Epilogue
"Anna, I have something to confess..." My heart started racing just by hearing Ian's voice.
Parang timang akong nanigas sa kinatatayuan matapos malingunan ang paninitig niya sa akin.
I tried flashing a small smile. "Ano 'yon?"
Hindi ko napigilan ang panlalamig ng mga kamay ko dala ng kaba. Is this it? Magco-confess na ba siya sa akin nang totoo niyang nararamdaman? Magkakaaminan na ba kaming matagal na naming gusto ang isa't isa? Oh my, God. Am I dreaming?
"We've been together since I can remember. And it's probably hard to believe but don't laugh at me... because I fell in love."
No... It's not hard to believe... because I fell in love with you too...
The corners of his mouth slowly rose for a smile as we exchange gazes.
Muntik ko nang masapo ang dibdib ko dahil para akong pinasakay bigla sa roller coaster... sa mas lalong pagbilis ng pagdagundong ng puso ko. Ang mga binti ko'y nanlalambot at tila gustong bumigay.
"Ian..." I was in the verge of crying but I couldn't help but smile.
This is really the moment I've been waiting for! I'm finally here... he's finally saying those magic words... this isn't just one of my dreams... this one's for real!
"I'm—" Sa sobrang saya ko, binalak kong ako na lang ang tumapos nang dapat niyang sabihin.
But then, he cut me off, "I fell in love with Senin... at kami na. She loves me too!" mangiyak-ngiyak niyang anunsyo sabay yakap sa akin.
Para naman akong binuhusan nang malamig na tubig... sobrang lamig na parang gusto ko na lang manigas at mamanhid.
"Sinagot niya ako kanina lang, Anna! Pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala! Sobrang saya ko... para akong sasabog sa sobrang kaligayahan."
Narinig ko ang pag-iyak niya dahil sa sobrang saya, samantalang ang sa akin ay dala nang sobrang hapdi na may kasamang kirot...
Umasa ako... akala ko ako. Akala ko... ako dapat 'di ba? He was supposed to confess what he really feels about me! But it wasn't me...
Why? Ian, why not me?
"Bakit ka umiiyak? Hindi ka rin ba makapaniwala? Do you feel the same way as I do?" tanong niya matapos humiwalay ng yakap sa akin, ang magkabila niyang palad ay naiwan pa sa mga balikat ko.
Pinilit kong ngumiti dahil nakangiti siya. Sana nga, Ian. Sana nga pareho tayo ng nararamdaman. Kaya lang hindi eh. Mukhang malabo.
Pinunasan ko ang luha sa pisngi at ganoon din ang ginawa niya bago marahang natawa.
Sana kaya ko ring tumawa nang ganiyan, kahit pakitang tao lang. Kaso sobrang sakit...
Ian, naririnig mo ba ako? Nasasaktan ako. Bakit si Senin pa? Bakit ba siya? Pwede namang ako... pwede namang ako na lang... bakit? Ano bang nasa kaniya? Ano bang nakita mo sa kaniya na wala sa akin? Ano bang pinagkaiba namin?
"Uh, may usapan nga pala kami ni Dad na magkikita ngayon. I-I should go," I lied. Nautal pa ako dala nang nagbabara kong lalamunan.
I really need to go. Kung magtatagal pa ako rito ay paniguradong makikita niya kung paano ako humagulgol ng iyak...
And that wasn't right. It was not right for me to feel this way... why did it feel like every fucking thing was not right for me?! I hate it. I really hate feeling this way.
Tumango lang siya sa akin. At eksaktong pagtalikod ko sa kaniya'y tila track and field relay na nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Ni hindi ako makalakad nang maayos dahil sa panginginig ng mga tuhod ko. Parang pagsakay muli sa roller coaster... ilang beses ko mang sabihing hindi na ako uulit, palagi pa rin akong dinadala pabalik ng mga paa ko sa kaniya... hindi na ako nadala.
Hanggang sa makasakay ako ng taxi ay wala ako sa sarili't umiiyak nang parang loka-loka. Hindi ko rin alam kung ano ang sinabi ko sa driver at bakit nandito ako ngayon sa tapat ng isang club. Inihakbang ko ang mga paa ko papasok doon nang tila lutang. Dis oras na ng gabi at mukhang nasa kalagitnaan na ang party.
