Comeback Kids
A/N: Perseverance, secret of all triumphs.-Victor Hugo
***
I will never forget the text I received from Althea after her meeting with Mr. Jimenez.
Katatapos lang ng dress rehearsal namin at nawala ang pagod ko ng mabasa ko ito.
"Comeback concert :) ,"
Kahit alam ko na it's a done deal, nagulat pa din ako.
I called Althea and she answered on the first ring.
"Congratulations love," yun agad ang bungad ko sa kanya.
She sounded so excited habang kinikwento ang nangyari sa meeting nila.
Aside from that, alam ko na she's raring to go back on stage.
Performing is in her blood.
Before the offer from Mr. Jimenez, wala itong tigil sa pagpapractice sa bahay.
Everyday, she sets aside an hour para tumugtog.
"Ayokong kalawangin ako," sabi niya sa akin.
Kahit it sounds ridiculous, I understood why she had to do it.
Althea loves her craft.
She lives and breathes music.
"Pero siyempre, ikaw na ang number one sa buhay ko ngayon." Paglalambing niya while we were in the music room.
Katatapos niya lang tugtugin ang Landslide, Dixie Chicks version.
Kahit ilang months na kami into our relationship, kinikilig pa din ako sa mga diskarte niya.
Kapag tumutugtog siya, lagi niyang sinasabi na hinaharana niya ako.
"Ikaw kasi ang laman ng isip ko kapag kumakanta ako," kumikinang ang mga mata nito.
Ako naman, parang teenager na nagbablush.
Paano ba naman?
Nakakainlove kasi ang boses niya.
Kung hindi ko alam kung ano ang kanyang itsura at boses niya lang ang magiging gabay ko, I would still think of her as this beautiful person.
Yun tipong makalaglag underwear kumbaga.
It sounds so baduy pero yun agad ang pumasok sa isip ko.
"We should celebrate," I suggested.
In a few weeks, ila-launch na ang fashion show.
Alam ko na after niya pirmahan ang kontrata for the concert, she will go on rehearsals.
For sure, we will both be busy.
"Why don't we go somewhere this weekend?"
"A quick trip to Bora?" bigla kong naisip at pumayag naman siya agad sa suggestion ko.
"Back where we started, Jade?" sentimental na tanong nito.
Napangiti ako.
***
On my way sa condo, I booked a flight to Bora pati na ang reservations sa hotel.
Dahil sa estranged na ako from my father, hindi na kami pwedeng tumuloy sa vacation house namin.
After confirming the trip, tinawagan ko agad si Paul to tell him the news.
Nasa Boracay kasi siya.
Since it's been a while since nakita ko ang mga kapatid ko, gusto ko din mag-get together kami kahit dalawa lang kami.
Tuwang-tuwa siya sa balita and he even offered na siya na ang sasagot sa hotel pero tumanggi ako.
"Pero kung kakain kayo, dito na kayo sa carinderia pumunta." Offer niya sa akin.
"Ito naman ang unang meeting place niyo eh," masaya ang tono niya.
"Oo ba," pagsang-ayon ko.
"Basta ikaw ang magluluto eh,"
Pumayag naman agad si Paul.
***
Pagdating ko sa condo, sinalubong ako ng amoy ng vanilla scented candles and a smiling Althea.
Hindi matatawaran ang tuwa na nakita ko sa mukha niya.
I hugged her and said congratulations.
She thanked me and I could see the stars in her eyes.
It's been a while since I saw her truly happy.
Napansin ko na nakaset ang table.
May tall white lighted candle as centerpiece, a bottle of red wine at nakalabas ang best China at silverwares.
"Love, thank you for this." Sinabi ko sa kanya as she pulled my chair para mauna na akong umupo.
Like a true gentlewoman, ako pa talaga ang pinagsilbihan.
Habang hinihintay ko siya na ilabas ang food from the microwave, I told her of the trip to Bora.
"Seryoso ka pala talaga?" gulat pero nakangiti ito.
Inabot ko ang plate ng bow tie pasta salad at ako naman ang nagserve sa kanya.
Bumalik ito sa kitchen para kunin ang roasted chicken na nireheat din niya.
Umupo na siya and I gave her the itinerary sa biyahe namin.
"So we're going this Friday na?" Binigyan niya sa akin ang chicken leg.
Alam niya na this is my favorite part.
Tumango ako.
Bago kami kumain, she poured the red wine pero instead of giving the toast, she asked me to do it.
