9 : Let her go
Hindi pa man nakakapagsalita si Nellie ay lumapit nang muli sa kaniya si Ian. Sapo ang magkabila niyang braso, pinagmasdan siyang mabuti ng huli.
"Anna... ikaw nga..."
"S-Sandali lang po—" Tanging sa singhap siya nauwi dahil sa ginawang mahigpit na pagyakap ni Ian.
With my brows knitting, I saw how his shoulders started to quiver from sobbing.
"Sandali! Teka lang! Ano bang ginagawa mo?!" Isang tulak at agad itong nabitiwan ni Ian.
"Anna?" Gulat, tila namamalikmatang ani Ian bago umakma ng muli sanang paglapit kay Nellie. "Anong... anong ibig sabihin nito?"
Umatras siya at umiling habang nagtataas ng magkabilang kamay para patigilin ito. "Wait—hindi ko rin alam, hindi ko alam kung anong sinasabi mo!"
"Anna, please..."
"Ian." Bumagsak ang tingin nila sa akin. Mas lalo namang nangunot ang noo ko. Why did he keep on imposing that this girl is Anna? "You're harassing her."
"Gusto ko lang sanang makausap si Regime." Sinundan siya ng tingin ni Ian nang humakbang palapit sa akin.
Natuon naman ang atensyon ko sa kaniya, bahagyang lito. What does she wants us to talk about?
Umahon ako sa pagkakaupo matapos niyang hawakan ang braso ko.
"What? You can't just leave!" Hinarangan ni Ian ang pinto bago pa man kami makalabas do'n.
Nagsalit ang tingin ko sa dalawa. Nagbabanggaan ang linya ng mga mata nila pero hindi nagpatalo si Nellie.
"Kuya, please padaanin mo na kami. Kailangan kong makausap si Regime." Napaatras siya sa paglapit sana ni Ian.
Ilang sandali matapos siyang titigan nito ay saka lamang ito unti-unting kumalma. Tila nagpipigil, binasa ni Ian ang labi bago nagbubuntonghiningang tumabi sa gilid ng pinto.
"Salamat."
Sinundan siya ng tingin ng dalawang naiwan hanggang sa makalabas kami ng kwarto. Hawak ang pulso ko, dire-diretso niyang tinahak ang kahabaan ng hallway ng ospital.
"Nellie."
"May kailangan akong sabihin sa 'yo, Regime."
"Nellie, pwede bang—"
"Mga kapatid mo ba sila? Gusto ko rin sanang humingi sa kanila ng tawad, kaya lang—"
"Sandali nga!" Nahigit ko ang braso kong hawak niya para lang matigilan siya sa paglalakad. Agad akong napadaing nang maramdaman ang halong kirot at hapdi sa isa kong paa dala ng biglaang paglakad. Inumpisahan kong lapitan ang malapit na hilera ng mga upuan matapos.
"Hala! Nako, sorry! Sorry hindi ko naman alam na may sugat pala 'yang paa mo. Teka, kaya mo pa bang tumayo nang maayos? Sorry talaga." Umalalay siya sa paglakad ko hanggang sa makaupo kami ro'n.
"Anong sinasabi ni Ian kanina?" bungad kong tanong pagkalingon sa kaniya.
"Ian?"
"'Yong lalaki kanina."
"Hindi ko alam..." Iniwasan nya ang tingin ko. "Pero maliban sa bagay na 'yon, may kailangan akong sabihin sa 'yo."
"Ano?"
Muli siyang nag-angat ng tingin sa akin. "Tatay ko ang gumawa nito sa inyo." Bumakas ang guilt sa mga mata nya katumbas ng pagkakagulat sa akin.
Hindi ako nakapagsalita.
Nang manatili akong tahimik ay nagpatuloy siya, wala na sa akin ang tuon. "Mapatawad mo sana si Tatay. Masyado lang siyang nabulag ng galit. Mabait ang tatay ko... mahal na mahal niya kami ni Nanay... hindi ko naman akalaing makakayanan niyang gawin ang ganitong bagay."
Couldn't say anything, I just kept my silence and listened as she continued.
Sinubukan niyang pigilin ang mga hikbi ngunit may ilan pa ring pilit kumakawala. "I'm sorry... sorry sa 'yo, sa mga kapatid at magulang mo... sorry kahit alam kong wala 'yong magagawa para ibalik ang lahat ng nawala dahil sa sunog. Sorry sa ginawa ni Tatay, Regime. Alam kong halos mag-agaw buhay kayong tatlo, lalong-lalo ka na..." Natigilan siya sandali para tahanin ang sarili.