Hindi ko pinansin ang maingay at nagsasayawang mga tao sa loob at nagdiretso lang ako sa isang tahimik na kwarto. Ilang sandali akong tumulala doon bago may pumasok na server. Hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari't ginawa ko nang maubos ko ang lahat ng alak na in-order ko.
Nagising na lang ako kinabukasan na nasa isang motel room na ako at nakahiga sa kama... wala akong kasama at lalong wala akong maalala kaya't napagbuntunan ko ang taong pumasok bigla. Bedside lamp ang unang bagay na nahawakan ng kamay ko nang makitang lalaki siya! May susi siya ng motel room na ito at paniguradong siya ang may sala kung bakit ako nandito!
At ang kapal ng mukha niyang magpakita pa sa akin matapos niya akong dalhin sa isang motel at... at pagsamantalahan! Manyak! Wala na talagang gentleman na lalaki ngayon. Hindi ko lubos maisip na sa ganoon kadaling paraan lang mawawala ang pinakaiingatan ko! I know it's my fault but what the hell?! Hindi ba niya alam ang ibig sabihin ng consent?!
"Wala akong ginagawa sa 'yo!"
Matalim ko siyang tinignan. Sinigawan ba niya ako? At sinong gago sa tingin niya ang maniniwala sa mga pinagsasabi niya? Bilib ako sa lawak ng imagination niya at mabilis siyang nakaisip ng alibi. Pero sorry na lang dahil maayos pa ang takbo ng isip ko para maniwala sa kabaliwan niya. I was done believing things without any concrete evidence. More on assuming things that was far from reality.
Oh my, God? Why the hell am I still thinking about that confession?
Pinagmasdan ko lang siyang maigi habang nagpapaliwanag. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang mga nangingislap niyang mga mata kahit pa wala namang kung anong tubig ang namumuo ro'n.
Sige. Sabihin na nating matangkad siya at malakas ang dating. Mukhang alagang-alaga ang balat niya lalo na 'yong mukha niyang walang bahid ng stress. I get it. Hindi talaga siya mukhang delingkwente. Honestly, mukha siyang inosente. I mean, the nice guy type... pero wala akong naaalala sa nangyari kaya hindi ako pwedeng magtiwala na lang basta sa mga sinasabi niya.
Isn't it great? Natatakot na akong paniwalaan ang sinasabi ng utak ko, because the last time I did, nagmukha lang akong tanga. And I didn't want to feel that way again.
Nakauwi na ako ng bahay nang maalala ko na naman ang sinabi sa akin ni Ian. At unti-unti na namang nabubuhay ang kirot sa dibdib ko. Akala ko makakalimutan ko na ang lahat ng nangyari 'pag nagpakalasing ako. But here I was with this freaking hangover! Making things even worst.
"Dad..." mangiyak-ngiyak ako nang mapuntahan ko si Dad sa kwarto niya. Naabutan ko siyang may kausap sa phone at seryoso. Nilingon niya ako nang maputol ang linya.
"Anne?" Sumulyap siya sa akin bago ayusin ang ilang papel sa ibabaw ng desk niya.
"Dad..." I bit my lip. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Gusto ko lang ng karamay... gusto ko lang ng sandalan...
"What?" Nagtaas siya sa akin ng kilay, may namuong bakas ng iritasyon sa ekspresyon dahil sa pang-aabala ko sa kaniya.
Bata pa lang ako ganiyan na siya. Wala siyang ibang inaasikaso kundi ang trabaho niya. Wala siyang ibang iniisip kundi ang trabaho niya... I couldn't remember having a father like a normal kid. Wala na nga si Mama, wala pang pakialam sa akin ang daddy ko... ito lang ba talaga ang role ko sa mundo? Ang maging second choice? Ang maging option? Ang maging dekorasyon pandagdag sa background?
Pinagmasdan ko ang pagtingin niya sa wrist watch habang nagbubuntonghininga. "If you don't have anything to say, I need to go. I have an urgent meeting. If you need anything just call the maids."
At ganoon lang niya ako kadaling nilagpasan. Naiwan akong tulala sa kawalan at paulit-ulit na nagtatanong ng mga bakit. Hindi ko alam kung ano ang mas masakit: ang mawalan ng ama o ang magkaroon ng amang walang pakialam sa 'yo.
Buong araw lang akong nagkulong sa kwarto ko nang sumunod na araw hanggang sa tawagan ako ni Senin. Nakita ko pa lang ang pangalan niya sa screen ng phone ko ay nanikip na kaagad ang dibdib ko. Bestfriend at halos kapatid ko na siya, at maling makaramdam ako ng inggit ni galit sa kaniya.
