15 : End of summer
The end of the summer denoted Anna and I's first anniversary. She was still at campus for the enrollment when the afternoon came. We haven't seen each other yet because I was planning a little surprise for her.
I was inside her room with a bouquet of white rose and tulips as I hold a black tiny box for a silver ring. Hindi pa naman ako magpo-propose dahil masiyado pang maaga para ro'n. I just wanted to have something to represent our first year together.
Nag-drive ako pabalik sa campus para sunduin siya ngunit napag-alaman ko sa mga kaklase niyang hindi na raw siya nagtuloy sa pag-e-enroll. Said they saw her earlier but didn't know where she was headed.
I called Anna but she wasn't answering. Worry washed over me when I tried calling Senin, thinking they were together. But the latter didn't answer any of my calls as well.
My uneasiness started to grow viciously. Inisip kong sana, tulad ko, nagpaplano lang sila ng surpresa kaya hindi nila masagot ang mga tawag ko. Na sana ay walang nangyaring masama. Although there was a part of me regretting for I should've gone with Anna for the day, I'd decided that worrying too much would get me nowhere.
Swerteng nakasalubong ko si Yolo at sinabi niyang nakita raw niya si Anna kasama si Ian palabas ng school. Kaya lang hindi raw niya alam kung saan nagpunta ang dalawa.
Unwanted thoughts flooded my mind. I didn't want to entertain any of it but I couldn't help it. Mula sa pagkabahala ay umusbong na para bang may sariling isip ang mga tanong ko.
Bakit sila magkasama? Saan sila nagpunta? Bakit hindi sinasagot ni Anna ang mga texts at tawag ko kung hindi naman siya napahamak? O baka naman... napahamak ba sila ni Ian?
"Fuck," I muttered as my grip on the steering wheel tightened together with my jaw.
Nagpunta ako sa bahay pero wala sila ro'n. Naglibot din ako sa buong village nina Anna, sa pagbabakasakaling makikita ko sila ro'n pero inabot na ako ng gabi't lahat ay hindi ko pa rin sila nakita. Last stop ko sa bahay nina Ian.
Pinagbuksan ako ng kasambahay nila at inimpormang wala si Mama at si Tito Franco. Matapos kumpirmahing naro'n si Anna at Ian pati na si Fritzie ay saka lamang ako bahagyang nakahinga nang maluwag. Ang kaunting pangambang bumabagabag sa akin ay pilit kong binalewala pagkapasok.
Why didn't they tell us about this? Nakalimutan ba ni Anna na anniversary namin ngayon?
The two of them were in the play room. Hawak ko ang kanina ko pang dalang bouquet ng white rose at tulips habang inaakyat ang hagdan para puntahan sila.
There was a cold feeling surfacing in my gut. Every step I took closer brought nothing but dread, as if there was a traffic sign flashing me a red light and telling me to stop, to not proceed, to just turn around and leave. But I kept pacing forward, my limbs starting to feel like it wasn't my own.
Malapit na ako sa play room ngunit dumapo sa kwarto ni Ian ang paningin ko. May kung anong nag-udyok sa akin para lapitan 'yon nang may marinig akong mahihinang boses mula sa loob.
"Ayoko ng makita kang kasama siya... hindi ko na kaya... I want you to break up with him. 'Wag na nating patagalin 'to. 'Wag na nating panatilihing mali ang lahat. Gusto ko na ng tama... gusto kong ako lang."
Natigilan ako sa tapat ng pinto ng kwarto ni Ian na ngayon ay bahagyang nakabukas. Boses ng huli ang narinig ko kaya inisip kong si Senin ang kasama niya ro'n sa loob.
Pero, "Ian..." Nangingnig na boses ni Anna ang narinig ko. Sinundan iyon nang mahihinang hikbi.
"Anna... ako ang mahal mo 'di ba? Isang taon na ang nakalipas mula nang umamin ka sa 'kin. Pero alam kong mula noon hanggang ngayon mahal mo pa rin ako... kaya 'wag na natin silang lokohin... ayoko na ng ganito, nagtatago. Wala na akong pakialam kahit na ano pang mangyari. Aamin na ako sa kanila."