Halos masapo ko ang sariling dibdib nang manikip iyon, tanda ng pagkakaalala ko ng nangyari at sinapit namin sa sunog.
"Maiintindihan ko kung ipapakulong n'yo s'ya. Maiintindihan ko naman kung... kung..."
Bahagya kong naikunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang tuluyan niyang paghikbi. Galit ako hindi kay Nellie kundi sa ginawa ng tatay niya. Hindi ko rin maiwasang pagdudahan ang sinabi niyang mabait ang huli, dahil ni isa man sa tatlong lalaking 'yon ay hindi ko kinakitaan ng awa.
"Hindi tamang manghamak ng ibang tao dahil lang nasaktan, Lalong-lalo na ng mga inosente." Pinigilan ko ang sariling 'wag siyang sigawan dahil alam kong wala siyang kasalanan. Iniwas ko na lang ang tingin sa kaniya bago nagbuntonghininga.
I know how it felt like to lose someone important over death. But I didn't know how some people cope with their pain. A few of them, like her father, probably resulted in doing a crime for it's the only way he thought that he could avenge his late wife.
"Anong mangyayari sa 'yo kung makulong ang tatay mo?"
Pinunasan niya ang mga basang pisngi bago ako binalingan. "Hindi ko alam... siguro makikitira muna ako sa mga kaibigan ko... 'di ko pa alam." Then shook her head.
Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Naaawa ako kay Nellie, kaya lang may dapat managot sa nangyari.
I reached for her arm and started tapping it when we both fell silent for a while.
Until she started saying, "Hindi na ako makakabalik do'n para kausapin ang mga kapatid mo. Kailangan ko ng balikan si Tatay sa presinto..."
Marahan na lang akong napatango bago siya nabitiwan.
"Sige na, Regime. Hiyang-hiya na ako sa 'yo." Sinubukan niyang tumawa nang mapunasan ang luhang muling tumulo. "Pagaling ka. Malapit ka nang maging architect! Kaya dapat hindi ka mahuli sa klase." Ngumiti siya sa akin kahit basa pa ng luha ang pisngi. "Una na 'ko."
"Mag-iingat ka."
Tumango siya sa turan ko bago tumayo at magsimulang maglakad paalis.
Iika-ika akong bumalik kaya nang mapansin ako ng isang babaeng nurse ay inalalayan ako nito hanggang sa makabalik ako sa kwarto. Naabutan ko ro'n ang tulala at mukhang parehong may malalim na iniisip na si Fritzie at Ian.
Pagkahigang pabalik sa hospital bed ay muli akong kinabitan ng IV ng parehong nurse. Wala akong naging reklamo nang makaramdam ng pagod mula sa sakit ng katawan at ilang sugat.
"Kuya. Nasaan si An—'yong babae kanina?" tanong kaagad ni Fritzie matapos makaalis ng nurse. Nasulyapan ko si Ian na siya ring inaabangan ang isasagot ko.
"Umalis na siya." Binalingan ko ng tingin ang huli at saka dinugtong, "at hindi siya si Anna."
Kumunot ang noo niya sa akin.
"Huh? Anong pinag-usapan n'yo?" si Fritzie ang nagtanong.
"She apologized in behalf of his father's crime."
"What?"
"Imposibleng tatay niya ang isa sa tatlong lalaking 'yon dahil patay na ang papa ni Anna. Sabihin mo nga 'yong totoo, Kuya. Nakita mismo ng dalawang mata namin ang babaeng 'yon. She totally looks like Anna!"
Kinunot ko ang noo ko kay Ian sa pagiging mapilit niya. I was the one who's supposedly asking him about Anna! Ano 'tong pinagsasabi niyang si Nellie ang huli? Ako lang ba talaga ang nababaliw dito?
"Ilang beses ko bang dapat liwanaging hindi siya si Anna? Her name's Nellie—magkaibang tao sila."
"Kuya, bulag ka ba?! Kamukhang-kamukha niya si Anna! Imposibleng magkaibang tao sila! 'Wag mong sabihin sa aking kinalimutan mo na rin pati ang mismong mukha ni Anna?!"
"Ian!" mabilis na awat ni Fritzie.
Pumikit ako nang mariin at sinubukang idantay ng kumportable ang ulo ko sa unan. Pagod na ako at wala ng enerhiya para makipagtalo pa ulit kay Ian.
Pilit kinokontrol ang namumuong tensyon sa panga, mahinahon pa rin ako nang sinabi ito, "Hindi siya si Anna at hindi mo na kailangang ipaulit-ulit sa akin na magkamukha sila."