Mahal ko siya pati na si Ian. But their happiness brought nothing but pain to me. And I wouldn't pretend that I could sacrifice my own happiness for them. Kahit pa wala naman akong choice ro'n dahil si Senin ang pinili niya.
Sumama ako sa aya ng huli dahil ayokong mahalata nilang may mali sa akin. Sinundo ako ni Ian sa bahay. Panay siya kwento sa akin ng mga ginawa nila ni Senin nang mga nakalipas na araw. Sinubukan kong ngumiti at magpanggap na masaya. Kahit pa unti-unting nadudurog ang puso ko sa tuwing maiisip ko silang masayang magkasama kahit wala ako. Masokista na nga yata ako dahil pinaparusahan ko ng ganito ang sarili ko.
Sabay kaming pumasok sa club ni Ian. Hindi ko alam kung bakit parang pamilyar ang daang nilalakaran naming papasok. At hindi ko rin alam kung bakit kailangan pa nilang dalawa ang presensiya ko. Oo, madalas kaming lumabas tatlo na magkakasama pero iba na sa ngayon dahil may... may relasyon na silang dalawa.
Hindi man lang ba nila naisip na hindi ako kumportable ro'n? And that it would hurt like hell?! Fuck. Just fuck. Oh, my! You're crazy, Anna. Mukha ngang ni wala talaga silang kaide-ideya kung ano ang totoong nararamdaman ko. Minsan nga tinatanong ko ang sarili ko kung bestfriend ko ba talaga sila... but oh, I forgot! I wasn't deserving of many things in this life—including this one!
Halos magising ako sa katotohanan nang muli kong makita ang lalaki sa motel. And to found out that he was Ian's step-brother? What the hell? Seriously? Ang alam ko si Fritzie lang ang kapatid ni Ian. But aside from that, bakit nag-krus na naman ang landas namin ng isang ito? What, was this some kind of destiny bullshit? Duh.
Para akong lulubog ako sa kinauupuang stool nang maalala ko ang mga pinaggagawa't sinabi ko sa kaniya sa motel. But wait... kaya ba nila ako isinama dahil sa lalaking 'to? Was this some kind of a blind date or whatever?
Wow. Unbelievable. Sa tingin ba nila gano'n-gano'n ko na lang makakalimutan si Ian? Sa isang old school na blind date o set-up lang? God! Sino bang niloko ko? Eh wala naman silang alam sa letseng nararamdaman ko na 'to.
His name was Regime, pretty uncommon. At ngayong kay Senin na mismo nanggaling na sa relative nga ng Regime na 'to ang club na tinatapakan ko ngayon, then I should probably believe him. Sige na, sige na. Naaalala ko na ang nangyari. Bakit kasi napadapo pa ang paningin ko sa karaoke room na pinangyarihan ng krimen?
Kinanta pa talaga niya sa akin 'yong kinanta ko. Ang lakas niyang mambwisit ah. But ugh! Bakit ba ako naiiyak? Kasi kitang-kita ko kung gaano kasayang nagsasayaw sina Ian at Senin sa dancefloor? O dahil naaalala ko kung gaano ako nagpaka-wasted nang dahil lang sa kaniya? Na halos tanggalan ko na ng respeto ang sarili ko para hayaang masaktan ako nang ganito? Hindi ko alam. Basta masakit. Para akong sinasaksak nang paulit-ulit pero hindi pa rin ako mamatay-matay. Just imagine being sentenced to a lifetime of torture.
But fate had a funny way of making things interesting. I became friends with a guy that I almost beat up from our first encounter. At aaminin kong gusto ko ang presensiya niya dahil kumportable ako ro'n. Though it was kind of weird. Hindi kasi mabilis na nagiging magaan ang loob ko sa isang tao.
Probably the same reason why I only had a few friends. Most of my acquaintances didn't give a damn about me if not irritated. Cold shoulder daw kasi ako, anila. I couldn't say I care enough to give them any reactions though. Hindi naman sa mapili sa kaibigan—ayaw ko lang talaga ng plastikan.
But this dude was kind of off the trail. Minsan iniisip ko nga kung totoo ba talaga siyang tao o gawa lang sa cardboard. I mean, he was thoughtful, a gentleman, responsible, kind and the list goes on. May ilang pagkakataon lang na nagsusungit siya 'pag may importanteng ginagawa at naaabala—he was that competent, he knew his priorities. Kaya kung minsan parang ako na ang nag-aalala sa kaniya.
