Disowned
A/N:"Life is a series of natural and spontaneous changes. Don't resist them; that only creates sorrow. Let reality be reality. Let things flow naturally forward in whatever way they like."
― Lao Tzu
***
Kasama ni Mr. Tanchingco ang dalawa niyang bodyguard at tinanong ako kung papapasukin ko ba siya or gusto kong sa labas na lang kami ng condo mag-usap.
Dahil hindi pa ako nakakarecover sa shock ng makita ko siyang nakatayo sa labas ng pinto, para akong robot na sumunod sa request nito at pinapasok ko siya sa aking tahanan.
Pinaghintay niya ang mga bodyguards sa labas.
Nang makapasok na ito, pinaupo ko siya sa sofa at umupo ako sa tapat niya.
Seryoso ang mukha nito at hindi na nagpaligoy-ligoy pa.
"Nandito ako Althea para bawiin ang anak ko." Matigas ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig.
Kung noong una ko siyang makita sa Boracay ay na-intimidate ako, this time sinikap kong magpakatatag sa harapan niya.
"Kung ako ang masusunod, hindi na aabot ng linggo na dito pa din siya tumutuloy sa'yo,"
"Pero dahil nakiusap si Amanda na hayaan munang makapag-isip si Jade, sumunod ako para mapagbigyan ko ang kagustuhan ng aking asawa."
Tumingin ito ng diretso sa akin.
"Kilala ko ang anak ko, Miss Guevarra."
"Kung anuman itong kalokohang ginagawa niya sa ngayon eh pagsasawaan din niya."
Pipigilan ko sana ang sarili ko na sumagot pero hindi ko nagustuhan ang sinabi niya lalo na ang mga salitang "kalokohan" at "pagsasawaan".
"Mr. Tanchingco, hindi na ho bata or menor de edad ang anak ninyo," katwiran ko sa kanya.
Lumaki ang butas ng ilong nito at nanliit ang mga mata.
"Kung inaakala mo na may patutunguhan ang relasyon ninyo, nagkakamali ka Miss Guevarra."
"Hindi tomboy ang anak ko at huwag mo siyang idamay sa nakakadiring lifestyle mo!"
Nanginginig ang laman ko sa galit na nararamdaman pero sinabi ko pa din sa sarili ko maghunos-dili.
Base sa mga naririnig ko galing sa bibig ng tatay ni Jade, malinaw na 1) homophobic ito and 2) ignorant.
"Mr. Tanchingco, matalino ang anak ninyo."
"At dahil kilala ninyo si Jade, sigurado ako na alam niyo na hindi siya gagawa ng bagay na hindi niya gusto."
Lalong nanlisik ang mga mata nito sa akin.
"Sa tingin mo ba eh ikaw ang pipiliin ng anak ko?"
"Matalino nga si Jade at alam niya na walang future ang ganitong relasyon."
"Hindi ito magtatagal dahil I assure you Miss Guevarra na this is just a phase."
"Malamang na-infatuate lang ang anak ko sa'yo for reasons I can't explain pero sooner or later, magigising din siya and she will realize what a fool she's been to be with someone like you."
Tumigil ito saglit sa pagsasalita and then tiningnan ako mula ulo hanggang paa na parang sinusukat ang pagkatao ko.
"Marami pa siyang makikilalang tao, mga lalake, who will eventually fulfill her desires and when that happens, masasaktan ka lang."
"Kaya if I were you Miss Guevarra, ikaw na ang lumayo."
"Lalo pa at mukhang meron kang mas importanteng bagay na dapat asikasuhin.....tulad ng career mo at tatay mong maysakit." Madiin ang pagkakasabi niya sa mga salitang ito.
Nagpanting ang tenga ko sa huli niyang sinabi.
Kung anumang self-control ang meron ako ng dumating siya eh biglang naglaho.
"Huwag niyong idamay ang tatay ko dahil wala siyang kinalaman dito," babala ko sa kanya.
Tumaas ang kilay ni Mr. Tanchingco.
"Wala nga ba?" nakita nito ang aking vulnerability at sigurado ako na ready siyang i-exploit ang opportunity.
