7 : Dreaming


Marami akong tanong sa isipan ko kanina. Pero simula nang makauwi ako sa bahay ay wala na akong ibang ginawa kundi titigan ang babaeng na-sketch ko... si Nellie. Knowing she was a real, breathing person still felt surreal.

But there was still something that didn't feel right about it, I just couldn't point out exactly what is.

Inisip ko na lang kung paano ko siya makikita ulit para makausap nang mas maayos. And to hopefully have some answers about the things going on around me lately. Hindi ko alam kung nasa highschool pa lang siya o nasa college na rin tulad ko. Sa dami ng populasyon ng highschool at college sa campus, wala akong ideya kung paano kami magkakatagpo ulit.

Pero naka-P.E. uniform sya kanina kaya paniguradong nasa pagitan lang siya ng highschool hanggang sa second year college. Wala na kasing P.E. 'pag 3rd year college na. At sa itsura niya, mukhang nasa bandang senior highschool o kaya freshman college student pa lang sya.

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko bago ko ipinikit ang mga mata. At katulad kagabi, mababaw lang din ang naging tulog ko.

Pagkapasok sa campus ay panay ang pagpansin ko sa mga taong nakakasalubong. Halos buong araw kada vacant period ko'y maya't maya ang linga ko sa paligid. I probably looked like a dimwit. Pero sa kasamaang palad, hindi ko nakita si Nellie. Sino nga naman ba kasing niloko ko? Paano ko siya makikita sa dami ng taong nandito?

Katulad kagabi, tulala lang ako sa kisame habang naghihintay madapuan ng antok. Hindi ko alam kung bakit mababaw pa rin talaga ang tulog ko. Pumasok ako sa school nang umaasang makikita ko si Nellie. Pero ito ako't naglalakad na sa corridor ng building namin paalis, pauwi.

My shoulders slightly slumped in disappointment.

Isang liko na lang at makakalabas na ako sa building ng, "Aray!"

"Ay sorry, miss. Next time kasi 'wag kang nagde-day dream habang naglalakad. Muntik pang masira 'tong frame ng painting sa tigas ng ulo mo." Matapos magreklamo ay tinalikuran siya nito at umalis na rin kaagad.

"Suplado naman ni Kuya. Wala na ngang laman ang ulo ko nauntog pa! Wala namang awa o! Dos por dos pa yata 'yung frame—ang solid. Naalog utak ko, ang sakit!"

Tulad ng unang beses kong pagkakakita sa kaniya ay natulala na naman ako at natulos sa kinatatayuan.

"Nellie... Nellie!"

Sapo pa niya ang noo nang makuha ko ang atensyon niya. Matapos sumulyap ng isang mabilis ay agad niya akong binalingan pabalik para tignan nang mabuti. Pagkabawi sa kamay na nasa noo ay dahan-dahan niya akong nilapitan.

"Ah! Teka, Ikaw 'yong natamaan ko ng..." She slapped both hands in front of her with a laugh under her breath. Parang hindi pa siya makapaniwala nang tinanong, "Natatandaan mo ako?"

Napangiti ako sa muli naming pagkikita. "Oo naman. Hindi ka nga nawala sa isip ko." Bahagyang namilog ang mga mata niya at nawala naman ang ngiti ko nang mapagtanto ko kung ano ang nasabi. Agad kong itinama iyon, "That's not what I meant! Uh..." Na siyang hindi ko rin pala sigurado kung paano ko ba ipaliliwanag sa kaniya.

I already saw you in my hallucinations before meeting you in person—how could I say that to her without sounding like a lunatic?

"What I was trying to say is..."

The awkward look she was now giving me said I blew it off. Fuck. Bahala na.

"Never mind. Uh, I'm Regime." Napasapo na lang ako sa tuktok ng ulo ko habang maingat siyang pinagmamasdan.

Her expression slowly loosened up until she smiled then snorted a little. I wasn't sure what's funny or if she was making fun of me but for some reason, I was relieved. I'd been wanting to see her so that I could talk to her. Kaya unang-una sa lahat, ayokong maging awkward ang pag-uusap naming dalawa. Importante sa aking komportable siya.

