2 : Good night
Kabababa ko pa lang ng hagdan nang maabutan ko si Ian sa kitchen na gumagawa ng sandwich. Napalingon sya sa akin pero agad ding nagbitiw ng tingin. Binilisan nya ang ginagawang pagbalot ng sandwich at saka dali-daling isinilid iyon sa back pack nya. Pagkakuha sa isang white rose na naro'n sa lamesa ay naghahadali siyang umalis.
Nanatili akong nakatayo doon sa gilid ng dinning table nang marinig ko ang pagsarado ng main door, tanda ng pag-alis niya.
Anong problema? I mean, ayos lang naman sa akin kahit hindi nya ako pansinin o ano pa man, dahil ayoko rin naman syang kinakausap. Pero iba kasi ang tingin nya sa akin kanina. Para syang... guilty? Tungkol saan? Hindi ko alam. Parang kahapon lang ayos naman siya, ang energetic pa nga at panay ang pangungulit.
Tanging si Ian lang ang nakita ko sa bahay na iyon bago ako umalis para pumasok sa campus.
I was half way as I headed to my building for my first class when I noticed a tree—a dead tree. Ang mga sanga niyong wala nang kahit anong tanda ng buhay ay ginapangan at pinalilibutan ng bougainvillea. Halong pula, kulay rosas, naninilaw at puti ang mayabong na bulaklak niyon.
Sa kung anong dahilan ay parang gusto kong kunin ang sketchbook at umpisahang iguhit ang puno.
Bumagal ang paglakad ko hanggang sa panandalian akong mapahinto. Hindi para gawin ang naisip kundi dahil sa isang babaeng huminto 'di kalayuan mula sa harapan ko.
Blocking my sight from the tree, the girl turned to look at me over her shoulder. Ang mahaba at maalon niyang itim na buhok ay sumasabay sa pagdaan ng hangin. Pinagtaasan niya ako ng kilay makalipas ang ilang sandali naming pagpapalitan ng tingin. May kung ano sa malalim niyang mga mata na animong nangungusap, sa kabila ng pinapakitang ekspresyon.
Bahagya kong inayos ang strap ng suot na roll top backpack sa isang balikat, hindi magawang ialis ang titig sa kaniya. Alam kong mukha na akong tanga. Pero katulad ng mga dahong nalalagas mula sa puno, nilipad na rin yata ng hangin ang isipan ko.
Kumunot ang noo niya.
Pagkatikhim ay nagbitiw ako ng tingin. Ang akma kong paghakbang palapit sana ay naudlot nang wala na akong nadatnang sinoman sa kaninang kinatatayuan niya.
Sinuyod ko ng tingin ang paligid para lang salubungin ng nagtatawanan at maingay na grupo ng mga estudyante. Hindi ko maintindihan ang biglaang paglubog ng puso nang hindi ko na siya makita sa kumpulan ng mga taong naglalakad.
Class hours nang mapalingon ako sa bukas na salaming bintana sa gilid ko. I thought I felt someone staring at me. Pero wala namang tao sa hallway nang malingunan ko iyon.
The day went uneventful. Walang weird na nangyari bukod sa palagi kong nararamdamang may nakatingin sa akin. Hindi ko na rin nakita ang babae kahit buong araw ko yata siyang hinanap sa mga taong nakakasalubong ko.
Anna dropped by to the house the next day. May dala syang mga cookies na siya raw mismo ang nag-bake.
Nakasandig ang magkabila kong braso sa railings mula sa second floor, pinagmamasdan ang pagku-kwentuhan at pagtatawanan nilang tatlo sa sala.
Ian was acting like his usual self, smiling about everything. Para siyang ibang tao sa nadatnan ko kahapon ng umaga sa kitchen. O siguro dahil narito iyong Anna. And the way she looked at him, hindi na ako magugulat kung may kung anong namamagitan sa kanilang dalawa.
Nahuli niya ang ginagawa kong paninitig nang mag-angat siya ng tingin. Not feeling guilty, I didn't shift my gaze on anything and just kept staring at her.
The smile on her face slowly subsided as we threw each other gazes. A sudden glum washed over her expression then.
Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko'y dahil sa akin iyon.
My lips formed in a thin line, thinking that she was probably uncomfortable with my presence.
"You fucking piece of shit!" namumulang sigaw ni Fritzie matapos mapisikan sa mukha ni Ian ng chocolate syrup mula sa bote niyon.
"Hey, watch your mouth! Marinig ka nina Mama!" Natatawang lumayo't umilag ito sa bawat kalmot ng nag-aaburutong kapatid.
