1 : Life and death


With a grave expression, I watched as his coffin slowly goes down the hole. I couldn't help but think about the way his remains looked as he lay there. He was pale as a ghost, hollow like an absent feeling and lifelessly cold. No longer my father or the person that I know of.

"Fritz, let's go."

I lost count of how many days had gone by since he died for I couldn't fully register everything that had been going on around me. Lately, things were just... numbing.

"Fritz, I said let's go. Humahapon na."

I looked over my shoulder and found my mother who was standing a few meters from my back.

"What's your plan? Kanina pa tapos ang libing ng dad mo. We've already talked about you moving in with us. No more arguments."

I don't want to live there, was what I wanted to say. But instead, I said, "Susunod na lang ako, mauna ka na." I directed my sight back to my father's tomb.

"Whatever. Tawagan mo na lang si Mang Tino kung magpapasun—"

"I know the place. Kaya kong pumunta ro'n mag-isa."

"Alright." Bakas ang kaunting iritasyon sa boses niya. At alam ko ring kahit ang pagpunta rito'y kinaiinisan niya. "Let's go," aniya sa driver.

Hindi ko na siya nilingon hanggang sa marinig ko ang tunog nang paalis na sasakyan.

That woman was unfortunately my mom. My father and she decided to have an annulment when I was only one. Said she couldn't love him the same. Their fix marriage was supposedly the root of it all.

Slowly, I looked up at the clouds above, watching as it changes into colorful hues for the twilight. I should probably go home. But did I still have one?

Absent-mindedly, I turned around and started making my way out of the cemetery. But my steps were halt to a stop when I heard a voice. And as if being pulled out of my own reverie, I looked over my shoulder to see where it was coming from.

"Sorry ginabi na po ako. Ang dami ko pa po kasing dinaanan. Pero bakit parang nagmukhang bago't malinis 'yung puntod n'yo? Mukhang may mabait na naglinis nito ah?"

The girl sighed a few beats after.

"Alam n'yo po, miss na miss ko na kayo... kinakanta ko nga po palagi 'yung kantang kinakanta n'yo sa 'kin no'ng bata pa ako. Lalo na tuwing nalulungkot ako at pakiramdam ko mag-isa lang ako." I heard a sniff. "Sobrang miss ko na po talaga kayo... Papa."

My eyes widened a fraction when it registered to me where she was kneeling down at—my father's tomb.

"What the fuck?" anas ko sa sarili habang binabawi ang mga hakbang pabalik. "Hey! Who are you?" Napatalon siya mula sa pagtalungko dahil sa biglaan kong sigaw.

Dali-dali kong tinignan kung kaninong puntod ang iniiyakan niya nang tuluyan akong makalapit. And I was right—it was my fathers'. Na ngayon ay may nakalagay nang basket na puno ng mga bulaklak.

Kunot-noo kong binalingan ang pananatili niya sa pagtalungko. Looking up at me, her pale face didn't register on my memory. I also didn't remember my father having an affair with someone.

Tumayo siya habang nagkukusot ng mata. Nang pagtuunan ako ng tingin ay natulala siya at bahagyang namilog ang mga mata. "Regime..."

Mas lalong nangunot ang noo ko nang hindi ko naintindihan ang kung anong ibinulong niya.

"Sino ka at bakit mo tinatawag na papa ang nakalibing sa puntod na 'yan?" diretso at malamig kong tanong.

"Anong ibig mong sabihin? Puntod 'to ng..." Nilingon niya iyon at pinagmasdang mabuti. "Papa ko..."

Couldn't utter a single word, my jaw almost dropped. Someone had got to be kidding me.

"Teka sandali..." She kneeled down, looked at the tomb closer and started mumbling. "Hala? Bakit no'ng nakaraang araw lang ang date ng death? At saka... iba ang birthday? Pati 'yung last name... bakit..." Sapo ang labi, nagpabalik-balik doon ang tingin niya sunod sa akin.

Not tearing my gaze off her, I watched as she gingerly stood up. There was a building tension in my jaw I was trying so hard to ignore as I waited for the next words she was about to say.

"Uhh..." Iniwasan niya ang tingin ko. Pasimple niyang kinuha ang basket na puno ng bulaklak matapos. "Uhm, mali pala 'yung... 'yung puntod." Pilit ang pinakawalan niyang mahinang tawa, hindi masalubong ang tingin ko. Luminga-linga siya sa paligid na animong naghahanap ng saklolo sa kahihiyang nagawa. "Ang alam ko narito lang 'yun ah?"

"Ano?" tanong ko nang hindi ko ulit maintindihan ang binubulong-bulong niya.