"Regime? As in galing sa Regiment?"

"Uh, I don't know. Maybe?" Natawa na lang ako nang maisip din iyon.

"May pagka-weird ang pangalan mo. Military ba ang papa mo?"

"He's not. But honestly, ikaw pa lang ang nagsabing weird ang pangalan ko." Pagkabawi ng kamay ko mula sa ulo ay itinikom ko paloob ang mga labi ko.

"Gano'n? Nako, 'wag na nga lang nating isipin. Ngayon lang kasi ako nakarinig ng ganyang pangalan." Medyo awkward ang naging tawa niya kaya bahagya na lang akong ngumiti. "Uhm, college ka na?" Pagkasulyap sa ID lace ko ay namilog ang mga mata niya. Sandaling nagsalit do'n at sa akin ang tingin niya matapos. "Wow! Architect ka?"

"Hindi pa, nag-aaral pa lang. Kung susuwertihing makatapos at makapasa sa board..." I shrugged a little. "That would be nice." Nabigla ako ng kaunti sa paghawak niya sa ID lace ko. Medyo napayuko kasi ako sa ginawa niyang paghila ro'n.

"Fritz Regime Reed, IV-A, BS Architecture..." Nagpasalit-salit muli ang tingin niya sa ID ko at sa akin, para bang kinukumpirma niya kung ako ba talaga ang nandoon.

Natawa na lang ako ng pumirmi na ang tingin niya sa mukha ko.

"Oh my, God. Isang taon na lang graduate ka na, ang galing!"

Pagkabitiw niya sa ID lace ko ay saka lang ako nakatayo nang maayos. Her enthusiasm was contangious, I couldn't brush off the smile on my face.

"Alam mo, pangarap ko rin sanang kunin 'yang course na 'yan. Kaya lang hindi naman talented ang mga kamay ko. Ni hindi ko nga kayang mag-drawing ng taong may laman. Puro stick lang..." Mahina siyang tumawa bago ipinaling ang tingin sa ibang banda. "Nakakahiya naman ang mga sinasabi ko..." bulong lang 'yon pero narinig ko.

My smile grew wider. "Talent alone can't survive. Mas importante pa rin ang sipag at resolve."

Lumiwanag ang ekspresyon niya pagkabling pabalik sa akin. With a tap on my arm, she said, "Nako, bestfriend na kita! Panalo 'yang sinabi mo!" Sabay thumbs up nang nakangiti gamit ang magkabilang kamay.

Natawa na lang ako sa sinabi niya at nang tuluyang mawala ang awkward na hangin sa pagitan namin.

"Ikaw? College ka na?"

Umiling sya. "Nako hindi pa. Fourth year highschool pa lang ako. Ang totoo n'yan nagpunta ako rito sa building n'yo para tignan 'yong mga picture ng painting na naka-display sa dingding. Kaya ako nauntog kakatingala sa mga 'yon eh."

Nahihiya siyang tumawa habang nangingiti naman akong pinapasadahan ng tingin ang mukha niyang tunay nang nasa harapan ko. Inaya ko siyang maglakad, para samahan siyang ipagpatuloy ang ginagawang pagtingin ng mga picture ng bawat painting sa dingding.

Karaniwan sa mga picture na naro'n ay historical o 'di kaya naman ay gawa ng mga sikat na pintor sa iba't ibang bahagi ng mundo. Iilan lang ang naidi-display doon na galing sa ilang estudyante ng school. Puro kasi ekstraordinaryong gawa lang ang binibigyan ng privilege para maipaskil doon—na siyang pangarap ng halos lahat ng mga estudyante sa college namin.

We talked casually for a while as we stroll around. Until we headed outside the building and stopped in front of the dead tree. Parang gusto ko pang kabahan nang iyon ang napili niyang lugar para hintuan.

