Changes
A/N: "I don't know that love changes. People change. Circumstances change."-Nicholas Sparks
***
When it comes to challenges, there is no armor, weapon or foolproof plan that can protect or guide us on how to attack or deal with the conflict and the pain that comes with the territory.
Eto ang isang bagay na narealize ko a few months after nangyari ang incident sa condo.
Kahit araw-araw na umaattend si Jade sa rehearsals at hindi ito nalilate dahil sinisikap kong makarating siya sa mga appointments niya on time, kapag dayoff niya, ayaw nitong bumangon.
Tulad na lang ngayon.
It's a Sunday morning and it's already 10 am pero tulog pa din ito.
Or baka gising siya pero ayaw kumilos.
Alam ko na she's depressed at kahit lagi nitong sinasabi na huwag ko siyang alalahanin, alam ko ang mga telltale signs.
I've been on that road before.
But instead of allowing myself to succumb into despair, nilubog ko ang sarili ko sa trabaho.
Temporary solution lang yun kasi I never really dealt with the problem.
Kaya naman ang tagal bago ako nakamove on kasi hindi ko hinarap ang sitwasyon.
Instead of talking to Wila, I constantly blamed her and her cheating for my misery.
Hindi ko kinonsider yung sinabi niya na nawalan na ako ng time at attention for her.
This is what I saw with Jade as well.
Imbes na i-acknowledge niya ang sitwasyon, trabaho din ang kanyang pinagkakaabalahan.
Most of the time, especially at night bago kami matulog, I always asked her how she feels.
Ang standard response nito eh she's happy lalo na at magkasama kami.
Pero lagi kong binabalik ang conversation sa topic namin tungkol sa nangyari with her and Mr. Tanchingco.
Ang lagi din nitong sagot ay pagod na siya at ayaw niya muna itong pag-usapan.
Gusto ko sana siyang tanungin kung ano na ang nangyari sa agreement namin to be always honest with each other pero I stopped myself.
There are days when she worked twelve hours.
I know how exhausting it can be to prepare for a big project so iniintindi ko na lang siya.
What helped her cope were the agreed Friday visits from her brothers sa condo.
Kapag walang commitments ang mga ito, sa condo sila nagi-stay to bond.
Sometimes we go out sa bar or to see a movie.
Otherwise, sa bahay lang playing cards or singing.
I play for them kasi mapilit ang mga ito na kumanta ako.
We also invite Batchi kung hindi ito busy.
She keeps me on the loop of what's going on in showbiz kasi I barely have time dahil nagshift na ang buhay ko pati na rin ang mga activities ko.
***
The first time I visited my father sa Antipolo to drive him to his doctor's appointment sa Makati Med, the situation was weird to me.
Nag-usap kami ni Papa sa sasakyan while on the way sa hospital.
"Hindi mo ito kailangang gawin, Althea." Sabi ni Papa.
"Kaya nga meron tayong mga kasambahay para sila ang tutulong sa akin di ba?"
Nilingon ko siya saglit sa passenger seat at nakita na nakatitig ito sa akin.
Nakita ko ang awa sa mata niya pero hindi ko ito binanggit.
Medyo strange pa sa akin ang sitwasyon and the last thing I need was pity from my own father.
"Pa, for a long time, kayo ang nag-alaga sa akin."
"Let me return the favor," sagot ko sa kanya.
Binalik ko ang attention ko sa kalsada.
"Besides, I like keeping busy."
"Otherwise, baka mabaliw ako kung magkukulong ako sa condo."
Tinanong niya ako if I heard from Roxy.
Also, inalam niya kung lahat ba ng prior commitments ko eh nawala na din.
Alam ni Papa kung paano ang takbo ng industriya kaya sinabi ko na lahat ng projects ko eh nacancelled na.
Napailing ito sa sagot ko.
"Influential talaga ang pamilya ni Jade ano?" tanong niya sa akin.
Since nabanggit niya ang family ni Jade, sinabi ko na din ang incident sa condo.
"Ano?" bulalas ng aking ama pagkatapos kong magkwento.
"Kumusta si Jade?"
"Okay lang ba siya?" naga-alalang tanong niya.
"Depressed siya Pa," sagot ko.
"Nililibang ang sarili sa trabaho pero kapag dayoff, ayaw kumain at ang gusto lang ay matulog." Paliwanag ko.
Bumuntong-hininga ang aking ama.
"Anak, sigurado ka bang kaya mo kaming lahat?" bumaling siya sa akin.
Hindi ko alam pero natawa ako sa sinabi niya.
"Bakit ka natawa, Althea?"
"Seryoso ako at nag-aalala na baka ikaw naman ang bumigay dahil sa obligasyon mo sa amin." Hindi ito ngumiti.
Tumigil ako sa red light at hinawakan ko ang kanyang kamay.
"Pa, kilala mo ako di ba?"
"Kapag hindi ko na kaya, I will call a friend." Ngumiti ako sa kanya.
Ngumiti din siya sa akin.
***
Habang nasa treatment room si Papa, nasa waiting room lang ako.
The first week, tinitingnan ako ng mga tao.