Being gentle like that in this kind of world would someday brought him trouble. And I feared that that day would come. I feared that this world would eventually turn him hard and cold. Kaya parang gusto kong antabayanan kung sino man ang liligawan at magiging girlfriend!
Malaking tulong ang presensiya niya sa tuwing magkakasama kaming apat sa bahay nina Ian o sa kung saan man. Pero mukhang kahit ilang linggo pa ang lumipas ay hindi ko magagawang kalimutan na lang basta ang nararamdaman ko para kay Ian. I knew how stupid it was. Pero ang hirap lang talaga lalo pa at palagi ko siyang nakikita at nakakasama.
Madali talagang magmahal, pero kabaligtaran naman n'on ang makalimot.
Ilang linggo na lang bago magpasukan nang maramdaman kong para na akong sasabog, sa pagtatago ng mga emosyon kong gustong-gusto ko nang ilabas. Baka nga magkaroon na ako ng sakit sa puso nito.
Sa unang pagkakataon ay nirespeto ko ang sarili ko at dumistansiya ako sa kanilang dalawa. Hindi ko na inisip kung makakahalata sila. Sobra na akong nasasaktan at tama na siguro... awat muna kahit sandali. At some point natanto ko, nakakapagod din pala ang masaktan... nang harap-harapan at paulit-ulit. And the worst part was that, they didn't even have a single idea about my pain.
Nasa campus ako nang mahagip ng paningin ko si Ian. Pagkatalikod ay mag-iiba na sana ako ng way para lang hindi ko na siya makasalubong, kaya lang nakita niya ako.
"Anna!" Hindi ko napigilan ang pagkurba ng ngiti sa labi ko pagkarinig sa pagbanggit niya ng pangalan ko. "Nakita mo si Senin? Kanina ko pa siya tinatawagan eh."
Ngunit unti-unti ring naglaho ang ngiti ko pagkalingon ko sa kaniya. Akala ko pa naman kahit konti na-miss niya ako dahil hindi ako nagpakita sa kanila ng halos ilang linggo tapos... ito... si Senin pa rin. Palagi na lang si Senin...
"Anna? Okay ka lang?" Ibinulsa niya ang hawak na phone at pinagmasdan ang pagtitig ko sa kaniya.
Okay nga ba ako? Okay ba ako sa ganito na lang? Okay ba ako sa pagtatago ng nararamdaman ko?
"Wala." Tinalikuran ko na kaagad siya dahil natatakot akong baka may masabi akong pagsisisihan ko lang sa bandang huli.
"Anong wala? Ang layo naman ng sagot mo. 'Yung totoo, Anna, okay ka lang ba? Pansin ko hindi ka na madalas sumasama sa amin. May problema ba tayo?"
Napaatras ako pagkahakbang niya. Ngunit bago pa man ako tuluyang makalayo ay nasapo na niya ang pulso ko.
Nahigit ko ang hininga nang sunod kaming magpalitan ng tingin. Sa puntong 'yon, gusto ko nang isiwalat ang lahat. Gusto ko nang ilabas lahat ng nararamdaman ko. Sawa na ako sa pagkukuniyari at pagtatago...
"Napapansin mo pala ako..." Pagkabitiw ng tingin ay nakagat ko ang labi dahil sa nasabi. Ito na nga ba ang iniiwasan kong mangyari.
"Huh?"
Mariin akong pumikit bago binawi ang braso kong hawak niya. May lumiligid man takot ay lakas-loob ko pa ring idinirektang pabalik sa kaniya ang tingin. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago sinubukang ngumiti.
Pipigilan ko hangga't kaya ko... hangga't kaya ko—kaya sana 'wag niya akong itulak para magawa ang hindi dapat. They were in a relationship and they love each other. I don't want to ruin that.
"Wala, Ian."
Nagbuga siya ng hangin na para bang nakahinga siya nang maluwag sa narinig. "Ikaw talaga. Akala ko naman kung ano na. Pero teka nga, nagseselos ka ba?"
May kung anong dumaplis sa puso ko sa sinabi niya. Ang ngiti ko'y agad humupa.
"Nagseselos ka nga? Anna talaga o! Sorry na. Alam ko namang napapabayaan ka na namin ni Senin. Pero 'yaan mo, babawi kami sa 'yo! Promise 'yan. Sa ngayon, tulungan mo muna akong hanapin siya para maipakita ko na sa kaniya 'yung surprise ko!"
