Truth

"One word frees us of all the weight and pain of life: That word is love."
- Sophocles

🌹Chapter 7: Truth

The darkness started to swallow the light. It started to get darker but it doesn't matter to me. Nandito lang ako habang nakatulalang nakatayo sa puntod ng aking buhay, Scar, my everything.

It's been weeks now since I already know the whole yet melancholic truth. My life started to get miserable and worthless. It's like I'm a living dead existing in this world full of uncertainty. Ang sakit, ang sakit sakit. Hindi ko pa matanggap ang kanyang pagkawala. It was like a wicked dream that you wouldn't like to encounter with. Bakit, bakit ako pa? My life is absolutely wretched by a wrecking ball covered with miseries and pain. Hindi ko pa kayang tanggapin ang lahat. Tang na red! Bakit sa akin pa nangyari to? Wala na ba akong karapatang maging masaya? I am devastated until now. I keep thinking kung saan ba ako nagkulang, bakit siya pa ang nawala? Sana ako nalang! Hindi ko man lang siya nadatnan habang nasa casket pa siya. Hindi ko man lang nasaksihan ang kanyang pagkalibing. Hindi ko man lang natanaw kahit isang pagkakataon lang ang kanyang napakagandang mukha.

Parang dinurog ang puso ko, no scratch that, durog na ang puso ko. I was shattered in pieces, it cannot be brought back together. I just can't believe I face this tragic love story. This is not what we dream of.

Umiiyak lang ako ngayon ng tahimik pati na yata ang langit nakikiramay sakin. Habang nakatulalang umiiyak ako, hindi ko maiwasang maalala muli ang nangyaring nakamamatay na katotohanan.

"Philip, Scar is already dead" Pagkatapos ni titang sabihin yon humahagulhol siya ng malakas and I was like..

"Nagpapatawa ka ba tita, katetext lang kahapon ni Scar sa akin. We were answering each other's text . Tingnan mo ang cellphone ko ouh! (Sabay kuha at pakita ng cp ko kay tita) oh! Diba, kaya hindi pa siya patay tita" I was shocked when I said these words, I just can't believe all of this sh*ts. Nakatext ko pa siya kahapon at noong isang araw, kaya there is no proof na patay na si Scar. Nagagalit ako Kay tita. Bakit ang dali lang sabihin sa kanya na wala na si Scar? Sarili niya iyong anak ngunit parang wala lang sa kanya. Anong klaseng ina siya!?

Nang pinakita ko kay tita ang cellphone ko pati ang mga textmessage naming dalawa ni Scar, nagulat siya, sobrang gulat tas nanginginig at parang nakalimutan ng huminga. I was taken aback ng malapit ng mabitiwan ni tita ang aking cellphone kaya kinuha ko ito. Pero si tita nakatayo lang na parang wala sa sarili kaya pinuntahan ko siya at hinawakan sa magkabilang braso.

"Tita, bakit, bakit ka nagsisinungaling sa akin? Alam mo bang masakit iyon?" hindi ko na lang sinabi Kay tita na galit din ako baka bawalan niya pa akong makita si Scar. Hahaha. Nagawa ko pang mag joke ng waley sa ganitong sitwasyon. Lakas talaga ng kamandag ko, gwapo ako eh, hahahaha. Pero there's a part of me hoping na sana hindi totoo lahat ng sinabi ni tita, di ko kayang mawala si Scar sa piling ko, siya lang ang liwanag sa madilim kong mundo.

Patuloy pa rin siya sa pag-iyak hanggang sa nahihirapan na siya sa pahinga.

"Tita!" was all I could utter when she was enveloped by darkness. I hurriedly help tita putting her in the couch and shout some help to Manang Rosy, their family's trusted nanny.

"Manang give me a hand, please! Bring some first aid kit"
I shouted with fear. Dali-dali namang tumalima si Manang.

"Naku, iho! Pang ilan natong nangyari kay Maggie simula ng mawala ang kanyang unica hija, hijo" nag-alalang sabi ni Manang. I was not paying attention to what she said because I was busy browsing with my cellphone about the recent messages Scar and I shared when what Manang Rosy said rings a bell.

