10 : That girl
Two years ago...
"Ito na po, sir." Tinanggap ko ang iniabot sa aking nakabalot na wine ni Japs. Pinadaanan lang sa 'kin 'yon ni Dad dito.
"Thanks." Matapos sulyapan ang hawak ay lumipad ang tingin ko sa babaeng naro'n sa loob ng KTV room. She looked wasted while singing. O kung pagkanta pa bang matatawag ang ginagawa niyang pagsigaw sa lyrics ng kanta. "Japs!"
Binalikan ako nito mula sa akmang pagbalik sa bar. "Yes, sir?"
I nodded at the girl's direction. "That girl's drunk. Nasaan ang mga kasama niya?"
Patuloy pa rin ito sa pagsigaw at pagtawang mag-isa ro'n na parang nasisiraan. Mabuti na lang at hindi niya nabubulabog ang ibang customer dahil closed ang KTV room. Pero kahit papaano ay naririnig pa rin dito sa loob ng club ang pagsigaw niya, hindi man ganoon kalakas. Iyon nga lang, nakikita ng lahat ang kabaliwan niya dahil glass ang dingding n'on.
Halos mag-aalas dos na ng madaling araw kaya iilan na lang din ang tao sa loob ng club, karaniwan ay mga regular customer na lang. Pero ngayon ko lang nakita ang babaeng ito kaya sigurado akong hindi siya kabilang sa mga regular customer namin.
Kumamot sa batok si Japs bago ako sagutin. "Kanina pa nga po siya d'yan, sir. Wala rin po siyang kasama nang dumating siya rito. Iniisip nga rin po namin kung paano niya mababayaran ang bill niya at paano makakauwi," aniya sabay iling. Parehong bumagsak muli sa babae ang tuon namin.
Tuluyan akong napangiwi sa pagkanta niya. Hindi ko malaman kung broken hearted ba siya o ano at ang lakas ng loob para magpaka-wasted mag-isa. Ang amo pa man ng features at mukhang inosente.
"Mukhang kanina pa siyang pinagmamasdan ng mga regular customer natin sa loob ng club, sir." Itinuro sa akin ni Japs ang mga nagngingisiang lalaki sa isang table, sa loob ng club. Tinapik nila ang isang lalaki sa balikat ng tumayo ito mula doon. Binitiwan nito ang boteng hawak para umalis.
"One thousand bucks!" sigaw ng isang kasama nitong lalaki habang itinataas ang hawak na bote.
"Fucking hobo! Five thousand bucks!" Pabirong sinapak nang naunang nagsalita ang pumangalawang lalaking nagsalita. Obviously, nagpupustahan ang mga ito.
Saktong natapos sa pagkanta iyong babae at sakto namang pumasok ang kaninang tumayong lalaki sa KTV room.
"Leomar." Napasulyap sa akin si Japs bago tinitigan ang lalaking lumalapit na ngayon doon sa babae.
"Oo nga, sir! Hindi ko kaagad namukhaang si Sir Leomar nga iyon. Mukhang may mag-uuwi na doon sa babae at may magbabayad na ng bill niya. Kaya lang..." Iniabot ko ulit kay Japs ang nakabalot na wine bago ako dire-diretsong nagtungo sa loob ng KTV room. "Sir? Sir, ano pong gagawin n'yo?"
"What are you doing?" Sandal ang ulo sa inuupuan, halos pikit na ang mga mata niya at nanlalambot na rin ang mga kamay na tumutulak sa nakangising si Leomar.
"Leomar," sambit ko agad pagkapasok. Natigilan ito at nilingon ako ngunit hindi tinigilan ang pagtsansing doon sa babaeng hawak na niya ngayon sa baywang.
"Rej! Nice to see you—how's life?" Noon ko lang napansing hindi na rin gaanong maka-focus ang mga mata nito. Mukhang lasing na rin. "Stop resisting, baby. Come on..."
Sapo ang ulo, halos mapangiwi ako sa nasasaksihan.
"Wag mo nga akong hawakan!"
"Hey... hey!" Ilang hakbang lang at nalapitan ko na si Leomar nang hinablot nito ang magkabilang braso ng walang kalaban-labang babae.
"I said get your hands off me, fucking filthy creep!"
"I'm not a creep... but if you want, I can be your creep." Mapupungay ang mga mata nito habang nakangisi ng ilapit ang mukha sa babae.
"Alright, that's enough," bumubuntonghininga kong utas. Agad itong nagpatianod sa ginawa kong paghila patayo, dahilan para mabitawan nito ang babae. Gegewang-gewang pa ito nang alalayan kong palabas ng KTV room. Sinenyasan ko si Japs na salubungin kami palabas ro'n para akayin na ito.