"Ah, w-wala po! Sorry." Pagkayuko ay dali-dali niya akong tinalikuran. Bitbit ang basket ng bulaklak ay inisa-isa niya ang mga puntod na naro'n matapos. "Aha! Dito pala."

Bahagya siyang sumulyap sa direksyon ko nang manatili ako sa kinatatayuan. Kneeling down, she started removing the fallen leaves from the gravestone as she mumbled things I could no longer hear.

That girl should be wearing a freaking glasses. Naiyak na't lahat, sa maling puntod pa. All I could do then was shake my head in disbelief.

After a few days of feeling numb, knowing that I was capable of reacting a certain way towards something was a start.

Bahagyang lumakas ang boses niya. "Papa naman eh! Isang taon na kitang dinadalaw dito naliligaw pa rin ako." A chuckle. "He's really here..."

Losing the tie from my black button down, I turned around to take my leave. This time, I was aware of my surroundings. Hindi ko na rin tinawagan si Mang Tino dahil alam ko naman ang way papunta sa bahay na 'yon. Mas pinili ko rin ang maglakad sa kahabaan ng kalsada kaysa ang mag-commute.

The street lights illuminating the paved road stretching ahead of me was like an unknown scene from a dream I once had when I was a kid. Or maybe this place had turned foreign to me since my father was no longer here.

Breathing in the night air and having a moment alone to think was a relief for the last awful days. If only I could be by myself like this all the time.

"Kuya Regime!" I frowned upon hearing Ian's voice as I entered the main door. This one was my half-brother.

"Uy, nandito ka na pala. Naipadala na ng mama mo 'yung mga gamit mo rito kanina." That one was Franco, ang lalaking pinalit ni Mama kay Dad. "Ah! Ian, samahan mo ang kuya mo sa kwarto niya." Sinulyapan ako nito bago nginitian.

I remained impassive. It was rude but I didn't have the energy to give his smile back. What was the point of giving something if you didn't mean it anyway?

"Tara, Kuya!"

Nilingon ko ang kanina pang nakangiting si Ian. Tamad ko siyang sinundan nang mag-umpisang umakyat sa hagdan.

"Magkatapat lang 'yung kwarto natin, Kuya. 'Yung kay Fritzie nasa tabi ng sa 'kin. 'Yung kina Mama't Papa nasa bandang dulo," and blah blah blah.

He talked a lot. I don't like it.

"Fritzie, nandito na si Kuya!" bungad niya sa kalalabas pa lang ng kwartong si Fritzie.

"Ah hello, Kuya! Wala pa ba si Mama, Ian?" Bumaling kaagad ito ng tingin kay Ian matapos akong batiin.

"Hoy! Kuya mo rin ako ah? Bakit Ian lang ang itinatawag mo sa 'kin palagi?"

"Tinatanong lang kita ang dami mo nang sinabi." Inirapan siya ni Fritzie bago naglakad pababa ng hagdan.

"Fritzie! Lumalaki kang sutil ha! Humanda ka sa 'kin tamo, may araw ka rin!" pahabol pa niyang sigaw.

"Whatever, Ian!" sigaw pabalik nito.

"Aba't!"

"Ito ba ang kwarto ko?" putol ko sa bangayan nila.

"Ah oo, Kuya, 'yan nga. Ito 'yung akin sa tapat o."

Pagkabukas sa pinto ay isinara ko rin iyon kaagad at dire-diretso nang pumasok do'n. I was aching to lie down and rest. Ngayon na lang yata ako ulit napagod physically, dahil sa ginawa kong paglalakad.

Habang naghuhubad ng damit ay mabilis kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng kwarto. Naro'n na sa closet ang mga damit ko pagkabukas ko niyon para kumuha ng pamalit. Pati nang iba ko pang gamit ay narito na rin.

Heaving out a heavy sigh, I collapsed on the bed and closed my eyes.

"Kuya Regime! Kuya, tara sa baba!"

Matalim akong napasinghap pagkadilat dahil sa malalakas at sunod-sunod na katok sa pinto.

Was being left alone too much to ask? Fuck.

Iritable akong umahon mula sa pagkakahiga para lang buksan ang pinto. Kunot-noo kong tinapunan ng tingin ang nakangiting mukha ni Ian.

"What?"

"Tara sa baba, Kuya. Movie marathon tayo! Weekend naman bukas, tara na do'n!"

Mas iritable kong napasadahan ng mga daliri ang buhok sa narinig. He woke me up just to watch a stupid movie?

Bumubuntonghininga, tumango ako at sinabi na lang na, "Sige na."