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila pero hindi ako nagpatinag at nanatili lang sa kinatatayuan ko. Napahinto siya agad sabay lingon sa akin. Aware akong nanggigilid na ang luha ko pero wala akong pakialam kung makita niya 'yon. Wala na akong pakialam kung makahalata man siya o ano. Ayoko nang lokohin ang sarili ko. Ayoko nang magkunyari.
"Anna?" Napaseryoso siya nang harapin ako matapos kong bawiin ang kamay ko sa hawak niya.
My palms balled into tight fists. Ang panimulang pagtahip ng dibdib ko'y halos dumagundong hanggang sa tainga ko.
"Senin... Senin... bakit puro na lang si Senin, Ian? Bakit?" Stop. "Kaibigan mo rin naman ako 'di ba?" Don't. You can't. No! "Bakit siya? Bakit hindi ako?!"
Namimilog ang mga mata, sandali siyang napatulala sa mukha ko bago nakahugot muli ng sasabihin. "Anong sinasabi mo? Sabi ko naman sa 'yo babawi kami—"
"Ian, mahal kita."
He gaped at me in surprise. While guilt for betraying Senin slowly crept in my bones in a chilly warning. Saying all that only made me hate myself even more despite knowing the fact that he couldn't be in love with me too.
Bahaw ang tawang pinakawalan niya alinsunod ng pagtatakang gumuhit sa ekspresyon. "Mahal mo ako? Anna, mahal din naman kita... mahal ka namin ni Senin—kaibigan mo kami."
Naninikip ang dibdib, ilang beses akong umiling sabay ng pagtulo nang maiinit na luha sa nanlalamig kong pisngi. Awang ang mga labi, natigilan siya agad at hindi malaman kung ano ang sasabihin ni gagawin.
I know how selfish of me to say this but, "Ian, hindi... mahal kita... higit sa pagtingin ng isang kaibigan... mahal kita." Katulad ng isang bagay na matagal na-stuck, hindi ko mailabas nang maayos ang mga salitang matagal kong itinago sa kasulok-sulukan ng pagkatao ko.
Natulala siya sa akin at alam ko, sa reaksyon pa lang niya, na wala talaga... wala siyang espesyal na nararamdaman para sa 'kin. I wasn't assuming things this time but fuck, it hurts like hell—endless hell.
"Pero... Anna..."
Hindi na ako nag-isip nang lumapit ako para yakapin siya. Hindi siya gumalaw kaagad at pinakinggan lang ang paghikbi ko sa dibdib niya.
"I'm in love with you, Ian... you just met Senin after me... it was just us in the picture... 'di ba? Bakit... bakit si Senin 'yung unang nakita ng mga mata mo, samantalang ang tagal ko nang nakatayo sa harap mo?"
He stayed silent.
"Mahal kita, Ian. Alam kong mali na 'to pero mahal kita... sinubukan kong kalimutan ka... lumayo ako... pero walang nangyari. Ignoring my feelings only made things worst."
This is wrong. Pero wala na akong pakialam kung ano ang tama sa mali.
Wala na akong pakialam sa mga taong nagdaraan at nakakakita sa 'min, wala akong pakialam sa ihuhusga nila sa akin. Wala na akong pakialam sa kahit na ano.
I'm sorry, Senin.
Ayoko nang ganito pero... pagod na akong tahimik at paulit-ulit na masaktan. Tama na. Masaktan na kung masaktan, magpakatanga na kung magpakatanga, mahusgahan na kung mahusgahan. At the end of the day, sarili ko lang din naman ang makakasama ko at tanging makakaintindi sa 'kin.
"Anna..."
Nanlamig ako nang hawakan ni Ian ang mga braso ko para kalasin ang yakap ko sa kaniya. Mula sa patuloy na pag-iyak ay dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa malungkot niyang mga mata.
"I'm sorry pero... mahal ko si Senin."
Ilang beses na akong sinampal ng letseng katotohanan. Pero napakasakit pa rin pala talagang masampal ng mag-anak na rejection galing sa taong mahal ko... nang harap-harapan. 'Yong tipong ipinapamukha at inihahampas talaga sa buong pagkatao, para damang-dama at magising ka sa reyalidad na imposible ang bagay na hinihingi mo.
"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko... I'm... Anna, I'm sorry..."