Couldn't process the words I've been hearing, I was frozen where I stood. The growing cold in my gut finally filled me from within.
"Ian, you know I can't. 'Pag ginawa ko 'yon, paniguradong—"
The room suddenly fell silent. Kabaligtaran ng isip kong dire-diretso at nag-uunahan ang pag-andar para sa mga tanong. Mga tanong na kinatatakutan kong marinig ang sagot.
They were both catching their breaths when I heard Ian's voice.
"Anna... sawa na akong magpanggap. Ayoko ng lokohin si Senin... si Kuya... ikaw ang mahal ko... ni hindi ko nga alam kung paano ko napipigilan ang sarili ko 'pag nakikita kong yakap ka niya sa harap ko... lalo na 'pag hinahalikan... Anna, mababaliw na ako. Hindi ko na alam kung kaya ko pa bang pigilan ang sarili ko sa susunod kung makita kong kasama mo pa si Kuya... mamamatay ako sa selos.
"Gusto ko ako lang ang may karapatang humawak sa 'yo. Gusto ko ako lang ang nagsasabing mahal kita. Anna gusto ko ako lang ang sa 'yo at sa akin ka lang."
Listening to Ian's voice saying all that made me see red—flashing, beating, blaring, and bleeding in front of me. Mula sa pagkakatulala ay nag-umpisang bumigat ang bawat paghinga ko kasabay nang pamumuo ng tensyon sa panga ko. Something inside me was screaming to wage a war. Ramdam ko ang mabilis na pagdaloy sa sistema ko ng nagtatalong galit at sakit. It was overwhelming to the point where I was close to losing all control—like I could kill someone.
Walang pag-iisip kong sinipa pabukas ang pinto. Agad kumalas ang dalawa mula sa pagkakayap sa isa't isa.
"R-Regime?"
Look at that. They were alone here inside Ian's room. Had they always been like this? A year was it? What else were they doing here? Kissing each other? Sleeping? Or probably... definitely more than that.
Halos hindi ako makahinga sa mga naiisip ko. Ni hindi ko magawang ikilos ang katawan ko dahil sa panginginig.
Si Ian at Anna. Ang kapatid at girlfriend ko.
"Kuya."
They both turned pale after being aware that I was there. Nagsalit ang tingin ko sa kanila, hindi lubos maisip na silang dalawa ang nasa harap ko ngayon. Na makakayanan nilang gawin ang ganitong katrayduran sa akin. Na ang kapatid at babaeng sobrang mahal ko at binigyan ko nang sobra-sobrang tiwala, ay makakayanan akong wasakin nang ganito lang kadali.
Bumagsak ang tingin ni Anna sa sahig, sa bouquet ng mga paborito niyang bulaklak na nabitiwan ko.
Sapo ang nanginginig na mga labi, muling nanggilid ang luha sa mga mata niya. "Regime, sandali lang, makinig—"
Sa mabibilis na hakbang ay hinawi ko ang palapit sa aking si Anna at agad hinablot si Ian mula sa kwelyo.
"Kuya—"
"Shut up! 'Wag mo 'kong tawaging kuya! Hayop ka." Gritting my teeth, bumwelo ako ng suntok ngunit natigilan nang hawakan ni Anna ang nanginginig kong kamao sa damit ni Ian pagkalapit. Nanginig at mas lalong kumuyom ang kamao kong handa nang tumama sa mukha ni Ian.
"Regime, 'wag mo siyang sasaktan. It was all my fault... please... ako na lang. 'Wag si Ian, please... tatanggapin ko lahat ng galit mo. 'Wag mo lang siyang saktan..." pagmamakaawa ni Anna, basang-basa ng luha ang mukha.
"Anna, no!" Hinawakan ni Ian ang braso ni Anna'ng nakahawak sa kamay ko bago niya ako binalingan ng tingin, nakikiusap ang pulang mga mata. "Kuya, I'm sorry... mamatay man ako ngayon hindi ko ginustong humantong tayo sa ganitong sitwasyon.