"Kung pinalaki ka niya ng maayos, eh di sana wala kang ganitong problema di ba?" nakangisi ito sa akin.
"Wala kayong karapatang kuwestiyunin ang aking ama, Mr. Tanchingco."
"Dahil mapagmahal ang ama ko."
"Hindi katulad ninyo na walang iniisip kundi ang pera, pangalan, at reputasyon ng pamilya."
Nanginginig ang kalamnan ko habang nagsasalita.
Nakita ko na sapul siya sa sinabi ko at bago pa ito bumawi ay inunahan ko na.
"Ang mabuti pa ay umalis na kayo at baka may magawa ako na hindi ko pagsisisihan kahit makulong pa ako....or mapatay ninyo,"
Natawa lang ito sa sinabi ko at lalo naman akong tumindi ang silakbo ng dugo ko sa reaksiyon niya.
"Matapang ka, Miss Guevarra."
"Kung hindi sana ganito ang sitwasyon nating dalawa, hindi ako magdadalawang isip na i-hire kita bilang isa sa mga bodyguard ko."
Tumayo na ito at tinungo ang pinto.
Nauna na ako at dali-daling binuksan ang pintuan.
Pero parang isang malaking conspiracy ang nangyayari dahil nasa labas si Jade at kausap ang dalawang bodyguard.
"Althea," lumapit ito sa akin at nang makita ang kanyang ama ay kumunot ang noo sa gulat.
"Anong ginagawa niyo dito Dada?" tanong sa kanyang ama.
Bumuntong hininga si Mr. Tanchingco bago sumagot.
"Mabuti at nandito ka na Jade."
"Iuuwi na kita at ibabalik sa lugar kung saan ka nababagay." Nangungutyang tumingin sa akin ang kanyang ama.
Kumapit sa kamay ko si Jade at sinabi sa kanyang ama na hindi siya sasama.
"Naloloka ka na ba?" hindi makapaniwala si Mr. Tanchingco sa sagot ni Jade.
"Ano bang nakita mo sa....sa babaeng ito?" tinuro niya ako.
"Jade, hindi ka tomboy at hindi mo alam kung anong klaseng buhay ang haharapin mo kung ipagpapatuloy mo ang kalokohang ito !"
"Pagtatawanan ka ng mga tao, pandidirihan......." Magsasalita pa sana ito pero pinigil siya ni Jade.
"Dada, tama na!" sigaw nito.
"Mahal ko si Althea."
Napatingin ako sa kanya at hindi makapaniwala sa tahasang pag-amin nito sa kanyang ama.
"Kung pagtawanan ako or pandirihan, hindi ko kasalanan na makitid ang isip ng maraming tao."
"Wala ho kaming sakit physically or mentally." Diin nito.
"Ang nagawa lang namin ay mahalin ang isa't-isa at kung mali yun sa mata ng ibang tao, sa mata ninyo, kayo ang may problema hindi kami."
Natigilan si Mr. Tanchingco sa sinabi ng anak niya.
Nakita ko na parang hindi nito kilala ang kanyang anak.
Parang ibang tao ang kausap niya at tiim-bagang itong lumabas ng condo.
Nakatingin lang ang mga bodyguard niya habang nangyayari ang confrontation ng mag-ama.
Akala ko ay tuluyan itong aalis na walang comment sa sinabi ni Jade pero bigla itong humarap sa aming dalawa.
"Huwag ka ng mag-abala pa na bumalik sa pamamahay natin."
"It's clear to me that you made a choice, Jade."
"I'm hoping na kaya mong panindigan 'yan....... hanggang sa hukay."
Hindi disappointment ang nakita ko sa mata ni Mr. Tanchingco kundi hatred.
Kahit masakit ang mga binitawan niyang salita sa akin, umasa ako na pagdating kay Jade, magiging maluwag ito at susubukang pakinggan ang anak niya pero nagkamali ako.
Tumalikod na ito at tinungo ang elevator.
Nakatulala kami ni Jade na nakatingin sa kanila.
Pagkatapos, niyaya ko si Jade na pumasok na kami sa loob.
Pagkasara ko ng pinto, saka pa lang pinakawalan ni Jade ang luha na kanina pa nagbabanta.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top