Did she have the answers from my questions? Ito na ba ang pagkakataon para umpisahan ang mga tanong ko?

Something doesn't feel right. Magaan ang naging pag-uusap namin kanina kaya hindi ko matukoy ngayon kung saan banda ang mali.

Was it because my expectations of her were different from what she really is?

Habang tuon ang tingin sa puno ay sinabi niya ito, "'Yong pangalan na binanggit mo pagkagising mo sa clinic..."

Bumaling ako sa kaniya at hinintay siyang magpatuloy.

"Anna ba 'yon?"

Inalala ko ang nangyari ng araw na 'yon bago ako marahang tumango. Hindi ko akalaing maaalala pa niyang binanggit ko 'yon. But now that she mentioned Anna's name, something started to feel weird. Or it was just probably me.

Bahagyang kumunot ang noo ko. "Bakit?"

"Ah wala! Pamilyar lang kasi..."

"It was a common name." Nagtagal ang tingin ko sa kaniya. "May kakilala ka bang gano'n?"

Sinulyapan lang niya ako bago umiling sa kawalan.

"Wala. Pero... pwede ko bang itanong kung ano ang itsura ng Ana'ng binanggit mo?"

Kinuha ko ang pagkakataon para harapin at titigan ang mukha niya. I was a hundred percent sure that she was the girl I saw here. But something really felt off.

"Bakit mo gustong malaman?"

"Nagbabaka-sakali lang naman akong... siya ang Anna na 'yon."

Maybe I was wrong when I thought that she could be the answer for at least one of my questions. Dahil parang mas nadagdagan lang iyon ngayon. "What do you mean?"

"Regime, tignan mo ako." Pagkapaling paharap ay humakbang siya aking palapit hanggang sa makatayo sa mismong harapan ko. "Ngayon sabihin mo sa akin kung ano ang itsura ni Anna..."

Both eyes trained on each other, I did what I was told.

"Anna's... uh... she's..." With my brows slightly creasing, confusion started settling in me.

Why does Anna's face blank in my memory?

Wala sa sarili kong nasapo ang ulo sa kalituhan. Paanong hindi ko maalala ang itsura niya? Malinaw pa sa akin iyon ng isang araw lang.

"Anong itsura niya?"

Ilang beses ko pang pilit inalala ang mukha ni Anna. Ngunit bukod sa isang pamilyar na pakiramdam ay wala talagang rumerehistro sa memorya ko. Hindi naman siya nabura sa isipan ko kaya bakit hindi ko maalala ang itsura nya? Bakit... bakit ganito?

"Regime?"

Halos lumipad ang isipan ko ng mapagtantong wala talagang imahe ni Anna sa memorya ko. "Hindi ko alam... h-hindi ko maalala ang mukha niya... hindi ko maintindihan."

"Ano? Paanong hindi mo alam? Akala ko ba..."

"Akala ko rin." Kapwa naguguluhan, natulala ako sa mukha ni Nellie sa harapan ko.

Tahimik ang bahay pagkauwi ko. Hindi ko nakita sina Mama at Fritzie. Wala rin si Franco. Tanging ang nag-iisang si Ian lang ang nakita ko sa balcony habang nakatanaw mula sa railings. Ipagpapatuloy ko na sana ang naudlot na paglalakad nang matigilan ako sa narinig.

Pagkalingon muli kay Ian ay naabutan ko ang panginginig ng mga balikat niya. Salo-salu na ng magkabila niyang palad ang mukha habang mahinang humihikbi.

If my memory served me right, this was the first time I'd seen him cry. I didn't remember anything bad that happened lately—aside for him acting all weird. Bakit siya umiiyak?

I almost walked towards him and ask him what's wrong but caught myself mid-stride when I thought better of it. Maybe he needed to be left alone. Hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya kung sakali.

Natapos ang linggong 'yon ng hindi ko nakita sa campus si Anna pati si Nellie. I didn't particularly wanted to see the latter more than wanting to talk to Anna. Ilang araw ko pa lang siyang hindi nakikita, hindi na ako agad mapalagay. Hindi ako sigurado kung dahil ba 'to sa 'di ko pagkakaalala ng mukha o dahil sa ibang dahilan.

