5 : Body and soul


Hindi natuloy ang klase namin para sa last prof. Wala akong importanteng dapat gawin kaya't imbes na umuwi agad ay tinungo ko ang patay na puno. Mula sa pag-upo sa malapit na bench ay inumpisahan ko iyong iguhit sa sketchbook.

Ang ingay sa paligid mula sa ilang estudyanteng nagdaraan ay hindi ko alintana. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa bawat detalye kung paano gumapang ang bougainvillea sa mga sanga ng puno, hanggang sa kung paanong tila nagbabago ang kulay ng mga bulaklak niyon mula sa sinag ng palubog na araw.

Abala ako sa pagguhit ng bawat linya nang maalala ko ang babaeng nakita ko rito. Saka ko na lang natantong naiguhit ko na rin ang inuupuan kong bench. Laman niyon ang dalawang taong nakatalikod habang pinagmamasdan ang puno. Isang babae at isang lalaki.

"Did the tree die from the vines? Or did the vines bring it back to life?"

Sumisilip ang kulay kahel na liwanag sa pagitan ng mga daliri niya habang angat ang palad sa ere, nang malingunan ko siya sa kabilang dulo ng bench.

"That tree isn't probably dead yet—maybe it's just waiting for springtime to bloom. And if it happens to be dead, the vines only made it seem like it's still alive—that or like you said, it died because of it. I guess we'll have to wait then."

"For what?"

"Springtime?"

Tinuro niya ang puno pareho ng pagpunto nito, "The flowers are in full bloom!"

"Everything has its own springtime." I shrugged before directing my sight back to the tree.

I could hear the smile in her voice when she said, "That's nice. Sige hindi na 'ko makikipagtalo."

We both caught ourselves chuckling as I turned to her. Ang maputla niyang mukha ay sininagan ng natitirang liwanag mula sa pamamaalam ng araw.

Parang gusto kong ipinta.

Isang kurap at nang sunod akong magmulat ay mukha ni Fritzie ang bumungad sa akin.

"Kuya, okay ka lang? Bakit dito ka natutulog?"

Napaahon ako mula sa pagkakahiga sa bench. Isang sulyap sa kabilang dulo niyon at walang Anna akong nadatnan.

"Do you feel sick?"

Binalingan ko ang nag-aalalang mukha ng kapatid ngunit agad ding natuon ang tingin ko sa nalaglag kong sketchpad. Pinagmasdan ko ang kasalukuyang pahina niyon matapos pulutin. Nakaguhit pa rin doon ang puno, bench pati nang dalawang taong na-sketch ko kanina. Bakit naman mawawala?

"Kuya?"

"Huh?" Tila taling napigtal ang linya ng mga iniisip ko nang muling nalipat sa kapatid ang atensyon.

"Sabay na tayong umuwi?"

Death is the separation of the soul from the body, but the soul does not lose consciousness — or cease to exist — when it undergoes that separation. The soul is fully aware of the particular judgment. This is not to deny in any way that the soul is the substantial form of the body. The two form a composite union, but the soul has its own principle of existence, given to it by God. As a spiritual entity, the soul doesn't need the body to exist or to engage in thought. The soul has an "intellective memory" that survives death and can also have new thoughts through God's direct infusion of ideas into the mind.

I was reading a book in my room when a knock came at the door. Hawak ang tig-isang bote sa magkabilang kamay, ngumiti sa akin si Franco.

"Beer?"

Naro'n kami sa balcony, kapwa sandig ang mga braso sa bakal na railings. Ang bote ng beer na hawak ay nagyeyelo sa lamig. I wasn't into alcohol but I could handle a bottle of beer quite well.

Bumuntong hininga siya habang pinagmamasdan ang kahabaan nang tahimik na kalsadang nililiwanagan ng lamppost sa baba. Pagkatikhim ay nagsimula siyang magsalita.

"Alam kong may galit ka sa akin dahil iniwan ka ng mama mo para lang bumuo ng bagong pamilya kasama ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin at ipilit sa 'yong intindihin na lang ang lahat. Dahil alam kong hindi 'yon gano'n kadali."

Kasabay ng pagdaan nang panggabing hangin ang pagguhit sa lalamunan ko ng iniinom. Nanatili akong tahimik at hinayaan siyang magpatuloy.

"Alam mo, sa tuwing nakikita kita naaalala ko si Rio. Ganiyang-ganiyan siya kung kumilos at magsalita sa 'yo." He chuckled under his breath. "Magkakilala na kami mula pa high school. Halos kapatid ko na nga 'yung ungas na 'yon."

That's news to me. "Kung gano'n, bakit hindi mo na lang pinaubaya si Mama sa kaniya?"

Umiling niya akong binalingan. "Katulad ng sinabi ko kanina, hindi 'yon gano'n kadali, Regime." Pagkainom mula sa boteng hawak ay nagpatuloy siya. "Bukod sa na kay Rizza ang desisyong mamili, hindi ako mapagparayang tao tulad ng daddy mo."

Natahimik ako. I wasn't prepared that his words would resonate with me. Mula sa mga hinanakit hanggang sa mga tao sa buhay ko, may parte sa aking laging hirap iyong pakawalan at palayain.

