Confessions
Hindi pumayag ang mama ni Jade na umalis ako ng hindi kumakain.
Nagulat ang daddy niya ng makita akong bumaba from the fourth floor pero wala itong sinabi.
Nabasa ko lang sa expression nito na he didn't know I spent the night sa bahay nila.
Since hindi natuyo ang damit ko, pinahiram ako ni Jade ng sweatpants, t-shirt at flip-flops dahil pati boots ko, basa din.
Mukhang kilala ng tatay ni Jade ang articles of clothing ko dahil medyo tumaas ang kilay nito.
Nasa dining table na silang lahat ng bumaba kami ni Jade.
Kahit awkward ako, wala naman akong choice kundi magbreakfast kasama silang lahat.
Hindi nga lang ako masyadong makakain dahil bukod sa tingin ng tatay ni Jade, feeling ko pinaga-aralan din ako ni Paul.
Para akong specimen na nasa Petri dish and I felt so umcomfortable.
Obviously, hindi mawawala ang tanungan portion at si Mr. Tanchingco eh inalam mula sa pangalan ng parents ko, trabaho nila, trabaho ko etc....etc.
Feeling ko parang akong naga-apply for a job.
By the time natapos kong kainin ang hinandang fried rice, danggit, egg at bacon, parang gusto kong tumakbo sa labas at paharurutin ang kotse.
Pero iniwasan kong ipahalata ang nerbiyos ko and I tried my best to be congenial as possible.
Inisip ko na lang na para itong interview for an important magazine like Rolling Stone.
"Oscar, tama na nga yang kakatanong mo kay Althea," saway ng mama ni Jade sa asawa niya habang nagbubuhos ng mainit na tsaa sa tasa niya.
"Hayaan mo munang makakain dahil siguradong gutom ang dalawang iyan mula sa gimik nila,"
"Wala naman sigurong masama kung kilalanin ko ang mga nagiging kaibigan ni Jade di ba?" rason ni Mr. Tanchingco.
"Wala nga Dada," sang-ayon ni Jade.
"Kaso, parang hindi naman kayo nagtatanong dahil parang nasa courtroom ang manner ninyo of asking," ngumiti ito sa tatay niya.
"Bakit?"
"Meron bang dapag ika-guilty si Althea?" tumingin na naman sa akin si Mr. Tanchingco at muntik na akong mabulunan.
Kinuha ko ang tubig sa harapan ko sabay uminom.
"Dada, tingnan niyo at nabilaukan na si Althea." Pansin ni Paul.
"Hindi tuloy makaconcentrate sa pagkain dahil parang may arraignment dito sa dining table,"
Natawa sila sa sinabi ni Paul at kahit papano eh nabawasan ang tensiyon.
Kahit sanay akong maging center of attention, this is one time I wish na wala sa akin ang pansin.
Pakiramdam ko eh para akong bibitayin sa mga sinasabi ng tatay ni Jade.
Paano na kapag nalaman niya na may gusto ako sa anak niya at gusto kong manligaw dito?
For sure, hindi ito papayag.
Ngayon pa nga lang eh grabe na kung kilatisin ako.
Sigurado akong ilalayo nito si Jade sa akin kapag nalaman niya na hindi lang pakikipagkaibigan ang gusto ko sa anak niya.
Sa awa naman ng Diyos eh tumahimik din si Mr. Tanchingco at tinapos na ang almusal niya.
Nauna na din itong magpaalam dahil may kakausaping business partner.
He excused himself from the dining table pero bago umalis eh may paalala pa sa akin.
"You're welcome dito sa bahay Althea lalo na kung maayos ang pakikitungo mo sa anak ko."
Pagkasabi nito, pumunta na ito sa kanyang study.
Nang makaalis na ito, hindi ko mapigilang bumuntong hininga.
Natawa sa akin sina Gab at Paul.
Sinaway sila ng mama nila at sinabing it's impolite to make fun of their guests.
"Kasi naman Mama," sagot ni Paul. "Tingnan mo kung gaano kaputla si Althea,"
Nilingon nila ako.
"Oo nga," sang-ayon ng mama nila.
"Naku Althea, pagpasensiyahan mo na si Tito Oscar mo."