"Pakiulit nga ho yong sinabi niyo po"may halong kaba na tanong ko

" San? Ahhh.. Yong ikailan na tong nangyari kay Maggie ba iho? Nako, panglabingdalawa na sig... " hindi natapos ni Manang ang kanyang sasabihin dahil sumingit ako.

"No manang, yong pinakalast na sinabi niyo yong may namatay na, word? " hindi ko alam kung handa na ba akong makinig sa sasabihin ni Manang pero I've got a feeling na hindi ito maganda, di ko rin alam kung bakit kinakabahan ako at nanginginig na lang bigla, dahil ba excited ako kanina? Pero kanina lang iyon? Dahil ba sa pagkahimatay ni Tita? Dahil ba sa narinig pagsinungaling ni tita sa akin? O dahil ba sa narinig kong salitang namatay? Hindi ko alam kung ano dahilan? Maybe dahil hindi ko pa nakikita si Scar?

"Aaaahhhh.. "

Natigil saglit ang aking pagmumuni dahil kay Manang.

"Handa ka na ba talagang makinig hijo? Sa nakikita ko sa hitsura mo parang hindi pa? Baka mapano ka pa? " may halong lungkot at pag-alalang tinig ang sabi ni manang.

Hindi ko man sabihin kay manang ang nararamdaman ko but I guess my vulnerability is very visible from my eyes and my expression. Gusto kong humindi dahil alam kong hindi pa ako handa ngunit nanaig pa rin ang kuryosidad ko. Kaya imbes na magpadaig sa kaba at takot, I keep a straight face to cover my uncertainties. I masked a very strong facade to hide me fears.

"Handa po akong makinig Manang. I was born ready" determinasyon ang nanaig sa aking boses.

Inilagay muna ni Manang ang bimpo na ipinamunas niya kay Tita sa gilid ng sofa. Bago humarap sa akin. I was trembling to death but i keep on covering my fears at kunwaring nagce-celphone pero wala doon ang atensiyon ko.

"Hijo, anak, nagulat din ako 'nung nalaman ko ang lahat. Alam mo namang tinuri ko na ring anak si Iska( referring to Scar). Bata pa lang siya, tumutulong na ako sa pag-aalaga sa kanya. Naging malapit na rin ako sa kanya.. umiiyak na saad ni manang, binigyan ko siya ng panyo para pamahid ng luha niya, tinanggap naman niya ito. Tapos nagpatuloy sa pagsasalita.

Hindi ko lang inaasahan na isang araw... may nagbalita na lang sa amin na patay na si Iska.. Lumakas pa lalo ang hagulhol ni Manang. Sa pagkarinig ko lahat ng sinabi ni manang nabitawan ko ang cellphone. Wala akong pakialam. Huminto yong mundo and I was like shattered in pieces like what happen to my cellphone. I feel like my heart ripped apart and I cant do anything about it. I let tears escape in my pale cheeks like an ocean. No, this is not happening.

"No, manang. Alam kong nagsisinungaling ka! " may halong pait at sakit ang boses ko. Hindi ako naniniwala, alam kung buhay pa si Scar. Alam na alam ko at nararamdaman ko.

"Hijo, hindi ako nagsisinungaling.. Maniwala ka! Masakit din sa amin ito.. Noong araw na umalis siya patungong ibang bansa.. Sumabog ang eroplanong sinakyan niya dahil nagkaroon ng problema.. Akala namin wala na talaga si Scar noon at abo nalang ang aming nakita ngunit laking himala ng nakita siya ng mga rescuer. Noong nakita namin siya.... Nahihirapan si pagsasalita si Manang dahil sa kanyang iyak, i was still not convinced. My mind says it was a tricked but my heart is already ripping and broken into pieces. Ang sakit malaman na ang babaeng naging buhay mo ay wala na. Hindi ako nagsasalita dahil hindi ko kaya ngunit humihikbi pa rin ako. Sa bawat nalalaman ko siya ring unti-unting pagkadurog ko.