"To life and our future together," Naalala ko ang very first toast namin when we were at Shangri-La.
Napangiti si Althea.
"Cheers!" I said to her.
***
When Friday came, hindi na ako mapakali.
Kapag medyo nadedelay ang rehearsal, nagiging impatient ako pero nagtitimpi na lang para hindi ako mainis.
Matagal na din kaming hindi nakakapagbakasyon ni Althea.
I realized na it would be good for us to go on a trip.
After ng mga pangyayari sa buhay namin, with her father's treatment, the scandal with her career and our being together, pati na ang drama ko with Dada, it's time na magrelax naman kami.
Sigurado ako na once tuloy-tuloy na ang preparation for her concert and siyempre pa, ang nalalapit na fashion show, baka matagalan bago kami makapagpahinga.
By five o' clock, I was ready to fly out of the room.
Tumawag na si Althea to tell me na nasa parking lot na sila.
Ihahatid kami ni Batchi at Abby sa airport.
I said goodbye sa mga kasama ko at nagmamadaling tinungo ang parking lot.
Althea rolled down the window when she saw me.
I said hi to Batchi and Abby and kissed Althea on the lips.
"Tayo din mahal," panunukso ni Batchi at natawa ako sa sinabi niya.
Nang makasakay na ako, tinungo na namin ang airport.
***
Dahil hindi naman summer season, hindi masyadong crowded sa NAIA Terminal 3.
Isang bagay na pinagpapasalamat ko dahil pagod ako from the rehearsal.
Haluan pa ng excitement na nararamdaman ko at feeling ko eh I would crashed anytime.
"Love, are you okay?" tanong ni Althea sa akin pagkatapos macheck ang documents namin.
Tumango lang ako pero since kilala niya ako, she asked if gusto ko ng coffee.
"Umupo na lang tayo sa waiting area, love." Sagot ko at pumayag naman siya.
Hindi din naman kami masyadong naghintay ng matagal bago magboard.
Traffic kasi on the way to the airport.
Once nakaupo na kami sa plane, medyo nabawasan na ang tension ko.
Althea switched seats with me so tapat ako ng window.
"I know you like looking at the clouds," she said to me while fastening her seatbelt.
Hinalikan ko siya sa cheek.
Thoughtful talaga ang girlfriend ko.
Isang bagay na pinagpapasalamat ko.
***
Isang oras lang naman ang flight from Manila to Caticlan and I was planning to stay awake for the whole trip.
But the moment na sumandal ako sa upuan, ramdam ko agad ang exhaustion.
"Why don't you sleep, Jade?"
Tiningnan ko si Althea at tatanggi pa sana ako dahil I would like to talk to her pero alam ko na it's better na magpahinga ako.
I closed my eyes and a few minutes later, nakatulog na ako.
***
"Jade?" Narinig ko ang boses ni Althea.
I slowly opened my eyes and saw her looking at me.
"Nandito na tayo," sabi niya.
Tiningnan ko ang ibang pasahero at most of them were getting ready to land.
May mga nagi-stretch or nag-aayos.
Meron din galing sa bathroom.
May mga pasahero din na tahimik lang na nakaupo.
Imbes na magready, sumiksik ako sa balikat niya at yumakap sa bewang.
"Gusto ko pang matulog," paglalambing ko.
Hinalikan niya ako sa noo.
Isang bagay na hindi nakaligtas sa tingin ng isang babae na dumaan pabalik sa upuan nito.
Nagulat ito sa ginawa ni Althea at kumunot ang noo.
Tinaasan ko ng kilay ang babae at tahimik itong umalis.
"Mamaya mo na lang ituloy sa hotel ang pagtulog mo lablab,"
Dumiretso ako ng upo at binuksan ang purse ko para kunin ang black scrunchie.
Tinali ko ang buhok ko habang si Althea eh ay naglalagay ng lipstick.
"Maganda ka na," tukso ko sa kanya.
Dumila ito at nagtawanan kaming dalawa.
***
Paglabas ng airport, may naghihintay sa amin na black Mercedes.
Bumukas ang pinto at lumabas si Paul.
Ngumiti ito at pagkatapos ako i-hug ay naghello siya kay Althea.
"Salamat sa pagsundo mo, Paul." Sinabi ko sa kanya nang nasa loob na kami ng sasakyan.
Tinabihan ko siya sa passenger seat para naman hindi siya magmukhang chauffeur.
"Not a problem, shobe."
Nilingon ko si Althea sa backseat.
"Love, okay ka lang diyan?" tanong ko.