"Kung hindi siya si Anna, bakit hinayaan mo siyang umalis nang hindi ko siya nakakausap?! Natatakot ka bang baka maulit ang nangyari noon? Don't be selfish! Hindi lang siya sa 'yo!"
Fuck. "Tumahimik ka sabi!" Wala sa oras akong napadilat at halos mapaahon sa pagkakahiga. Ang bigat ng bawat paghinga ko ay sinasabayan nang mabilis sa pagpintig kong puso dahil sa bumugsong galit. Galit na hindi ko sigurado kung para saan eksakto.
Natahimik at natigilan si Ian, nagulat naman si Fritzie. Isang huling nakasusugat na tingin ang ipinukol sa akin ni Ian bago tumalikod at dire-diretsong lumabas ng kwarto.
Takip ang braso sa mukha, muli akong pumikit nang mariin at huminga nang malalalim para lang mapakalma ang sarili. Sinubukan kong matulog ngunit hindi na matigil ang mabilis na pag-andar ang isip ko. Tungkol sa mga sinabi ni Ian.
"She totally looks like Anna!"
"'Wag mong sabihin sa aking kinalimutan mo na rin pati ang mismong mukha ni Anna?!"
Parang gusto kong magmura nang walang humpay. I still couldn't remember Anna's face. But the mere mention of her name coming from Ian meant that she was real... she wasn't just a girl in my dreams. Pero bakit parang ayaw ko nang malaman ang higit pa ro'n? Bakit may kung anong takot ang lumulukob sa akin sa pagkumpirma ng katotohanan?
Natapos ang linggong 'yon ng hindi ako nakatulog nang maayos gabi-gabi dala ng sobra-sobrang pag-iisip. Nalaman kong ang mga rumespondeng bumbero ang nagligtas sa akin mula sa sunog. Hindi na rin ako nagkaroon ng balita kay Nellie o sa Tatay niya ng mga sumunod na araw. Nakalabas na rin kami sa ospital. Hindi na kami nagkibuan ulit ni Ian matapos ng sagutan namin.
Palabas ng campus si Ian nang matanaw ko ang hawak niyang isang white rose. Kunot-noo, binilisan ko ang lakad para lang maabutan siya. Ang hawak ko sa isang strap ng roll top ay bahagyang humigpit, matapos matantong ito na ang pagkakataon kong tanungin siya tungkol kay Anna.
"Ian."
Natigilan siya mula sa akmang pagsakay sa bus para lang lingunin ako. Mula sa kaunting pagkakagulat ay nangunot din ang noo niya.
"Mag-usap tayo."
He made a faint scoff. "Ano namang pag-uusapan natin, Kuya?"
Magsasalita pa lang sana ako pero tinalikuran na niya ako at sumakay na sa bus. Sumunod ako sa kaniya ro'n. Naupo ako katapat ng napili niyang upuan sa may bandang gitna. Matapos sumulyap sa hawak niyang rose ay inumpisahan ko ang mga tanong.
"Nasaan si Anna?"
He chuckled under his breath sarcastically. Napapailing, binalingan niya ako. "Nasaan ang babaeng nagpunta sa ospital?"
"Did you talk to her? Anna, I mean."
Imbes na sumagot ay mariin lang akong tinitigan ng kapatid. Matagal iyon. Hanggang sa balewalain na niya ako matapos magtuon ng atensyon sa kung saan.
"Ian," mababa ngunit buo kong tawag. Naaninag ko ang paggalaw ng panga niya ngunit walang sinabi.
Mukhang wala akong mapapalang sagot sa kaniya. Great.
Hanggang sa tumayo siya mula sa ilang minutong byahe. Nilingon ko ang daan at nakitang malayo pa iyon sa babaan namin.
"Sa'n ka pupunta?"
Bago bumaba ay nilingon niya ako. "Kung gusto mong masagot ang mga tanong mo, sumama ka sa 'kin."
Lito, may pag-aalinlangan akong tumayo para sumunod sa pagbaba niya ng bus. Diretso ang mabibilis niyang paghakbang at wala akong ideya kung saan ang tungo niya. Hanggang sa tahakin niya papasok ang isang sementeryo kung saan nakalibing si Dad. Pero wala pa man kami sa puntod ng huli nang huminto na sya.
After putting the white rose on top of someone's thomb, he started saying, "Lee Anne Clemente. Date of birth: November 21, 1986. Died on September 29, 2004."
Pumirmi ang mga mata ko sa letra at numerong nakaukit sa lapida. Swallowing hard, I wasn't sure if I wanted to hear the answer from my question when I asked, "Sino siya?"