Noong nakita namin siya, hindi ako naniniwalang siya iyon. Yong mga mata niyang parang ang daming sinasabi ngunit hindi niya masabi. Ang katawan niyang parang bahay na nasusunog. Ang mukha niya... I wanted manang to stop but I cant. It's like my body is paralyzed and even if I convinced my body to move.. It can't. I was like a statue but my body is trembling so much, from being shattered, from so much pain, from knowing a melancholic truth, from everything. I feel like i was lost in the darkness not able to see the light again.

Ang mukha niya hijo, ang dating malaanghel niyang mukha... humahagulhol na si manang ngunit patuloy pa rin siya sa pagkuwento.

Parang hindi mo na siya makilala, parang.. durog na durog na hijo.. Hindi ako naniniwalang siya iyon.. Ngunit ngumiti siya hijo.. At sa ngiting iyon alam naming siya iyon. Siya lang ang may ngiting nagtataglay ng lahat ng emosyon.. Hindi pa kami lumapit noon dahil natatakot kami.. Natatakot kami ...na kapag lumapit kami.. mawawala siya.. Hindi ko na kaya ang sakit. Tinakpan ko ang mukha ko sa aking kamay. Hindi ko maiimagine ang paghihirap ni Scar. Ang sakit..parang tinutusok ng milyon-milyong karayom ang puso ko. Gustuhin ko mang patigilin si manang ngunit wala akong magawa kundi ang umiyak lang. Hindi importante sa akin ang hitsura ko ngayon. Wala akong pakialam.

Kahit hirap na hirap si Iskang gumalaw noon.. Sinenyasan niya kaming lumapit.. Kahit mahirap.. Tumatakbo kami noon.. Hindi namin kayang makita ang mukha at katawan niya pero binigyan niya kami ng isang nakakahawang ngiti.. Ako at si Maggie walang ibang ginawa kundi ang haplusin siya umiiyak.. Naalala ko pa sinabi ni Iska nun..

"Mahal.. na mahal...ko ka..yo"

Hirap na hirap siya sa pagsasalita ngunit.. Pinatuloy pa rin niya.

"Pa.. tawad.. ma, manang.. kung.. hanggang dito.. nalang ako"

Mas lalo kaming humihikbi noon gusto sana magsalita ni Maggie ngunit tinikom niya lang ang bibig niya pero humagulhol ng malakas.

"Sala.. mat.. at binigyan.. niyo.. ng pagkakataon na mabuhay.. salamat.. at minahal niyo ako.. Mahal na..mahal ko rin..kayo"

Umuubo siya hijo, umuubo ng dugo kaya nataranta kami tumawag kami ng doktor ngunit hinawakan niya ang kamay namin. Ngumiti siya ng totoo na siyang nagpaiyak pa sa amin lalo at may inabot sa amin.

"Pakisabi kay Philip... Mahal na mahal..ko siya..hanggang kamatayan"

Pagkasabi niya noon hijo... Pagkasabi niya noon bigla nalang pumikit ang mga mata niya at may ngiti sa labi. Wala kaming ibang narinig roon kundi ang linya ng monitor na malapit sa kanya. Ang sakit hijo, ang sakit!.. Naunahan pa niya ako. Ang sakit mawalan ng anak...

Ang tahimik na iyak ko ay naging maingay, hindi! Baka panaginip lang to . Buhay pa si Scar! Ngunit noong nakita kung tumayo si Manang at may inabot sa akin. Parang ayaw ko kuhanin yon. Hindi totoo ito! Ang sakit, parang pinipiga ang puso ko. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ang taong mahal ko.

Kaya tumayo ako, hindi kinuha ang sobreng inaabot sa akin at tumakbo, kahit nanlalabo ang mata ko. Tumakbo ako.. Palayo.. Sa lahat..

***
My Gas! 1763 words. Nakaya ko talaga to?
Ang sakit lang isipin na ang taong naging mundo mo ay wala na.. Nakakaiyak :'(

Sawrey talaga sa late update mga bes. School- oriented kasi si aketch. Hahahaha. Buhay studyante mahirap lalo na pag may thesis at least ngayon summer na. Yippie! Kaya malapit na rin itey matapos :-D

Happy reading!
God Speed :-*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top