"Oo naman," sagot niya.
Nakatingin si Paul sa rearview mirror at nakangiti ito.
"Bakit ganyan itsura mo?" tanong ko sa kanya.
"Ang cute niyo kasing tingnan," sagot niya.
"Naiinggit ako," dugtong pa nito.
***
Habang nasa biyahe, ina-update ako ni Paul sa mga nangyayari sa family namin.
Nalaman ko na okay na si Dada at back to work na ito ulit.
"After ng usapan niyo sa hospital, tahimik lang si Dada."
"Parang laging may iniisip." Kwento ni Paul habang nagmamaneho.
"Si Mama naman, nagtatampo pa din sa kanya."
"Hindi nga sila masyadong nagkikibuan pero kahit ganun, todo asikaso pa din si Mama kay Dada."
Nilingon ko ulit si Althea pero nakatingin ito sa bintana.
Binalik ko ang atensiyon ko kay Paul.
"Si Kuya Gab?" tanong ko sa kanya.
"Hayun, laging nakatambay kina Pearl."
"Kaya naman naisipan ko na bumalik na lang muna sa Boracay." Pag-amin niya.
"At least dito, malilibang ako at maaasikaso ko ang negosyo ko."
Tumingin siya ulit sa rearview mirror at tinawag si Althea.
"Bakit Paul?" nagtatakang tanong ng girlfriend ko.
"Pasensiya ka na sa drama ng buhay namin," sagot ng kapatid ko.
"Okay lang yun," tugon ni Althea.
"Sorry din kasi nangyari ang lahat ng ito," dugtong niya.
"Wala ka namang kasalanan," paliwanag ni Paul.
"Pusong bato lang talaga ang tatay namin,"
Tumango lang si Althea.
***
After an hour, narating din namin ang hotel.
Niyaya ko si Paul na sumaglit pero tumanggi ito.
"Meron pa kasi akong imi-meet," sagot niya.
Napansin ko ang kakaibang ngiti nito at di ko napigilan na tanungin siya.
"You have a date?" tukso ko at nagblush ang kapatid ko.
"Huwag kang makulit shobe,"
"Baka maudlot," tumawa ito.
Nagpaalam na siya pero bago umalis, humalik ito sa pisngi ko ganun din kay Althea.
"Salamat sa pag-aalaga mo sa kapatid ko," sabi nito.
"She looks happy,"
Namula si Althea.
Nakita ko ang pride sa mata niya dahil sa sinabi ng kapatid ko.
***
The king-size bed in the room was very inviting pero I felt better after my nap sa plane.
"Gutom ko na ba lablab?" tanong ni Althea after niya itabi ang dala naming dalawang suitcases.
Natatingin ako sa beachfront view ng hotel at parang gusto kong tumalon sa dagat para maligo.
Lumapit ako sa kanya at yumakap.
"Hmmmm......."I inhaled the sweet smell of her perfume.
Hinawakan ni Althea ang kamay ko at hinalikan ako mula sa daliri hanggang sa braso.
Tumawa ako sa ginawa niya dahil sa kiliti.
"Love, gusto ko ang ginagawa mo pero I have dinner reservations for us." Bumitaw ako sa kanya at umupo sa gilid ng kama.
Lumapit sa akin si Althea at mapanukso ang tingin nito.
Napangiti ako dahil alam ko na naglalambing siya.
Maaga pa naman kaya hinayaan ko lang siya sa gusto niyang gawin.
Tumapat siya sa pagkakaupo ko at yumuko hanggang sa magkalapit ang mata namin.
Walang nagsalita sa aming dalawa pero pareho naming nababasa ang iniisip ng isa't-isa.
Hinalikan niya ako sa noo at dahan-dahang bumaba ang labi nito sa ilong ko.
Hindi ko maiwasang masilip ang cleavage niya at ng mapansin nito kung saan ako nakatingin, natawa siya.
"Naughty ka Jade ha?" panunukso nito.
"Ako ba ang naughty eh ikaw nga itong may binabalak eh," sagot ko sa kanya.
Hinalikan niya ako sa tenga pati na sa leeg.
I couldn't deny na gusto ko ang ginagawa niya.
I felt goose bumps in my skin dahil bukod sa halik, hinimas din niya ang braso ko.
"Althea........" pabulong na sinabi ko.
"Yes, Jade?" hindi siya tumingin sa akin.
Sa halip ay hinalikan niya ako sa dibdib.