"Kuya..." Pagkasinghap ay malinaw na bumalatay ang halong awa at hirap sa tinging binigay niya sa akin. Halos tangayin ng hangin ang boses niya sa hina nang sinabi ito matapos, "It's Anna."
"No." Umiiling, may kumawalang mahinang tawa sa pagitan ng mga labi ko. Naituro ko pa ang puntod. "Paano magiging Anna ang Lee Anne? No, no." Sunod-sunod ang muli kong pag-iling, 'di alintana ang unti-unting pagbigat ng paghinga at paninikip ng dibdib. "Alam kong iniisip n'yong nababaliw na ako pero..."
"Anna's gone, Kuya," klaro ang hirap sa pagbigkas ni Ian sa mga salitang 'yon na para bang hindi ko kayang intindihin. "
Fuck.
Para akong binuhusan ng tubig mula sa North Pole. At katulad ng isang saranggola, nilipad na rin yata sa kalangitan ang utak ko. Dinaig ko pa ang naturukan ng anesthesia sa panandaliang pagkakamanhid. Hanggang sa sabay ng singhap ko ang siyang isang bagsakang bugso at atake sa akin ng iba't ibang emosyon.
"She's not. No... no, she can't be..." Halos lamunin ko ang sarili kong boses dahil sa panliliit. "That can't be..."
The crushing pain in my chest made it hard for me to breathe. Bawat mabibilis na pintig ng puso ko ay may kaakibat at kumakalat na kirot na animong lason sa Sistema ko. Hindi sapat ang hangin para punan ang baga ko kahit ilang beses kong subukang huminga.
"Anna..."
Natanto ko na lang na nanunuhod na ako sa tapat ng puntod nang mag-umpisang manlabo ang paningin ko. Para akong wala sa sarili habang umiiling, nanginginig ang kamay na nakahawak sa bawat letra ng pangalan niya.
"Four weeks ago na simula ng mamatay siya... araw-araw kong dinadaanan ang puntod niya bago o pagkatapos kong pumasok sa school. Araw-araw ko siyang dinadalhan dito ng paborito niyang bulaklak."
We just met four weeks ago. How does any of this make sense? I'd been seeing her in my dreams but I had no recollection of her face... or any of the memories I had with her when she was still here.
Bakit?
"Kuya, hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako na parang kahapon lang nangyari ang lahat. Pero alam kong mas nasasaktan ka. Kaya lang kailangan mong ipagpatuloy ang buhay mo. 'Wag mong sukuan ang sarili mo..."
May kung anong tila nagliyab sa akin sa narinig.
"Hindi totoo 'to!" Pagkatayo ay hinablot ko agad ang kwelyo ni Ian. Bagsak ang tingin niya sa damuhan habang nag-uunahan ang pagtulo ng luha. "Bawiin mo 'yung sinabi mo... buhay pa si Anna!" I almost choked on a sob. Halos magbara na ang lalamunan ko sa paninikip. "Sinungaling ka, Ian. Ganito ka ba kagalit sa akin, ha? Ganito ka na ba kalala para paniwalain ako sa isang bagay na alam mong walang katotohanan?!"
Umiling siya ng hindi pa rin ako tinitignan.
"Ian, 'wag mo akong gaguhin! 'Wag sa ganitong paraan!"
"Kuya, wala na si Anna. She's gone—what else you want me to say?!" He sobbed as he finally looked up at me. With bloodshot eyes, he pleaded, "Let her go... Kuya, tama na. Please... just let her go..."
Pabalya ko siyang binitiwan. Para mang bibigay ang mga tuhod sa panghihina, sinimulan kong tahakin ang daan paalis do'n. Tulad ng hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko, hindi ko na rin alam kung saan ako tutungo.
I tried searching for Anna's house in our neighborhood but no one knew her. Sunod kong sinubukang halughugin ang kwarto ko para sa phone ko ngunit hindi ko iyon mahanap. Gulong-gulo habang naghahanap ng sagot sa mga tanong, natagpuan ko na lang ang sarili sa tapat ng computer.
Subject: Re: Happy 21st
From: Leomar Madrigal <[email protected]>
What do you mean what happened? Were you away? Where have you been? Man, your girl was gone, right? Anna, was it? Wait, wait, are you trying to birthday prank me?
My mind went blank as I stared at the computer screen. With thoughts starting to race about one thing then the other, I couldn't get my head to think straight.
Your girl. Anna. Gone. Dead. Let go. Dream. Hallucination. Flower. Ghost.
Let... her go.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top