"It wasn't her fault, it's mine, alam ko... pero, Kuya, sorry. Ilang beses ko namang sinubukang 'wag maramdaman 'to. Ilang ulit kong ipinasak sa isip kong hindi pwede... Kuya, kung alam mo lang kung paano ko niloko 'yung sarili ko 'wag lang dumating sa puntong—"
"Regime!" tila nagimbal na sigaw ni Anna matapos lumipad ng suntok ko sa panga ni Ian. "Ian..."
Parang bibigay ang mga tuhod ko nang daluhan ni Anna ang bumagsak na si Ian. Nagdurugo ang labi nito dahil sa tinamo.
Pero paano naman ako, Anna? Basag na basag na ako... durog na durog na ang puso ko... hindi mo ba ako lalapitan? Hindi mo ba ako yayakapin katulad ng mga pagyakap na ginagawa ko noon sa tuwing wasak ka? Hindi mo ba yon kayang gawin ngayon? Kasi baka bumigay na lang akong basta dito... hindi ko kayang tanggaping ganito.
"How could you?" halos bulong sa hina kong mutawi kasabay ng pagpatak ng luhang ni hindi ko naramdamang namuo sa mga mata ko. "Anna, alam kong minsan nagkukulang ako sa 'yo... pero kung 'yon lang ang dahilan... pangako, hindi na kita babalewalain.
"I'll make more time with you. Hindi ko na iintindihin ang mga bagay na walang kinalaman sa 'yo... hindi ko na iisipin ang kahit na ano para lahat ng atensyon ko na sa 'yo... Anna... 'wag namang ganito... baka hindi ko kayanin... sobrang sakit." Pumiyok ang boses ko sa huling mga salita.
Halos sumabog ako sa galit pero lahat 'yon nalulusaw sa tuwing maaalala ko ang lahat ng pinagsamahan namin. Parang kaya kong pumatay ng tao pero sa tuwing nagtatama ang linya ng mga mata namin, nanlalambot na lang ako.
"Regime... remember when you asked me once who is he?"
Umiiling na ako nagsasalita pa lang siya. Kasi noon pa man may hinala na ako. At kahit hindi na niya kumpirmahin, alam ko na kung sino ang lalaking 'yon.
"It's Ian... it's always been him." Her sobs were uncontrollable as she slowly walked towards me. Para bang natatakot siyang lapitan ako. O sabihin ang sunod na mga salitang halos gumunaw sa buong mundo ko, "Patawarin mo ako sa sasabihin ko, Regime, pero mula noon hanggang ngayon si Ian lang ang minahal ko nang sobra."
I kept gasping for air to fill my lungs but it wasn't enough. The unending pain crushing my chest was drowning. It wasn't enough to kill me yet it was strong enough to destroy every breathing part of me. It's him. Not me. I was never enough. All that... yet... still not enough.
"Bata pa lang magkaibigan na kaming tatlo nina Senin. Hindi ko alam kung kailan ako nakaramdam nang higit pa sa pagkakaibigan para kay Ian... bawat araw na kasama ko siya sobrang saya ko. Bawat maliit na bagay na gawin niya para sa akin, nahuhulog ako..."
Pumikit ako nang mariin at hiniling na sana mabingi na lang ako. I didn't want to hear it. I didn't want to wake up from the lies I'd long believed in. I didn't want to know the ugly truth creeping in the dark. No... we were fine, we were doing good. Today's our first anniversary. I brought her favorite flowers and a ring. I was planning a surprise for her. Things weren't supposed to go this way.
"Kaya lang si Senin pala 'yung gusto niya. Ako pala 'yung extra. Ako lang pala 'yung second best, second choice, isang alternative option..."
Akala ko ba hindi na importante ang lalaking 'yon? She said it, right? Or was it another lie?
"Halos kada oras na makita ko silang magkasama at masaya para akong namamatay ng ilang ulit. Paulit-ulit, na dumating ako sa puntong halos hindi ko na makayanang igalaw ang katawan ko dahil sa sobrang panghihina...