"Overprotective talaga yun lalo na pagdating kay Jade." Kita sa mukha nito ang sincerity.
Sinabi ko na naiintindihan ko naman kung bakit.
Tumingin ako kay Jade at kaming dalawa lang ang nakakaalam ng tunay na dahilan kung bakit abot-abot ang nerbiyos ko.
Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na ako sa kanila.
"Saan na ang lakad mo niyan?" tanong ng mama ni Jade sa akin.
"Babalik po ako sa hotel then pahinga po muna bago bumalik sa Maynila."
Nagpaalam na ako at sinamahan ako ni Jade sa labas.
Medyo basa pa ang kotse mula sa pag-ulan kagabi.
"Paano Althea," sabi ni Jade sa akin. "Text na lang muna tayo?"
Tango lang ang isinagot ko.
Pumunta na ako sa driver's door at bubuksan ko na sana ang pinto pero hinawakan ni Jade ang kamay ko.
"Baka makita ka ng Dada mo," paalala ko sa kanya pero hindi naman ito napigil.
"I miss you already," sabi nito.
"Kayo talagang mga babae, very confusing." Napailing ako.
"Expert ka sa mixed signals Jade," tukso ko sa kanya.
Pinalo ako nito sa braso.
"Aray naman, nakakasakit ka na ha?" kunyaring nasaktan ako.
Kinagat naman ni Jade ang drama ko at nagsorry ito sabay hinawakan ang braso na pinalo niya.
"Sorry naman, Althea."
Natawa lang ako sa kanya.
"Kung seryoso ka sa pagsosorry mo, kiss mo 'ko," hirit ko kay Jade thinking na hindi naman niya seseryosohin ang sinabi ko.
Akala ko tatanggi siya pero nagulat na lang ako ng biglang naglean and
then hinalikan ako sa pisngi.
Hindi ako nakakibo dahil natigilan ako.
"Akala mo ha?" sabi nito.
Nakangiti ang mga mata sa ginawa niya.
Ako naman eh hindi maawat ang tuwa.
Hinawakan ko ang side na hinalikan niya.
"Masarap ka pala biruin dahil tinototoo mo?" sabi ko sa kanya.
Ngumiti lang ito sa akin.
Binuksan ko na ang pinto at nagpaalam na.
"I'll text you when I get to the hotel," sabi ko sa kanya.
"Promise?" tanong ni Jade habang papasok ako sa kotse.
"Promise," Inangat ko ang pinkie finger ko at ganun din ang ginawa niya.
***
Pagkaalis ni Althea, pumasok na ako ulit sa bahay at nakasalubong ko si Paul on the way sa sala.
Nakangiti ito sa akin at hindi ko maiwasang magtanong kung bakit.
Imbes na sumagot,niyaya ako nitong maglakad sa tabing dagat.
Minsan lang kami magbonding ni Paul dahil kung hindi ito nasa kuwarto niya at nagba-blog, late na
ito umuuwi from going out.
So hindi ko pinalampas ang opportunity to bond with him.
Kahit maaga pa lang, ramdam ko na ang init ng araw.
"Hindi tayo nakapagsunscreen," paalala ko kay Paul at natawa ito sa sinabi ko.
"Hayaan mo shobe, hindi naman tayo magtatagal sa arawan."
Malapit lang naman ang dagat sa bahay namin so hindi nagtagal eh narating na din namin ito.
"Shobe?" marahang tawag sa akin ni Paul.
Sa tono ng boses nito, alam ko na meron itong seryosong itatanong.
"Ano yun, Paul?"
"Nakita kita kaninang madaling araw ng lumabas ka sa guest room," diretsahang sabi nito sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya dahil kahit wala naman kaming ginawa ni Althea,
feeling ko caught in the act ako.
Kumakabog ang dibdib ko habang naghahanap ng sasabihin pero ngumiti sa akin si Paul.
"Eto naman guilty agad,"
"Kuya naman eh," lambing ko sa kanya.
"Alam mo shobe, kahit di mo sabihin sa akin, may naaamoy ako." Paliwanag nito.
Nakikita ko na nage-enjoy siya sa pangto-torture sa akin.