"Bwisit ka talaga, Adrian! I hate you!" Nang 'di makaganti ni isang hampas ay binalibag ni Fritzie ng plastic na mangkok si Ian na ngayo'y naghahadali nang tumakas.
"Hoy, 'wag kang manira!" tatawa-tawa pa ring ani Ian nang tumama ang mangkok sa muntik nang matumbang vase. "Isusumbong talaga kita!"
Napapailing akong napabaling kay Anna na siyang agad nagbitiw ng tingin. Inumpisahan ko ang paghakbang pababa ng hagdan.
"Ouch! Tumigil ka na nga, Fritzie! 'Di na ako natutwa! Ang pikon mo!" sigaw ni Ian mula sa kusina.
"I'm gonna kill you!" angil namang pabalik ni Fritzie kasunod ng 'di matapos nilang bangayan.
Kumunot ang noo ko sa bahagyang pagkairita sa lakas ng mga boses nila. Parang mga bata.
"Gusto mo ng cookies?"
Tumambad sa akin ang isang box na naglalaman niyon pagkalingon.
"No, thanks." Isang mabilis na pasada ang ginawad ko sa mukha niya. Matapos niya akong ngitian ng bahagya ay nagdiretso na ako patungo sa kusina.
Gumawa nang kaunting ingay ang ginawa kong paghila ng kahoy na upuan sa dinning table. Agad natigilan ang dalawa sa pagsasagutan para lang punahin ang presensiya ko. Pagkalingon ay naabutan ko ang pagpupukulan nila ng masasamang tingin bago nagtulakan paalis doon.
I sighed in relief. Silence, at last.
Natagalan ako sa pagkain dahil parang hindi iyon nalalagay sa sikmura ko o ano. Nang matapos ako'y wala na ang tatlo sa sala.
"P-Paano ko 'to magagawa? I've seen him and he looks alright without me messing with his life..."
Nasa corridor ako ng second floor nang marinig ko ang boses ni Anna. Tahimik na ang buong paligid kaya rinig na rinig ang boses nya. Out of curiosity, tinungo ko ang balcony kung saan iyon nanggagaling.
"I know... pero hindi ko alam kung saan at paano magsisimula. Para kong niloloko ang sarili ko tuwing kaharap ko sya."
Sumilip ako at nakita ang pagbaon niya ng mukha sa magkabilang palad. Ang mga braso'y patong sa bakal na railings. I was assuming that she was talking to someone even though I couldn't hear any voice aside from hers.
Without thinking, I opened the sliding door wide. Napatalon sya ro'n. Isang lingon at kapwa nagtagpo ang namimilog naming mga mata.
"Sino ang... kinakausap mo?" Lito kong hinintay ang sagot niya.
May kung ano siyang sinulyapan sa tabi. "K-Kanina ka pa?"
Imbes na sagutin ay hinakbang ko ang mismong balcony. Maigi kong inobserbahan iyon, sinisiguro kung mayro'n ba ro'ng tao o... nilalang na hindi ko nakikita. Was she talking to a ghost?
Masuspetang tingin ang sunod kong ipinukol sa kanya matapos ko siyang harapin.
"B-Bakit?"
"May tanong ako."
"Ano 'yon?" Kagat ang labi, pilit siyang ngumiti. Ang pagguhit ng pangamba sa ekspresyon niya'y malinaw mula sa liwanag ng corridor.
"May gusto ka ba kay Ian?" Wala naman akong pakialam doon kaya hindi ko malaman kung bakit ko iyon tinatanong. Last time I checked, I wasn't self-righteous too. But, "He has a girlfriend."
"Alam ko." Pagkatango ay humugot siya nang malalim na hininga. Nagbalik siya ng tingin sa akin matapos. "I don't... like him that way."
I stifled a scoff. With the way she looked at him? Was I imagining things? O baka naman nagkaroon nga sila ng kung ano noon? Fuck. Why am I even thinking about this? Ano ngayon kung mayro'n o wala?
Nodding as I shoved both hands in my pocket, I heaved out a sigh. Fine.
"Good night, then." Pagkapihit ay tinalikuran ko na siya ro'n.
"Regime."
Natigilan ako agad sa paghakbang, lalo na sa paraan ng pagbigkas niya sa pangalan ko. Para bang sanay na akong marinig ang pagtawag niya sa akin.
"May tanong din ako."
Diretso kaming nagpalitan ng tingin matapos niyang magtungo sa harap ko. "Ano?"