Napapikit na lang ako dahil sa excitement na nararamdaman.
Tumingin sa akin si Althea and I saw her desire for me.
Hindi na ako nagpakipot pa.
I pulled her head close and kissed her lips.
Di na din siya nagresist.
She returned my kisses and we moved to the middle of the bed.
There was an urgency in our actions na para bang we were racing against time as she took off my shirt.
I did the same thing to her.
Kahit ilang beses ko ng nakita ang katawan niya in all its glory, everytime we make love, it's like a new experience all the time.
Aside from her sexiness, it's her confidence that makes me fall in love over and over again.
Let me also add na she's very generous.....not just with her time and affections but also in bed.
Second nature na yata ni Althea to put myself first.
Kaya naman sa bawat araw na magkasama kami, kahit ano pang problema ang dumating, lalo ko siyang minamahal.
"Jade?" Naputol ang pagmumuni-muni ko.
Althea was on top of me.
To her surprise, I quickly sat up and pinned her on the bed.
Ngumiti lang siya sa akin as I held her down with both hands.
"Kinky!" comment nito at natawa ako.
Bago pa siya makapagsalita, I covered her mouth with mine.
***
Kung noong una kaming pumunta sa restaurant to have dinner ay nasa getting to know each other stage pa lang kami at very awkward with each other, this time, pumasok kami na magkahawak kamay.
Kung napansin ito ng host when we came in, very discreet naman ito at walang sinabi.
He walked ahead of us and I noticed a few people looking as we made our way to our table.
Pinisil ni Althea ang kamay ko and I returned the gesture.
Malaki na ang pinagbago naming dalawa.
We are more mature and secure with each other and our relationship.
Ganun yata talaga kapag marami nang pinagdaanan.
The opinions of the people who mind are not as important as the people who truly matter.
The host left right after we were seated at tahimik naming binasa ang menu.
Althea's left index finger was gently tapping the table na parang may naririnig na silent rhythm.
I reached for her left hand at hinawakan ito ng mahigpit.
May after glow pa siya at nang tumingin siya sa akin, walang kasing tamis ang ngiti nito.
"What are you having, love?" tanong ko sa kanya.
"Uhm....I think I'll have grilled chicken and Caesar salad."
"Okay," I let go of her hand and waited for the waiter to return.
Hindi nakakainip maghintay dahil the restaurant overlooks the sea.
We both stared at the full moon while waiting.
"Jade?" tinawag niya ako at nakatitig siya sa akin.
Kumikinang ang mga mata niya at kitang-kita ko ang ligaya sa mukha nito.
"Salamat......sa lahat," hinawakan niya ang kanang kamay ko at pinisil ang singsing na palagi kong suot.
"I love you, Althea." Sagot ko sa kanya.
"Ako ang dapat magpasalamat sa'yo for loving me kahit pa mahirap akong mahalin."
Umiling siya sa huling sinabi ko.
"Hindi ka mahirap mahalin Jade dahil umpisa pa lang, alam ko na ikaw ang para sa puso ko."
Kahit cheesy ang sinabi niya, pinakawalan ko ang napakalaking ngiti.
Kasi naman, kapag siya na ang nagsalita, nagiging romantic ang bawat kataga.
Nang bumalik ang waiter, we gave him our orders.
The two of us talked about the upcoming fashion show at ang concert niya.
"Are you nervous?" sabay naming nasabi.
Pareho kaming natawa sa ginawa namin.
"Hala!" comment ko.
"Are we starting to behave like an old married couple?" dugtong ko.
Tawa pa rin ng tawa si Althea.
"Couple? Pwede," sagot niya.
"Old?" Medyo napaisip siya kunwari.
"Married? Hmmmmm........" tumingin siya sa kisame at napaisip.
"Hopia tayo diyan lalo na dito sa Pinas," baling niya sa akin.
Tumango ako.
"Sa Pinas, oo."
"Hopia factory ang mangyayari." Sang-ayon ko.
"Pero sa States, Canada, UK, Spain, Ireland, Iceland......." Hindi pa ako tapos mag-enumerate ng mga lugar kung saan pwedeng mangyari ang kasalan, hinawakan niya ulit ang kamay ko.
"Jade, I get the idea."
"Kahit bawal dito dahil maraming hopia, I will marry you."
"Pero......." Tumaas ang kilay niya.
"Pero ano?" nagtatakang tanong ko.
Kunwari ay tumingin siya sa ilalim ng lamesa na parang may hinahanap.
"Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ko.