"Anong naaamoy mo?" balik tanong ko sa kanya. "At paano mo naman naamoy?"
"Gaydar," walang kagatol-gatol na sagot nito.
"Gaydar?" ulit ko. Kahit narinig ko na yun before I was surprised to hear it from him.
"Oo," sagot nito. "You heard me,"
Tinitigan ko si Paul trying to look for a clue kung nang-aasar ba siya or seryoso.
"I heard of Althea not only because she's a famous and talented artist but also because of the rumours
that she's a lesbian" paliwanag nito.
"And you knew about this because........?" hindi ko tinapos ang sasabihin ko.
"It's a small community." Diretsang sagot niya. "Word gets around.....fast!"
Nagkatinginan kami for a few seconds.
"Are you coming out to me Paul?" tanong ko sa kanya.
"Call it what you will," yun lang ang sagot nito.
Nag-isip ako kung paano sasabihin sa kanya na may mga napapansin ako about him without
upsetting his feelings.
"Jade, this is not easy for me to do so sa'yo ko unang aaminin."
"Yes, I'm gay."
Nakita ko sa mukha ni Paul ang combination of fear and happiness.
Kahit halatang kabado siya sa ginawa niya, nandun pa din ang relief na hindi maitago ng ngiti at
kinang sa mata niya.
Lumapit ako sa kinatatayuan niya and gave him a hug.
Nagulat ito pero maya-maya eh yumakap na din sa akin.
"Finally!" I told him when I let go. Medyo teary-eyed ako sa nangyari.
"Bakit naiiyak ka?" tanong ni Paul.
Pinunasan ko ang luha ko bago nagsalita.
"Masaya lang ako for you," sagot ko.
"Pero curious lang ako,"
"Bakit ngayon?" tanong ko sa kanya.
Lumakad na kami ulit.
Medyo dumadami na ang tao sa beach at nagiging maingay na ang paligid.
"Let's just say na nung nakita ko si Althea kahapon, kinabahan ako." Sagot ni Paul sa tanong ko.
"What do you mean kinabahan ka?"
Lumingon sa akin si Paul bago sumagot.
"Are you experimenting with her?" diretsong sagot nito.
"Me?" medyo naguguluhan ako sa conversation naming dalawa.
"Yes, you Jade."
"Alam kong sigurado si Althea sa sexuality niya."
"Never man itong umamin about her preference kahit ang daming proof na she likes girls, malinaw na lesbian ito." He explained.
"Pero ikaw shobe, you've always been into boys."
"Well, at least one."
From afar, natanaw ko ang lighthouse meaning malayo-layo na ang nilakad namin.
Tumigil ako and contemplated on what he told me.
"I can't explain it," sabi ko kay Paul na nakatingin ng malayo.
"The first time I met her, hindi na ako makaiwas sa charm nito." I admitted at tumango lang ito.
"Is that why you've been going out lately?"
"Yes," sagot ko.
"Gusto ko siya laging makasama."
"When I'm with her, hindi ko namamalayan ang oras."
"Parang walang katapusan ang tuwa ko at gusto kong malaman ang detalye ng buhay niya."
"I find reasons not to go home so I can spend more time with Althea."
Ngumiti sa akin si Paul.
"In-love na ba ang kapatid ko kay Althea Guevarra?" tukso nito at di ko mapigilang mag-blush.
"Well, I can't blame you sis."
"She's beautiful and very attractive. Coming from me, that means a lot."
Tumawa ito.
"If I was a girl, I would fall for her too,"
Natawa ako sa sinabi ni Paul at medyo nabawasan ang emotion na nararamdaman ko.
Tumitindi na ang init kaya he suggested na bumalik na kami sa bahay.
"Jade, salamat ha?" sinabi sa akin ni Paul habang tinatahak namin ang daan pauwi.
"Ako nga ang dapat magpasalamat sa'yo," sabi ko.
Yun naman kasi ang totoo.
I didn't mean to steal his thunder pero I feel na the reason why he came out was so I can tell him about my feelings too.
I realized that what he did has something more to do with me than with him.
It was more about me sharing my complicated feelings for a girl named Althea.
Paul just found a way to come out of the closet through her.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top