natutulog sa bahay pero nag-insist na kahit sa drying na lang daw ng mga pinaghugasan eh makatulong siya.

Tinanggal na nito ang high heels niya dahil sumasakit na ang kanyang paa.

I offered her my slippers kaso hindi kasya so nagyapak na lang ito.

Habang nagpupunas ng mga plato, inoobserbahan ko siya at napapangiti ako kasi hindi ito marunong

sa gawaing bahay.

Expected na yun dahil born with the silver spoon pero ang nakakahanga eh yung willingness niya to

help.

"Dapat ako na ang gumagawa nito Althea kasi kayo na ni Batchi ang nagluto," sabi nito habang

nilalagay sa shelf ang mga plato.

"It's okay, Jade."

"You will have endless opportunities to do this at ikaw na ang magsasawa sa kahuhugas ng plato,"

"Premonition ba yan Althea of our future together?" nakangiti nitong sabi.

Nagkibit balikat lang ako.

Pinunasan ko na ang counter at sinabi ko sa kanya na tatawagan ko lang si Papa.

"Hindi ko pa kasi siya nakakausap since this morning at bukas eh lalabas na siya ng hospital."

Umupo muna si Jade sa sofa para makapagpahinga siya.

Sa dining area ako nagstay at inawagan ko si Papa.

Buti na lang at gising pa ito.

After ko siyang kumustahin, sinabi ko na nasa condo si Jade.

Masaya ang Papa sa sinabi ko at huwag na daw naming patagalin ang usapan dahil nakakahiya naman sa bisita ko.

"Sige po,Pa."
"I'll be there tomorrow at 11 am bago kayo i-discharge," nag-goodnight na ako at tiningnan ko si Jade sa sofa.

Nakahilig ang ulo nito at nakatulog na yata.

Nilapitan ko si Jade at tinapik ng marahan sa balikat pero naghihilik na ito.

"Hindi na kinaya ang pagod," sabi ko sa sarili ko.

Ginising ko pa din siya para sa taas na matulog.

"Naku nakakahiya naman," pinunasan nito ang mata niya.

"Magpapahatid na lang ako sa taxi, Althea."

Hindi ako pumayag dahil halos maghahating-gabi na.

Nag-offer ako na ihatid siya pero ayaw din naman.

Humikab ulit ito at ako na ang nagdesisyon na sa bahay na siya magpahinga.

"Ihahatid kita bukas ng umaga," sabi ko sa kanya.

Wala na itong nagawa since exhausted na talaga.

Umakyat na kami sa kuwarto ko at ako naman ang nagbigay sa kanya ng pajamas, toothbrush at tuwalya.

"Girl scout ka pala," nagawa pa nitong manukso.

"Hay naku Jade."

"Maghilamos ka na para makapagpahinga ka na ng diretso." Sabi ko sa kanya.

***

Mahimbing na natutulog si Jade pero ako eh gising na gising.

Pinakikinggan ko ang kanyang paghinga habang tinititigan ang maganda niyang mukha.

It's been a while since meron akong katabing matulog sa kama.

Obviously, that was when kami pa ni Wila.

Hindi naman siya laging nasa condo kasi she has her own place pero sometimes she spends the night with me.

Aside from her, wala naman akong ibang sinasama sa bahay.

To me, this is my sacred space.

Kaya naman I was devastated with what happened sa amin ni Wila.

I had to change the locks kasi I gave her a set of keys.

Nagalit pa nga ito one time when she came back to get her things kasi hindi na siya makapasok.

Pero ganun talaga ang mangyayari.

I don't want anything to do with her dahil I was so upset so kumilos ako agad.

Having Jade with me tonight made me think of what I would do if the same thing happened to us.

Well, sana hindi siya magloko pero sino nga ba ang makakapagsabi of what will happen in the future.

Managing the present is hard enough ang future pa kaya?

Biglang dumilat si Jade at tinanong kung bakit hindi pa ako natutulog.

"Magpahinga ka na din, Althea." Pabulong na sabi nito.

Sumiksik ito sa higaan ko at yumakap sa akin.

I smelled the floral scent of her shampoo and felt the warmth of her body.

Ang puso ko eh medyo bumilis ang tibok dahil buhay na buhay ang longing na naramdaman ko for her to be in my life.

Jade's presence made me realized how lonely I've been.

Akala ko I was doing fine on my own until she showed up and made me see that I wasn't.

Hindi kayang palitan ng fame or money ang tuwa na dulot ng isang taong nagmamahal sa'yo ng totoo.

For me, si Jade yun.

Siya ang nagbigay buhay at sigla sa mundo ko.

Kahit natatakot ako sa mga mangyayari, mas pinili kong isipin ang mga bagay na

magagawa naming dalawa kapag magkasama kami.

Parang ang liit lang ng mga alinlangan at negative thoughts kasi hindi lang ako ang

humaharap sa kanila kundi kasama ko si Jade.

Sana hindi matapos ang gabing ito. Naisip ko.

Sana dumating ang panahon na gigising ako sa bawat umaga na si Jade ang 

katabi ko.

Kahit takot ako sa dilim, pinatay ko ang ilaw.

Gusto kong maging mahimbing ang tulog niya sa tabi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top