Nagtataka kung bakit kasama nila akong nakaupo at naghihintay.
Merong mga bumabati at meron ding nagpapaautograph at siyempre, in this age of smart phones, may nagpapapicture.
Sinabihan na ako ni Dr. Martinez na kung gusto ko, pwede akong maghintay sa isa sa mga vacant rooms para meron akong privacy pero tumanggi ako.
For me, hindi ko deserve ang special treatment.
"Alam mo Althea, kahit hindi ka na busy ngayon, hindi matatanggal ang pagiging celebrity mo." Pahayag ni doc.
"You can never dismiss someone who's talented as you,"
I thanked her for her kind words habang tahimik na nakikinig si Papa sa conversation.
Nakita ko na natuwa din siya sa sinabi ng doctor.
Nang isasalang na si Papa for his chemo, lumabas na ako at pumunta sa waiting room.
***
Totoo nga ang sinabi ni doc na hindi mawawala ang celebrity status ko.
I felt it habang kinakausap ako ng mga tao sa waiting area.
Pero mas concentrated ang conversation sa reason kung bakit ako nandun.
"Maysakit ka ba?" tanong ng isang babae who was wearing her maid's uniform.
Tingin ko, she was in her fifties at puti na ang lahat ng maikling buhok nito.
Umiling ako at sinabi ang tungkol sa kay Papa.
"Hindi namin nabalitaan ang tungkol sa Papa mong maysakit," biglang sambit ng isang babae na nakikinig sa usapan namin.
"Puro kasi tungkol sa cancellation ng tour mo at yung tungkol sa inyo ni Jade Tanchingco ang balita."
Hindi ako nagsalita.
Tiningnan ko ang babae at hinintay kung mayfollow-up question siya pero wala na itong sinabi.
***
Eventually, I settled into my new routine of being a domestic goddess.
After ko ihatid si Jade sa location ng mga appointments niya, I'd do some grocery shopping if needed, maglilinis ng condo, magluluto and when I'm done, I stay in the music room to write when the inspiration hits me.
Most of the time, tumutugtog lang ako for fun.
I also looked online and searched for music classes.
Noon pa man, gusto kong mag-aral ng pormal pero dahil naging busy, my plans took a backseat hanggang sa maging part ito ng bucket list ko.
Kung kelan mangyayari was the big question.
But with the drastic change in my career and personal life, mukhang magkakatotoo.
I haven't told anything Jade yet pero I submitted an application to UP.
Once a week ang chemo ni Papa, which is every Wednesday.
That meant spending the whole day with him dahil after his treatment, ihahatid ko siya sa Antipolo and since hindi ko naman siya maiwan dahil he's usually weak and nauseous after the session, nagi-stay muna ako with him.
During chemo days, Jade drives herself to her appointments and she'll picked me up sa Antipolo kung hindi siya pagod.
This was her proposal and at first, I was opposed to the idea when she suggested it kasi gusto kong magpahinga na siya after ng rehearsals or commitments niya.
She was adamant.
"You do so much for me, Althea." Paliwanag niya when I refused.
We were in bed getting ready to sleep when she mentioned her suggestion.
"Most of the time, I get caught up in my problems at nakakalimutan ko na hindi na ako nagi-isa sa buhay dahil kasama na kita."
Parang kinurot ang puso ko sa sinabi niya.
We were both lying on our backs and I turned to see that she was crying.
"Jade," I whispered softly.
Lumingon siya at tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha sa mata nito.
"Hindi ko alam kung paano mo kinakaya ang lahat ng ito, Althea."
Tumahimik ako saglit at nag-isip.
"Nandito ka, Jade."
"Si Papa."
"Sapat na dahilan yun para lumaban at magpakatatag." Sagot ko sa kanya.
Huminga siya ng malalim at hinawakan niya ako sa pisngi.
"Lablab, you are my superwoman." Bulong nito.
"Pero ayokong i-take for granted ang strength mo,"
"When it's your turn to cry, lagi mong isipin na nandito ako for you."
"I am your sidekick, Althea."
"Your partner in crime,"
"Don't ever forget that,"
Hindi ko alam kung bakit pero Jade's words struck a vulnerable chord.
Bigla akong napaluha at niyakap niya ako.
Tahimik kaming umiyak at pagkatapos, natawa na lang sa drama ng buhay namin.
"Tama na nga," sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang luha ko.
Inabutan ko siya ng Kleenex pero imbes na gamitin para sa kanya, pinunasan niya ang mukha ko.
"Kahit pa nakakaloka kang mahalin Althea, gagawin ko ito ulit kung sakaling mangyaring hangover ka at biglang mapadpad sa carinderia ni Paul."
Natawa ako sa recollection ng first meeting namin.
"Halika nga dito," nilapitan ko siya at hinalikan sa noo.
Hinawakan ko siya sa baba at nilapit ko ang labi ko sa kanya.
Hinalikan ko si Jade and she responded willingly.
Instead of letting me take control, she pushed me toward the bed and straddled me between her legs.
A naughty smile escaped her lips and in her eyes I saw a desire that needs to be satisfied.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top