"Alam kong ang tanga ko. Sobrang tanga. Pero ang pinakatangang nagawa kong desisyon ay ang hayaan kang mahalin ako. Sa pag-iisip na magagawa ko siyang kalimutan kung pipilitin ko ang sarili kong magmahal ng iba...
"Pero, Regime, mali ako eh. Kahit kailan hindi ako nakagawa ng tamang desisyon para sa sarili ko... at ngayon alam kong katangahan pa rin ang pinili kong desisyon. Pero alam ko ring dito ako magiging masaya.
"Oo, selfish ako, sobra. Pero maniwala ka man o hindi, mahalaga ka sa 'kin. Pero patawarin mo 'ko dahil hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo sa 'kin katulad ng pagmamahal na ibinibigay mo..." Kinagat niya ang nanginginig na labi at pinigil ang mga hikbi ngunit mas lalo lang napahagulgol.
"A year? Sa loob ng isang mahabang taon, niloko at pinagmukha mo 'kong tanga? Anong klaseng tao ka, Anna?" mahina ngunit mariin kong sumbat sa kaniya. "You're right. You're fucking selfish. At ako naman 'tong tarantado na pinaniwala ang sariling kaya mo rin akong mahalin pabalik."
Bahaw ang tawang kumawala sa pagitan ng mga labi ko. "Oo nga pala, hindi mo pala sinabi sa 'king mahal mo rin ako. Kahit kailan naman hindi mo nakayang sagutin ng I love you too 'yung bawat I love you ko. Ako pala 'yung malaking gago rito!"
Napapapikit siya sa bawat murang namumutawi sa bibig ko. Alam kong hindi siya sanay na manggaling sa akin ang mga salitang 'yon at ganoon din ako, pero tangina, parang kaya kong bigkasin at isigaw ang lahat nang masasamang salita ngayon sa galit ko.
"Mahal kita... paniwalaan mo man ako ngayon o hindi, minahal kita. Naging isa ka sa mga importanteng tao sa buhay ko... hindi ko 'yon masabi sa 'yo kasi natatakot akong baka hindi ko 'yon makayanang panindigan. Pero patawarin mo ako dahil mas mahal ko si Ian, Regime... at katumbas ng pagmamahal mo sa 'kin, kaya ko ring ibigay sa kaniya ang lahat... kahit wala nang matira sa sarili ko."
Mabilis kong tinapik palayo ang kamay niyang umakma ng paghawak sa akin. Diretso kong pinagtuunan ng tingin ang pag-iyak niya mula sa distansyang natira sa pagitan namin matapos.
I shook my head. "Hindi mo 'ko mahal, Anna. Hindi pagmamahal ang tawag sa ginawa mo. Alam mo kung ano?"
"Regime..."
Muli kong hinawi ang kamay niya palayo sa akin. Sabay mariing linaw, "Panggagamit."
She was shaking her head, still couldn't control her sobs.
"Malaki ang ipinagkaiba ng kailangan sa mahal. You kept me because you needed me. You know too well how it feels like to be the second choice, to be an option. Pero anong ginawa mo?"
I didn't have enough strength to push her away when she clutched a handful of the fabric of my shirt. Couldn't say anything, she kept on shaking her head.
"I told you I was fine with anything. Tinanggap ko kahit anong role para lang maging parte ng buhay mo. I didn't ask for anything in return but I didn't ask to be betrayed like this! Anna..."
Para na akong malulumpo sa sobrang sakit, hindi ko na yata kayang sabihin lahat ng gusto kong sabihin. Kasi kahit naman sabihin ko, wala nang kwenta 'di ba? Maririnig niya ako pero kahit kailan hindi niya ako makakayanang mahalin.
Halos wala na akong lakas nang lumabas ang mga salitang ito sa pagitan ng mga labi ko matapos, "Bakit hindi mo sinabi agad?"
"I'm sorry..." paulit-ulit niyang sabi habang nakasandal ang noo sa dibdib ko. Na para bang kayang pahupain ng mga salitang 'yon ang sakit. Na para bang kayang burahin n'on ang bawat sugat at pagkakamali.