"Naaalala ko pa nga kung paano niyang ipinagpalit ang test paper namin noong high school. Alam niyang wala akong maisasagot doon dahil buong linggo akong absent sa kakulangan naming pang-pinansyal. Hindi ko alam na pangalan ko pala ang inilagay niya sa test paper niya. Nagulat pa ako ng makakuha ako nang halos perfect sa exam na 'yon, samantalang maski pangalan hindi ko nailagay."

Dumapo ang isang hapyaw na ngiti sa labi ko nang marinig ko ang muli niyang pagtawa. Mostly because I'd been reminded of the days when my father would shower me with advice, whenever I needed it.

Sandali siyang natahimik. Namayani ang malalayong tunog ng mga makina ng sasakyan sa kalsada bago sya nagpatuloy.

"Nasa college na kami ng makilala ko ang mama mo. Marami na akong nakilalang babae noon pero nang makita ko siya, sigurado na ako kaagad na siya ang gusto ko—gustong makasama habang-buhay."

"Seriously?"

Tumawa si Franco sa bahagya kong pagngiwi. Tumatango siya nang sinundan ang sinasabi.

"Kahit hindi aminin sa akin ni Rio, alam kong may pagtingin siya sa mama mo. Pero itinago n'ya 'yon ng halos dalawang taon, hanggang sa ipagkasundo silang dalawa. Alam kong wala siyang magawa sa sitwasyon pero nagalit ako sa kaniya't nagkasira kami. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit hindi niya sinabi sa aking nabuntis si Rizza. Pero kahit ganoon, sa huli mas pinili niyang maging mapagparaya."

I wasn't sure if being selfless to that point was still considered admirable. Kundi pagpapakatanga, hindi ba kahinaan na lang 'yon? Bakit mo bibitiwan agad ang mga bagay bago mo pa man iyon subukang paghirapang makuha?

Or maybe he tried his best to win my mother only to end up losing for not being enough. Fuck. That sounds depressing. O siguro hindi talaga tayo magiging sapat para sa mga maling tao.

"Hindi ko sya maintindihan. I'm the son of the woman who left him for someone else but he still loved me like his own." Pinadaan ko ang iniinom sa lalamunan, sinusubukang alisin ang namumuong bara ro'n. "My father was the kindest but he's a lonely man. Iminulat niya ako sa mundong maganda kahit kami lang gayung napakadilim pala ng mundo niya..." I gasped, trying to ease the tightening of my chest.

Siguro nga hindi na ako bata para kailanganin si Dad para lang makaligo araw-araw. Ni hindi na nga ako teenager para maya't mayang paalalahanan at pangaralan ng mga bagay. But there was still a part of me wanting, hoping for him to stay longer enough until I make him proud. Pero sino bang niloloko ko? He couldn't see through to the end because he was no longer here.

"Hindi ko ginustong saktan sya. Kung kaya ko lang ipaubaya sa kanya ang mama mo ay ginawa ko na. Sa lahat ng kabutihang ginawa nya... he deserves to be happy. At ikaw ang tumupad n'on, Regime.

"'Wag mong tignan bilang utang na loob ang pagmamahal niya sa 'yo. Tatay din ako kaya naiintindihan ko siya. Walang kapantay ang pakiramdam ng pagiging magulang—at salamat dahil hinayaan mo siyang maranasan 'yon." Tinapik niya ng ilang beses ang likod ko.

Bumagsak ang tingin ko sa boteng hawak. From the moist to the now absent coldness, it was nearly empty.

"Alam kong hindi madali ang lahat para sa 'yo ngayon. Pero kahit hindi ako kasing tatag at galing ng daddy mo... pwede mo akong ituring bilang isang ama. Tulad ni Ian at Fritzie, anak na rin kita, kaya 'wag kang magdadalawang-isip na lumapit sa akin, okay? Pamilya tayo rito. Saka isang boteng beer lang tulad nito ayos na ako."

Tumango ako sabay nang mahinang pagngiti sa kaunting tawa niya.

"Pabor lang."

Mula sa pagtuon ng tingin sa hawak na bote ay bumaling ako sa kaniya.

"Hayaan mo sana ang mama mong bumawi sa 'yo."

Nagtagal ang tingin ko sa kaniya. I never had a complete family. At ang pagkakaroon niyon ngayon ay nakapaninibago. Pero sa kung anong dahilan, animong may pinakawalan akong kilo-kilong bakal na matagal nang nakaangkla sa puso ko, dahil sa naging usapan namin. Magaan iyon sa pakiramdam. At tulad ng panibagong espasyo, tingin ko handa na rin akong bigyan ng puwang ang mga bagong bagay sa buhay ko—nang unti-unti.

Matapos kong muling tumango ay humakbang siyang palapit at kinabig ako para sa isang yakap. Hindi ko maintindihan ang panibagong paninikip ng dibdib nang paulit-ulit niya akong tinapik sa likod.

"Hindi pa 'ko lasing."

Hindi ko napigilan ang kumawala kong tawa sa narinig.

"Same." I didn't if it was just me or there was something cold, a breeze—I don't know—that enveloped me from my back. Ngunit kasabay ng pag-ihip nang malakas na hangin at pagtigil ng paninikip ng dibdib ko'y nawala din iyon.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top