"If you'd be given a second chance... okay lang ba sa 'yo kahit magmukha kang tanga, mapahupa lang lahat ng sakit na ibinunga ng maling desisyong napili mo?"
I couldn't understand the sudden pain that crossed on her eyes. But something about it left a sinking feeling inside me. I'd only known her for days now but at the same time, it felt like we've already met or that I'd known her since I could remember.
A second chance, she said? Probably for her and Ian, I assume? Is she asking for my advice?
Kinailangan ko pang magbitiw ng tingin bago nakasagot. "Minsan hindi 'yung tanong ang nagbibigay ng confusion sa 'tin kundi ang mga choices. Pero hindi naman dapat 'yan maging tanong. Ni hindi 'yan dapat lagyan ng alinmang choices. That second chance was given to you. Kaya dapat gawin mo kung ano ang purpose n'on. No conditions, no choices, no confusions—just do it in purpose."
Ilang segundong pumako ang tingin namin sa isa't isa, hanggang sa mabahiran ng isang malungkot na ngiti ang mga labi niya. She immediately wiped a tear that fell from her eyes.
Lips slightly agape, I wanted to say something but couldn't. Why is she crying? May masakit ba akong nasabi?
"Thank you." She reached for my face and gently caressed my cheek with her thumb as we held gaze. It felt familiar for some reason. Tulad ng pagbigkas niya sa pangalan ko, para bang noon pa niya 'yon ginagawa.
"What are you thanking me for?" Tila hangin ang boses ko pagkatanong.
Instead of answering, she stepped closer, tiptoed then plant a kiss on my other cheek.
I could feel the warmth of her breath on my neck as I turned to look at her. Confusion was taking over me.
"Kailangan mo nang matulog, Regime." Pero mas naguluhan ako sa sinabi niya.
Anong oras na ba at bakit kailangan ko nang matulog? At isa pa, wala naman akong exam bukas. Hindi rin naman ganoon kaaga ang pasok ko.
"Good night," bulong niya pagkabawi ng kamay mula sa pisngi ko.
Wala ni isang salita akong nakuhang imutawi habang pinagmamasdan ko ang paglakad niya paalis, mula kahabaan ng hallway pababa sa hagdan. Tila nahipnotismo, kusa akong dinala ng mga paa ko patungo sa sariling kwarto at diretsong nahiga sa kama. Isinara ko ang mga mata ko at nagising sa panibagong araw.
Nakagayak na ako para sa pagpasok sa school nang bumaba ako. Naabutan ko si Ian at Fritzie sa kusina na kumakain.
"Good morning, Kuya." Mahina ang ngiting ibinigay sa akin ni Fritzie bago muling nagpatuloy sa ginagawa. Samantalang sinulyapan lang ako nang natigilan sa pagkaing si Ian. Naupo ako sa tabi ni Fritzie. Agad naman akong pinaghain ni manang na ngayon ko lang nakita sa bahay.
"Alis na 'ko."
Hindi pa ako nagsisimula sa pagkain nang tumayo si Ian mula sa kinauupuan niya. Kinuha niya ang bag pack at isang white rose na naro'n sa lamesa.
A rose again? Para saan 'yon? Para sa girlfriend niya? Si Senin?
Mahina akong natawa, napapailing. Kahapon ko pa naiisip ang tungkol sa kanila. Maniniwala na sana akong may paki na ako kay Ian kung 'di ko lang kaibigan si Senin. It was her I'm concerned of.
"Ingat ka, Kuya."
Natigilan ako mula sa akmang pagkain dahil sa narinig. Noong isang araw lang nagtatalo sila ni Ian dahil hindi sya tinatawag na kuya nito. Kagabi nga lang halos magpatayan sila, tapos ngayon magkasundong-magkasundo silang dalawa? Himalang ang bait ni Fritzie at ang tahimik na naman ni Ian.
Sinundan ko ng tingin ang paglakad paalis ni Ian. Sunod kong nilingon ang nasa tabi ng upuan kong si Fritzie.
"Anong problema ni Ian? He's acting weird lately."
Napahinto siyang bigla sa pagkain. Nilingon nya ako at mukhang sa akin pa siya na-weird-uhan.
"Bakit?" Nagsimula akong kumain. Ngayon ko lang siya kinausap kaya siguro ganiyan siya kung maka-react.
"W-Wala. Una na ako." Bigla siyang tumayo at naiwan ako doong kumakaing mag-isa. Tulad ni Ian, sinundan ko na lang din si Fritzie ng tingin hanggang sa makaalis sya.
Weird people.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top