"Wala akong nakikitang sorpresa o di kaya ay............singsing?"
Natawa ako sa sinabi niya.
Namula naman ang mukha ni Althea sa reaksiyon ko.
"Lablab, sobrang excited ka!"
Huminga siya ng malalim at inabot ang baso ng tubig sa tapat niya.
Pagkatapos uminom, sinabi niya na kinabahan siya.
"Akala ko, magpo-propose ka eh." Pinunasan niya ang kanyang noo.
Kahit malamig ang simoy ng hangin, napansin ko na pinapawisan siya.
"Haha!"
"Ako ang dapat pawisan kung ako ang magpo-propose," sagot ko sa kanya.
"May katwiran ka diyan," sang-ayon niya.
Magsasalita pa sana ako pero bumalik na ang waiter with our orders.
Nagpahabol ako ng two glasses of merlot.
"Pampawala ng tensiyon," tukso ko kay Althea na muntik mabulunan sa sinabi ko.
"Jade naman eh?" sabi niya pagkatapos uminom ng tubig.
"Sige ka, baka bago matapos ang dinner na'to eh tuluyan na akong mabilaukan dahil sa kakatukso mo."
"Tama na nga," hiniwa ko ang steak na inorder ko.
"Titigil na ako at baka kung ano pa ang mangyari sa'yo."
Kumain na kaming dalawa.
Maya-maya ay naramdaman ko na she was giving me a footsie.
I bit my lip to stifle a laugh at tiningnan ko siya ng masama.
"What are you doing?" tanong ko, kunyari offended pero ang totoo eh kinikilig din naman sa ginagawa niya.
"Wala lang......." sagot niya.
"Masaya lang ako sa naging conversation nating dalawa."
"You mean, the one about the hopia?" nakangiti ako sa kanya.
Natawa siya sa sinabi ko.
"Haha! Yes,"
"The wonderful hopia factory,"
"Hmmm.....masarap naman ang hopia eh." Sagot ko.
"Maraming variety,"
"Yun nga lang, Eng Bee Tin."
Lalong lumakas ang tawa niya at napalingon ang ibang diners sa restaurant.
Deadma lang si Althea.
"Kumain na tayo, lablab." Paalala ko sa kanya.
"Gusto ko kasing maglakad sa tabingdagat pagkatapos,"
Nag-agree si Althea at tinapos na namin ang dinner.
***
Bitbit ang high heels namin, magkahawak kamay kaming naglakad sa tabingdagat.
Very cooperative naman ang buwan at mga bituin sa moment naming dalawa dahil bukod sa full moon, balot ang kalangitan ng milyon-milyong bituin.
Pinaalala sa akin ni Althea ang unang gabi na pumunta kami dito, after the last show of the summer concert.
"Sinadya kong huwag kumuha ng kubyertos," pag-amin niya.
"What?!" tanong ko when I remembered na nagkamay kami noon habang kumakain.
Tumawa siya.
"Gusto kong malaman kung anong gagawin mo," sagot niya.
"So did I passed the test?" ako naman ang nagtanong sa kanya.
"With flying colors, Jade." Satisfied na sagot ng girlfriend ko.
I dipped my toes in the water at kahit pa nakakapanginig ang lamig, I relished the sensation.
"It feels good to be here," mahinang sabi ni Althea and I agreed.
This was the place that brought us together.
Our earliest and happy memories are here.
When I was depressed, I only need to think of Bora at nakakahugot ako ng lakas.
"I don't want anything to change between us, Jade." Biglang sinabi ni Althea.
"What do you mean?"
"Kung anuman ang mangyari sa concert ko or sa fashion show mo, I'm hoping na we will always find a way to come back to each other," paliwanag niya.
May lungkot akong nasisense sa salita niya and I reminded her na kung nagawa naming harapin ang sa palagay ko ay biggest challenge sa relationship namin which is my father's ire and non-acceptance, I told her we'll be fine.
"Not unless you find someone else at ipagpalit mo ako?" pabirong totoo na sinabi ko sa kanya.
Tumigil siya sa paglalakad at ganun din ang ginawa ko.
Hinawakan ni Althea ang baba ko.
With an expression filled with love and adoration, sinabi niya na it will never happen.
"You are my great love, Jade Tanchingco."
"Tandaan mo yan lagi sa puso mo."
Pagkatapos niyang sabihin yun ay hinalikan niya ako sa labi.
I could taste the promise in her kiss.
Alam ko sa isip at sa puso ko na she has always been the one for me.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top