TILL DEATH DO US FART?!!!!
Hope you like it! ;)
one shot lang po ito.
***
"WHO FARTED FOR THE THIRD TIME?!" -sigaw ng teacher ko na galit na dahil hindi sya makapagdiscuss ng ayos.
Eh kasi naman..ano.
Nagtatawanan mga kaklase ko..
Kasi..ano..
May umuutot ng sobrang lakas.
At pangatlong beses na nga ngayon.
Oh wag engot ha, ang fart po eh utot.
At kung hindi niyo po natatanong,
Ako ang..
Alam niyo na yon..
Yung ano..
Ang umutot. He-he-heh..
Oh wag niyo naman akong pagtawanan.
Masakit lang talaga ang tyan ko.
"Best ba't ganyan hitsura mo? Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa?"-tanong sakin ng bestfriend kong seatmate ko, si Alexa.
"Di ko na kaya Best." -sabi ko na parang naiiyak na.
"Bakit ba?"
"Eh kasi ang totoo nyan--"
"MS. OSEO! Baka naman pwede mong ishare samin ang pinag-uusapan niyo ng katabi mo?"
Napatayo ako bigla.
Dahil ako lang naman ang Ms. Oseo na tinutukoy ni Ma'am.
"....."
Wala akong masabe -.-
"Tutal dyan naman sa group niyo nanggagaling ang amoy-utot. Baka naman pwede mong sabihin samin kung sino ang salarin?"
*gulp*
WHAT.THE.EFF.
Terror ka talaga Ma'am >.<
"H-hindi ko po alam Ma'am..." -sabi ko.
"Hindi alam? O baka naman ikaw ang salarin?"
"HAHAHAHAHAH!"
"BAKA NGA MA'AM!"
"BWOHOHOHOHOH!"
Tae kayo!
Nagtawanan pa!
"H-hindi po ako Ma'am.."
"Eh sino?"
Tae.
Daig pa nito ang graded recitation.
"Si ano po... ahm.."
Sinong sasabihin ko?
HEEEEELP!
"Si ano...
S-SYA PO!
SYA PO YUNG UMUTOT!"
Dahil ayokong umamin.
Tinuro ko na lang yung gwapo kong katabi.
Si crush.
Nakita ko namang nanlaki ang mga mata niya.
Sorry..
"Si Ryan?"
"Dude ikaw yung umutot?"
"OH MY GOSH!"
NARINIG KONG SABI NG MGA KAKLASE KO.
Nakoooo..
"Are you sure Ms. Oseo?"
"Y-yes Ma'am!"
Makapangumpisal nga mamaya.
"H-HOY! NANANAHIMIK AKO DITO HA!" -sabi ni Ryan.
"I-IKAW KAYA YUNG UMUTOT!" -pagsisinungaling ko.
"SIGE NGA! PATUNAYAN MO!"
"ANONG PATUNAYAN?! EH KANINA NGA BINULONG MO SAKIN NA IKAW YUN! TAPOS NGAYON SASABIHIN MO PATUNAYAN KO? ANO TO LOKOHAN?!"
Gosh.
"H-HOY! IKAW NAPAKA MO HA! SUMOSOBRA KA NA!"
"OO! NAPAKA KO! NAPAKAGANDA--"
"YOU TWO GET OUT!"
Natahimik ang lahat dahil sa sigaw ni Ma'am.Si Ryan naman tiningnan ako ng masama.
Saka lumabas.
Tapos lumabas na rin ako.
WHOO! MAKAKACR NA RIN!
***
Paglabas ko ng cr uwian na rin pala.
Makabalik na nga ng room.
Haaay.
NAkakahiya kanina ka--
"AH!"
Bigla kasi ako nabunggo.
Teka, san nga ba?
Pagkaangat ko ng ulo ko.
Uh oh.
"Shane Azira Oseo."
*gulp*
"B-bakit?"
"Anong bakit? Laki ng kasalanan mo sakin kanina."- sabi ni Ryan.
"P-pasensya! Eh kasi naman ano eh.."
"Kasi hindi mo maamin sa klase na ikaw yung umutot kaya naman ako yung tinuro mo?"
O________________O
Bigla namang nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya.
"H-hindi ah!" -pagtanggi ko.
"Oh cmon Shane! KAtabi mo kaya ko malamng malalaman ko saka halata naman sa reaksyon ng mukha mo."
Natigilan naman ako.
"FINE! FINE! AKO NA YUNG.. ANO.. BASTA!"
Pag-amin ko.
Nonsense naman kung makikipagtalo pa ko dito sa lalaking to.
"Pasalamat ka mabait ako at palalampasin ko to. Pero isa na lang, gumawa ka pa ng isang bagay na hindi kanais-nais..."
"ANO?! ANONG GAGAWIN MO?!"
Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko sabay sabing,"Isang bagay na hindi mo magugustuhan *evil smile*"
At naiwan ako dun na nakatulala.
Oh no.
***
"UGH! IKAW TALAGA ALEXA PAHAMAK KA!" -sigaw ko habang tumatakbo paakyat ng building namin.
"EH SORRY NA! SABI MO KASI ILIBRE KITA EH!"
"EH BAKIT MO KAILANGANG IPAUBIS SAKING ANG TATLONG PLATONG SPAGHETTI HA?!"
"EH SORRY NA! MALAY KO BANG SASAKIT ANG TYAN MO!"
"EWAN KO NGA SAYO!"
Tae naman, bakit ba kasi nasa 4th floor yung cr -_-+
"Sige ha, una na ko sa room, Bye!"
"Uy wag mo kong iwanan! Ugh. Asar! >_<"
Bwisit talaga yung babaeng yun, iniwan pa ko.
Kasi naman sya ang dahilan kung bakit napupupu ako noh!
Haaay sa waakas tanaw ko na rin ang cr.
"AH! ANO BA DADAAN AKO!"
Sigaw ko kasi ba naman biglang may nangharang sa dinadaana--
Si Ryan.
"Tss. Walang kapoise-poise."
Napatingin naman ako sa kanya ng masama.
"PAKE MO BA?!! USOD NGA DADAAN AKO!"
Sabi ko.
Kaso nga lang hinaharangan nya pa rin yung daanan.
"Oh wag magalit, may kasalanan ka pa sakin kahapon."
"Kaya nga sorry diba?!"- sigaw ko.
Nakakaasar ee.
Ang sakit na ng tyan ko =.=
"Tss..
Nakakaturn-off."
BIgla namang nanlaki ang mata ko at natameme.
"Naniniwala ka ba sa the more you hate the more you love?"
"A-ano ba yang sinansabi mo? Umalis ka nga dyan sa daanan!"
Pero imbes na umalis ay tinulak nya ko sa pader.
"Sagutin mo muna yung tanong ko, naniniwala ka ba sa the more you hate, the more you love?"
TAE!
KULIT NAMAN NITONG LALAKING TO EH! >_<
"OO NA! NANINIWALA NA! UMUSOD KA LANG DYAN! ALIS!"
Pero sa lakas nya hindi parin ako nakakawala.
"ANO BA?! OO NA NGA, NANINIWALA NA NGA KO DIBA?!"
"Naniniwal ka, so, crush mo ko?"
Biglang sumikip ang dibdib ko dahil sa tinanong nya.
"E-EWAN NGA! PADAANIN MO NA NLANG AKO!"
"Crush mo ko?"
Anak ng tupa =.=
"Ewan ko nga sab--"
"Crush mo ko?"
Huminga ako ng malalim saka sinabing,"OO NA! OO NA! CRUSH NA KITA! ANO MASAYA KA NA?!"
"Ahh.. so crush mo ko.." -sabi nya.
UGH!
ASAR!
Napaamin tuloy ng wala sa oras >_<
"Okay. Nagsusurvey lang..."
Saka sya tumalikod.
Napanganga naman ako dahil sa sinabi niya.
"KAPAL NG MUKHA! Pagkatapos akong paaminin yan lang sasabihin mo sakin?! Thank you ha!"
Papasok na ko sa CR kaso nga lang sinandal nya na naman ako sa pader.
"ANO NA NAMAN BA?!"
"Crush mo ko diba?"- panimula na naman niya.
"H-hindi na! Hindi na kita crush! Bwisit ka sakit ng balikat ko!"
"Crush mo ko?"
"AHH! TAE! OO NGA NAKAKAASAR KA NA HA! PAULIT-ULIT?!"
"Ahh.. at dahil crush mo ko.."
"ANO?!"
"Crush na din kita! ^_^"
Tae. Bading.
"A-ANO NAMAN NGAYON?! SAKA BA'T PARANG NAPILITAN KA LANG?"
"Hindi ah! Kailan mo pa ba ko crush?"
Ano ba namang tanong yan >_<
"L-last year?"
"Oh ehdi last year pa din kita crush."
*gulp*
"Hindi nga?" -tanong ko.
"Yeah. Walang halong biro." - he said.
"Sooo.... ano--"
"Till death do us part?"
Napatingin naman ako sa kanya.
"Ano ka bading? Korni ha."
"Basta. Till death do us part!"
"Sige na nga. Till death do us fart!"
"Anong fart? Utot?" -tanong nya.
"Oo. Kasi ano eh.
*PURURURURUUUUUT*"
AND THEN THE BOMB EXPLODED.
"TABI NGA!"
*END*
Thank you for reading !
Vote po sana. LEAVE A COMMENT :)
-CLANGOTZI
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top