Awang-awa na ako sa sarili ko ng mga sandaling 'yon. Feeling ko isa akong pagkain na nasira dahil pinabayaan ng ilang araw at ngayo'y itinatapon.
"I'm sorry... sorry..." Pinagmasdan niya ang mukha kong puno ng luha pagkahakbang niyang patalikod, palayo sa akin.
Para na akong tanga dahil maski ang literal na paglayo niya sa akin ay nasasaktan ako. Lahat na lang nang walanghiyang bagay masakit! Nakakasawa na! Nakakapagod! Bakit ba hindi nila ako kayang mahalin? Ano bang problema sa akin? Ano bang gusto nilang gawin ko?
Pagkatalikod ay tumakbo ako, hindi alam kung saan ako tutungo. Mabuti na lang at walang masyadong tao dahil wala pang pasukan. Kung may nakakita man sa amin ni Ian, sana lang wala ro'ng nakakakilala sa amin. Shit!
Nasasaktan na ako at lahat ngayon iniisip ko pa rin ang relasyon nilang dalawa na maaaring ako ang makasira! I fucking hate this life. Sana hindi na lang ako nabuhay kung ganito lang din pala ang magiging partisipasyon ko sa mundo.
"Anna... anong nangyari?"
Katulad ng pagtalon sa isang matarik na bangin, hindi ko inasahang may taong sasalo at magsasalba sa akin. Dumating siya nang saktong malapit na sana akong sumalampak sa kadulu-duluhan ng bangin. He was like a miracle... a silent, answered prayer.
Iniligtas niya ako at ayokong ako ang maging sanhi ng pagkakahulog niya sa banging tinalon ko... ayoko siyang masaktan katulad nang pagkawasak na nararamdaman ko ngayon. Gusto ko rin siyang iligtas katulad ng pagligtas na ginawa niya sa akin. Pero hindi ko nagawa.
Hindi ko nailigtas ang taong nagligtas sa akin, sa katunayan, ako pa nga ang nagtulak sa kaniya sa disgrasya. I became the thing that I always feared.
I traded us just to know how it felt like to be loved back by the person I thought I was in love with—Ian.
Never did I once thought of hurting anybody, especially those people I care for. All I ever asked was to be happy with the one I love. And I was—we were happy. But knowing myself, I always ended up fucking things up. I already had everything I need yet I failed to see it. Now I was left with useless regrets for blowing off my chances.
Sinubukan ko namang ayusin. Thinking it was the right thing to do, I rejected Ian. Pero siguro nga, duwag talaga ako. Dahil pagkatapos ko siyang saktan, natakot na 'kong may masaktan ulit sa mga mali kong desisyon.
Mahal ko siya. Pero naisip kong hindi pa ito ang tamang panahon para sa aming dalawa. Kailangan kong umalis at lumayo sa kanila panandalian para bigyan ng espasyo ang paghilom. But my fate knew better than my plans.
"Bawat mortal ay may pitong buhay sa lupa. Hangga't hindi mo natatagpuan ang tamang landas, paulit-ulit na ipanganganak ang kaluluwa mo sa mundo. At kung hindi mo pa rin 'yon mahanap sa panghuli..."
"I know." Bagot akong tumango nang may kasamang buntonghininga. "You said for, I don't know, I lost count. So pang ilang buhay ko na nga kasi 'to?"
Ginantihan niya nang parehong buntonghininga ang sa akin. Tamad siyang bumaling sa city view mula sa taas ng building kung nasaan kami matapos.
"Para kasing hindi ka nakikinig. Pito lang—hindi siyam tulad ng mga pusa!"
I shrugged in confusion. "Wala naman akong sinabing siyam."
"Gusto mo ba talagang mabuhay ulit?"
Sandali akong napaisip. "Actually... no."
"Sige—"
"Pero sandali!"
"Ano?"
"If I chose not to live again... saan ako mapupunta?"
Tumuro siya sa sahig.
"Then if I chose to be reborn again... pwede ba akong mamili?"
That earned a chuckle from him. "Ang swerte mo naman?"
Sumimangot naman ako sabay ng pagbagsak ng mga balikat ko.
"Wala naman pala akong maraming choices, edi mabuhay na lang ulit kaysa mapunta sa..." Tumuro ako sa sahig.
"Hmn." He nodded in agreement before flicking his fingers. "Madali ka naman pa lang kausap." Then grinned as he said, "Handa ka na ba sa panglima mong buhay?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top