Maligaya siyang pumihit at naglakad pabalik sa baba. Tuluyan naman akong lumabas ng kwarto at walang ganang sumunod sa kaniya ro'n.

"Fritzie, ito na si Kuya Regime! Tara na!" parang batang anunsyo niya.

Nagdiretso ako sa kitchen, nagsalin ng tubig sa baso at uminom. Ibababa ko na sana ang hawak sa lababo ngunit bago pa man makaabot doo'y 'di sinasadyang dumulas iyon sa kamay ko at... nabasag.

"Ikaw... what are you doing here?" Hindi ko mapangalanan ang sari-saring emosyong bigla na lang akong inatake.

The pale-faced girl at the cemetery was here.

"Kuya, bakit? Anong nangyari?"

Sa kung anong dahilan ay hindi ko mabitiwan ng tingin ang pamimilog ng mga mata niya habang nagpapalitan kami ng tingin.

"Oh my, Gosh. Ian, kumuha ka ng dustpan! May bubog!"

"Regime..."

Nahigit ko ang hininga nang klarong marinig ang pagmutawi niya sa pangalan ko. There was something strange about the way she uttered it.

"Sino ka?"

"What's wrong, Kuya? She's Anna, she lives next door."

Matapos mapasulyap sa nagsalitang si Ian ay muling dumirekta ang tingin ko sa babae.

Halos magdaan lang sa hangin ang boses ko sa hina pagkatanong, "How did you know my name?"

"Anna?" All attentions shifted on her pale face when Fritzie asked, "Kilala mo si Kuya?"

"Uh..." Alanganin niyang sinulyapan ang dalawa bago nagbalik ng alanganing tingin sa akin. "N-Nabanggit kasi ni Ian 'yung tungkol sa kuya niya no'ng nakaraan. He mentioned your name so..." Chuckling uneasily, she bit her lower lip. Nang manatili kaming tahimik tatlo'y nagpatuloy siya sa sinasabi. "And I was... I was actually thinking of my... fitness regime kaya... kaya ko nasabi no'ng magulat ako." Nodding then as she tried to smile and dismiss what just happened.

Tilting my head a bit to the side with a slight frown, I wanted to argue that I didn't hear any fitness on what she said earlier. Ngunit imbes na makipagtalo ay naiwan na lamang ang nawi-weird-uhan kong tingin sa kaniya, habang tinatanggap ang walis at dustpan kay Ian.

"Okay." Nag-umpisa akong sinupin ang mga bubog ng baso sa sahig. Maya't maya ang pagsulyap ko sa maputlang babae. "Sandali. 'Wag ka munang umalis, baka mabubog ka."

Natigilan siya agad mula sa akmang paglakad paalis. With her head slightly hung low, sinikop niya ang buhok sa likod ng tainga. Sinunod niya ang sinabi ko at nanatili sa kinatatayuan na animong natulos do'n.

"Ayusin na natin 'yung play room, Fritzie," ani Ian matapos magbuntonghininga.

"'Kay." Pagkatalikod ay naglakad na ang dalawa paakyat ng hagdan.

Pagkaangat ko ng tingin mula sa pagwawalis ay nagkatinginan pa kami ng babae. She was really pale—like a ghost.

"Okay na." Tinapon ko ang laman ng dustpan sa trashbin.

"Uh, Kuya..." Nilingon ko ang naiwan sa hagdang si Ian. "Is everything... alright?" Nagsalit sa amin ng babae ang tingin niya matapos.

Itinabi ko ang mga hawak pagkatango. Dahan-dahan namang tumango si Ian at nagkikibit-balikat na sumunod kay Fritzie.

Bumubuntonghininga kong nilingon iyong Anna pero bigla akong inatake ng hilo. Nanlabo ang paningin ko. I was seeing her one second then my ceiling the next, pasalit-salit iyon. My sight was beginning to get blurry. At hindi ko maipaliwanag kung saan nanggagaling ang matinis na tunog mula sa isang bagay.

"Okay ka lang?" Her voice echoed in my ears as my sight got more blurry, almost distorted.

Naramdaman ko na lang ang pag-alalay niya sa akin patungo sa couch. Lying on it, I could still see her face as I try to reach for it with my hand. I blinked, only to be welcomed by the white ceiling in my room after opening my eyes for the new day.

It took me some time to register the alarm blaring on my side drawers. Nilingon ko iyon para patayin. Dahan-dahan akong umahon at naupo mula sa pagkakahiga matapos. Para bang may kung anong iniwang pakiramdam sa akin ang mga nangyari kahapon.

Staring mindlessly at a particular part of my arm, I could still feel someone's hand touching it.

Weird.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top