"Who's drunk? You? You're drunk, Rej?" he slurred. Humalakhak pa ito habang akay kong palabas. Agad akong pinalitan ni Japs sa pag-akay dito.
Pagkabalik sa KTV room ay naabutan kong nakahilata na ang babae sa kahabaan ng upuan. Ang itim at mahaba niyang braided na buhok ay gulo-gulo. Ang suot na maiksi at maluwag na floral dress naman niya ay halos umangat na dahil sa pagkakahiga ro'n, o siguro dahil sa gulo niya. Isang binti lang ang nakaangat sa upuan habang ang isa ay naiwang nakasayad sa sahig.
Binasa ko ang labi at muling napabuntonghininga. Nagulo ko pa ng bahagya ang buhok bago siya nilapitan.
Bahagya akong yumukod para abutin ang braso niya sabay uga ro'n nang kaunti. "Miss. Hey, miss!"
"What do you want? Leave me alone, you fucking creep!" Pikit-mata niyang hinawi palayo ang kamay ko na parang may langaw na binubugaw.
Pinigilan ko ang sariling mairita. I know she wasn't pertaining to me. But how reckless of her to drink and get wasted here alone?
Matapos bahagyang higiting pababa ang suot niya ay naupo ako ro'n, kinuha ang dala niyang purse at sinilip iyon para sa phone o ID o ano pa mang pagkakakilanlan niya. Wala akong napala ro'n.
Kunot-noo, ilang sandali ko siyang pinagmasdan bago binalingan ang abalang mga staff. Naisip kong iutos na lang sana sa kanilang bantayan siya hanggang sa may sumundo pero wala siyang phone ni ID.
Hindi ko na pinabayad ang bill niya. Ako na rin ang nagdala sa kaniya sa pinakamalapit na motel.
"Pucha! Bakit ang tanga-tanga mo?"
Nagulat ako ng bigla na lang niya akong paghahampasin sa ulo bago ko pa man siya tuluyang maibaba sa kama. Pagkabitiw ay saka ko lang kunot-noong hinuli ang mga kamay niya para pigilan.
Her eyes were half-opened and unfocused when she tried to look at me.
"Anong tanga?" I retorted, kneeling on the floor from the side of the bed.
"Stupid! Idiot! You're an asshole!" pilit pa rin niyang sigaw, pinanlalabanan ang antok at muli akong sinusubukang hampasin.
I was about to talk back but to my surprise, her hands fell weak as she closed her eyes tight and started sobbing. Dahan-dahan ko siyang nabitiwan habang dinidinig ang bawat hikbing kumakawala sa pagitan ng mga labi niya.
"You're so fucking numb..." Her lips trembled. "Bakit hindi na lang ako?" Clutching at a handful of fabric from the covers, her knuckles almost turned white as she cried her heart out. "Tanga ka... napakagago mo... pero mas tanga ako... kasi mahal na mahal kita..." Binitiwan niya ang cover para lang itulak ako mula sa balikat, kahit pa wala na siyang sapat na lakas para saktan ako. "Nakakapagod kang mahalin... nakakagago..."
Narinig ko ang mahina niyang tawa sa pagitan ng paghikbi. Ang ilong at mga pisngi niya ay pulang-pula na dala ng pag-iyak.
Tahimik ko lang siyang pinagmasdan hanggang sa unti-unting humupa ang mga hikbi niya. Nang huminahon ang paghinga niya ay iyon na ang naging hudyat ko.
"'Di dapat iniiyakan ang mga gago." Mahina akong natawa sa nasabi. Sabay napailing. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na nalaglag mula sa mukha niya matapos. "Goodnight, miss." At saka ako tumayo para umalis na.
Bumalik ako sa motel kinabukasan ng umaga para lang mabato ng bedside lamp.
"What the fuck?!" Bahagyang nahilo, wala sa oras kong nasapo ang ulo kong tinamaan niyon.
"Hayop ka! Walanghiya! Susunugin kita ng buhay!"
Namilog ang mga mata ko nang bigla na lang niya akong sinugod at pinagsusuntok sa dibdib. Matapos niya akong salubungin at batuhin ng bedside lamp sa ulo, pinauulanan naman niya ako ngayon ng sapak. Ang hilo ko ay agarang napalitan ng halong lito at gulat.
"Hey! Stop! What are you—ow!" Pilit kong hinuhuli ang bawat pagsuntok niya sa akin pero ayaw niyang magpapigil. "Sandali!"
"You fucking asshole! What have you done to me?!"
Sandali akong natigilan sa pagsapo ng mga suntok niya para sana maiging pakinggan ang sasabihin niya. But then, "Ugh!" May lumipad na sapak sa mukha ko. Tila inakyatan ako ng dugo sa ulo nang hinablot ko ang magkabilang kamao niya para lang patigilin siya.