"Kuya... please intindihin mo naman sana. Mahal namin ni Anna ang isa't isa. Hayaan mo na lang sana kami. Pabayaan mo na lang kami, Kuya... dahil kung talagang mahal mo siya kaya mo siyang palayain. Hahayaan mo siya kung saan siya sasaya at sa akin 'yon."
Pagkasinghap ay tila muling umahon at nabuhay ang naapula kong galit. Ilang hakbang at natanto ko na lang na higit ko na muli ang kwelyo ni Ian.
"Regime!"
"Palayain? Tanginang palayain 'yan!" Tumama ang suntok ko sa panga niya. "Nagtiwala ako sa 'yo! Akala ko kapatid kita, ginagago mo pala 'ko nang patalikod! Tangina ka!" Halos tumalsik siya bago tumumba mula sa muli kong pagsapak.
Mabigat ang paghinga at namimilog ang mga mata sa galit, umakma ako ng paglapit nang hindi pa nakuntento.
"Tama na! Regime, please tama na!" Humarang si Anna sa harapan ni Ian para lang pigilan ako pero nagpatuloy ako sa paghakbang. "Regime, ano ba?! Tumigil ka na! Tama na!" Tinulak niya ako nang malakas mula sa dibdib palayo nang 'di ako magpatinag.
Natigilan ako nang makitang halos nangangapos na siya ng hininga dahil sa sobra-sobrang paghikbi. Sandali ko siyang pinagmasdan nang ganoon bago ako napabitiw ng tingin at tumalikod.
Pahilamos kong pinunasan ang mabilis na pagtulo ng mga luha sa mukha ko matapos. Pinilit kong kontrolin at patigilin ang mga luhang 'yon pero maging ang mga mata ko'y trinatraydor ako. Panay mura na lang ang lumabas sa bibig ko habang paulit-ulit kong pinapalis ang mga iyon. Binasa ko ang labi at huminga nang malalalim.
"Tangina, Anna, 'wag kang umiyak nang gan'yan sa harapan ko," basag na basag ang boses ko ng sabihin 'yon. Wasak na ako pero mas nawawasak ako 'pag nakikita ko siyang ganito.
Baon ang palad sa nakapikit kong mga mata habang binibitawan ang sunod na mga salita, "Anna, ibinigay ko naman ang lahat... wala akong itinira sa sarili ko... lahat naman ng bagay sinubukan at ginawa ko para sumaya ka... may bagay bang nagawa si Ian na hindi ko nagawa? Sabihin mo sa 'kin, gagawin ko... ano? Ano pa? Ano pang gusto mong gawin ko?"
"Regime..."
Unti-unti ko siyang nilingon at naabutang nakaupo na sa sahig habang patuloy pa rin sa walang tigil na pag-iyak.
Sa puntong 'yon aaminin kong gusto ko na lang siyang lapitan at yakapin para patahanin tulad ng dati. Parang gusto ko na lang kalimutan ang ginawa niyang pananakit sa akin... parang gusto ko na lang siyang palayain kahit pa alam kong mamatay ako kada minutong magbalik sa isip kong hindi na siya sa akin... na hindi niya ako kailan man minahal... na niloko niya ako. Pero nandoon na si Ian para patahanin siya. Nandoon na ang taong totoong mahal niya.
"Kuya Regime?"
Mabagal kong nalingon ang nagsalita. Namimilog ang litong mga mata ni Fritzie habang nagsasalit-salit sa aming tatlo ang tingin.
"A-Anong nangyayari?" Wala ni isa sa amin ang nagsalita. "Ian, bakit nagdudugo ang labi mo? Anna?"
Para akong hinihigupan ng lakas nang muli kong pagmasdan ang dalawa.
Ang sunod na mga katagang ito ay hindi halos maimutawi ng mga labi ko, "Pinatay n'yo na lang sana 'ko..."
Sa kabila ng panlalambot ng mga tuhod ay nagawa ko pa ring tumalikod at maglakad paalis nang walang lingon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top