Nang dumating ang birthday ko ay nakatanggap ako ng ilang texts at emails ng pagbati mula kay Senin at ilang kaklase. Ngunit ang isa roong galing sa isa kong kaibigan ay nagdala sa akin ng kaunting kalituhan.


Subject: Happy 21st

From: Leomar Madrigal <[email protected]>

To: [email protected]

Happy 21st birthday, man! Wanna go hit on some sizzling hot girls tonight? I know a place, come on, call me if you want some haha! Just to be clear on that—I won't do you, but I know someone who will!

On a serious note tho, enjoy your youth, dude! Don't get stuck in the past. Well, alright. You know I don't usually do stuff like this shit but I've heard about what happened. I've never been in love but I know how hard it was to lose something while feeling incapable of doing anything about it. That sucks.

Anyway, I'm just passing by to say sorry for that shitty thing I did, although it was partly cuz of your fault. Hope you'll get better the next time I'll hit on your girl!

Stop being a good boy, Rej! You've already grown as a man now. Show them that you've got the balls! HAHA! See you when I see you.


Hindi ko alam kung sa kaniya o kung sa sarili ko ba mismo ako maguguluhan. Wala naman akong naaalalang nagawa niyang mali sa akin. At anong ibig niyang sabihin na narinig niya ang tungkol sa nangyari? Bakit? Ano ba ang nangyari? And who the hell was he pertaining to about my girl?


Subject: Re: Happy 21st

From: Fritz Regime Reed <[email protected] >

To: [email protected]

Thanks, man. I'm not interested to hit on any girl right now. But I may be interested about 'my girl' that you're talking about. Sorry if this sounds a little off but the last days had been a total confusion to me, so will you please do me a favour and enlighten me here? Did something happened this last few months that I didn't know of?

Hope you see this. See you soon.


Lying awake at my bed, I was staring blankly at my ceiling as I try to put the pieces of the puzzle together. Wala akong kahit ano kundi mga obserbasyon kaya doon ako nagsimula.

Ian's weird actions. Anna's odd behavior from our first interactions. The lingering strange feeling I always felt whenever I woke up... after seeing her. The feeling of someone staring at me. My plates moving at my drafting table. The girl I saw near the dead tree. Anna's blank face. Nellie asking about her.

Namimilog ang mga mata, wala sa oras akong napaahon paupo mula sa pagkakahiga. Hinalughog ko kaagad ang sketckbook mula roll top. Aktong bubuklatin ko na iyon diretso sa huling pahina nang matigilan ako pagkakita sa mga naunang guhit ko ro'n.

Halos magsalubong ang mga kilay, binilisan ko ang paglipat ng mga pahina mula sa umpisa. Nahinto ako sa sketch ro'n ng isang babae. The more I stared at it, the more my chest started to grow tight. Hindi ko maalala kung kailan ko iginuhit ito, lalong hindi ko alam kung bakit at paanong kamukhang-kamukha ito ng babaeng nakita sa tapat ng patay na puno.

Swallowing hard, I kept trying to remember Anna and I's interactions. Thinking her face would somehow register to me but to no avail.

"Kailangan mo nang matulog, Regime."

Was it possible that... Anna wasn't real? That I was only seeing her in my dreams?

Nasapo ko ang dibdib nang mas lalo iyong manikip. I was clutching at a handful of the fabric on my shirt as my breathing started to strain. Binitiwan ko ang hawak na sketchbook at pumikit nang mariin.

Fuck. I take it back, maybe my mother was right all along—I'm probably losing my mind.

Inulan ng mga panibagong tanong ang isip ko. Pero kailangan ko munang makasigurado kung tama nga ang hinala ko sa ngayon. And to do that, I need to sleep soundly tonight and dream. This time, I would make sure to remember every feature of her face even after I woke up. Things would probably make sense then... hopefully.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top