"Wala akong ginagawa sa 'yo!" mariin at halos nanggagalaiti kong paglilinaw.
"Anong wala? Bakit ako nandito?! That means—"
"Yes, I brought you here—fuck!" Nabitawan ko kaagad siya nang mamalipit ako dahil sa ginawa niyang panunuhod. Bahagya akong napatiklop payuko habang sapo ang iniindang sikmura. She's damn strong! Damn.
"Manyak!" buong puso niyang sigaw.
Ni hindi pa ako nakaka-recover sa pangmamaltrato niya ng bigla naman niya akong tadyakan sa binti. Agad bumagsak ang tuhod ko matapos mawalan ng balanse. Tumama pa ang likod ko sa pinto. Pagkaangat ko ng tingin ay sinalubong ako ng pagtayo niya sa harap ko.
Nose flaring, she threw me a penetrating look as if she was trying to kill me inside her head—kung 'di pa man ako patay do'n.
Look at that. Bakit nga ba ulit ako nagmagandang-loob sa babaeng ito kagabi? If only I'd known that she would take it the wrong way then fuck it. I shouldn't have helped her! Bahala siya ro'ng mapagsamantalahan!
"Got anything to say, asshole?"
Oh! Now she wanted me to talk. Parang kanina lang ayaw niya akong patapusin sa mga sinasabi ko. Okay. I'm a calm person. Hindi ako papatol. Kalma, Regime. Okay? Okay.
Ilang beses akong huminga nang malalim para lang pakalmahin ang sarili ko bago muling magsalita. Pumikit ako nang mariin at panandaliang ininda ang sakit ng sikmura.
"Like I said, I didn't do anything to you," mariin kong klaro. "Dinala kita rito dahil wala kang—" Natigilan ako sa pagpapaliwanag dahil sa kumawalang tawa dala ng iritasyon. Ako nang tumulong ako pang napasama at parang kriminal na nagpapaliwanag ngayon.
"Wow, how lucky of me to come across such a gentleman?"
Tila nalagot ang pisi ng pasensiya ko sa sarkastiko niyang boses. Muli akong natawa, mas naging iritado. "If this is your own way of thanking me for helping you, then wow too, miss! Sobra kong na-appreciate ang gratitude mo. You're welcome!"
Ginaya niya ang sarkastiko kong tawa. "Do I look like a fucking gullible kid to you?"
Unbelievable.
Napapailing, bumubuntonghininga akong tumayo. Pinasadahan ko siya ng tingin habang iniinda ang bawat tama niya sa akin kanina. Having soft facial features, being a sadist didn't fit her description. If I was being honest, she looked like an angel who descended from the heavens last night when she was fast asleep.
But now? Mukha siyang anghel na itinakwil sa langit at napadpad sa impyerno kung saan siya nakatakas. At hindi ko lubos maisip kung bakit nagagawa ko pa siyang tawaging anghel sa kabila ng ginawa niya sa akin.
Napalakas yata ang tama ng lamp sa ulo ko.
Muli akong huminga nang malalim. "Listen, miss. You got wasted last night in a club, didn't pay your bill and got almost assaulted. I was there, I helped you, brought you here and got hit by a lamp, a punch in the face, a kick, and now being rained-on by sorely insulting words." My jaw clenched before directing my eyes back on hers. "At ang panunuhod mo pala sa sikmura ko, muntik ko nang makalimutan." Tumayo ako nang maayos at inayos ang sarili ko matapos.
"Oh! So you're saying that you are my knight in shining armor?" Her nod was sarcastic too. "If you'll excuse me, may I ask why would you care if I got wasted and maybe got assaulted by someone or I reckon by you?" Hindi na siya mukhang papatay ng tao ngayon, kaya naman natitigan ko ang dark brown at malalim niyang mga mata.
"I thought you were listening." May kumawalang mahinang tawa sa pagitan ng mga labi ko. Ang hirap namang kausap ng isang 'to. "I don't know what else you want me to say. Mahirap bang paniwalaan na may tao—lalaking walang babalakin sa 'yo sa gano'ng sitwasyon bukod ang tulungan ka?"
Taas ang isang kilay, tinignan niya ako nang matagal bago ngumisi ng tanga-lang-ang-maniniwala-sa-'yo.
"You are a freaking liar."
Nagulat ako sa muling paglapat ng likod ko sa pinto dahil sa ginawa niyang malakas na pagtulak sa dibdib ko.
Matatalim ang mga mata niya nang sunod akong tinitigan bago ako hawiin palayo sa pinto. Napanganga na lang ako nang makalabas siya ro'n at maiwan akong iniinda pa rin ang pangmamaltratong ginawa niya—nang wala man lang narinig na sorry o salamat.
That girl.
"Wow," was the only word I managed to utter out of disbelief.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top